Chapter 11

"Do you think she's still with us?"

"Leave her be. Ganiyan talaga iyan. Pero her silence is creeping me out. Nakakapanibago."

"Me too. Do you think she's even alive at this moment? Well I guess she is kasi nakabukas pa naman ang mga mata niya but it's not freaking blinking Pierce! Look! "

Of course I hear them both talking about me. It's just that tinatamad muna akong makipag-usap ngayon sakanila.

Napabuntong hininga na lamang ako tapos ay idinugmo ang ulo ko sa armchair ko at pumikit na lamang.

"Take a look at her depressed aura. Damn, she's a mess."Levii said and I heard him clicking his tongue.

I reached for his arm and slapped it hard. I heard him grunt in pain but it didn't matter to me. I'm too lazy to even get up.

Maya-maya ay naramdaman kong hinawakan ako sa magkabila kong balikat at inangat ako mula sa pagkakadugmo ko sa armchair.

Nang makita ko si Pierce na hawak-hawak ako, kaagad ko itong hinila papalapit at niyakap ng mahigpit.

"Pierce!" Humagulgol ako sa likod niya habang yakap-yakap ito.

May naririnig akong bulungan nila ni Levii habang yakap niya ako pero pinabayaan ko na at niyakap pa ito ng mahigpit.

Maya-maya ay naisipan ko nang bumitaw rito at tumayo mula sa pagkakaupo ko sa upuan.

"Saan punta mo?" Tanong ni Levii sabay pigil pa ng tawa.

Ang sarap lang niya sipain eh!

I rolled my eyes at him before answering his question sarcastically.

"CR. Sama ka? "

Itinaas nito ang dalawa niyang kamay tapos ay umiling.

"Just make sure that you won't go in there weeping inside the cubicle." At dahil nga sa sinabi niyang iyon, sinipa ko na ng malakas ang upuan niya tapos ay kaagad akong lumabas ng classroom.

Dumiretso ako papunta sa may CR tapos pagpasok ko roon, humilamos ako ng mukha ko sa sink area.

" Look at you Paige. Magpapatalo ka na lang ba? You said that yesterday was just a start of your battle with her right?" Mahina kong sambit sabay hugas ng kamay ko.

Napatingin ako sa repleksiyon ko sa salamin tapos ay sumimangot ako rito nang maisip ko na namang ang mga negatibong bagay.

I hate being so negative! Pakiramdam ko isa itong toxic na attitude na tinataglay ko minsan kaya pinipilit ko talagang maging positive sa lahat ng bagay.

Kaya naman self, please cooperate with me.

I breathed heavily before getting out of the Comfort Room.

Naglakad ako pabalik sa classroom at bumabagabag pa din sa akin ang nangyari kanina.

Pakiramdam ko, sumuko na lang ako bigla kanina which is really unusual for me kasi hindi naman talaga ako sumusuko ng ganoon-ganoon lang kaya sobrang naiinis ako sa sarili ko minsan.

Huminga ako ng malalim bago ko hinawakan ang knob ng pinto ng classroom namin.

Nabigla ako nang biglang bumukas ang pinto at kaagad namang nabangga ang ulo ko rito.

"I'm really sorry. Okay ka lang ba?" Napatango lamang ako sa nagsalita. Pero ang totoo ang sakit talaga ng noo ko dahil sa lakas ng impact ng pinto.

Dadaan na sana ako sa gilid niya nang bigla ako nitong hablutin sa kamay at hinila pabalik sa labas saka tiningnan ang noo ko.

Nakayuko lamang ako pero naiinis ako ng sobra sa taong ito na bumangga sa akin!

Tumingala ako rito at nang paninindilatan ko na sana ito, narealize ko na ang taong nakabangga sa akin ay si Nate.

I blurted out a deep sigh before closing my eyes because of my foolishness. Damn! Sa lahat pa ng kaklase ko na pwedeng iluwa ng pintong ito ay si Nate pa!

"About sa kanina..."Iminulat ko ang mga mata ko tapos ay nakita ko si Nate na binitawan na niya ang noo ko tapos ay nakatingin lang ito ng diretso sa akin.

"Hindi mo na lang sana ginawa iyon para sa akin. I deserved that kind of punishment." He lowered his head before biting his lower lip and averting his gaze from mine.

"Are you disappointed in me? Or are you mad at me for doing that?" My lips twitched a bit and I felt like I am going to cry again.

Please Paige, keep it still!

"No, it's not that. I just—" Tumingin ito sa akin at bahagyang napahinto sa pagsasalita.

He let out a deep sigh before he flashed a smile at me. "Thank you, Paige."

Nagulat akong nang ipinatong niya ang kanang kamay niya sa tuktok ng ulo ko tapos ay ibinaba niya ang ulo niya ng kaunti upang maging magka-level ang tangkad namin.

