Chapter 1

PAIGE

Ibinagsak ko ang ulo ko sa lamesa dahil sa pagkabagot. Kanina ko pa hinihintay ang kaibigan kong si Pierce at umabot na ng isang oras ay hindi pa din ito dumadating.

Ininom ko ang Dutch Mill ko na nasa tabi ko lamang habang nakadugmo pa din ang ulo ko sa mesa.

"Nasaan ka na ba Pierce?" sigaw ko at sinipa ang upuan na nasa harap ko.

Nang bumangon ako upang uminom ulit ng Dutch Mill, nakita kong pinagtitinginan ako ng mga estudyante sa loob ng cafeteria. Tiningnan ko sila ng masama at hinayaan na husguhan ako.

Wala akong pake sa mga iniisip nila at kung ano ba ang tingin nila sa akin, basta ang alam ko lang ay mahal ko ang sarili ko at hindi nila mababago iyon kahit pa husgahan nila ako ng mga masasamang salita.

Sisigaw na naman sana ako nang biglang may humampas sa ulo ko.

"Aray!" sigaw ko at tiningnan ang siraulong humampas.

It was Pierce. She was grinning while she's drinking her soda.

Umupo siya sa upuan na nasa harap ko lamang tapos nagsalita.

"Kamusta?" tanong nito tapos ay pachill-chill lang na umiinom.

Ibinagsak ko ang mga kamay ko sa mesa tapos ay pinandilatan siya.

"Isang oras mo akong pinaghintay dito Pierce! Isang oras! Isang oras akong naging tanga kahihintay na dumating ka! Gagaya ka din ba sa ginawa sa akin ni-" Kaagad na naputol ang pagdadrama ko nang takpan niya ang bibig ko gamit ang mga kamay niya.

"Teka, ubusin ko muna." Tumango ako sakaniya nang tinuro niya ang iniinom niyang soda.

Nagsimula akong mainip dahil sa sobrang tagal niya uminom. Kaya ibabagsak ko na naman sana ang mga braso ko sa mesa pero kaagad na niyang itinaas ang soda na hawak.

"Done!" sigaw nito.

"Pierce, tingin mo babalik siya?" tanong ko rito saka hinawakan ang nga kamay nito.

Naiiyak ako dahil patuloy pa din akong umaasa na babalik siya. Nandito pa nga nakaattach sa pink kong bag ang binigay niyang keychain.

Oh my Bee!

Tawag ko rito ay Bee. Ang cute kasi ng bigay niya at inaalagaan ko talaga ito at iniingatan kahit saan pa ako magpunta. Ah basta!

Nakakacringe man pakinggan pero ganoon talaga kapag in love ang isang tao.

"You spaced out again, Paige." I looked at my friend, Pierce and she's waving her hand in front of me.

"Ngayon 'yong ika-8 anniversary namin ni Nate!"usal ko tapos ay tumili ako.

"Can you stop squeling! Man! You're so loud!" wika nito saka tinakpan ang tenga niya.

I glared at her. How could she be so unsupportive sa amin ni Nate?

"Can you atleast comfort me just this once! I've been waiting for him for 8 years already! At ngayon yung day na ibinigay niya si Bee! "sabi ko sabay pout sa kaibigan ko.

"Damn. You're too persistent in waiting for nothing. Okay, I guess I'll do this just this once," she said and she sighed.

Tumabi siya sa akin at hinagod ang likuran ko. Dahil na din sa mga paghagod niya at comforting words, naiyak tuloy ako!

"Do you think he's coming back?"I asked between my loud sobs.

"No. I don't think he's coming back so cheer up," she said and she tapped my back.

Sasaya na sana ako dahil akala ko sasabihin niyang babalik pa si Nate but she didn't! And she also said that I should cheer up to know he's not coming back!

How am I supposed to cheer up?

Lumakas pa lalo ang mga iyak ko at humagulgol na ako ng sobra sa balikat ni Pierce.

Nate said he'll come back for triple B. He would not break that promise right?

Tumigil ako sa pag-iyak dahil sa naisip ko. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at ibinagsak ang dalawa kong kamay sa mesa. Pinunasan ko ang mga luha ko at ngumiti.

"8 years palang naman! Alam kong babalikan niya ako!" sabi ko tapos ay tumingin ako kay Pierce.

Nakanganga itong nakatingin sa akin. Hindi maipinta ang mukha niya dahil sa sobrang naguguluhan ito sa akin.

"You're one crazy woman, Paige. Hindi ko nga alam kung bakit naging kaibigan kita," sabi nito saka umiling-iling pa.

Ngumiti lamang ako sakaniya tapos ay nakarinig kami ng school bell. 5 minutes nalang before ng next class namin.

Tumayo si Pierce tapos ay hinila na ako palabas ng cafeteria. Naglakad kami papunta sa Building A kung nasaan ang room namin.

Nasa 4th floor pa ang kwarto namin kaya sobra na naman kaming mapapagod nito kakaakyat.

