15
CHAPTER 15
Priorities
Ang sabi nila, nalalaman mo lang na mahalaga ang isang bagay kapag huli na ang lahat. Kaya nga nabuo ang kasabihang, nasa huli ang pagsisisi. Dahil wala namang nagsisisi sa umpisa,'di ba? Wala namang nagsisisi muna bago gawin ang isang bagay.
Pero para sa 'kin, dapat kahit anong gawin mo, hindi mo pagsisisihan ito. Dapat pag-isipan mo na lang muna ang isang bagay bago mo subukan para wala kang pagsisihan.
Nagmulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang puting kisame. Alam ko na agad kung nasaan ako. Sa hospital.
“Lia! Salamat at gising ka na.” Nilingon ko si Mommy nang marinig ko ang boses niya. Umiiyak siya at nasa tabi niya si Dad na pinapakalma siya.
“May masakit ba sa 'yo? Tatawagin ko ang doktor,"sabi naman ni Dad at lumabas na ng kwarto.
Nilapitan ako ni Mommy at maingat na hinawakan ang kamay kong may nakakabit na dextrose.
Bakas na bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Hindi ko tuloy maiwasang ma-guilty. Pakiramdam ko puro stress na lang ang ibinibigay ko sa kanila ni Dad.
“Anak, nag-alala kami nang sobra sa 'yo. Nang tumawag si Dominique at sinabing nandito ka, halos paliparin na ng Daddy mo ang kotse makarating lang kami agad dito. Hindi ko kaya kung mawawala ka sa amin." Umiiyak na sambit ni mommy.
Nasasaktan ako kapag nakikitang umiiyak ang mga magulang ko. Lalo na kung dahil sa akin. Ayaw kong nalulungkot sila.
Bumalik na si Dad kasunod ang doktor na namukhaan ko. Si Doctor Matteo. Grabe, no'ng nakaraan lang nakita ko siya dahil kaibigan siya ni Dom, ngayon doktor ko na siya.
Nagsagawa siya ng check up sa akin. Nang matapos ay t'saka niya hinarap ang parents ko.
“Wala namang major damage na nangyari sa pasyente. Masuwerte siya at puro sugat at pasa lang ang natamo niya. Pero magsasagawa pa kami ulit ng ilang tests para masigurong wala siyang internal damage,"saad ng doktor sa mga magulang ko.
Tumango si Dad. “Salamat, Doc."
Lumabas na ulit ang doktor kasabay nang pagpasok ni Dominique. Napalingon sa kanya sina Mom at Dad.
Dominique looked so tired. Nangingitim ang ilalim ng mga mata niya na parang magdamag siyang gising. Maging ang kanyang buhok ay bahagyang magulo na para bang ilang beses niyang pinasadahan iyon ng kanyang kamay.
“Dominique, ano ba talagang nangyari? Bakit hinayaan mong bumiyahe mag-isa si Lia? Akala ko ba ikaw ang nagsusundo sa kanya?"sunod-sunod na tanong ni Mommy sa kanya.
Sinulyapan ni Dominique ang parents ko bago niya ako tiningnan. Namungay ang mga mata niya na parang naaawa siya sa akin. Hindi ko naman siya sinisisi sa nangyari. Kasalanan ko naman 'yon. Kung hindi ko sana pinairal ang pride ko, hindi mangyayari ito.
“Mom, wala po siyang kasalanan. Ako po ang nagpumilit na hindi sumabay sa kanya,"pag-amin ko. “P'wede niyo po ba kaming iwan muna?"
Kita kong parang ayaw pa akong iwan nila Mommy pero lumabas pa rin sila ng kwarto. T'saka lang ako nilapitan ni Dominique nang makalabas ang magulang ko. Gusto kong umupo kaya inalalayan niya ako agad at siya na rin ang nag-adjust ng higaan ko.
Pinakatitigan ako ni Dominique bago siya nagsalita.
“I'm sorry. Dapat sinundo kita. Hindi ka sana umuwi mag-isa. Hindi ka sana napahamak. Sorry-
“Dominique,"tawag pansin ko sa kanya dahil kung ano-anong sinasabi niya. Tumingin siya sa akin, “Wala kang kasalanan. It's my fault. Kung hindi ako umiwas sa 'yo, hindi sana nangyari 'to."
“So, you're really avoiding me? But why?"he asked.
Napayuko ako at nilaro ang kamay ko. Hindi ko siya kayang tingnan habang sinasabi ko ang mga gusto kong sabihin.
“Because I'm scared...natatakot ako sa nararamdaman ko.” Tanging sabi ko.
“Saan ka naman natatakot? Tell me,”
I sighed. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ito pero nandito na, e'. Wala na akong takas kanya.
