Chapter 3

Tiningnan ko ang mga mata ko. Sobrang magang-maga ito. Mukha na akong panda sa itim ng bags sa ilalim ng mga mata ko.

Nakakalungkot kasi ang napanood ko kagabi na movie. Buong magdamag ko itong iniyakan at hanggang ngayon ay naninikip pa din ang dibdib ko.

Sinuklay ko ang buhok ko at inayos ang kurbata ng uniporme ko. Napangiti ako nang makita ko ang ID ko. Nakita ko kasi na nasa likod nito ang picture ni Nate noong bata pa siya.

Nakuha ko ang picture na ito sa isang photo studio. Doon kasi kami nagpapagawa ng mga ID pictures at aksidenteng nakita ko ang picture niya na nakalagay sa isang mesa. Ang sabi sa akin ng may-ari sumobra daw ang pagprint ng picture ni Nate kaya nandoon pa ang picture na iyon at naiwan kaya hiningi ko na ito.

Pakiramdam ko talaga umaayon sa amin ang tadhana. Pakiramdam ko talaga kami ni Nate ang dapat sa isa't isa.

Isinuot ko na ang ID tapos ay tumingin ako ulit sa salamin.

"What do you plan to do? Talk to Nate? Good! Kaya mo iyan!" sabi ko habang kinakausap ang sarili ko sa salamin.

Ganito ang ginagawa ko araw-araw kapag kinakabahan ako o 'di kaya ay kailangan ko ng encouragement. Effective siya sa akin kaya inaraw-araw ko na.

Lumabas ako ng kwarto ko sukbit ang backpack ko at nagpaalam na kay mama.

"Ma! Alis na po ako!" sabi ko at pumunta ako papalapit sakaniya at humalik sa pisngi tapos ay naglakad na ako papunta sa may pinto.

"Mag-iingat ka anak!" Lumingon ako at ngumiti kay mama bago lumabas ng pinto.

Pumara ako ng jeep saka sumakay. Pakiramdam ko talaga maganda ang kalalabasan ng araw na ito. Kailangan ko lang ay maging matatag at magkaroon ng lakas ng loob.

Pagkarating ko sa eskwelahan, tumungo ako sa entrance gate at bumati kay manong guard.

"Kuya, good morning po!" bati ko tapos ngumiti ako sakaniya habang tinitingnan ang ID ko upang i-check.

"Nandito pa pala ang picture na ito? Ang tagal na nito na nilalagay mo sa ID mo ah?" tanong ni kuya tapos ay tumawa ng mahina.

Matagal ko na kasing inaattach ang picture ni Nate sa ID ko since elementary tapos matagal na din manong guard sa eskwelahang ito. Ang eskwelahan na ito ay ang eskwelahan ko din since elementary at plano ko pa nga na kapag nagcollege na ako ay dito pa din ako tutuloy.

"Bumalik na siya kuya," sabi ko at humagikhik ako sa tawa.

Natawa din sa akin si kuya bago ako tinapik sa balikat at binitawan na ang ID ko.

Tiningnan ko ang relo ko at nakitang mag aalas-siyete pa lamang. Pumunta na ako sa building namin at umakyat ulit sa walang hanggang hagdanan namin.

"Ang aga ko pa nga talaga!"sabi ko sa sarili at binilisan ang pag-akyat sa hagdan.

Palagi kasi akong nalalate since elementary pa kaya parang isang milagro ang naganap nang dumating ako sa eskwelahan ng about 30 minutes before class hours.

Napahawak ako sa may hawakan sa gilid dahil sobra na akong napapagod kakaakyat.

Bakit ba kasi sa lahat ng floor sa building, sa 4th floor pa nakalagay ang classroom namin! Pero kung iisipin, exercise ko na din ito.

Nagulat ako nang may marinig akong mga yabag na papaakyat sa may likuran ko at nang tingnan ko ito, halos mabitawan ko na ang kapit ko sa hawakan nang malamang si Nate ito.

"Nate!" wika ko at huminto sa pag-akyat upang makisabay sakaniya.