Malapit na kami ni Pierce sa 3rd floor nang bigla may mabangga si Pierce na isang lalaki sa may hagdanan.

Nabitawan ng lalaki ang hawak niyang mga papel at tumilapon ito sa may hagdanan.

"Oh shit! I'm so sorry!" wika ni Pierce tapos ay tinulungan ang lalaki na pulutin ang mga papel.

Tumulong din ako sa pagpulot ng mga papel dahil tumilapon ang iba sa malayong parte ng hagdan.

"Nah, it's fine." Wika ng lalaki tapos ay kinuha kay Pierce ang mga papel.

Nang kukunin na niya sana ang mga papel mula sa akin, napahinto ito at tumingin ng saglit sa akin at gayon din ako.

His eyes...his eyes were so familiar.

Nang kukunin na niya mula sa akin ang mga papel, aksidente kong nabasa ang isang part sa papel. May nakita akong pangalan.

Isang pangalan na nagpakabog ng dibdib ko. Isang pangalan na nagpaalala sa akin ng isang tao.

Kaagad niyang hinablot mula sa akin ang mga papel at kaagad bumaba sa hagdan at umalis.

Napalunok ako at naramdaman ko ang iilang butil ng pawis na namumuo sa noo ko.

"Huy! Okay ka lang ba?Star-struck ka sakaniya girl?" Napatingin ako kay Pierce nang bigla siyang nagsnap ng fingers niya sa akin at nagsalita.

"Pierce, you won't believe with what I am about to say." I said and I held both of her hands and gripped it tightly.

"What?" tanong nito at kumunot ang noo.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita, "I think I have found him."

Natigilan si Pierce at tumingin ng diretso sa akin. Ikinuwento ko sakaniya ang nakita ko sa lalaking iyon.

"Hindi nga?" hindi makapaniwalang tanong ni Pierce sa akin.

Tumango-tango ako sakaniya at lumawak pa lalo ang ngiti ko.

Nakita ko kasi ang pangalan na nakalagay doon sa papel na aksidente kong natingnan.

Nathan Ledezma ang nakalagay.

Ang mga mata niya kanina, alam kong kapareho ng mga mata niya ang mga mata ng batang nakilala ko. Sigurado akong siya si Nate.

Kaagad akong tumakbo pababa ng hagdan at hinanap kung saan pumunta si Nate.

Tumakbo ako pababa ng hagdan hanggang sa makarating ako sa ground floor ng building. Tumingin ako sa kaliwa, sa kanan pero hindi ko siya nakita.

Tumakbo ako palabas ng building at bigla kong nabangga ang isang estudyante.

Natamaan ng dibdib nito ang mukha ko kaya sobrang sakit ng mukha ko dulot ng pagkabangga ko sakaniya.

"Aw! Tigas naman niyan!" sabi ko sakaniya tapos ay itinuro ko ang dibdib niya.

Hinimas-himas ko ang kaliwang parte ng mukha ko dahil sobrang sakit nito.

"You okay?" tanong nito at hinawakan ang tuktok ng ulo ko.

Umangat naman ang tingin ko sakaniya at nang makita ko ang mukha niya, napaatras ako ng kaunti.

Is this a miracle?

Nabangga ko ang isang gwapong lalaki!

I looked at him in awe. His eyes were glistening brown and he's freakin' tall.

Oh my! Ang gwapo niya talaga!

"Hey," he said and he snapped his fingers at me and smiled.

Napatakip ako ng mukha ko at tumalikod ako.

Nagtataksil na ba ako? Hindi ako pwedeng magtaksil kay Nate! Snap out of it Paige!

Hinawakan niya ang balikat ko tapos kaagad namang akong nagulat nang iharap niya ako sakaniya habang hawak ng dalawa niyang kamay ang magkabilang balikat ko.

"I'm sorry dahil nabangga kita," sabi ko sakaniya at yumuko ako.

"It's fine. Sorry din kasi nasaktan ko mukha mo." Wika nito at ngumiti sa akin.

Dahil sa ngiti nito, hindi ko na makita ang mga mata niya. Hindi ko alam pero napakacute niyang tingnan.

Paige! Umayos ka!

Sinampal ko ang sarili ko upang mawala ang mga walang kwentang thoughts sa isipan ko.

"Woah," sabi nito at tila nagulat sa ginawa ko sa sarili ko.

"I'm really sorry pero may kailangan lang akong habulin!" sabi ko saka umalis sa harap niya at tumakbo.

Tumingin ako sa relos ko at nakitang late na ako ng 10 minutes!

Kaagad ako tumakbo pabalik ng building namin at umakyat sa walang hanggang hagdanan papunta sa floor namin.

Nang makarating ako sa 4th floor, kaagad akong tumakbo papunta sa classroom. Pinihit ko ang doorknob saka pumasok sa loob.

Naestatwa ata ako sa kinatatayuan ko nang makitang nasa harapan ang teacher namin na si Miss Perez at ang isang estudyante.

"Sorry ma'am, I'm late." Sabi ko at yumuko ng kaunti.