"I just did it for you though. To make you happy."Wika ko bago iniwas ang pagtitig sakaniya.

Pakiramdam ko ay sasabog na ng dibdib ko ngayon dahil sa sobrang lapit ni Nate sa mukha ko.

Nate ano ba! Wala pa bang may mas ilalapit pa?

Hindi ko alam pero may sumagi sa isipan ko na sana ay may tutulak sa likod ko upang magkalapit pa kami—

"You didn't have to do that though to make me happy."He said as he laughed like a child.

Pwede na ba akong kiligin sa sobrang cute ni Nate tumawa? He looks so innocent at this moment with his mesmerizing eyes.

He's not removing his hand at the top of my head and he's been saying these sweet words that sent butterflies inside my stomach.

" Then what can I do to make you happy?" I pouted my lips and then turned my lips into a frown.

I was startled when he held my cheeks with his two index finger and turned my frown upside down.

"There. That's enough." He answered and flashed a smile that really made me scream inside.

Maya-maya ay binitiwan niya ang mukha ko tapos ay hinawakan niya ako sa kamay at nginitian..

"Pasama ako sa'yo." Hindi ko alam pero napatango na lamang ako sakaniya sa sinabi nito sa akin.

Hindi ko namalayan na naglalakad na pala kaming dalawa pababa ng hagdan. Natigilan ako bigla at napatakip sa bibig ko nang may marealize ako.

"N-Nate?" Tawag ko rito tapos ay tumingin naman kaagad ito.

Tinuro ko 'yong kamay niya na nakahawak sa akin tapos ay bigla na akong napatakip ng mukha ko gamit ang dalawa kong kamay.

"Nate! Hindi ako na-inform na kanina mo pa pala hinahawak kamay ko!" Sabi ko habang nakatakip pa din ang kamay ko sa mukha ko.

Pakiramdam ko ay pulang-pula na ako ngayon tapos ay hindi ko magawa na tumingin sa kaniya kasi sobra akong kinikilig!

"Oh, sorry. Kailangan ba iinform?—I mean, 'di ko sinasadya." Tinanggal ko ang kamay ko sa mukha ko tapos ay nakita si Nate na nakakunot ang noo habang kinakamot ang batok nito.

"No! Don't be! Actually kinikilig nga ako so hawakan mo na ulit, please." Hininaan ko ang boses ko para hindi niya iyon marinig tapos ay tumawa ako nang mahina.

"Ha?" Umiling-iling lamang ako sakaniya bago ako ngumiti.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko rito tapos ay luminga-linga ako sa side to side ng building at nalaman kong nasa second floor.

Itinaas niya ang kaliwang kamay niya na may hawak na mga papel.

"Ipa-pass ko ang Physics activity ng klase. Utos ng President na'tin." He scoffed.

Bigla ko na namang naalala ang nangyari kahapon. But then, I'm glad pa rin naman na ka-partner ko si Levii kahit pa umepal siya kahapon kasi tinuruan niya talaga ako sa Physics.

Pumunta kami ni Nate sa Admin Office. Pumasok kami sa loob tapos ay hinanap namin ang table ni Ma'am Eleazar at inilapag ang mga papel doon.

Pagkalabas namin sa office ay kaagad naman kaming naglakad pabalik sa classroom.

Nang makaakyat ako ng ilang steps sa hagdan, may sumagi na isang thoughy sa isipan ko tapos ay nilingon ko si Nate sa likuran ko.

"Paunahan!" Sabi ko kay Nate tapos ay bigla akong tumakbo paakyat ng hagdan.

Nang nilingon ko naman ito ay nakita ko itong huminto at tinitingnan ako ng masama.

"What's with the glare?" Nakakunot-noo kong tanong sakaniya.

"Tinatamad ako makipag-unahan,"sagot nito tapos ay nagsimula na siyang umakyat ng hagdan.

Napasimangot ako sa sinabi niya.

"Aba, bakit naman?" Tanong ko tapos ay ipinagkrus ang dalawa kong braso sabay nguso dahil sa pagkadismaya.

"'Di na' ko bata, Paige." Seryoso nitong tugon tapos ay tinapik ako sa balikat nang maabutan na niya ako sa pwesto ko.

"Hala siya! Kami nga ni Pierce palagi kami nakikipaghabulan! Bata pa naman tayo oy—" Kaagad akong napatigil nang bigla siyang tumakbo tapos ay tumawa.

"Nate! That's unfair!" Sigaw ko sakaniya tapos ay tumakbo na rin ako.

"What? 'Di kita marinig! Feel ko malapit na' ko manalo!" Tumawa pa talaga ito kaya sinamaan ko na ng tingin at hinabol.

