17
CHAPTER 17
End
"Mom, Dad, nakapag-decide na po ako. Pupunta po ako sa America,"sabi ko sa parents ko.
Nakita ko ang gulat sa mga mukha nila. Hindi siguro nila inakala na papayag ako. Matagal ko nang pinag-isipan ito. At mas pipiliin ko ang pangarap ko kaysa sa kung ano man. Beside, mabilis lang naman ang panahon, hindi ko mamamalayan na pabalik na pala ako.
"Sigurado ka na ba, Lia?"tanong ni Mommy.
"Opo. Sigurado po ako,”sagot ko nang walang pag-aalinlangan.
"Paano si Dominique? Si Erich? Nasabi mo na ba sa kanila?"
Umiling ako. "Sasabihin ko rin po sa kanila. Alam ko naman pong maiintindihan nila ang desisyon ko."
Sa totoo lang, kinakabahan akong magsabi sa kanila. Natatakot kasi ako na magalit sila sa akin dahil biglaan ang pag-alis ko. Pero sigurado ako na maiintindihan ako ni Erich. Hindi ko lang alam kay Dominique. Kung magkataon man na magalit siya, hahayaan ko na lang. Mas mabuti nga yata iyon para hindi ako mahirapang umalis.
Mabilis na lumipas ang mga araw. At habang papalapit ang araw ng Year-end party ay mas lalo akong kinakabahan dahil doon ko balak sabihin kay Erich ang tungkol sa pag-alis ko. Magpapaalam na rin ako sa mga kaklase ko.
Alam na ng mga prof ko ang tungkol sa plano dahil nakausap na sila ng parents ko. Inaasikaso na rin ang mga requirements ko para madali akong makaalis.
"You look bothered. Are you okay?"Erich asked.
Magkasama kami sa mall ngayon para mamili ng damit na isusuot namin sa party.
"Huh? I'm fine,"I answered but she raised her eyebrows on me.
"Kanina mo pa tinititigan ang damit na hawak mo. Huwag ka ng magsinungaling, kilala kita kapag may iniisip ka. So, tell me, what's the problem?"she asked.
Kilalang-kilala talaga ako ng kaibigan. Pero hindi pa ako handang sabihin sa kanya. Baka masira ang mood niya sa party kaya pagkatapos na lang no'n.
"I'm fine. Iniisip ko lang kung bagay ba sa akin ang damit na 'to,"sabi ko.
Pinaningkitan niya ako ng mga mata pero hindi ko na siya pinansin. Nagkunwari akong abala sa paghahanap ng damit. Hindi na rin naman siya namilit kaya nakahinga ako nang maluwag.
Hinatid ako ni Dominique kanina dito sa mall at sabi niya babalikan na lang niya ako. Mahigpit niyang bilin na huwag akong aalis kaya naman magkasama namin siyang hinintay ni Erich. Bitbit namin ang mga pinamili na gagamitin namin sa party.
Natanaw namin ang papalapit na sasakyan ni Dominique at huminto ito sa harapan namin.
"O, ayan na siya. See you at the party tomorrow,"she said before hugging me.
Pinagmasdan ko siyang maglakad papunta sa kotse niya t'saka ako sumakay sa kotse ni Dominique. Inilagay ko sa back seat ang mga pinamili ko.
"Tomorrow is your Year-end party, right?"he asked.
"Yes. Why? Pupunta ka?"tanong ko rin sa kanya.
"Actually no. Kailangan kong um-attend sa meeting kasama ang mga employees namin. Magpasundo ka na lang sa driver niyo o sumabay ka kay Erich kasi baka hindi kita masundo,"bilin niya.
"Sure. Huwag mo na akong sunduin kapag late na kayo natapos. Ayos lang naman,"
"I'll try to fetch you tomorrow."
Napangiti ako. Minsan napapaisip na lang ako kung hindi ba siya napapagod kasusundo sa akin? Hindi ba siya nagsasawa sa ginagawa niya samantalang hindi naman kami.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil excited na ako sa party. Alas-dos pa naman mag-uumpisa dahil mag-aayos pa ng kanya-kanyang rooms. Nandoon na sa FSU ang mga napamili namin at kami na lang ang hinihintay.
My outfit for the party is a black long sleeves top and A-line skirt that came down to the knee. It defines my hourglass-shaped body. I matched it with my peep-toe heels. I curled my hair and tied it on one side before putting my make up.
I applied one-shade of eyeshadow before defining my eyes by putting an eyeliner. I also put a mascara on my eyelashes before I proceed on defining my cheekbones. My lips are in strong and full red lipstick then I'm done.
I took a one last glance at the mirror before I grabbed my nude pouch. Lumabas na ako ng kwarto at naabutan ko ang parents ko sa sala.
