16
CHAPTER 16
Decide
Ganito pala ang pakiramdam ng magmahal nang hindi patago. Iyong kaya mo nang ipakita at iparamdam sa taong mahal mo ang pag-ibig mo. Iyong hindi ka na mag-aalala na baka lumayo siya dahil alam mong mahal ka rin niya.
Anong pakiramdam? Masaya. Kontento. At magaan.
Dalawang araw lang ay na-discharge na ako sa hospital dahil mabilis ding naghilom ang mga sugat ko. At ngayon ay papasok na ako sa university dahil nagpaplano na ang lahat ng estudyante para sa gaganaping Year-end party.
Sinundo ako ni Dominique sa bahay at talagang ibinilin niya sa parents ko na huwag akong paaalisin nang mag-isa. Alam kong natatakot na siyang maulit ang mga nangyari kaya doble ang pag-iingat niya sa akin. Natatakot din naman ako pero kapag kasama ko si Dominique ay nawawala lahat nang iyon at napapalitan ng saya.
“What time is your dismissal?"He asked when he parked the car.
I shrugged because I don't know. Baka wala naman kaming masyadong gawin dahil nga preparation ng Year-end party namin.
“I don't know. I'll just text you,"I said.
His brows knitted like he was thinking of something. Napakaseryoso na naman ng mukha ng lalaking 'to.
“I'll fetch you at three. Huwag kang uuwi nang mag-isa,"sabi niya kaya tumango ako.
“Noted. Sige una na ako,"sagot ko.
Bababa na sana ng kotse niya nang hilahin niya ako sa braso at naramdaman ko na lang ang labi niya sa mga labi ko. Nanlalaki ang mga mata ko at nag-iinit ang pisngi kaya hindi ako agad naka-react. Mabilis na halik lang iyon kung tutuusin pero grabe ang epekto sa akin.
“Take care,"he whispered before letting me go.
Hindi na ako sumagot at bumaba na lang ng sasakyan niya. Damn you, Dominique! Why are you doing this to my heart?
Dumiretso ako sa room at nandoon na ang iba kong kaklase. Bawat course din kasi ang pagpaplano ng party kaya naman hindi ko ulit makakasama si Erich. Kami na rin ang mag-iisip kung anong theme ang gusto namin.
“So, guys! I suggest na vintage theme ang party natin,"sabi ni Maicca. Siya ang pinakanag-aassist ng klase na 'to dahil miyembro siya ng student council.
Mabilis na sumang-ayon ang ibang mga kasama namin. Iyong iba ay talagang nagustuhan ang idea na iyon habang ang iba naman ay sumang-ayon lang dahil tinatamad na mag-isip ng ibang ideas. At s'yempre dahil napagkasunduan na nga iyon ay nag-umpisa nang mag-assign ng mga gawain.
“So, hahatiin ko kayo sa apat na groups,"panimula ni Maicca at kinuha ang master lists namin. “Ang unang group ang naka-assign sa pagde-decorate pero s'yempre ambagan tayo sa gastos. Ano kayo sinuswerte?"biro ni Maicca at nagtawanan kaming lahat.
“Sila lang ang maglalagay. Ang pangalawang group naman ang nakaassign sa pagkain. Oh, nagnininginig agad ang mata no'ng isa diyan!"sigaw niya pa doon sa nasa likod at nagtawanan ulit ang lahat, “Basta pagkain talaga. Iyong pangatlong group naman ang mag-iisip ng games at sila na rin ang bahala sa prizes. Then yung last ang nakaassign sa paglilinis pagkatapos ng party. So, good luck sa last group,"
Napailing na lang ako dahil puro kalokohan 'tong si Maicca pero maaasahan naman siya pagdating sa ganito. Talagang sinusunod kasi ng mga kaklase namin ang inuutos niya. She will be a great leader someday.
“Usapang funds naman! O, pag-usapang funds nagyuyukuan kayo. Ililista ni'yo lahat ng magagastos ninyo t'saka natin paghahatian para fair share. Ang hindi mag-ambag, hindi pupunta sa Year-end party. Doon siya sa labas ng FSU!"bulyaw ni Maicca at may sinulyapan sa gilid. “So, igugrupo ko na kayo,"
Nag-umpisa na siyang magtawag ng mga magkakasama sa grupo. Hinintay kong mabanggit ang pangalan ko at sa pangalawang group ako natawag. So kami ang naka-assign sa pagkain. Nilapitan ko ang mga kagrupo ko para makapagplano na kami.
“Umpisahan niyo nang magplano, guys. Next week na ang party kaya dapat medyo bilisan natin ang pagkilos. Salamat!"sabi pa ni Maicca bago siya nagtungo sa mga kagrupo niya.
