12
CHAPTER 12
Friend
“Let's go. Sa opisina na lang tayo,"sabi ni Dominique at bumalik na kami sa office niya.
Pagkapasok doon ay agad siyang kumuha ng tubig sa mini ref niya. Binuksan niya ito bago iniabot sa akin.
“Drink this. Alam kong kinabahan ka kanina,"sabi niya at sinunod ko na lang siya.
Parang gusto kong maiyak kapag nagiging ganito siya. Iyong maalaga at maasikaso. Ayaw ko ng gano'n dahil mas lalo ko siyang nagugustuhan. Gulong-gulo na ang isip ko kung ano ba itong mga ipinapakita niya sa akin. Ayaw kong umasa dahil baka ako lang din ang masaktan sa huli.
“Why are you doing this?"I suddenly asked that made him stilled.
He looked at me confused. "I'm doing this because you're my responsibility. Narito ka sa planta namin at ako ang mananagot kapag may nangyaring masama sa 'yo,"
Umiling ako dahil hindi niya yata naintindihan ang tanong ko o baka naman sinadya niyang ibahin ang sagot.
“That's not what I mean. Bakit ganito ka kabait sa 'kin? Bakit? Gusto mo ba ako? Kasi ako, gusto kita,"
Maging ako ay nagulat sa pag-amin ko. Hindi ko napigilan ang bibig ko. Damn! Bakit ba kasi napaka-honest ko pagdating sa aking nararamdaman?
“Camellia, you can't like me. Hindi p'wede,"sagot niya na inaasahan ko kaya agad kong binawi ang sinabi ko kanina.
“Ito naman napakaseryoso, ang ibig kong sabihin, gusto kita bilang kaibigan."I lied.
Nag-iwas ako ng tingin dahil natatakot akong malaman niya ang katotohanan sa mga mata ko. Natatakot akong malaman niya na hindi lang bilang kaibigan ang turing ko sa kanya. Higit pa roon. Bakit kasi hindi ko mapigilan ang puso ko? Alam ko namang wala akong mapapala sa kanya, siya na nga mismo ang nagsabi, eh. Pero, hindi ko naman sinasadyang magkagusto sa kanya. Kusa na lang nangyari.
Magsasalita na sana siya nang tumunog ang phone ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil nailigtas ako sa panibagong kahihiyan. Sinagot ko ang tawag ni Erich.
“Hello,"bungad ko sa kaibigan ko.
“Lia, may itatanong lang sana ako-
“Ha? Puntahan kita sa mall?"putol ko sa sinasabi niya.
“Ano bang sinasabi mo? May itatanong nga ako-
“Sige, sige. Papunta na ako. See you, bye."sabi ko at ibinaba na ang tawag.
Sorry, Erich. I have to do this to save myself. Kailangan ko nang umalis dahil hindi ko na yata kayang manatili rito pagkatapos kong ma-friendzoned.
“Aalis ka na? Ihahatid na kita,"sabi ni Dominique at agad akong umiling.
Hindi niya ako p'wedeng ihatid dahil malalaman niyang nagsisinungaling ako. Baka kung anong isipin niya.
“Nandiyan pa kasi ang driver ko kaya hindi mo na ako kailangan ihatid. Salamat na lang,"sabi ko at dali-daling lumabas ng opisina niya.
Mabilis kong nilapitan ang kotse namin at pumasok doon. Nilingon ko pa ulit ang office ni Dominique at nakita ko siyang nakatanaw sa akin mula roon. Parang may iniisip siya. Hindi naman siguro halatang nagmamadali ako, 'di ba?
“Manong, kila Erich po tayo,"sabi ko at tumango lang ang driver.
Muli kong nilingon si Dominique. Hindi ko alam kung bakit parang pinipiga ang puso ko habang papalayo ako sa kanya. Nasasaktan ako. Pero kaibigan lang naman ang turing niya sa akin. Tanga lang ako para umasang may hihigit pa roon.
Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya tiningnan ko iyon.
From: Dominique
Take care.
Napapikit na lang ako ulit nang maramdaman ang tibok ng puso ko. Please, huwag mo naman akong pahirapan.
“Lia! Anong nangyari sa 'yo? Bakit ka umiiyak?"nag-aalalang tanong ni Erich nang pagbuksan niya ako ng gate nila.
Mas lalo akong humagulhol at niyakap siya. Iginiya niya ako papunta sa kwarto niya dahil baka makita raw ng parents niya na umiiyak at magsumbong pa sa parents ko.
“Tell me, what happened? Sinong nagpaiyak sa 'yo?"tanong niya ulit nang kumalma ako.
“Galing ako sa planta nila Dominique. Sinorpresa ko siya-
“Oh tapos? Nahuli mong may kalandiang iba? Sino? Si Sabelle ba?"sunod-sunod niyang tanong kaya sinamaan ko siya ng tingin. Agad naman siyang nag-peace sign sa akin.