"Get back to your seat, Ms. Sandoval."Tumango naman ako sa sinabi ng teacher namin at tumungo sa upuan ko.

Nang tingnan ko ang kasama ng teacher namin, napatayo ako sa kinauupuan ko.

" Is there something you want to share to the class, Ms. Sandoval?"tanong ni Miss Perez at tinaasan ako ng kilay.

Tumingin lamang ako sa estudyanteng nasa harapan kasama niya at nakatingin din ito sa akin.

Alam kong siya ito. Ang kakaibang kulay ng mga mata niya at mismo ang ekspresyon ng kaniyang mukha ang makapagpapatunay na siya nga ang lalaking matagal ko nang hinihintay.

Dahil nasa tabi ko lamang si Pierce, hinila niya ang kamay ko upang bumalik ako sa pagkakaupo sa upuan ko.

Hindi pa din makuha ang tingin ko sa lalaking matagal ko nang hinahanap dahil sa sobrang pangungulila ko rito.

"I'm Nathan Ledezma, 18 years old...It's nice to meet you all,"wika nito at bumaling ang tingin niya kay Miss Perez.

Akala namin ay may idudugtong pa siya sa intoduction niya pero hindi na siya nagsalita.

"Very well, Mr. Ledezma. You can sit beside Miss Silva dahil iyan nalang ang vacant na seat," wika ni Miss Perez at itinuro ang katabing upuan ni Thalia.

Itinaas ko ang kanang kamay ko upang maibaling ang atensyon ni Miss Perez sa akin.

"What now, Ms. Sandoval?" tanong nito at kumunot na ang noo sa inis siguro sa akin.

"Vacant din po sa tabi ko!" sabi ko at itinuro ang katabi kong upuan sa may kanan ko.

Natawa ang buong klase sa sinabi ko pero wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ay makalapit kay Nate.

"Huwag na, Ms. Sandoval. Besides, nakaupo na si Mr. Ledezma sa seat niya," wika ni Miss Perez at itinuro ang upuan sa may kanang side na siyang ikinainis ko naman.

Ibabagsak ko na sana ang mga kamay ko sa armchair ko nang biglang may bumukas ng pinto at iniluwa nito ang isa na namang estudyante.

Ibinaling ko na lamang ang tingin ko sa may kanang side ng room kung nasaan si Nate. Tiningnan ko lamang siya at nakatuon lang ang atensyon nito sa harap.

"Sorry ma'am. Nalate ako kasi nalito ako kung nasaan ang room na ito."Napatingin ako sa pumasok na estudyante na nagsalita.

What the-

"Class, he is a new student here just like Mr. Ledezma so can you, introduce yourself to us?" wika ni Miss Perez sa lalaki.

He was that freakin' handsome guy!

Damn! Mas gwapo si Nate kaysa sakaniya! But this guy is taller than Nate a few inches siguro-teka!

Bakit ko nga ba kinukumpara sila? My heart only belongs to Nate!

"Hi guys! Ako nga pala si Levii Sebastian Martinez, 18 years old. I hope that we'd all get well with each other guys,"sabi nito saka ngumiti dahilan upang hindi na makita ang dalawa nitong mata kasi sobrang singkit nito.

Tumango si Miss Perez saka iginala ang mga mata niya sa loob ng room at huminto ito sa akin. Shit.

"You can sit beside Ms. Sandoval since it's the only seat that is vacant," wika ni Ms. Perez at itinuro ang upuan sa tabi ko.

This guy's gaze shift into my direction and then I saw him smiled at me. He waved at me and he smiled.

Lumapit siya sa kinaroroonan ko at umupo na sa tabi ko. Humarap ako sa gilid ko kung nasaan si Pierce at tinalikuran ang lalaking ito.

Maya-maya ay nakaramdam ako ng pagkalabit sa balikat ko kaya lumingon ako sakaniya.

"Hi, I didn't expect that we'd be classmates." Tumawa ito kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Yeah. Akala ko nga iyon na ang huling pagkikita na'tin. Kung minamalas nga naman ako," wika ko at inikot ang dalawa kong mga mata.

"I'm Levii. Two I's 'yan." Wika nito saka nilahad ang kamay niya.

"Paige," sabi ko at inabot ang kamay niya pero nakatingin pa din ako kay Nate.

"Masaya ako na-" Kaagad kong tinakpan ang bibig niya nang may makita akong hindi kanais-nais. Nanliit ang mga mata ko habang tinitingnan ang hindi kanais-nais na tanaw.

Binitawan ko naman kaagad si Levii at tumingin ulit sa gawi nila Nate.

He's talking to Thalia. Napahampas ako sa armchair ko dahilan upang magulat ang katabi kong maingay.

Damn. Akala ko ba meant to be na kami dahil sa childhood past namin! Malafairy tale pa nga iyon tapos ngayon! Masisira lang dahil sa seating arrangement?

Oh I won't allow that to happen. Our love should still prevail despite of the distance of our seats that prevenys us to be together!

I will make sure I'll get close to him. I'll chase my hero in every way possible.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top