Chapter 5
Nauna na akong bumaba sa sinasakyan naming jeep sa aming apat. Nagpaalam ako kay Nate at binulungan ko si Pierce na bantayan ng maigi sila Nate. Baka kung ano pa ang gawin ni Thalia kay Nate.
Pag-uwi ko ng bahay, naabutan ko si kuya Slayne na kakadating lang din sa bahay dahil nakasuot pa ito ng work uniform niya. Nurse kasi ito kaya masyado siyang busy sa pagtatrabaho sa ospital at minsan ko lang siya maabutan sa bahay.
Yumakap ako sakaniya tapos ay nagtatalon dahil hindi na ako makapaghintay na sabihing dumating na si Nate.
"Hey, bunso. May maganda sigurong nangyari sa'yo kaya ka ganiyan makayakap sa akin ah?" tanong nito tapos ay ginulo ang buhok ko.
Tumango-tango ako sakaniya at ngumiti.
"Tell me," wika niya at umupo kaming dalawa sa couch upang mag-usap.
"Bumalik na siya kuya!" maligaya kong sabi rito at hinampas-hampas si kuya sa may binti niya.
Tumingin ito sa akin at parang nagtataka kung ano ang pinagsasabi ko o kung sino ang tinutukoy ko kaya lumawak pa lalo ang ngiti ko bago sumagot sakaniya.
"Si Nate, kuya. Bumalik na siya!" sabi ko at tumili ng todo.
Nakita kong napawi ang ngiti ni kuya at nagkasalubong ang dalawa niyang kilay.
"That boy?" tanong niya at mahahalata ko ang monotone na tono ng boses niya. Ibang-iba ito sa kaninang tono niya na masiglang nakikinig sa kwento ko.
"Opo. Kaya nga ang saya-saya ko!" sabi ko at tiningnan ang picture ni Nate sa may ID ko.
"You're still into that boy? Come on, Paige. Maghanap ka na lang ng iba." Sumimangot ako sa sinabi ni kuya. Hindi ko maintindihan kung bakit umiba ang reaksiyon niya nang banggitin ko si Nate.
"Alam mo naman kuya na para talaga kami sa isa't isa. Hindi na iyon mapipigilan. Nakatadhana na kaya kami para sa isa't isa!" wika ko at pinandilatan si kuya.
Tumayo ito at bumuntonghininga. Tumalikod siya sa akin at akmang aalis na pero huminto siya at nagsalita.
" I do not want to see you get close to that guy. Lumayo ka sakaniya. He's...He's gonna hurt you, "wika ni kuya bago umalis sa harap ko.
Nate? Nate is gonna hurt me?
Impossible! He won't be able to do that to me!
Hindi ko alam kung bakit nasabi ni kuya ang mga ganoong salita tungkol kay Nate pero nasasaktan ako na marinig iyon. Nate isn't like that. I don't know why my brother can't clearly see Nate as my hero.
Pero noong bata pa ako, suportado talaga siya sa amin ni Nate. Pero ngayong lumaki na ako, he became negative in supporting me with Nathan.
Tumungo ako sa kusina at nakitang nagluluto si mama. Niyakap ko siya sa likod.
"Ma! Mukhang masarap ang niluluto mo ngayon ah!" sabi ko kay mama at tumingin sa niluluto niya.
Pork adobo. One of my favorites. Amoy na amoy ko pa ang masarap na amoy ng niluluto niyang adobo Napakagaling talaga ni mama magluto at ang ipinagtataka ko ay kung bakit hindi ako nagmana rito. Hindi talaga ako marunong magluto ng mga putaheng ganito. Tanging itlog lang ang kaya kong lutuin.
"Nandito ka na pala, anak. Magbihis ka na," wika ni mama at hinawakan ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo.
"Nagkasalubong na ba kayo ng kuya mo? Kadadating lang din niya eh," dagdag pa ni mama kaya napasimangot tuloy ako.
"Oo ma. Nagkuwento nga kay kuya tungkol kay Nate pero bigla na lang nagalit at sinabihan akong layuan na lang si Nate. Nakakainis ma!" pagsusumbong ko kay mama at humiwalay ako sa pagkakayakap at pumunta sa tabi niya.
