Chapter 2: The Tournament


HINDI ko ine-expect na magkakaroon ako ng interes sa online games, especially sa Hunter Online (since iyon ang nilalarong game nila Sandro). I even conducted a research every after class para lang ma-gets ang concept ng Hunter Online.

Apparently, isa siyang open world game na may iba-ibang job classifications. Every 6 months ay nagaganap ang tournament kung saan maglalaban-laban ang malalaking teams. Gaganapin ang season 2 tournament next month sa Skydome kung kaya't ina-anticipate ito ng maraming gamers.

"ALTERNATE." Pagbasa ko habang nilalaro ko ang ballpen sa kanang kamay ko. I read some information about them. Since season 1 ay lumalaro na ang ALTERNATE sa mga tournament and currently, it belongs to the top 10 teams in the gaming world. Top 1 ang Daredevils at top 2 ang Black Dragon.

"Alexandro Ysmael Del Rosario." Pagbasa ko sa pangalan ni Sandro habang tinitingnan ang profile niya sa page ng ALTERNATE. "That's a unique name, saka mahaba. Hindi ba siya nahirapan magsulat ng full name niya tuwing may Quiz at exam?"

He is 20 years old (2 years older than me) and one of the strongest member of ALTERNATE. He have great command skill daw and baka siya raw ang papalit sa Captain nila si Dominic kung sakaling mag-retire ito. May fun fact pa na siya raw ang may pinakamaraming kaibigan na Esports player dahil sa personality niya and voted as one of the nicest player sa mundo ng ESports.

Obvious naman, sobrang approachable niya sa Baguio and ang gaan lang din magkuwento sa kaniya. Noong sinabi niyang no judgment, talagang wala akong narinig na kahit anong pangja-judge mula sa kaniya.

"Ay kapagod mag-exam!" Biglang bumukas ang pinto ng dorm at pumasok si Jessa na room mate ko. Dali-dali kong isinara ang laptop ko. "Ano 'yan? Bakit may pagsara? Nanonood ka ng porn?"

"Gaga. Doon ka na nga!" Reklamo ko sa kaniya. Ngumisi si Jessa at lumapit sa akin.

"Hindi ako papayag na hindi ko nalalaman 'yang nagpapa-panic sa 'yo." Hinitak niya papalayo ang swivel chair na inuupuan ko dahilan para gumulong ako paalis sa harap ng laptop. She opened my laptop at bumungad sa kaniya ang picture ni Sandro with information. "Sandro? Sino naman 'tong chupapi na 'to?"

"Wala 'yan!" Pinagulong ko ulit ang swivel chair pabalik.

"Type mo?" Jessa asked at umalis na sa harap ng laptop. "Sa bagay,  ang popogi rin naman ng mga esports players, 'di kita masisisi. Pero bakit ka naman naging interesado sa kanila? Naku, 'te, mahirap magjowa ng mga ganiyan. Daming fans, daming kaagaw."

"Bakit kay Cha Eunwoo marami ka rin naman kaagaw, ah!" Pagbabalik ko.

"Bakla, matagal na akong delulu. Saka tanggap ko na never magiging kami kahit asawa ko siya. Alangan namang pumatol si Cha Eunwoo sa babaeng babagsak na sa Trigonometry." Kumuha ng damit si Jessa at saglit na nagbihis sa banyo.

"May alam ka sa ganito? Esports?" Tanong ko kay Jessa noong makalabas siya.

Inayos niya ang damit niya. "Kaunti. May ex akong player ng Hunter Online. Saka sumisikat na sa Pinas ang ganyan ngayonc. Nakita mo ba 'yong poster ng Oppo doon sa mall diyan sa malapit? Black Dragon 'yon. Pogi nga ni Callie, eh." Itinuro niya ako. "Oh, walang agawan. Cute kasi niya, eh. Tapos mukha pang mabait, parang siya lang ang hindi mayabang sa Black Dragon."

"Hindi naman ako interesado sa Esports players."

"Bakla ka! Ang laki-laki ng mukha ni Sandro diyan sa screen mo tapos hindi ka interesado? Aminin mo na, happy crush. Huwag mo nang niloloko ang sarili no, liliit dede mo sige ka." Pagbabanta niya at natawa ako. Dalawa lang kami rito sa dorm malapit sa Northford Unuversity.

This is not a big room naman, studio type lang ito at sa bunk bed kami nakahiga. I am occupying the upper bed habang siya ay sa baba. May maliit lang kaming desk as a study/work area at minsan dito na rin kami kumakain.