Ngumiti ito sa akin ng sandali bago umiwas ng tingin at bumilis ang paglalakad niya.

"Nate! Sabay na tayo!" sabi ko at hinabol talaga siya.

Nang makarating na kami sa 4th floor, lumuwag na ang paghinga ko.

Sumunod lamang ako sa likod niya at nang makarating kami sa pintuan ng room, hinawakan niya ang doorknob at saglit na tumigil sa pagpihit nito.

"Good job," wika niya tapos ay tumingin siya sa akin at ngumiti.

"For what?" tanong ko rito at napakunot naman ang noo ko sakaniya.

"You arrived early today, so good job." Pagkatapos niyang sabihin iyon, biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko.

Pinihit na niya ang doorknob saka pumasok sa loob habang ako ay natutulala pa din sa sinabi niya sa akin.

Did he just complimented me for arriving early today?

Kung ganito lagi ang matatanggap ko araw-araw sakaniya, hinding-hindi na ako magpapalate kahit kailan!

Pumasok na ako sa loob ng classroom at masayang pumunta sa upuan ko. Naabutan ko si Pierce na natutulog sa armchair niya.

Umupo ako sa tabi niya. Wala pa nga dito ang maingay kong katabi na si Levii. Mabuti nga iyon at walang manggugulo tabi ko.

"Psst," sitsit ko kay Pierce.

Nai-excite na ako na ikuwento sakaniya ang mga nangyaring improvements sa amin ni Nate!

"Psst—" Tumahimik ako nang biglang hinampas niya ang armchair niya tapos ay bumangon.

"Ano? Natutulog ako tapos mangsisitsit ka? Paige naman!" sigaw nito sa akin at ginulo ang sariling buhok.

Napanguso nalang ako dahil sa pagsigaw niya sa akin. Eh kasi naman! Hindi na makapaghintay ang kwento ko para sakaniya! Malay ko bang nakagigising pala ang mahina kong sitsit sakaniya?

"Pierce naman. Sorry na sis. Sorry na," sabi ko with matching kurap-kurap pa ng mga mata para patawarin niya ako.

"Ginising mo na ako eh. Sige na, magkwento ka na!" wika nito saka nagcrossed-arms at sumandal ang likuran niya sa upuan nito.

"It's about Nate!" sabi ko tapos tumili ako ng mahina.

Hininaan ko ng kaunti dahil baka marinig ni Nate at ng iba ko pang mga kaklase.

"Alam ko. Oh, anong nangyari?" tanong nito at tinaasan ako ng kilay.

Lumapit ako sa tenga ni Pierce saka bumulong.

"Good job daw sabi niya sa akin dahil maaga akong pumasok." Tumili naman ako ng todo nang maalala ko na naman ang sinabi niya.

Parang umiikot lang sa sistema ko ang sinabi niya kanina at tandang-tanda ko pa ang eksaktong boses nito at ang titig niyang nakatutunaw.

"Oh ngayon? Anong espesyal doon?" tanong niya ulit.

Tiningnan ko siya ng masama. Espesyal kaya iyon! Pakiramdam ko nagsisimula na ngang gumalaw ang tadhana upang magkatuluyan kami ni Nate.

"Espesyal iyon Pierce Samantha! Ano ka ba?" bulyaw ko rito.

Inirapan niya lang ako tapos ay huniga ulit sa armchair niya. Inuyog ko ito ng paulit-ulit pero 'di pa din bumabangon kaya itinuon ko nalang ang pansin ko kay Nate.

Nakikinig lang ito ng music gamit ang earphones niya at pinipikit ang mga mata na tila ay matutulog ata.

Hindi gaya ni Pierce na nakahiga ang ulo sa armchair, si Nate naman ay natutulog lang na nakaupo. Ang gwapo niya tingnan!

Nagulat ako ng biglang nagsa-sway ang ulo ni Nate sa may kaliwa at muntik-muntikan itong tumatama sa katabi niya. Mas lalo akong nagulat nang malaman kong si Thalia nga pala ang katabi nito sa may kaliwa!

