Chapter 2
Pinandilatan ko ang katabi kong kanina pa titig na titig sa akin. Hindi ko alam kung bakit ang nga ba ito tingin ng tingin pero ang sarap lang niya sapakin kung pwede lang.
Mabuti pa sana kung si Nate ang tumititig ng ganito sa akin edi sasaya sana ako. Inilagay ko ang siko ko sa armchair at sinuportahan ng kamay ko ang ulo ko.
Nakatingin pa din ako kay Nate na nakatuon lang ang pansin sa discussion namin sa klase.
“Crush mo?”tanong ng katabi kong madaldal. Tumingin ako sakaniya at tiningnan siya ng masama. Pake niya ba?
“Mahal ko,”sagot ko na lamang sakaniya at tinungo ko naman ang pansin ko sa isa pang katabi ko—si Pierce.
“Pierce!Mashaket!Tingnan mo sila oh!He’s cheating on me with that Thalia!”pabulong kong sigaw kay Pierce at tinuro-turo ko sila Nate.
“Cheating?Cheating ba tawag diyan?May label ba kayo?Umayos ka nga!”Kaagad naman akong sumimangot sa sinabi niya sa akin.
Kahit kailan talaga, kontra ito sa lovestory namin ni Nate.
Nakakainis!
Napasabunot ako sa sarili ko nang makita ko naman na tumatawa sila Nate at Thalia. May bulong-bulungan pa silang nalalaman!Naiinis ako!
Kailangan kong gumawa ng paraan upang hindi magkalapit ang dalawang ito. Ako lang dapat ang rightful heroine para kay Nate!
Hindi ko muna itinuon ang pansin ko kila Nate at nagfocus na lamang na makinig sa mga discussion.
“We will have a group activity. We need 10 groups. Each group will have four members. We will have a count-off. Starting with you,”wika ni Miss Perez at tinuro ang kaklase kong si Riley.
Nagsimula na kami mag count-off. Nang malaman kong number 7 ako, hiniling ko talaga at ipinagdasal na number 7 din si Nate.
At dahil malakas talaga ako kay God, tinupad niya ang panalangin ko.
Napapalakpak ako nang banggitin ni Nate ang number niya kaya sinaway naman kaagad ako ni Pierce upang tumahimik.
Pinandilatan ko siya tapos ay inirapan lamang ako nito.
"Narinig mo iyon Pierce! 7 din daw siya!"Sabi ko tapos ay pinaghahampas ko ang braso niya.
Sinaway niya ako tapos ay narinig ko pa na may sinabi siya na salitang baliw ata iyon saka ako inirapan.
Pumunta na kami sa kaniya-kaniya naming group at nagdiscuss. Ang gagawin lang naman naming activity ay mag-share ng isang unforgettable na karanasan sa buhay. Dahil Personal Development ang subject namin ay ito ang napili ni Miss Perez bilang activity namin.
“Sino magsastart magshare?”tanong ni Vienne at tiningnan kami isa-isa.
Nakita kong tatlo pa lamang kami dito at hindi ko makita si Nate.
Luminga-linga ako sa buong room at hinanap ng mga mata ko ang lalaking matagal ko nang hinihintay.
Maya-maya ay nakaramdam ako na may biglang umupo sa tabi ko at nang tingnan ko ito, nakita ko ang napakagwapong mukha ni Nate.
HIndi pa lalo ako makahinga nang isinandal niya ang siko niya sa may armchair ko upang makinig ng malapitan sa aming grupo.
Kumakabog ng malakas ang dibdib ko dahil napakalapit lang ng mukha niya sa akin at kaunti nalang talaga ay titili na ako.
“Tinatawag ka.” Nanindig bigla ang balahibo ko nang kalabitin ako ni Nate sa likod.
Pocha!Kinikilig ako! Titingin na ba ako sakaniya?
Dahan-dahan akong tumingin sakaniya at ngumiti,”Yes, Nate?”tanong ko sakaniya at napansin kong lumiit pa lalo ang boses ko.
Hindi ko akalain na magagawa kong magpacute sa isang lalaki pero exception si Nate kasi siya lang naman ang lalaking mahal ko at gagawin ko ang lahat, magpacute man iyan o ano man iyan basta ay mapansin niya ako!
Tumingin sa akin ng diresto si Nate at gayon din ang ginawa ko. Is this it?