"Lia, you looked fabulous!" Mommy said when she saw me.
"Thanks mom. S'yempre sa 'yo ako nagmana,"sabi ko sa kanya at sabay kaming natawa. Nahinto lang nang lumapit sa amin si Daddy.
"Sinong maghahatid sa 'yo? Wala yata si Dominique ngayon?"tanong ni Dad.
I checked my phone if he messaged me and I'm right. I received one from him this morning. Hindi ko lang napansin dahil abala ako sa pag-aayos.
From: Dominique
Take care. Enjoy the party and don't forget to send me a picture of your look today.
Napangiti ako bago nag-send ng whole body picture sa kanya na kinuhaan ko kanina sa harap ng salamin.
From: Dominique
You're stunning. As always.
My heart beats faster than before. He never fails to make me feel beautiful always. Gosh!
"Kay Erich po ako sasabay ngayon, Dad. Parating na raw po siya,"sagot ko kay dad at saktong narinig namin ang pagtunog ng doorbell.
Lumabas na ako ng bahay at nakita si Erich sa tapat ng kotse niya. Gothic ang theme ng party nila kaya naman ang angas ng itsura niya ngayon.
She is sporting a black fitted cloth with see-through kind of collar underneath a black fitted blazer. Then she wore a black skinny jeans for her bottom matched with black boots.
"You're so gorgeous, Lia. Nakakainggit,"sabi niya at niyakap ako.
Natawa naman ako. "Maganda ka rin naman,"sabi ko.
Totoo naman iyon. Maganda si Erich. Siya iyong tipong kahit hindi naka-make up, makikita mo pa rin ang ganda niya. Mas payat siya sa akin pero sexy pa rin naman tingnan lalo na sa outfit niya ngayon.
"Sus, bolera,”sagot niya pabalik at sumakay na kami sa kotse niya.
Mabilis kaming nakarating sa FSU at marami na agad mga estudyante ang naroon. Iba-iba ang style ng mga suot na damit dahil na rin sa iba-iba ang theme ng bawat party. Napakaganda nilang tingnan.
"Paano,Lia? Kita na lang tayo mamaya,"sabi ni Erich.
"Sige. Enjoy!"I said before we parted ways.
Nagtungo na ako sa room at namangha dahil parang nasa ibang panahon talaga kami. Nilagyan nila ng wallpaper ang pader na kulay kayumanggi kaya naman nagbago ang atmosphere. Ang mga maliliit na chandelier din ay animong nagmula pa sa unang panahon pati ang mga kandila na nasa sulok.
Ang mga pagkain ay nakalagay sa makalumang gamit. Hindi ko alam kung saan sila nagtungo para makahanap ng mga ito pero alam kong grabe rin ang ginastos nila. Mabuti na lang talaga at malawak ang room namin kaya hindi kami magsisiksikan sa loob.
Idagdag mo pa ang mga kasuotan namin, I guess we did a great job again.
"This is absolutely beautiful, guys! And I'm sure mabigat din 'to sa bulsa,"sabi ni Maicca nang makapasok siya sa room. Nagtawanan ang mga kaklase namin dahil nag-umpisa na naman siya sa pagiging prangka niya. "Oh and by the way guys, may importanteng sasabihin daw si Lia."
Lahat sila ay napatingin sa akin. Nabanggit ko kasi kay Maicca no'ng nakaraan na may ia-announce ako sa party. Magpapaalam na ako sa kanila dahil ito na ang huling pasok namin ngayong taon, means hindi ko na sila makikita dahil aalis na ako.
"Guys, I'm going to states. Doon ko na itutuloy ang pag-aaral ko. I'm leaving by the end of this year,"I said.
I saw how their face became sad. Hindi ko man ka-close lahat ng narito, naging parte pa rin sila ng buhay ko rito sa FSU kaya mami-miss ko sila.
Damn! Hindi ko alam na ganito pala kahirap magpaalam.
Isa-isang lumapit sa akin ang mga naging kaibigan ko at niyakap ako. They are all wishing me a good life abroad.
"Why so sudden, Lia?"Rhian asked when she hugged me. I hugged her back.
"I'm sorry. Matagal na kasi itong nakaplano, ngayon ko lang naisipang sabihin,"sagot ko.
"I will miss you. Bumalik ka, ah?"sabi naman ni Janet.
"Of course. Babalik ako. Mag-aaral lang naman ako doon,"
Pagkatapos nila akong kausapin at yakapin ay nag-umpisa na rin ang party. Ituturing na rin daw nila itong despedida party ko. Nang bigla na lang may humila sa akin at iginiya ako palabas ng room. Si Tristan.