Napahigpit ang kapit ko sa armchair ko nang makitang unti-unting sumasandal na ang ulo ni Nate kay Thalia at ang mas lalong kinaiinis ko ay hindi man lang gumagalaw si Thalia at hinahayaan lang na makasandal ang ulo ni Nate.

Napahampas ako sa armchair ko at tumayo ako. Hindi ko ata matitiis na makita ang nakakainis na senaryong ito!

Lumapit ako malapit sa upuan nila Nate at dumapa ako at tumingin kunwari sa ilalim ng upuan nila.

"Hala! Nasaan na ang g-tec ko? Kabibili ko pa lamang no'n!" sabi ko at nilakasan ang boses ko upang magising si Nate.

Tumingin ako sa ilalim ng upuan nila at nang tingnan ko si Nate, tulog pa din ito kaya sinipa ko ito ng hindi nila nahahalata na intensiyon ko talagang sipain ang upuan

"Sorry talaga! Nawala kasi yung ballpen ko! Mahalaga iyon!" sabi ko at tumingin ulit sa ilalim ng upuan.

"Mukhang wala ata dito Paige. Sigurado ka bang dito tumilapon?" tanong ni Thalia kaya napatingin ako sakaniya.

Halos umigting ang mga bagang ko nang maitanong niya iyon. Noong una ay hindi pa ako naiinis sa babaeng ito. Pero nang malaman kong nakikipagclose na ito kay Nate, naiinis na ako ng sobra sakaniya.

Tumingin ako kay Nate at mukhang nagising na ito dahil sa pagsipa ko sa upuan niya.

"Oh?'Eto oh! Sabi ko na nga ba at dito tumilapon eh!" sabi ko at itinaas ang g-tec ko at ipinakita kay Thalia.

Ngumiti ito sa akin at ngumiti din ako pabalik bago ako bumalik sa upuan ko. Kainis.

Naabutan ko pa na pinipigilan ni Levii ang tawa niya habang nakatingin sa akin. Dumating na pala ito? Akala ko hindi na ito papasok o 'di kaya ay malalate.

"Paige! Ang galing ng ginawa mo! Ang cool mo!" wika niya tapos tumawa ng malakas at hinampas-hampas pa ang likod ko.

"Pinagsasabi mo diyan?" tanong ko at  inirapan si Levii.

"Pinagsasabi ko? Nakakatawa ka Paige Ava Sandoval." Tumawa na naman ito.

Kahapon ko lang siya nakilala pero napakadaldal niya at nakakainis at sobrang sarap lang sapakin.

"Parang ikaw yung lumalabas na evil character sa love story nila eh," wika ni Levii kaya agad namang nabaling ang tingin ko na naman sakaniya.

Ako? Evil character? Sa love story nila Thalia at Nate?

Heck no! Ako lang naman ang nararapat na maging kapartner ni Nate!

"Anong sinabi mo?"sigaw ko sakaniya at hinawakan ng mahigpit ang leeg nito gamit ang dalawa kong kamay.

"Gusto mo ba akong mamatay?" sigaw niya pabalik sa akin dahil hawak ko pa din ang leeg niya.

"Napaka-OA mo naman! Ang hina lang ng pag-choke ko sa'yo, grabe ka maka-react!" sabi ko at binitawan siya.

Nang mabitawan ko na ito, nag-inarte pa ito na parang kinakapos ng hangin kaya inirapan ko na. Nag-aaksaya lang ako ng oras sa lalaking ito.

Humarap ako sa may sense kausap na tao at isang pangalan lang ang maibibigay ko kung may sense na kausap lang ang pinag-uusapan—Pierce. Tama, siya lang namn ang may sense kausap kumpara sa lalaking katabi ko dito sa kanan.

"Pierce! Sabi ni kontrabida na si Levii, evil character daw ako sa story nila? Eh dapat ako yung heroine? 'di ba?" tanong ko kay Pierce saka ako nagpout.

Tiningnan niya ako ng taas-baba na tingin at saka inirapan.

"Pierce! Nasasaktan lang naman ako kaya nagawa ko iyon! Eh kasi naman yung tadhana, tatanga-tanga. Alam na ngang ako yung babaeng para kay Nate, dinamay pa si Thalia." Sabi ko at tuluyan nang nagdrama kay Pierce sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya at pag-iyak ng todo.