"Baka nai-istress lang iyon 'nak sa trabaho. Hayaan mo na." Napanguso ako kay mama habang hinahagod niya ang buhok ko.
"Sabi pa niya layuan ko na daw si Nate! Andami talaga ng mga kontrabida sa istorya namin ni Nate ma!" reklamo ko.
Natawa si mama sa sinabi ko. Bakit tuwing nagmamaktol ako o 'di kaya' y nagagalit, nagagawa pa nila na tumawa? Seryoso kaya ako!
"Sige na. Magkuwento ka na tungkol sa Nate mo,"saad ni mama at ngumiti sa akin bago binaling ang tingin sa kaniyang niluluto.
Lumiwanag ang ekspresyon ng mukha ko nang marinig ko iyon kay mama. Willing siya makinig sa akin? Sobra akong natutuwa!
Ikinuwento ko na kay mama ang lahat ng tungkol kay Nate at siyempre ang improvements ng love story namin ni Nate. Ang sabi pa niya sa akin, huwag ko daw ito susukuan kung talagang mahal ko siya. Wala naman talaga akong plano na sukuan si Nathan! As in, wala talaga!
Tumungo na ako sa kwarto ko pagkatapos kong makipag-usap kay mama. Ang saya talaga sa pakiramdam kapag nailabas mo na lahat ng saloobin o mga kuwento mo sa buhay sa isang tao. Nakagaan ng pakiramdam.
Kinuha ko ang alarm clock ko at isinet ang alarm sa 5 AM. Nakaset pala ito ng 6 AM kaya siguro ay lagi akong nalalate.
Babaguhin ko na ang sarili ko. Hinding-hindi na ako magpapalate kahit kailan for the sake of Nate!
Kinabukasan, napabalikwas ako mula sa kama nang marinig na tumunog ang alarm ko. Kaagad akong naligo at nag-ayos ng sarili upang maaga pa akong makapunta sa eskwelahan.
Nagpaalam na ako kay mama at umalis kaagad ng bahay. Nang makarating ako sa eskwelahan, bumungad sa akin si manong guard na nakakunot ang noo nang tumingin sa akin.
"Late ka na naman, Sandoval?" tanong nito na siyang ikinagulat ko.
Tumingin ako sa relo ko at nakitang mag-aalas-otso na ng umaga! Paano?
Isinet ko ang alarm ng 5 AM pero—mali ba ang oras na nilagay ko sa alarm clock?
Napasabunot ako sa sarili ko bago nagpaalam kay manong guard at tumakbo ng mabilis.
Naiiyak ako! Akala ko ay hindi na ako malalate pero bakit? Bakit!
Umakyat ako sa walang hanggang hagdanan namin sa building at tumakbo. Kahit pa sobrang pagod na pagod na ako at ang haggard na ng hitsura ko ay patuloy pa din ako sa pagtakbo.
Nang makarating ako sa floor namin, itinaas ko ang dalawa kong kamay.
"Yes!" sigaw ko at tumakbo sa may kaliwa dahil naroon banda ang classroom namin.
Napahinto ako sa pagtakbo nang makitang may isang pamilyar na lalaking nakaupo sa sahig at nakasandal ang likod sa labas ng classroom namin.
Nakabaon ang kaniyang ulo sa kaniyang tuhod habang nakaupo habang nasa tabi naman nito ang kaniyang itim na bag.
Nang makalapit ako ay kinilabit ko agad ito. Pinalabas ba siya ng guro?
Umangat ang kaniyang ulo at nang makita ko na ang mukha niya, kumabog kaagad ng malakas ang dibdib ko.
"N-Nate?" sabi ko.
Kalma ka lang heart! Huwag ka magpapahalata!
"Huwag ka na pumasok diyan. Papalabasin ka rin." Hindi ko alam pero kinilig ako sa boses niya! Napakalalim at tila puno ng compassion!
Tumingin ako sa may bintana ng classroom at nakita ang istrikta naming guro sa English na si Ma'am Lopez. Naaalala ko na lagi nga niya pala ako pinapagalitan kapag nalalate ako at pinapalabas once na malate ng 15 minutes!
