Chapter 7: Rejection
NAGULAT ako sa sinabi ni Sandro but I immediately composed myself. There's a part of me na nasaktan dahil sa sinabi niya pero hindi ko iyon ipinahalata. "Alam mo, masyado kang naniniwala sa teammates mo." Pilit akong tumawa to make it look that I am joking.
"'Di ba?" Sandro laughed. "Mga siraulo dahil kung ano-anong sinasabi din, eh. Pero sinabi ko na lang din sa 'yo para aware ka. Hindi ako nagko-commit sa kahit anong relasyon pa, priority ko ang team. Gusto ko, habang ako ang Captain ng ALTERNATE ay makuha namin ang Championship sa paparating na season 3." Nakangiti niyang paliwanag. Hinalo niya ang kape niya at ininom ito.
"Yup, focus ka sa team mo! Tapos iiyak ka na naman,"
Nanlaki ang mata ni Sandro and he pointed me. "That's foul." He chuckled.
"Charot lang. Pero focus ka muna sa ALTERNATE. Fan pa naman ako. Saka, stop assuming things na gusto kita, ipinapakita ko lang ang suporta ko sa inyo. And you are also the one who pushed me to do streaming." I explained at bumaling ang tingin ko sa magandang view sa view deck. Ang dami ring nagpi-picture sa tapat nito, hindi ko naman sila masisisi dahil ang ganda ng sunset sa lugar. "So I will be here to support you."
Sandro smiled. "We will be always the stranger who support each other."
Nagpatuloy kami sa pag-inom ng kape. This day suppose to be a good day, I mean, nakapag-sign ako ng contract under Stargame and met the team that I supported pero I don't know. Feeling ko ay pinipilit ko lang maging okay, fake smile, fake laugh. I am gloomy inside, ang bigat sa pakiramdam.
Sandro received a text na kailangan na nilang bumalik sa Stargame para umalis. Mabilis namin na inubos ang kape namin. Sabay kaming nakasakay sa elevator. "Saan ka ba? Sabay ka na sa mini bus namin, mahirap pa naman maghintay ng masasakyan ng ganitong oras." sabi niya sa akin.
"Hindi na, nakakahiya din." I answered politely. "Mag-book na lang ako ng grab."
"Sure ka?"
"Oo nga." I smiled. "Ano ka ba, ang tagal ko nang nakatira sa Maynila, hindi naman ako basta-basta magogoyo ng mga manggugulang na taxi driver diyan. I can manage." Bumukas ang elevator at mabagal kaming naglakad.
"Sigurado ka, ah?" Nagdadalawang isip pa si Sandro kung iiwan na niya ba ako o hihintayin niya akong makapag-book ng grab bago siya umalis.
"Oo go na. Ito, captain na captain late!" Pabiro ko pa siyang tinulak paalis para makapaglakad na siya patungo sa Stargame na hindi naman din kalayuan sa cafe na tinambayan namin. "Go, alis! Salamat sa libre, Captain, sa susunod ulit."
Sandro walked at bumaling ang tingin niya sa akin. "Mag-book ka na!" He shouted.
"Nagbu-book na!" Ganti kong sigaw.
Tuluyan ng pumasok si Sandro sa Stargame.
Mabilis na nawala ang ngiti sa labi ko na kanina ko pa pinepeke, wow, hindi ko alam na kaya ko pa lang magpanggap na okay sa harap ng ibang tao. Umupo ako sa baitang ng isang hagdan. "Bakit ka apektado, Ianne? Atleast honest siya sa 'yo." Mahina kong bulong sa aking sarili.
Ilang minuto yata akong nakaupo sa gilid ng hagdan. Niyakap ko lang ang pag-iisa bago ko tuluyang napagdesisyunan na umuwi na sa apartment.
***
"THE nerve! Sinabi niya talaga sa 'yo 'yon?" Inis na tanong ni Lorraine habang nakatambay siya sa apartment namin ni Jessa. Magkakasama kaming tatlo at pinilit nila akong magkuwento dahil pansin daw nila ang pagiging gloomy ko lately. So iyon, kinuwento ko sa kanila ang naging usapan naming dalawa ni Sandro.
"Poging-pogi naman sa sarili. Hindi lang kamo siya ang may tite sa mundo, pektusan ko siya. Ang lakas ng loob niyang saktan ang bff ko." Mahigpit akong niyakap ni Lorraine. "Hayaan mo, 'wag ka na sa Captain."
"Baliw okay na ako. I totally understand." I explained to her. "Pero parang nag-shatter lang ako at that moment noong sinabi niya 'yon. Iba pala 'no? Kapag sa bibig ng crush mo nanggaling na hindi ka niya gusto."