"Umayos ka nga Paige! Tingnan mo nga sarili mo! Anong ginawa mo kagabi? Umiyak? Bakit anlaki ng dinadala mo diyan sa mata mo?" tanong nito at tinuro-turo ang mga mata ko.

"Eh kasi yung napanood ko, sobrang sad ng ending! Sobrang sad! Naiiyak na naman ako!" Kinuha ni Pierce ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko at inusog ang upuan palayo sa akin.

Sa hindi malamang dahilan, ay tumingin ako sa isa ko pang katabi at nakita itong inispread ang mga braso niya at tila nag-ooffer ng isang hug sa akin.

"Nah," sabi ko sakaniya at idinugmo na lamang ang ulo ko sa armchair at ipinikit ang mga mata ko.

Naramdaman kong tumahimik na ang buong klase—siguro ay nandirito na ang teacher namin.

Bumangon na ako at tumingin sa harapan. Bumati kami sa Calculus teacher namin na si Ma'am Brown.

Calculus na naman. Dumadagdag pa ito sa sakit ng ulo na nararamdaman ko ngayon. Ito lang naman ang subject na kinaiinisan ko. Minsan na akong bumagsak dito last year at hindi ko alam ngayong year kung ano kaya ang magiging kahihinatnan ko rito.

Nakinig ako sa discussion ni Ma'am Brown sa harap ng mga about 15 minutes lang kasi nabored ako kaagad kaya humiga ulit ako sa armchair ko at natulog. Minsan nakakaantok talaga makinig kapag hindi ko naman magets ang subject.

Maya-maya ay nagising na ako at nakitang malapit nang matapos ang discussion namin kaya napangiti ako.

2 hours ba maman ang inispent namin sa subject na ito kaya syempre kailangan ko talagang matulog! Nakakaantok kaya!

Matapos ang Calculus na subject namin, ay pumasok na naman ang PE teacher namin na si Sir Mendoza.

Nagdiscuss ito tungkol sa sayaw na folk dance at sabi pa niya ay magpeperform daw kami mga two weeks from now bilang performance task namin sakaniya.

Sinabi niya na siya na daw ang nagpapartner sa amin. Humiga ulit ako sa armchair ko at nakinig sa partnering na ginagawa ni Sir.

"Santiago, Pierce Samantha and Perez, Michael..."rinig ko pang banggit ni Sir. Napangisi ako nang marinig na magkapartner sila Pierce at Michael.

Ang alam ko kasi sa mga tsismis sa loob ng room, crush daw ni Michael si Pierce pero hindi ko pa alam kung totoo. Kailangan ko pa ng mga legit na source ng balita tungkol rito.

Teka, by partner 'di ba ang folk dance? So ibig sabihin ay may tyansa kami ni Nate na magkapartner!

Bumangon ako at nagfocus sa pakikinig kay Sir Mendoza. Wala akong pakialam kung sino yung mga pinagsasabi niya as long as hindi maghihiwalay ang mga pangalan namin ni Nate.

"Sandoval, Paige Ava and Ledezma, Nathan..." Lumiwanag ang mukha ko nang marinig iyon.

"Yes!" sigaw ko dahilan upang mapatingin sa akin ang lahat.

Narinig ko namang nagpipigil ng tawa ang katabi kong si Levii kaya siniko ko ito sa tagiliran.

Tumingin ako kay Nate at nakatingin na din ito sa akin. Ngumiti ako sakaniya tapos mas lalo akong hindi makahinga at kumabog pa lalo ang dibdib ko nang ngumiti siya pabalik. Sandali lang ang ngiting iyon pero para sa akin ay tumatatak na ito sa puso ko!

Umiimprove na nga ang love story namin ni Nate! Kaunting push pa tadhana, ay magkakatuluyan na talaga kaming dalawa!

At sinabi pa ng baliw na si Levii na ako yung evil character? Asa! Ako ata ang female lead sa love story namin ni Nate at walang makakahadlang sa amin doon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top