Nang makita kong itungo ni Ma'am Lopez ang tingin niya sa may gawi ko, sinenyasan niya ako na huwag na pumasok at alam kong galit ito dahil nakikita kong nagkakasalubong ang mga kilay nito at tirik na tirik ang mga matang nakatuon sa akin.
Kaagad akong nag-crouch upang maiwasan ang nakakatakot na titig ni Ma'am Lopez.
Hindi ko namalayang napahawak na ako sa may balikat ni Nate habang nagtatago mula sa guro namin kaya hindi ko na din naiwasang mamula ng sobra.
"Late ka na naman, 'di ka pa din nagbabago." Wika ni Nate tapos ay natawa ng mahina.
Napahawak ako sa mukha ko at tumili sa kaloob-looban ko dahil sa sinabi niya.
'Di ka pa din nagbabago.
Ibig bang sabihin nito, ay naaalala pa din pala ako ni Nate?
Tumingin ako sa nakangiti niyang mukha at nang tumingin ito sa akin ay umiwas naman agad ito pagkatapos ng ilang segundo naming pakikipagtitigan.
"Ikaw, ni minsan ba ay hindi ka na-late?" tanong ko at inayos ko ang pagkakaupo ko.
Hindi ako makapaniwala na magkatabi kami ngayon ni Nate na nakaupo sa labas ng classroom!
"Hindi. Ngayon lang talaga ako na-late,"sagot nito at tumingin sa akin saka nag-smirk.
Tila ay sasabog na ang puso ko sa sobrang bilis at ang lakas ng pagkabog sa simpleng pag-ngiti sa akin ni Nate!
"Babaguhin ko na sana ang ugali ko na palaging late pero hindi ko pa din nagawa! Nabigo kita Nathan!" I looked at him in an apologetic way.
Tears are suddenly building up in my eyes. Naiiyak na naman ako!
Humarap ito sa akin at sandaling tiningnan ako ng seryoso bago natawa. Ginulo niya ang buhok ko at umiling-iling.
"Iyakin ka pa din hanggang ngayon? Tahan na," wika nito at hinawakan ang likod ko at inilapit sa katawan niya.
This time, I know my face was flushed because of Nate suddenly hugging me. I was also anxious to know that he might be able to hear and feel my heart going wild because of him!
Sa dinami-dami ng karanasan ko na mapalabas sa classroom dahil sa pagkalate, ang karanasan kong ngayon ang pinaka-hindi ko makalilimutang karanasan.
Ito pa lang ata ang unang pagkakataon na lumigaya ako na pinalabas ako ng guro sa classroom kasi kasama ko ang lalaking mahal ko.
Okay din pala ang magpalate kahit minsan!
"Hindi ka pa din nagbabago," mahina niyang bulong pero narinig ko kasi ang lapit lang namin sa isa't isa kasi nga niyayakap niya pa ako.
Humiwalay ito sa akin at hinawakan ang tuktok ng ulo ko bago tumingin sa akin. Napanguso na lang ako dahil naiiyak pa din ako dahil nabigo akong tuparin ang pangako ko sa sarili na huwag na magpalate para sakaniya!
"Ang sabi mo hindi mo na ako naaalala," bigla kong sambit.
Hindi ko din alam kung bakit ganoon na ang lumabas sa bibig ko pero gusto ko talagang marinig mula sakaniya na naaalala niya pa ako.
"I'm sorry," mahina nitong sabi at niyuko ng kaunti ang kaniyang ulo dahilan upang umiwas ang tingin niya sa mga mata ko.
Tinanggal niya ang kamay na nakapatong sa aking ulo at ngumiti ng tipid sa akin.
"Naaalala mo pa ako 'di ba?" tanong ko at tumingin sakaniya na parang hinihintay na' oo' ang isagot niya sa akin.
Tumango ito ng dahan-dahan tapos ay ngumiti ng pagkatamis habang nakatitig ng diresto sa akin.
"Yeah. Naaalala pa kita Paige Ava Sandoval," sagot nito at ginulo ang buhok ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top