"It's not even fair! You just had a head start! You cheated!" Sigaw ko pabalik habang hinihingal sa sobrang pagod.

Jusko!Ngayon ko lang narealize na nakakapagod nga palang umakyat sa hagdan lalo na kapag tumatakbo pa ako. Pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko sa sobrang pagod.

Natigil ako sa pagtakbo nang may maalala na naman ako.

"Teka! Hindi ko pa sinabi na start na! Nate!" Sigaw ko sakaniya habang hinahabol ito sa hallway.

"Ano? May sinasabi ka? I can't hear you. Feel ko kasi malapit na akong manalo!" Sigaw nito pabalik at lumingon sa akin at tinatawanan pa ako.

Nagulat ako nang hindi ko namalayan na natisod pala ako sa isang bato sa may unahan dahilan nang pagkatumba ko.

"Aray!"Usal ko tapos ay tiningnan ko ang tuhod kong nagasgasan.

Dumudugo ito at sobrang sakit ng gasgas na inabot ko kaya hindi ko maiwasan ang mapahagulgol.

Bago pa maging malabo ang tingin ko dahil sa mga luhang namumuo sa mga mata ko, nakita ko si Nate na tumatakbo papalapit sa 'kin.

"Patingin nga." Seryosong sambit ni Nate at itinuro ang kanang tuhod kong tinatakpan ko ng mga kamay ko.

Tumango na lamang ako tapos ay napapikit ako nang may maramdaman akong may idinampi siya sa sugat ko.

Isang asul na band-aid.

"Andami mo atang stock ng ganiyan. Tapos always ka pang may available na band-aid sa tuwing nasusugatan ako." Nagawa ko pang tumawa sa gitna ng mga paghikbi ko tapos ay itinuro ko ang band-aid na idinikit niya.

"Ah. Palagi kasi ni mama nilalagyan ng ganiyan ang pocket ko kasi sabi niya dapat daw ready ako sa mga aksidente gaya nito. At ang nakakatawa nga ay ikaw palang ang nakakagamit ng mga band-aid na palagi kong dinadala. Hindi naman kasi ako kasing clumsy—" Hinampas ko si Nate sa may balikat tapos ay nagsimula na naman akong maiyak sa sinabi niya.

Minsan he's really bad!

" Ang iyakin mo talaga ano? Tahan na, "dagdag pa nito tapos ay hinawakan ako sa likod at inilapit sa katawan niya.

Kakalas sana ako pero hindi ko magawa dahil kakaiba ang nararamdaman ko nang yakapin ako ni Nate.

Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ngayon ang nararamdaman ko gayong niyayakap ako ni Nate pero ang alam ko lang ay unti-unting nawawala ang sakit na dulot ng sugat ko sa tuhod dahil sa ginawa niya.

"Suko ka na?" Tumingin ako sa may itaas kung nasaan si Nate.

Nakangiti pa rin ito kahit pa sobrang hinihingal na sa pagod sa pagtakbo.

Kaagad akong napangiti sakaniya tapos ay hinabol siya. Nang mahabol ko na ito kaagad kong chinoke siya sa leeg gamit ang kaliwang braso ko.

Nang tingnan ko ang mga paa ko, natawa ako dahil naka-tiptoe na pala ako sa tangkad ni Nate.

"O-Okay you win!" Kaagad ko itong binitiwan at tumawa ng malakas.

"You cheated...Again."I said and looked at him with a dismayed look.

"You're still a sadist." He rolled his eyes at me that made me pouted my lips.

"Hey. Your forehead—namumula pa rin. Baka magkabukol ka niyan dahil kanina?" Muntikan na akong mapaatras at mahulog sa hagdan nang hawakan na naman ni Nate ang noo ko.

I admit that it still sting. Sana naman ay hindi ako magkabukol dahil doon please!

"Okay lang talaga! Ano ka ba!" Hinampas ko ito sa braso tapos ay tumawa ako ng pilit.

Biglang sumagi sa isipan ko ang isang thought. "Siguro kapag hahalikan mo ako sa noo, mawawala na 'yong sakit."

Napatakip ako sa mukha ko at natawa sa inisip kong iyon. Minsan ang wild na talaga ng mga iniisip ko. Siguro kapag ginawa talaga iyon ni Nate, pakiramdam ko okay na okay na ang lahat sa buhay ko.

Yong mga mabababa kong grades, yong mga problema ko dahil sa late ako lagi at kahit pa yong problema ko sa rival ko at sa mga epal na side characters sa story namin ay pakiramdam ko mawawala kapag ginawa iyon ni—

Natigil ako sa paghagikhik sa tawa at kusang bumaba ang mga kamay kong nakatakip sa bibig ko nang may maramdaman akong dumampi sa noo ko.