"Interesado ako sa concept ng Hunter Online. I want to play the game." Kuwento ko sa kaniya.

"Ay wow, 'te, iba naman pangarap mo ngayon? Dati vlogger ngayon gamer na? Sana all quick decision." sabi niya. Kinuha ni Jessa ang tablet niya at mukhang magrereview dahil whole week ang exam niya sa iba't ibang subject.

"Gaga ka. Gusto ko maging streamer. Kaso hindi ko alam kung paano."

"Well you will need a nerve gear para makapaglaro tapos high-end na laptop for streaming. Then mic, ring light." suhestiyon ni Jessa sa akin. "Puwede naman kitang samahan bumili kung sakali para masigurado mong hindi ka maloloko din."

"Buti na lang talaga nandiyan ka. Samahan mo ako this weekend." sabi ko kay Jessa.

"Ang yaman naman talaga ng friend kong maganda pero walang jowa." Napailing ako sa sinabi ni Jessa. Not technically mayaman pero kinita ko kasi iyon noong nag-summer job ako sa munisipyo kung kaya't may kaunting ipon ako. "Wala ka bang klase at panay ang tingin mo nh chupapi diyan sa Laptop mo?"

Napatingin ako sa wall clock sa room. 10:44AM.

"Oh God," mabilis kong tiniklop ang laptop at inilagay sa tote bag ko. "May klase pa ako mamayang 11. Magsaing ka for me please, dito ako magla-lunch." Nagmamadali kong kinuha ang ID ko at isinukbit sa leeg ko.

"Go lang 'te. 'Yong sisig malapit sa second gate ang bilin mong ulam, ha! Masarap 'yong sisig nila doon." Paalala niya sa akin.

"Noted!"

***

NGAYON magaganap ang second Hunter Online Tournament at nasa Sky dome kami nina Lorraine, Ravin, at Marcus dahil balak namin manood ngayong araw. "Bakit ganiyan suot mo? Akala ko ba nagkasundo tayo na Daredevils ang susuportahan natin?" Reklamo ni Marcus noong makita na nakasuot ako ng red jersey ng ALTERNATE.

"Never akong um-agree sa ganiyang usapan. At isa pa, kaniya-kaniya tayong team na sinusuportahan dito. I preferred ALTERNATE." nakasuot kasi silang tatlo ng gray jersey ng Daredevils. Sabi nila, ang pinaka hinihintay na laban ngayong araw ay ang Daredevils laban sa Black Dragon. They are the strongest team raw sa Hunter Online world as of now.

As in nagulat ako sa dami ng tao ngayon dito sa SM North na manonood ng match. They are all wearing the jersey of the team that they support. May ibang may mga hawak pang tarpaulin and banners para sa sinumang team na sinusuportahan. I mean, naka-attend na rin naman ako ng kpop concert, it's giving me the same vibes pero different type of hype.

"Kaya mo lang naman sinusuportahan ALTERNATE kasi sa Baguio, eh." Pang-aasar sa akin ni Ravin habang iniaabot niya ang ticket na binili niya sa amin. "Kapag nakita mong lumaro ang Daredevils at Black Dragon, masasabi mo talagang mediocore team lang ang ALTERNATE."

"Excuse me? Last season ay pasok din sila sa top 10 teams at lumaro sa tournament. Ang daming guild sa Hunter Online and knowing the fact that they manage to enter in top 10 is big achievement already." Depensa ko.

Nagkatinginan silang tatlo. "Ay taray, nag-research si bakla." Natatawang sabi ni Lorraine. "Halika na, pumasok na tayo malapit na magsimula ang match."

Dali-dali kaming pumila sa entrance ng Skydome para makapasok. It's really a brand new experience for me na mapanood ang ganitong klaseng tournament first-hand.

'Yong sigawan ng mga tao kahit hindi pa start ng match, talagang all-out sila sa team na sinusuportahan nila. The stage setup look so expensive and super techy niya sa paningin ko. May malaking stage sa gutna kung saan maglalaro ang mga players habang may malaking LED screen sa likod nito kung saan mapanonood namin ang match. May mga banner din ng bawat team sa buong skydome and the lightings? Hands down.

Dito ko napatunayan na hindi na joke ang Esports sa Pilipinas.  Talgang kino-consider na siya as a regular sporta na talaga namang may actual events kagaya nito.