Binato ako ni Jessa ng isang pirasong piattos. "Oh loka ka, e 'di nanggaling na rin sa bibig mo na crush mo si Sandro. Dami mo pang palusot." Dumapa siya sa kama.
"Anong sabi ko sa 'yo, friendly lang talaga si Sandro, 'di ba?" sabi ni Lorraine. "The way he talked to you, 'di ka special bakla, ganoon talaga siya sa lahat."
I sighed. Ayon na nga, eh. Nag-assume ako na baka he will look at me differently dahil magkakilala kami at nakita ko na siya on his down moment. Well, hindi pala.
"Saka mainam na rin 'yan." sabi ni Jessa at napatingin kaming dalawa ni Lorraine sa kaniya. "What?"
"'Te, grabe din naman 'yang way of comforting mo sa frienny natin 'no? Nasaktan si gaga tapos sinabihan mo pang mainam. 'Di mo pa abutan ng lubid at itali sa kisame?" Biro ni Lorraine at natawa kaming dalawa ni Jessa.
"Gaga." Naiiling na sabi ni Jessa. "Atleast naging diretso pa rin si Sandro, dapat thankful ka doon. Hindi ka niya nilandi, walang talking stage, hindi ka niya pinaasa. Atleast wala pa man din nagsisimula, nag-set na siya ng boundary na iyon lang ang kaya niyang ibigay and if you are hoping for more than that, he can't give that." paliwanag ni Jessa sa amin. "Ayaw ka lang din niya saktan. Well, nasaktan ka naman pero ayaw ka niyang mas masaktan ng mas malalim. Mas masakit 'yong feeling mo may laman 'yong action niya pero wala pala sa kaniya."
Napatigil kaming dalawa ni Lorraine. "May point." Lorraine said.
"Hindi ko na dapat isipin si Sandro. Ang kailangan kong gawin ay mag-focus ngayon dahil malapit na akong i-introduce ng Stargame as their new talent. Kailangan ko ng matinding time management para mapag-juggle ang online game, events, pati na rin ang pag-aaral ko." sabi ko.
"Ayan! Ganyan ang mind set! De baleng walang lalaki sa buhay natin, atleast may pera!" May diin sa sinabi ni Jessa na ikinatawa natin.
"Saka madami pa diyan, puwede naman kay Dion, pogi pa no'n." Suhestiyon ni Lorraine.
"Gaga, magkakilala lang kami."
We spent our night together by watching a netflix series and of course, kuwentuhan ng mga drama namin sa buhay.
***
KINABUKASAN, Maaga akong pumasok sa Northford para mag-review sa nalalapit naming exam. Mas gusto ko kasing nagre-review sa library dahil nandoon na ang lahat ng reading materials at higut sa lahat... naka-aircon.
"Ianne, puwede daw ba magpa-picture?" Tanong sa akin ni Ravin habang naghahanap kaming mapupuwestuhan sa library. Kinausap niya kasi ito kanina.
"Nahihiya ako." Bulong ko sa kaniya. Paano ba naman, hindi naman lahat ng tao rito ay nanonood ng stream ko (especially non-gamers students). May special events naman for this kind of... attention I guessed? Baka isipin ng iba sa college namin ay starlet ako ng GMA o ABS-CBN.
"Go lang," itinulak ako ni Lorraine papalapit kay Ravin. "May nahanap na kaming puwesto ni Marcus. Sakto may umalis na mga first year na nagpapalamig lang sa library at hindi naman mga nag-aaral."
Naglakad kami ni Ravin patungo sa mga freshmen na magpapa-picture. "I know you find this awkward pa. Pero as a public figure dapat masanay ka sa ganitong klaseng senaryo," he explained and smile. "Be confident and be extra nice siguro sa ibang tao."
"Ikaw po si Ianne gaming? Tama po?" tanong noong isang freshmen.
I smiled and nodded. "Puwede pong magpa-picture? Nanonood po kami ng gameplay ninyo sa mga boss fights. Sobrang nakatutulong 'yong mga techniques and tactics na shine-share ninyo." paliwanag nito sa akin.
Napangiti ako dahil na-appreciate nila 'yong ginagawa kong research before doing boss dungeon. At isa pa, buti na lang ay tinutulungan din ako ni Dion (A player from Battle Cry)paminsan-minsan. He's sharing some tips although medyo matagal mag-reply dahil madami rin silang ginagawa sa training nila. But still, a help is still a help.
"Picture-an ko kayo." sabi ni Ravin at kinuha ang isang cellphone noong freshman. He took some picture of us and God, nakakahiya dahil napatingin sa amin ang ibang nag-re-review dito sa library.
Bumalik na kami ni Ravin sa nahanap na puwesto nila Lorraine, kinuha ko sa bag ko ang notes ko para makapag-review. "Iba na talaga ang frienny nating streamer." Pagbibiro ni Lorraine.