Ito na ba ang continuation ng pagbloom ng love story namin ni Nate?
Pakiramdam ko ay tumigil ang lahat sa paggalaw at pag-iingay sa loob ng classroom na ito katulad ng mga nakikita ko sa mga movies.
Matagal ko nang alam na mala-fairytale talaga ang love story namin ni Nate pero ngayon na nai-experience ko na ito, grabe pala ang feeling!
“Paige!”Napahawak ako sa dibdib ko at kamuntik na akong mapatalon nang biglang sumigaw si Vienne sa akin.
Tiningnan ko ito at nagsasalubong na ang mga kilay nito na tila ay naiinis na.
“Oh?”tanong ko sakaniya at tiningnan siya ng masama.
Nasa gitna pa kasi ako nang pakikipagtitigan sa mahal ko tapos ay mauudlot lang dahil sa sigaw niya!
Minsan talaga mga panira yung mga side characters sa istorya ko. Kung kailan, nagsisimula na umusbong love story namin ng hero ko na si Nate, saka pa sila manggugulo! Nakapipikon na talaga!
“Ikaw na magshare. Tapos na kami ni Michael.” Tumango ako sa sinabi niya at nag-isip kung ano nga ba ang unforgettable na experience ko sa buhay ko.
Ah!
Itinaas ko ang hintuturo ko at ngumiti sakanilang lahat sabay taas-baba ng mga kilay ko.
“Nagsimula ito noong elementary ako. 10 years old pa lang ako noon tapos palagi akong binubully ng isa kong kaklase. One time, nagalit sa akin ang kaklase kong nambully sa akin tapos ay sinaktan niya ako at nang akmang saktan niya pa ulit ako, may dumating na isang batang lalaki.” Ngumiti ako sakanila habang kinukwento ang childhood ko.
“Gwapo ba?Chivalry ba ang peg?”tanong ni Vienne saka inilapit pa lalo ang upuan niya sa akin.
Ganoon din ang ginawa ni Michael. Mukhang interesado silang makinig sa ikukwento ko. Malamang eh sobrang sweet ng start ng love story namin ni Nate.
Tumango ako tapos tumili kaming dalawa ni Vienne tapos naghampasan pa kami ng mga kamay namin.
“His eyes were bluish-gray. It was so beautiful. Inawat niya ang nambully sa akin at pinalabas ng room. Tiningnan niya ang mukha ko at nakitang nagkasugat ito kaya nilagyan niya ng blue band-aid,”sabi ko saka tumili naman si Vienne.
Tumili na din ako dahil sa kilig na nararamdaman ko tuwing naaalala ko si Nate.
Speaking of Nate, nang tingnan ko ito ay bigla nalang umiwas ito ng tingin sa akin. Natigilan ako dahil hindi niya magawang tumitig sa akin. Naalala niya pa kaya ang panguayaring ito sa buhay namin?
“Continue!”utos ni Michael kaya nabaling ang tingin ko sakaniya. I didn’t know Michael was also interested in these kind of stories.
“So ayun, he gave me a keychain para maalala ko siya kahit pa magkalayo—“Natigilan ako sa pagsasalita nang biglang tumayo si Nate mula sa kinauupuan niya at nakita ko itong naglakad palabas ng room.
“What was that?”tanong ni Vienne at tila nagulat din sa biglang pagwalk-out ni Nate.
“Hayaan mo na iyon. Ipagpatuloy mo na ang kwento Paige!”wika ni Michael.
Napatingin ako sa labas ng room at sa hindi ko malamang dahilan ay tumayo na din ako sa kinauupuan ko at dinala ako ng mga paa ko sa labas ng room upang hanapin si Nate.
Tumingin ako sa magkabilang dulo ng floor at hindi ko makita si Nate.
Tatakbo na sana ako papunta sa may hagdanan upang bumaba nang may mapansin akong nakasandal na isang estudyante sa gilid lang mismo ng classroom namin.
It was Nate.
“Nate,”tawag ko sakaniya.
Nakayuko lamang ito habang nakapamulsa. Hindi niya ako pinapansin.
“I know you will come back,”wika ko sakaniya tapos niyakap siya.
Hindi ko alam kung naaalala niya pa ang batang babae na iniligtas niya at binigyan niya ng isang blue keychain pero isa lang ang nararamdaman ko ngayon. Sobra ko siyang namiss.