“I asked him kung gusto niya ba ako. Kasi ako gusto ko siya. Sobra...sobra na ang sakit na,"muli na naman akong umiyak.
Hinagod niya ang likod ko at pilit na naman akong pinakalma. Grabe, nagiging iyakin na ako. Hindi ko na nga matandaan kung kailan ako huling umiyak. Ngayon na lang ulit.
“Ano bang sinabi niya?"tanong ni Erich.
“He said that I can't like him. Alam ko naman, eh. Sinabi niya na sa akin iyon dati. Na wala akong mapapala sa kanya...pero..umasa pa rin ako....Iyon pala, kaibigan lang ang tingin niya sa akin...It hurts so much. Ang hirap pala talaga kapag one sided feelings, 'no? Ikaw lang ang nagmamahal, ikaw lang din ang nasasaktan."
Nasapo ko ang sarili kong noo. Masyado bang mabilis para magustuhan ko siya? Ang bilis ko bang ma-attached? Pero sabi naman nila, wala naman daw sa haba ng panahon 'yon. Basta, kapag naramdaman mong tumibok ang puso mo para sa taong 'yon, wala ka ng magagawa.
“Lia, ang sabi mo kanina gusto mo lang siya bakit ngayon mahal na? Nahulog ka na ba talaga kay Dom?"tanong ni Erich kaya napatingin ako sa kanya.
Teka, sinabi ko ba talaga 'yon? Na mahal ko na si Dominique? Shit! Malala na talaga ako. Ayaw ko na.
“Hindi ko na alam, Erich! Anong gagawin ko? Kailangan pigilan ko itong nararamdaman ko. Wala naman akong mapapala sa lalaking 'yon,"
Saglit kaming natahimik ni Erich. Parehong nag-iisip ng tamang gawin. Pero walang pumapasok sa isip ko kundi si Dominique lang. Siya na naman. Siya na lang palagi.
“Lia, I think mas maganda kung iwasan mo muna siya. Sa akin ka na sumabay pauwi at sa umaga naman magpahatid ka sa driver ni'yo,"sabi ni Erich.
“Paano kung mapansin niyang umiiwas ako? Anong sasabihin ko? Hindi naman p'wedeng umamin ako sa kanya,"namomroblemang saad ko.
Pakiramdam ko napakalaki ng problema ko. Hindi ko nga alam kung dapat bang pinoproblema ko ito, eh. Masyado ba akong OA?
“Edi sabihin mo busy ka. Gan'to na lang, simula sa Lunes, mag-oovertime tayo sa school para kapani-paniwala na busy ka talaga. I-text mo na lang siya na hindi ka sasabay at ako na ang maghahatid sa 'yo,"paliwanag ni Erich.
Huminga ako nang malalim. Mukhang mas kailangan kong galingan ang pag-iwas sa lalaking 'yon. Kung gusto ko pang mailigtas ang sarili ko mula sa nararamdaman ko, kailangan layuan ko muna si Dominique.
At iyon nga ang ginawa ko nang mag-Lunes. Nag-text ako kay Dominique habang nagtatago sa may gilid ng parking lot kung saan natatanaw ko siya.
To: Dominique
Hindi muna ako makakasabay ngayon. May group project pa kasi kami. Kay Erich na lang ako sasabay pauwi.
I hit send and I saw him looking at his phone. Nagtipa siya doon kaya agad kong sinilip ang phone ko.
From: Dominique
Okay. Mag-ingat ka.
Hindi na ako nag-reply at tiningnan na lang siya mula rito. Nakita kong lumapit sa kanya si Sabelle at sa front seat na ito ulit sumabay.
Ngayon na iiwas na ako, silang dalawa na lang palagi ang magkasama. Si Sabelle naman talaga ang sinusundo niya dati. Umeksena lang ako. Kaya ito tuloy, nahulog ako. Wala nga lang sumalo.
Nang makaalis sila ay t'saka naman ako nagtungo sa sasakyan ni Erich. Hinihintay na niya ako roon at malungkot akong tiningnan. Siguro kailangan ko nang sanayin ang sarili ko na wala si Dominique. Kaya ko naman noon. Kakayanin ko ngayon.
“Huwag ka nang malungkot. Nandito lang ako para sa 'yo. Makakalimutan mo rin si Dom,"sabi ni Erich nang mapansin yata na tahimik ako.
Iyon na nga, eh. Paano kung hindi ko siya makalimutan? Paano kung mas lumala ang nararamdaman ko? Anong mangyayari sa 'kin?
________________
A/n:
Hayst. Sa tingin niyo ba tamang umiwas si Camellia? Paano na si Dominique? Totoo bang kaibigan lang ang turing niya kay Lia?
Enjoy this chapter!<3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top