Atleast sa ganitong paraan, nababago ang pananaw ng mga normies sa Esports (kagaya ko). Lugar pa rin ito para mag-showcase ng talent.

"Saan tayo pupuwesto?" tanong ko sa kanila. Si Ravin ang bumili ng ticket kung kaya't siya ang nakakaalam ng seat number.

We walked sa may malapit sa stage. "Sabi ko sa 'yo dapat nag-Daredevils ka, eh." Sabi ni Ravin sa akin. Sa puwesto kasi namin, ako lang ang nakasuot ng jersey ng ALTERNATE.

Lahat tuloy ng tao ay sa akin nakatingin dahil nangingibabaw ako rito. Sabi ko pa naman ay ayokong napapansin ako ng ibang tao pero... laban na 'to. I am really here to watch the match and support the team that I am rooting for. Siguro ay mag-lowkey cheer na lang ako dito para hindi ako masabunutan ng mga fans ng Daredevils.

"Tingnan mo may pogi doon sa gilid," bulong sa akin ni Lorraine kung kaya't nabaling ang tingin namin dito. "Pahiram ng camera mo, picture-an ko."

Well totoo naman na guwapo 'yong tinuro niya. The guy is wearing a jersey from Battle Cry at mukhang coach niya ang kausap niya. Jersey number 7 at mukhang professional player din na nandito sa Skydome para manood ng match. Kinuhanan ni Lorraine ito ng litrato at mabilis na ipinasa sa phone niya ang kuhang litrato para mai-upload sa facebook page niya na may mahigit 100k likes.

"Anong magandang caption? Pogi talaga 'te! Hindi ko na kailangan i-photoshop." She informed me at saglit siyang natigil para mag-isip ng caption. "Ate, kilala mo 'yon?" Tanong niya sa babaeng nasa likod lang namin. "Tagasaan iyon?"

"Ahhh si Dion? Ang alam ko ay taga-Nueva Ecija siya. Napanood ko sa isang interview dati." The girl informed to us.

"Okay," bumalik sa pagta-type si Lorraine. "Cutie player ng Nueva Ecija."

"Ayon tirador lang ng guwapo." Pambubuwisit sa kaniya ni Marcus. "Focus na focus sa goal, ah."

"Eh ano naman? Puwede naman ako makanood ng match habang naghahanap ng guwapo. Nandito na rin naman ako ay dadamihan ko na ang goal ko." Sagot ni Lorraine sa kaniya kung kaya't natawa ako.

Dumilim ang paligid at mas lumakas ang background music. Malakas na nagsigawan ang crowd, they are all hype up sa mga mangyayaring match ngayong araw.

"What's up everyone! Wow! Punong-puno ang Skydome ngayon sa semifinals ng Hunter Online tournament." The emcee said as he walked on stage. "Welcome everyone sa season 2 Tournament ng Hunter Online! I am Hanz, your emcee for this day. Gusto kong marinig ang sigawan ng fans ng iba't ibang team na sinusuportahan ninyo, okay lang ba?" Hanz asked.

He is really good hyping up the crowd. Ang awkward nga lang noong turn na noong ALTERNATE ay ako lang ang sumigaw sa side namin (nasa kabilang side kasi ang mga fans ng ALTERNATE).

"Ready na ba ang lahat para sa mangyayaring match ngayong araw?" We shouted as loud as we can. Siguro bukas kapag pumasok ako sa school ay grabe ang paos ng boses ko. "For our first match, it will be the roosters against the dragons!"

ALTERNATE and Black Dragon fans shouted. Umakyat sa stage ang mga manlalaro, nakasunod si Sandro sa Captain nila. Ang cool niya noong nasa Baguio kami pero mas iba 'yong coolness level niya ngayon. It feels like that he is so alive when he is in that stage. The way he smile and the way he look on the crowd, it makes me feel like this is his safe space.

Ito ang mundo niya– ang Esports.

"Lalampasuhin lang ng Black Dragon 'yang ALTERNATE!" malakas na sigaw ang narinig ko sa hindi kalayuan.

Napatingin ako rito. "Huwag mo nang patulan." Sabi ni Marcus at pinaupo ulit ako. "Ganyan talaga dito, trashtalk-an para mas ma-hype 'yong laro."

Trashtalk-an ba?

"Ang pangit ng Mama mo!" Ganti kong sigaw.

