13
CHAPTER 13
Busy
Mabilis na lumipas ang mga araw at iniiwasan ko pa rin si Dominique. Kung ano-anong dahilan na ang nasabi ko sa kanya para lang hindi ako sumabay sa kanila pag-uwi. Hindi ko alam kung nahahalata niya na ba pero mukhang wala naman siyang pakealam. Hindi rin naman siya nagtatanong sa akin.
Mas mabuti na iyon para mas madali sa akin ang umiwas. Pero alam kong darating ang araw na kukulitin niya ako. Katulad ng araw na 'to. Wala siyang tigil sa katatawag at kate-text.
From: Dominique
Can we talk? I missed you.
From: Dominique
Still busy?
From: Dominique
Can you see me at the parking lot? Just want to see you.
Hindi ako nag-reply sa kahit na anong texts niya. Pinaninindigan ko kasi na busy ako sa mga school works kahit wala naman talaga akong ginagawa. Narito lang ako nakatambay sa may library at hinihintay si Erich.
May inaasikaso kasi siya sa department nila kaya nag-overtime siya. Ayaw ko namang maghintay ulit sa parking lot dahil makikita ko lang sila Sabelle at Dominique doon.
Nang mainip ako kahihintay ay lumabas na ako ng library at pupuntahan na sana si Erich pero nagulat ako sa kung sino ang naghihintay sa labas. Nagkasalubong ang tingin namin at ayan na naman ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi man lang nabawasan. Mas lalo lang lumala dahil nami-miss ko na rin siya.
“Dominique,"banggit ko sa pangalan niya. Hindi ko kasi inakala na nandito siya.
“Hindi ka na ba busy? P'wede na kitang isabay pauwi?"tanong niya.
Lumingon-lingon ako sa paligid at nakitang wala na masyadong mga estudyante. Madilim na rin ang paligid, hindi ko namalayan na gano'n na ako katagal na naghihintay kay Erich.
“Hinihintay ko pa si Erich, e'. Dapat hindi ka na pumunta rito,"sabi ko at nauna nang maglakad palayo.
Sinundan niya ako kaya hindi ko na alam kung saan pupunta. Nasaan na ba kasi si Erich? Napakatagal naman niya.
Napahinto ako sa paglalakad nang hawakan niya ang siko ko. Hinarap niya ako sa kanya.
Kumalabog ang dibdib ko sa kanyang ginawa at para akong hihimatayin anumang oras. Hindi ko naman kasi inaasahan na nandito siya at magtatanong ng ganyan.
“Are you avoiding me?"He asked while staring directly into my eyes.
“No. Bakit naman kita iiwasan? Marami lang talaga akong ginagawa. Kung ikaw hindi busy, p'wes ako busy,"sagot ko.
“I don't know, Camellia. Simula no'ng nagpunta ka sa planta, hindi ka na sumabay sa akin pauwi. Mas maaaga ka na ring umaalis ng bahay niyo. Bakit pakiramdam ko, lumalayo ka? And don't give me the reason that you're busy. I've been staring at you for hours in the library, wala ka namang ginagawa kundi titigan ang mga text ko sa 'yo."
Natahimik ako. Hindi ko kasi alam kung ano pang sasabihin ko sa kanya. Parang kahit anong isagot ko, hindi na niya paniniwalaan. Idagdag mo pa ang mga mata niya na parang ang lungkot. Normal lang ba na ganyan ang maging reaksyon ng isang kaibigan?
“Hindi nga kita iniiwasan. Hindi rin ako lumalayo. Busy lang talaga ako,"sabi ko at aalis na sana ulit pero hinila na niya ako papuntang parking lot. “Ano ba, Dominique? Hinihintay ko si Erich, sa kanya ako sasabay pauwi."
Pero hindi niya ako pinakinggan. Binuksan niya ang front seat ng sasakyan at bahagya akong itinulak papasok. Wala akong choice kundi sumunod. Itanggi ko man, alam kong gusto ko ring sumama sa kanya. Nami-miss ko na siya. At parang mas pinahihirapan ko lang ang sarili ko sa pag-iwas ko sa kanya. Kaya pagbibigyan ko muna ang sarili ko ngayong gabi. Ngayon lang.
I-t-in-ext ko na lang si Erich na nauna na ako dahil baka hanapin niya pa ako.
“Are you mad?"He asked but I remained silent. “I'm sorry. Just let me drive you home today. Bukas, kay Erich ka na ulit sumabay kung gusto mo."
Hindi ako kumibo at nanatiling nakatingin lang sa labas. Paghinto ng kotse sa tapat ng bahay namin ay agad din akong bumaba. Pumasok ako sa loob at doon ko siya tinanaw habang papalayo. Bakit ba lagi na lang ganito ang eksena namin? May isang naiiwan at ang isa ay lumalayo.
“You've been standing there for ten minutes already, Lia. Wala na si Dominique pero tinatanaw mo pa rin siya,"
Napalingon ako kay mommy na nasa likuran ko na pala. Sa sobrang dami kong iniisip, hindi ko namalayan na kanina pa ako nakatanaw sa kung saan naglaho si Dominique.