Fifteen kami sa grupo kaya naman mas marami ang makakapag-isip ng kung anong mga pagkain ang dadalhin. Tama nga ako dahil wala pang isang oras ay natapos na namin ang listahan ng mga pagkain. Kailangan na lang naming i-check ang price ng mga iyon sa supermarket o kaya naman ay sa palengke. May mga nilista kasi kaming nabibili na agad sa labas at mayroon ding kailangan kami mismo ang magluto.
“So, hatiin natin ito para mas madali ang paghahanap ng mga ingredients at pag-check ng price. P'wedeng sa weekend na natin tingnan pero kung gusto ni'yo sa uwian okay lang naman,"sabi ni Joyce sa amin.
Muli kaming hinati sa iba't ibang klase ng pagkaing bibilhin. Ngayon tag-lima na lang kami. Kaming group nila Audrey, Tristan, Gary, at Rhian ang magkakasama sa grupo ng desserts.
“Guys, p'wedeng tuwing uwian na lang tayo pumunta sa supermarket? Hindi kasi ako p'wede kapag weekend,"sabi ko agad sa kanila.
Every weekend kasi ay nagtutungo ako sa planta nila Dominique. Ayaw ko namang ipagpalit iyon dahil nga sinusulit ko ang araw na kasama ko si Dominique.
“Sure. Gusto mo mamaya na agad?"tanong ni Tristan at pumayag naman ako agad.
“Kita na lang tayo sa parking lot mamaya para sabay-sabay na tayo pumunta sa supermarket,"sabi naman ni Audrey.
Naalala ko tuloy na susunduin pala ako ni Dominique. Siguro naman papayagan niya ako dahil kaklase ko naman ang mga kasama ko. Hindi naman siguro siya sasama sa akin 'di ba?
“Lia! I'm really really sorry. Siguro kung nasabihan kita agad na a-absent ako n'on sana nakapagpasundo ka pa, sorry talaga,"saad ni Erich habang niyayakap ako.
Ngayon lang ulit kami nagkita dahil may sakit pa siya no'ng mga araw na nasa hospital ako. Agad ko siyang nginitian dahil hindi naman ako galit sa kanya.
“Hey, huwag mong sisihin ang sarili mo okay? Ayos naman na ako,"sabi ko at hinagod ang likod niya para hindi na siya malungkot.
“Hindi na talaga mauulit, promise. Kapag absent ako, ako na mismo ang tatawag kay Dom para sunduin ka,"
Pabiro ko siyang inirapan dahil nang-aasar na naman siya. Akala ko pa naman kung anong sasabihin, babanggitin lang pala si Dominique.
Hayst. Mami-miss ko si Erich. She's always been by my side whenever I need her. Nariyan siya para pakinggan ang mga rants ko sa buhay. At alam kong masasaktan siya kapag nalaman niyang aalis ako. Ngayon pa lang nalulungkot na ako paano na kaya kung nasa abroad na ako?
“I will miss you,"I blurted out before I could stop myself.
Her forehead creased like she was confused on what I said.
“Why? Magkikita pa naman tayo bukas, mami-miss mo ako agad? Matagal pa tayong magkakasama, 'no. Pero sige na nga, I'll miss you too, Lia."
Bumuntong-hininga ako at ngumiti sa kanya. Kung alam mo lang Erich.
Nang mag-uwian ay nandoon na nga agad si Dominique sa parking lot at hinihintay ako. Pinapasadahan niya ng tingin ang mga estudyanteng palabas ng FSU na para bang tinitingnan kung isa ako sa mga iyon.
“Lia!"
Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita si Tristan. Nakangiti siyang lumapit sa akin.
“Sabay ka na sa akin papuntang supermarket. Nauna na sila Audrey doon,"sabi niya at biglang napasulyap sa likuran ko.
Hindi ko na kailangan lingunin kung sino ang nasa likuran ko dahil naamoy ko na agad ang pamilyar na pabango nito. Humarap ako at sinalubong ang seryosong tingin ni Dominique.
“Ahm, Dominique pupunta kasi kami sa supermarket para magtingin ng pagkain. Hindi naman ako mag-isa, kasama ko ang mga groupmates-
“Sasamahan kita." Putol niya sa sinasabi ko kaya bahagyang nanlaki ang mga mata ko.
“Sigurado ka?"tanong ko at tumango lang siya bago sinulyapan si Tristan.
“Sa akin siya sasabay. Mauna ka na doon at susunod na lang kami,"sabi ni Dominique kay Tristan.
Sinulyapan ako ni Tristan at alanganin akong ngumiti sa kanya. Ano kayang iniisip niya ngayon? At saka ano na lang sasabihin ng mga kagrupo ko kapag nakita nilang kasama ko si Dominique.