“Natatakot akong mahulog sa 'yo dahil alam ko namang hindi mo ako sasaluhin. Alam ko namang hindi mo ako gusto, kaya nga pinipigilan ko itong nararamdaman ko. Pero hindi ko talaga kaya...mas nasaktan lang ako nang lumayo ako sa 'yo... I'm sorry, I can't do anything to stop this..."
Hindi kumibo si Dominique. Hindi rin ako nag-angat ng tingin. Hinahanda ko na ang sarili ko sa muli niyang pang-re-reject sa akin. Handa na akong ma-friendzoned ulit.
“You don't have to be afraid of falling in love because from now on, I'm going to catch you,"he said that made me look at him. He's staring to my eyes and I could feel that he is sincere.
“Nang dahil sa nangyari, nalaman ko na hindi ko pala talaga kayang mawala sa 'kin. Hindi ko kaya kung may mangyaring masama sa 'yo at wala akong nagawa para iligtas ka. Natakot ako na baka hindi na kita makasama. Kaya simula ngayon, poprotektahan na kita sa abot ng makakaya ko. Hindi na kita iiwan,"maramdaming saad ni Dominique.
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Nananaginip ba ako? O baka naman nauntog ako nang malakas kaya kung ano-anong nai-imagine ko.
“P-pero takot kang makipagrelasyon. May nakapagsabi sa akin na kapag ikaw ang naging Mayor ng lugar na 'to, ayaw mong magkaroon ng girlfriend o asawa,"sabi ko.
“Oo natatakot ako noon. Pero handa na akong gawin ang lahat para makasama ka. Kahit pa talikuran ko ang bayang 'to-
“Yan ang huwag na huwag mong gagawin Dominique. Huwag mong ipagpapalit ang pangarap mo para sa akin. Huwag mong hayaan na hadlangan ng pag-ibig na 'yan ang mga pangarap mo. Gusto kong maabot mo ang mga 'yon. At huwag mong tatalikuran ang bayan na 'to. Kailangan ka nila,"
Ayaw kong piliin niya ako kaysa sa pagiging Mayor niya. Dahil kapag ako ang pinapili, alam kong hindi ko ipagpapalit ang pangarap ko. Ayaw kong masaktan siya sa oras na umalis ako at magsisi siya na ako ang pinili niya. Hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal ni Dominique dahil hindi ko siya kayang ipaglaban. Hindi ko pa kaya.
“Pangako, hindi ko tatalikuran ang bayan na 'to dahil magkasama nating aabutin ang mga pangarap natin. Dito ka lang sa tabi ko, poprotektahan kita,"sabi niya at maingat akong niyakap.
Siguro kailangan ko nang sulitin ang mga panahong kasama ko sila. Isang buwan na lang at magtutungo na ako sa States. Balak kong sabihin kay Dominique kapag nakahanap na ako ng tyempo. Sa Year-end party ko naman balak sabihin sa mga kaklase ko sa FSU ang plano ko. Maging kay Erich ay doon ko na sasabihin.
“Dominique, ngayon na umamin na tayo sa isa't isa. Ano na tayo ngayon?"tanong ko pagkatapos ng sandaling katahimikang namayani sa aming dalawa.
Huminga nang malalim si Dominique na parang nag-iisip siya ng isasagot sa tanong ko.
“Masaya tayo. Iyon ang mahalaga, masaya tayo sa isa't isa,”sagot niya.
Kahit na hindi iyon ang inaasahan kong sagot ay nakontento pa rin ako. Kahit pa walang kasiguraduhan kung ano ang estado ng relasyon naming dalawa. Ang mahalaga, alam kong may nararamdaman din siya sa akin. Wala na akong hihilingin pa.
Bumalik na sila Mom at Dad sa kuwarto. Agad na tumabi sa akin si Mommy habang sa Daddy ay nakatayo lang sa may gilid ng kama.
“Ma'am, Sir, pasensya na po sa nangyari sa anak ni'yo. Huwag po kayong mag-alala, hindi ko na siya pababayaan,"sabi ni Dominique.
“Salamat, Iho. Sana ay tuparin mo na iyang sinabi mo. Ipagkakatiwala ko sa 'yo si Camellia,"sabi ni dad sa kanya.
“Hindi ko po sisirain ang tiwala ni'yo,”sagot ni Dominique at sumulyap sa akin.
Nagpaalam si Dominique na lalabas muna para asikasuhin ang pagsampa ng kaso sa mga lalaking gumawa nito sa akin. Nagpresinta kasi siya na siya na ang mag-aasikaso n'on kahit na gustong tumulong ng parents ko.
“I can see that he loves you. And I know that you love him, too. Pero sana hindi makahadlang iyon sa mga bagay na dapat mong iprayoridad sa buhay, anak,”makahulungang sambit ni Dad sa akin.
Priorities. We all have priorities in life. Sa katulad ko, priority ko ang makatapos ng pag-aaral at maabot ang mga pangarap ko. Nais ko munang tuparin iyon bago ako magbago ng prayoridad sa buhay.
________________
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top