Prologue

Isang malutong na sampal ang natanggap ko mula sa kaklase kong Lindsey nang malaman nitong hindi ko ginawa ang pinapagawa niya sa aking assignment niya.

Hinawakan ko ang pisngi ko at natantong dumudugo ito-marahil ay nang sampalin ako ni Lindsey, kumalmot ang mga kuko nito sa mukha ko.

"Sinabi ko na sa'yo na exactly 3 pm ko kailangan ang essay tapos ibinigay mo sa'kin ngayong 4 pm na? Gaano ka katanga?" singhal nito sa akin at tinulak ako na nagdulot ng pagkatumba ko sa sahig.

I noticed my vision was getting blurry due to my tears that is building up in my eyes. I am crying again. I'm so weak and soft.

Hinigit pa ako ni Lindsey sa kwelyo ng damit ko at itinayo. Nang makita kong inaangat na niya ang kanang kamay niya na nakahanda na upang sampalin ako, wala na akong nagawa kundi ang pumikit.

Pinikit ko na lamang ang mga mata ko at hinintay na dumapo ang kamay nito sa mukha ko.

Ganito naman lagi. Oo, masakit na ang ginagawa niya sa akin, sobra. Pero hindi ko kayang lumaban. Wala akong kakayahang lumaban—hindi, may kakayahan akong lumaban pero naduduwag ako.

Tumulo na ng tuluyan ang mga luha ko pero nang ibukas ko ang mga mata ko nakita kong may isang kamay na pumigil sa kamay ni Lindsey.

Right at this moment, my heart was throbbing so fast. I was so scared.

I saw a boy-we're in the same class and I think his name was Nathan. We weren't close. Not even a bit.

"Get out, Lindsey." He said in a cold tone. His voice was so cold that sent chills inside of me.

"N-Nathan?" tanong ni Lindsey saka ibinaba ang kamay niya.

"I said get out!" he shouted. My hands were trembling because of the high tension inside this room.

"This is none of your business Nathan. May kasalanan siya sa akin," sabi ni Lindsey saka ako tiningnan at pinandilatan.

Nakayuko lang ako habang nakikinig sakanila. Kinakabahan pa din ako sa mga nangyayari.

"Get out, Lindsey!" He shouted again. I looked at him and his face was so calm yet his voice...his voice was full of authority.

Nakipagsukatan ng tingin si Lindsey sa lalaking nangngangalang Nathan tapos ay kinuha na nito ang mga gamit niya at nagmadaling lumabas ng room.

Tumingin ako sa lalaki. Kapareho lang kami ng tangkad nito. Napakaamo ng mukha niya at...nang tingnan ko ang mga mata niya, kulay abo na parang bughaw ito pero napakaganda.

"Are you okay?" tanong nito saka lumapit sa akin.

Umatras ako nang kaunti at natatabig na bawat atras ko ang mga upuan.

Hinwakan nito ang mukha ko at iniharap patagilid. Binitawan niya ito tapos may kinuha siya mula sa bulsa niya.

Hinawakan niya muli ang mukha ko at may idinikit sa may sugat ko. Isang band-aid.

"Kailangan mong matutong ipagtanggol ang sarili mo. Madami pa ang mga taong kagaya niya kaya kailangan mong matuto na lumaban, okay? Not everyday, there's someone to come and rescue you." Sabi nito saka hinawakan ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay saka inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

I nodded at him.

He smiled. He flashed a smile that gave a weird feeling and my heart's been beating is so fast. It was a smile that later made me feel safe and happy.

"Do you promise me to fight for yourself from now on?" tanong ulit nito.

"I-I promise. Thank you," I answered and I smiled back at him.

"Here, take this as a gift from me." He held my hand and gave me something.

I looked at the thing that he gave me-a keychain.

A blue bear keychain. Why did he gave me this?

"Hangga't na sa iyo pa iyan, ingatan mo. Kasi babalikan ko iyan 'pag lumaki tayo upang tingnan kung iningatan mo nga,"sabi niya saka tumawa ng mahina.

"Para sa ano ba ito?" tanong ko sakaniya.

"Para maalala mo 'ko kahit pa magkalayo na tayo. I'll be gone for a few years but I hope you'd cherish this, " wika nito saka yumuko ng kaunti.

Kumabog naman ng sobra ang puso ko nang marinig ito mula sakaniya. Alam kong naging kaklase ko siya pero hindi ko siya napapansin at ni hindi ko nga din alam ang pangalan niya.

"Nathan pangalan mo 'di ba?" tanong ko.

"Nate na lang,"sagot nito saka ngumiti.

"Nate, thank you for saving me from Lindsey and telling me to be brave for myself. Here, I have this too for you." Sabi ko tapos ay kinuha ko mula sa buhok ko ang isang hairclip ko.

It was my most valuable and beautiful hairpin. I always wear it everyday and it's my most favorite hairclip.

"A hairclip?" tanong nito tapos makikita ko na sa mukha niya na mukha siyang natatawa.

I nodded and looked at him with pouted lips. I hope he does take care of my gift too.

"Yeah. That's my most precious hairclip kaya ingatan mo din. I will come back for that too," I said and I flashed him a grin.

Tinanggap na niya ang hairclip na nasa kamay ko at iniclip sa buhok niya.

"Bagay ba?" tanong niya tapos nagpeace-sign na pose na nagpapacute.

Napangiti ako nang maalala kung paano ko nakuha ang keychain na ito.

Nate.

Kahit na eight years na ang nakalilipas, hindi ko pa din siya malimutan. Simula noong araw na iyon, nagustuhan ko na ang batang nagbigay sa akin ng keychain na ito. Hindi ko na makalimutan ang karanasang iyon sa buong buhay ko.

And I can't wait to see my hero again.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top