"Why do you have to leave?"he asked.
My forehead creased while looking at his sad face. Isa si Tristan sa mga naging kaibigan ko rito at pansin ko ang ibang pakikitungo niya sa akin. Kaibigan ko siya pero hindi naman kami madalas mag-usap kaya naman hindi ko maintindihan kung bakit ganito siya ngayon.
"I will study abroad. Matagal nang plano ito at ngayon ko lang sinabi dahil ayaw kong mahirapan din kayo,"sabi ko.
Bigla na lang niya akong niyakap. I understand, alam kong nalulungkot din ang lalaking 'to.
"I'll miss you. Ingatan mo ang sarili mo doon,"bulong niya.
Tumango ako at tinapik ang likod niya. “Oo, naman. Ikaw rin, mag-iingat ka.”
Bumalik na kami sa loob pagkatapos naming mag-usap. Nag-uumpisa na pala silang maglaro. Since, hindi naman na kami high school students ay mas mature ang nilalaro nila. Hindi na lang ako nakisali kahit pa tawagin akong kj. Ako na lang ang nag-distribute ng mga prize doon sa nanalo.
Kasalukuyan nilang nilalaro ang pasahan ng cards gamit ang bibig. Ang twist, hindi nila kakagatin ang card, kailangan gamitin nila ang labi nila at ng partner nila para maipit ang card. Iyon nga lang, kapag nahulog ito p'wedeng aksidente silang mag-kiss. Alternate pa naman ang arrangement ng pila nila.
Nanonood ako sa kanila at nakita kong nang nasa labi na ni Gary ang card ay sinadya niyang ihulog iyon bago siya humarap kay Audrey. Shit! Their lips smashed to each other that made everyone gasped.
Agad na tumakbo palayo si Gary at hinabol naman siya ni Audrey.
"Walanghiya kang lalaki ka! Bastos! Manyak! Kapag naabutan kita, paduduguin ko 'yang labi mo!"sigaw ni Audrey at pilit na hinahabol si Gary.
Natawa na lang ako sa kanilang dalawa. Daig pa ang aso at pusa. Hindi na ako magtataka kung pagbalik ko ay nagkatuluyan na sila.
The party ended at seven in the evening. Nagpunta na ako sa parking lot at wala pa doon si Dominique. Siguro hindi niya ako masusundo kaya kay Erich muna ako sasabay. Sakto namang nakita ko si Erich na papalapit sa akin.
"Lia! Ano 'tong nalaman ko na aalis ka raw?"bungad niya sa akin at napabuntong hininga ako.
"Balak ko talagang sabihin sa 'yo ang tungkol diyan. Pupunta ako sa states para doon mag-aral. Aalis na ako bago matapos ang taon,"
Her eyes swam in tears while looking at me. I hugged her and then she cried more.
"Ang daya mo naman. Hindi ako prepared...gusto man kitang pigilan, hindi naman ako gano'n ka-selfish, 'no. Mag-ingat ka doon t'saka huwag mo akong ipagpapalit, ah,"sabi niya.
Pati tuloy ako naiiyak na. This is a heart-clenching scene. Nagi-guilty ako na pinapaiyak ko siya ngayon samantalang palagi niya akong pinapasaya.
"Don't worry, I'll call you. Hindi rin kita ipagpapalit dahil ikaw ang pinakamatalik kong kaibigan. Huwag ka nang umiyak,"sambit ko at niyakap siya.
"Ikaw kasi,eh! Nagulat na lang ako na aalis ka na! Ihahatid kita sa airport-
Napahinto siya sa pagsasalita kaya humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Nanlalaki ang kanyang mata habang nakatingin sa bandang likuran ko. Nilingon ko kung sino ang tinitingnan niya at maging ako ay nagulat nang makita si Dominique.
Blangko ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Naka-office attire pa siya kaya nanggaling pa siguro siya mula sa meeting at dumiretso agad dito.
Shit! Narinig niya ba ang usapan namin ni Erich?
"Dominique, hindi ka nag-text na tapos na ang meeting mo,"sambit ko na lang dahil hindi pa siya nagsasalita. Mas lalo akong kinakabahan dahil tahimik siya. Hindi ko alam kung anong dumadaloy sa kanyang isip.
"Ah, Lia sasabay ka pa ba sa akin?"tanong ni Erich.
Umiling ako at nilingon si Erich. She looked at me and mouthed 'I'm sorry'. Nginitian ko lang siya.
"Mauna ka na. Ingat ka,"sabi ko at muli siyang niyakap. Pinagmasdan ko ang papalayo niyang kotse at bumuntong hininga bago hinarap si Dominique.
"Let's talk,"
Oh shit! This is it!
_________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top