I hugged my mom. I really need her advice now. Hindi ko na alam ang gagawin.
“You're in love. Pero bakit parang ang lungkot ng mukha mo? Dapat kapag nagmamahal ka, masaya ka. Kasi hindi lahat ng tao marunong magmahal,"sambit ni Mommy at hinaplos ang buhok ko.
Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha ko. Hindi ako humihikbi pero parang ilog ang pag-agos ng aking luha. Sabi nila, mas masakit daw kapag tahimik ang pag-iyak. Totoo nga siguro 'yon.
“Hindi niya ako gusto, Mommy. Wala naman akong pag-asa sa kanya. He just sees me as a friend,"I muttered.
“Really? He told you that? But that's not what I see whenever he looks at you. He cares for you, anak. Siguro hindi niya pa nare-realize ang halaga mo sa kanya pero sigurado ako na mahalaga ka sa kanya,"sabi ni Mommy.
“Sana nga, Mom. Pero ayaw ko na pong umasa. Masakit po, e'.”
“Dalaga ka na talaga, Lia. Nagmamahal ka na. Pero gusto ko lang malaman mo na, parte ng pagmamahal ang masaktan. Kung hindi ka nasasaktan, ibig sabihin hindi ka nagmamahal. Sana naiintindihan mo, anak."
Tumango ako. Hinayaan na ako ni Mommy na umakyat sa kwarto ko. Agad akong nagbihis at nahiga sa kama. Sana bukas, hindi ko na siya gusto. Sana bukas, hindi na ako nasasaktan.
“So, anong nangyari kagabi? Na-late lang ako ng uwi, nasundo ka na agad ni Dominique,"parang nagtatampong sabi ni Erich.
Magkasama kami ngayong lunch break dahil gusto niya raw makibalita sa nangyari kagabi. Ito talagang kaibigan ko gusto laging updated sa mga nangyayari sa buhay ko. Pero siya, inililihim ang tungkol sa love life niya.
“Wala namang nangyari. Hinatid niya lang ako,"sabi ko.
“Sus. Ilang araw kang hindi sumabay sa kanya tapos gano'n lang? Wala man lang I miss you. I love you,"
Kinunutan ko siya ng noo. “Nag-text siya ng 'I missed you' sa akin pero walang I love you. Hindi naman niya ako mahal,"sabi ko.
“Lia, mahal ka naman niya. As a friend nga lang,"sabi ni Erich na hindi ko alam kung nang-aasar ba o nagsasabi lang ng totoo.
Alam ko na nga. Hindi na kailangan ipamukha sa akin. Kaibigan lang ako. Wala nang hihigit pa roon.
Nang mag-uwian ay sumabay na ako kay Erich pauwi. Mabuti na lang at hindi na niya ako pinaghintay. Pagkauwi sa bahay ay nasa sala na ang mga magulang ko.
“Lia, pwede ka ba naming makausap?"tanong ni Mommy.
Tumango ako at umupo na rin sa sofa. Parehong seryoso ang mukha ng parents ko kaya batid kong may sasabihin silang mahalaga. Kung ano man 'yon, kinakabahan ako.
“Ano po 'yon?"tanong ko nang hindi pa sila nagsalita.
“Tumawag ang tita mo, inaalok ka niyang mag-aral sa America,"sagot ni Dad.
Hindi ako agad nakakibo. Mukhang hindi ko gusto ang patutunguhan ng usapang 'to.
“Pumayag po kayo?"tanong ko at hindi sila sumagot. Doon pa lang ay alam ko na. Nagdesisyon na sila para sa akin. “Hindi ni'yo man lang tinanong kung gusto ko ba doon,"
“Anak, para sa 'yo rin naman ito. Mas matutupad mo ang pangarap mo sa America. Mas maraming opportunities doon, Lia."paliwanag ni mommy.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanila. Wala naman akong magagawa kung nakapagdesisyon na sila. After all, sila pa rin ang nasusunod sa buhay ko.
“Bakit Lia? Ayaw mo ba? 'Di ba sabi mo dati, gusto mong mag-aral sa abroad. Ito na 'yun, kaya huwag mong sayangin ang pagkakataon."sabi naman ni Daddy.
“Hindi ko po alam, Dad. Pag-iisipan ko po,"sagot ko at tumayo na para umakyat nang magsalita ulit si dad.
“Sana makapagdesisyon ka agad anak. Sa katapusan ng taon ka ipasusundo ng tita mo,"
Nang gabing iyon ay hindi ako nakatulog. Bakit parang sabay-sabay naman ata ang pagpapahirap sa 'kin? Paano ako aalis kung mayroon akong ayaw iwan dito? Paano ako aalis kung ang ibig sabihin no'n ay maiiwan ang puso ko?
Dalawang buwan na lang ang natitira sa akin para makapag-isip. Para makapili. At sana, maging masaya ako sa pipiliin ko. Sana wala akong pagsisihan.
________________
:((
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top