“Naaalala mo pa ba ako?”tanong ko sakaniya at bumitaw ako sa pagkakayakap rito.
Tumingin siya sa akin. Napakalamig ng titig niya sa akin. Wala man lang akong makitang emosyon sa mga mata niya.
“No, I don’t. Sorry.” Ngumiti ito ng tipid tapos umiwas agad ito ng tingin sa akin nang sabihin niya iyon at umalis sa harap ko at naglakad pababa ng hagdan.
Naramdaman ko na naman ang mga luha na namumuo sa mga mata ko.
Sumisikip na din ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Hindi na niya ako maalala?Pero bakit?
Buong akala ko ay bumalik siya dito para sa akin?
Pumasok ako sa loob ng classroom at bumalik sa upuan ko na natutula pa din dahil sa nangyari.
Tapos na ang lahat sa sharing namin kaya maya-maya ay nagdismiss na ang teacher namin. At heto ako, natutulala pa din at nanlulumo sa nangyari.
Nakaramdam ako ng isang brasong umakbay sa balikat ko. Kaagad kong tiningnan kung sino ang walanghiyang umakbay sa akin at nakitang ang gwapong transferee na si Levii lang naman.
“Kung gusto mo umiyak, iiyak mo lang iyan.”Ngumiti ito sa akin at hinagod ang buhok ko gamit ang kamay na nakaakbay sa akin.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko na nga mapigilang umiyak. Kasi naman! Kapag hinahagod ako at kinocomfort mas lalo pa akong naiiyak!
Tinanggal ko ang braso ni Levii saka ako humarap sa kaibigan kong si Pierce at humagulgol.
Kaagad niya naman akong niyakap at hinagod ang likod upang mapatahan.
“Hindi niya daw ako naaalala Pierce!Bakit?Nakaplano na yung future naming dalawa!Paano na ito?”sabi ko at hinampas-hampas pa ng mahina ang dibdib ko dahil sa sobrang sakit.
“Minahal mo kasi ng sobra eh. Sa susunod kasi, huwag mo ibuhos ng todo ang pagmamahal mo. Kahit pa nangako iyan sa’yo na babalikan ka, hindi mo pa din maitatanggi ang posibilidad na baka hindi niya ito tuparin. Tahan na, para kang bata.”
Patuloy lang nito na hinahagod ang likod ko at pinapatahan ako at maya-maya ay tumahan na nga ako at pinunasan ko na ang mga luha ko.
“Pierce Samantha! Ayaw kong mauwi lang sa wala ang love story namin ni Nate!”sabi ko at hinawakan ang magkabila nitong balikat at inuyog.
“Kung talagang napakadesidido mo riyan, eh wala nang magagawa ang mga pagpigil ko sa’yo. ‘Di ka naman nakikinig eh. Kung gusto mo ngang matuloy ang love story niyo kuno ni Nathan, gumawa ka ng paraan para mangyari iyon. Hindi iyong lagi kang iiyak sa akin at kapag binigyan naman kita ng advice, ‘di mo naman sinusunod. Oh edi gawin mo na kung ano talaga ‘yung gusto mo.” Tinapik niya ako sa balikat tapos nang tingnan ko siya ngumiti ito ng tipid kaya napangiti na din ako.
Kahit pa minsan, binabara ako ng kaibigan kong ito o ‘di kaya ay nilalait ang love story namin ni Nate, alam kong mahal ako nito at alam kong sinusuportahan niya pa din ako kahit hindi man niya magawang sabihin sa salita.
Tumayo ako at itinaas ang dalawa kong kamay at iniharap kila Levii at Pierce.
“Ano naman iyan?”masungit na tanong ni Pierce at nginuso ang kamay ko.
“High-five iyan! Salamat sa comfort niyong dalawa ah!Alam ko na ang gagawin ko!”maligaya kong sinabi at ngumiti sakanila.
Kaagad namang tumawa si Levii at nakipaghigh-five na sa akin kaya ngumiti ako sakaniya.
Tumingin naman ako kay Pierce at nang tumingin ito sa akin, umikot ang mga mata niya bago niya tinanggap ang high-five ko.
"This time, alam ko na ang dapat kong gawin. I will make Nathan Ledezma notice me and eventually he'll fall in love with me." Sabi ko at ngumiti sakanilang dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top