Nang iaangat ko ang ulo ko, nakita ko si Nate. Nang humiwalay ito sa akin, pakiramdam ko uminit ang kabuuan ng mukha ko dahil sa ginawa niya.

He... He just... He just kissed my forehead!

Kaagad akong tumalikod sakaniya at pumikit at pilit na itinatago ang kilig na nararamdaman ko.

"Nawala na ba?" Lumingon ako sakaniya habang hawak-hawak ko pa rin ang magkabila kong pisngi na sobrang init na at pakiramdam ko sobrang namumula na.

Nakangisi pa ito sa akin kaya nadagdagan ang kaba kong nararamdaman.

"A-Ang?" Tanong ko tapos ay nakita ko itong kumunot ang noo habang nakangiti.

"Narinig kasi kita na—"

Kaagad itong natigil sa pagsasalita nang sumigaw ako.

"Stop! I get it na!" Tinakpan ko ang magkabila kong tenga nang matanto ko na sasabihin niyang narinig niya pala ang sinabi ko kanina.

Hindi ko alam na nasabi ko pala iyon. Akala ko nasa isip ko lamang 'yon!

"Well... Gusto mo ba dalhin kita sa clinic para malagyan ng ice bag iyan?" Tanong nito tapos sabay hawak sa batok niya.

Umiling ako sakaniya. "Hindi na. Hindi ko na nga nararamdaman ang sakit," sagot ko.

Sa totoo lang, hindi ko na nga nararamdaman ang sakit dahil sa ginawa ni Nate. Pakiramdam ko ang kilig na nararamdaman ko ngayon ang nag-ooverpower sa sistema ko.

Ngumiti na lamang ito at akmang maglalakad na sana ito nang pigilan ko gamit ang paghawak sa kaliwa niyang kamay.

"Bakit? May masakit pa ba?"Tanong nito sabay lingon sa akin at ngumisi ng todo.

"Dito pa oh! Sakit din!" Mahinang sambit ko at tumango-tango sabay turo sa left cheek ko gamit ang hintuturo ko at nagpout.

Nakita kong naguluhan siya sa sinabi ko kaya pinakitaan ko na lang ito ng isang 'peace sign' bago umiling.

"Ikaw talaga." Nagulat ako nang ginulo niya ang buhok ko.

Actually, I really hate people who are messing with my hair but gaya nga ng sinabi ko kay Levii, Nate is an exception. He can mess with my hair all he want.

Kaagad akong napasapo sa noo ko nang may matanto ako na nasabi ko ngayon-ngayon lang.

Damn! Nasabi ko ba talaga iyon kay Nate?

Patuloy kong sinampal ang bibig ko habang patuloy kaming naglalakad nang bigla na naman itong naging walang hiya at sinabi pa ang bagay na iyon kay Nate!

Nang makapasok kami ni Nate sa room, kaagad siyang nagpasalamat sa akin tapos ay bumalik sa seat niya tapos ay pumunta naman ako sa seat ko.

Naabutan ko ang dalawa kong seatmate na natutulog sa kani-kanilang armchair.

Minsan naiisip ko na palagi ata kaming puyat na tatlo kasi lagi kaming natutulog kapag may klase—oh wait, ako lang pala ang natutulog sa klase.

Kaagad akong umupo at kinalabit silang dalawa gamit ang mga kamay ko. Excited na ako na sabihin sakanilang dalawa ang mga nangyari sa amin ni Nate!

Unang bumangon si Levii kaya siya ang una kong tinilian. Kaagad ko itong pinaghahampas at kinuwento lahat ng nangyari. Tumango-tango lamang ito at kinusot ang mga singkit niyang mata habang nakatingin sa akin na half-closed pa ang mga mata dahil sa antok.

Nang matapos ko nang gawin ito kay Levii, dumako na naman ako sa isa ko pang katabi upang ikuwento naman sakaniya at nagulat na lang ako na nawala na ito sa tabi ko. Pati na rin ang upuan niya!

Tumingin ako sa row na kaharap lamg namin at nakita ito sa may pinakagilid katabi ang bintana na nakatingin pala sa akin. Ang tingin pa niya ay sobrang nakakatakot na parang binabantaan ako kaya napalunok na lamang ako at umiwas sa tingin niyang nakakamatay at nagtiis na lang na magkuwento kay Levii.

This day started a rough day for me pero at the end of the day pala, may pabaon na plano ang tadhana para sa amin ni Nate at sobra akong natutuwa sa mga nangyari.

Napangiti ako nang maalala ko na naman si Nate. I know na mahirap ang umasa at masaktan in the end but I can't seem to stop myself from falling for this guy. I just can't.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top