"Tumigil nga kayo," naiiling kong sabi. "Nahihiya nga ako, eh."
"Hala? Anong nakakahiya doon? Alam ko naman na dapat seperate ang streaming life mo sa personal life mo pero kasi mayroon at mayroong makakikilala sa 'yo in public. Especially ngayon, ang bilis dumami ng followers mo! One of the rising streamer ka talaga sa Pinas. So kung may mga nice naman na nag-a-ask na magpa-picture, go ka lang din. You need to appreciate those people who appreciates you." Mahabang paliwanag ni Lorraine sa akin at nakuha ko naman ang gusto niyang i-point.
Nag-focus kami sa pagre-review. "Hello," nagulat kami noong mahinang bumulong sa amin ang ilang fourth year. Mas nagulat pa ako na si Miss Dani pala ito kasama ang kaniyang bestfriend na si Jace. "Hi, Ianne, kumusta?"
"Okay lang po, Miss Dani."
Natawa si Jace. "Tangina, Miss Dani daw."
Siniko ni Miss Dani ang tiyan ni Jace. "Dani na lang, drop the 'miss' wala naman akong posisyon sa Stargame. Saka schoolmates tayo, huwag ka na mag-miss." She laughed.
"Magpapa-survey lang sana kami for our thesis, may time ba kayo magsagot? Okay lang?" Dani asked to us. Nagkatinginan kami nila Marcus at mabilis din namang pumayag. Hello, Danica Espino na ito na college beauty ng department namin! "Thank you sa time ninyo."
May dinemo silang application na parang health care website (iyon ang thesis nila) then ayon, pinagbigay lang kaming honest feedback sa thesis nila. "So, Ianne, sasama ka ba sa Cebu?"
"Cebu?" I asked.
"Gaming convention. Malapit na 'yon parang two weeks na lang yata. New talents were all invited in that convention, hindi pa ba kayo nasasabihan?" Miss Dani asked as she collected the papers. "Ang spoiler ko naman,"
"Bida-bida ka kasi." reklamo ni Jace.
"Epal mo, 'di ka naman kasali sa usapan. Pero Ianne, kunwari na lang magulat ka kapag may invitation kang natanggap from Stargame. Pero isasama ka yata sa line up sa mga streamers na a-attend sa Cebu. Uwian mo akong dried mango please." Natatawang sabi ni Dani at umalis na sila dahil nagmamadali daw silang magpa-survey sa iba pang estudyante lalo na't malapit na ang next class nila.
"Taray naman ng frienny natin, pa-Cebu-Cebu na lang." Panunukso ni Lorraine.
"God, focus na lang kayo sa pagre-review." Naiiling kong sabi sa kanila.
***
SO far maayos ko naman na-juggle ang lahat. Also, yesterday na-post na sa page ng Stargame ang pagiging part ko nito, maraming likes ang inabot nang naturang post. A lot of professional players leave a comment in the comment section. Isa doon si Sandro na nag-iwan ng Congrats :D na message.
I am scrolling at my facebook feed noong maka-receive ako ng request message from Larkin (member of ALTERNATE). Not sure pala if member pa rin siya dahil sabi nga ni Sandro ay tapos na ang contract niya sa ALTERNATE.
Larkin:
Bamboo girl, busy ka?
Psst!
Hoy!
Snobber amp
Nagtetrend ka ba sa twitter at nang-iisnob ka?
Sunget amp.
Ianne:
Ngayon ko lang nakita message mo.
Larkin:
Akala ko peymus ka na, eh.
Nood ka match namin sa Bulacan.
Ianne:
Hindi naman kailangan prisensya ko doon.
Larkin:
Luh akala ko ba fan ka ng ALTERNATE.
Fake fan.
Ipapakalat ko sa mga fans mo fake fan ka.
Ianne:
Buwisit ka! Kailan ba 'yan? Tingnan ko kung free ako, try ko pumunta.
Larkin:
Sa Saturday, Rob Malolos.
Huwag mo nang i-try. Pumunta ka talaga. Utos ko 'to amp.
Ianne:
Forda utos? 🙄
Larkin:
Uu. HAHAHA
Punta ka, libre kita pizza. Para naman ganahan Captain namin.
Ianne:
Ewan ko sa 'yo.
Larkin:
Huwag kang naniniwala sa mga pinagsasabi nitong si Sandro.
Bobo to eh.
Naturingang Captain, bonak.
Punta ka, ha.
Ianne:
Kulet. Try ko nga
Larkin:
Mama mo try.
Kapag ikaw di ko nakita FO na hmp.
Pustahan kasi to! Kapag nanalo ako 3k, hatian kita kapag pumunta ka.
Punta ka na Bamboo girl.
Ay di na nagreply
Snobber
Iba talaga kapag peymus na amp
Expect kita doon!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top