“Let's go,"Dominique said before guiding me to his car.
Seryoso pa rin ang mukha niya habang nagmamaneho. Kaya naman inabot ko ang kamay niya nasa kambyo at hinawakan iyon. Narinig ko siyang bumuntong-hininga kaya napangiti ako.
“Sasama ka ba sa loob? O gusto mong maghintay dito?"tanong ko nang makapagparada siya sa parking lot ng mall.
“I'll go with you,"he answered and I nodded. Wala naman akong magagawa kung gusto niyang sumama sa loob.
Sabay kaming pumasok sa loob ng mall at pansin ko na may nakasunod sa aming dalawang naka-unipormeng mga lalaki. Natatandaan ko na ganyan din ang itsura noong mga taong bumugbog sa mga humahabol sa aking lalaki.
“Bakit may sumusunod sa atin?"tanong ko kay Dominique.
“They are my bodyguards. Are you feeling uncomfortable?"He asked and I nodded.
Hindi kasi ako sanay ng may nakasunod sa amin. Napa-paranoid ako, pakiramdam ko ay kukunin nila ako anumang oras.
Nilingon ni Dominique ang bodyguards niya at agad silang nagsialis. Ang galing naman, nakuha agad nila ang gustong sabihin ni Dominique.
Alam kong nasa paligid lang sila, ayos na iyon at least hindi sila nakasunod sa amin. Dumiretso na kami sa supermarket at nakita ko na doon ang mga kagrupo ko. Hinihintay nila ako sa may entrance.
“Nandyan na si Lia,"sabi ni Rhian nang matanaw ako. Napatingin din sila kay Dominique na nililibot ng paningin ang paligid.
Hindi ko alam kung ipapakilala ko ba sila sa isa't isa. Siguro huwag na lang, tutal kilala naman nila si Dominique. Sino bang hindi nakakakilala sa lalaking 'to? Eh, siya ang susunod na Mayor ng Felice.
“Halika na. Para maaga tayong matapos,” sabi ko at niyaya na sila papasok.
Agad na tumabi sa akin sila Audrey at Rhian habang nasa unahan namin si Tristan at Gary. Si Dominique naman ay nakasunod lang sa amin.
“Hindi ko naman alam na dapat may jowa na kasama. Edi sana isinama ko 'yong akin,"sabi ni Audrey kaya natawa kaming dalawa ni Rhian.
Bigla namang lumingon si Gary at sinulyapan si Audrey. “Bakit may jowa ka ba?"
Audrey glared at him. “Wala! Bakit gusto mong mag-volunteer?"
“No, thanks,”sagot naman ni Gary.
Ngayon ko lang napansin na ang cute tingnan ng dalawang 'to. Si Audrey kasi ay napakapikunin at si Gary naman ang mapang-asar. I think they will be a cute couple.
Tumigil din sa pag-aasaran ang dalawa nang sawayin sila ni Tristan. Parang biglang sumama ang mood ni Tristan. Ano kayang nangyari sa kanya?
Nagtitingin ako ng mga chocolates na gagamiting ingredients nang mapansin kong kinuhaan ako ng picture ni Dominique.
“Hey! Delete that,"I said but he just put his phone back to his pocket.
“Nope. You looked cute whenever you're serious,"he said and I just rolled my eyes at him.
Narinig ko naman ang pang-aasar nila Rhian at Audrey sa akin.
“Sana lahat. Hayst,"bulong ni Audrey kaya natawa ako.
Kung alam lang nila. Hindi ko naman boyfriend si Dominique. Wala kaming label pero ang sweet namin sa isa't isa kaya naman napagkakamalan kaming may relasyon.
“So, nakapagtingin na tayo. Next time na magpunta tayo rito bibilhin na natin ang mga 'yon. Maghanda na lang din kayo ng mga pera ni'yo para kung kulangin ay may mahuhugot tayo,"sabi ni Tristan at sumang-ayon kaming lahat.
“Puwede na bang umuwi?"tanong ni Rhian.
“Since wala na tayong gagawin, p'wede na kayong umuwi. Ingat kayo,"sabi ni Tristan.
Nagpaalamanan muna kami bago kami naghiwahiwalay ng landas. Magkasama kami ni Dominique na nagtungo ng parking lot.
“Thank you. Mag-ingat ka sa pagmamaneho,"sabi ko sa kanya nang makarating kami sa bahay.
I kissed him on the cheek before going out from his car. Hinintay kong makalayo siya bago ako pumasok sa loob ng bahay.
Agad kong nilapitan ang parents ko na nasa sala. May sasabihin kasi ako sa kanila. Importanteng bagay.
“Mom, Dad, nakapag-decide na po ako."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top