Natawa 'yong mga malalapit na tao sa amin. Matalim niya akong tiningnan at ganoon din ako. Kung sinusuportahan niya ang Black Dragon, puwes! Sinusuportahan ko lang din ang ALTERNATE. Ang aga niya naman mag-judge na matatalo ang ALTERNATE sa Black Dragon. Oo, malakas na team ang Black Dragon pero alam ko naman din na nag-practice ang ALTERNATE para rito.

Nagkamayan na ang mga manlalaro at pumuwesto na sa kani-kanilang inclined chair. Hindi ko alam pero biglang nanlamig ang kamay ko sa kaba. Ganito pala ang feeling manood ng isang professional game? Nanonood lang ako pero parang mas ako pa ang kinakabahan sa mga players na lalaro.

"Are you ready?!" Hanz shouted and we cheered once again. "The battle of ALTERNATE and Black Dragon will start now!" Naglakad na siya pababa ng stage at napatingin kami sa LED screen para manood ng match.

***

"Once again! The Black Dragon proves that they are one of the strongest team here in Hunter Online! It was an easy win for the Dragons. Unfortunately, this will be the end of journey of ALTERNATE for this season." Lumapit ang nanlulumong players ng ALTERNATE. "What can you say to your fans?"

Their Captain– Dominic is the one who grabbed the mic. "Maraming salamat sa mga sumuporta sa amin this season. Sorry kung bigo kami ulit this season na makuha ang trophy. Pero sinisigurado namin sa inyo na we will bounce back next season. Balang araw ay ALTERNATE naman ang magtataas ng trophy sa harap ninyong lahat. Maraming salamat sa suporta!" Dominic shouted at nag-bow sila sa stage.

Napaluha pa ako noong pinipilit nilang ngumiti kahit ramdam nila 'yong panlulumo nila. They still don't want na malungkot ang fans nila. Naglakad pababa ang ALTERNATE at sinundan ko ng tingin si Sandro. He walked outside the skydome.

"Excuse me," sabi ko kay Lorraine at tumayo.

"Saan ka pupunta? Maganda ang susunod na maglalaro, Daredevils na!" Paalala sa akin ni Lorraine.

"CR lang." Lumabas din ako ng Skydome at lumingat-lingat ako sa paligid para hanapin si Sandro. Masyado yata siyang mabilis maglakad kung kaya't agad siyang nawala.

Sa pagtingin-tingin ko sa paligid ay hindi ko napansin na may taong nabunggo na pala ako. "Sorry." Sabi ko noong mapaupo ako sa sahig.

A guy wearing a black and blue jersey helped me to stand up. "Okay ka lang?" Tanong niya. Siya 'yong lalaking kinukuhanan ng picture ni Lorraine kanina– si Dion.

"Sorry, hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko." I informed him. "May hinahanap kasi ako."

His brows crunched. "Sino?"

"Si Sandro. Kilala mo ba siya? Professional player din siya. Lumaro siya kanina." sabi ko kay Dion.

"Nakasalubong ko si Sandro, baka nasa connecting bridge na naman iyon papunta sa Trinoma. Doon pumupuwesto iyon kapag gusto niyang mapag-isa." Dion explained.

"Thank you." sabi ko kay Dion at nagmamadaling umalis.

"Hey!" Tinawag muli ako ni Dion kung kaya't napatingin ako rito ulit. "Anong pangalan mo? Bakit mo hinahanap si Sandro?"

"Basta!" Naglakad na muli ako pero lumingon ulit ako sa kaniya. "Ianne. Ianne ang pangalan ko."

Nagmamadali akong maglakad para makapunta sa connecting bridge at tama nga si Dion, nandoon si Sandro. Walang pakialam sa ingay ng mga sasakyan na dumadaan at pinagmamasdan lang ang mga ito na dumaan.

I can see the disappointment in his eyes. Nagdalawang isip pa ako kung dapat ko siyang lapitan o hayaan siya pero nakita ko na lang ang sarili ko na naglakad papalapit sa kaniya. Nakapatong ang kamay niya sa railings ng bridge. Tumabi ako at pinatong ko rin ang braso ko.

"So this is your world, huh?" Tanong ko sa kaniya at napatingin siya sa akin. Para bang napatigil siya noong makita ako.

"The girl from Baguio?" He asked bilang confirmation at tumango ako. "Ianne." Pagbanggit niya ng pangalan ko. "Kasama mo friends mo? Dapat sinabihan ninyo kami na pupunta kayo para natulungan namin kayo makahanap ng magandang puwesto sa harap."

"Baka hindi na kami pansinin ng mga famous members ng ALTERNATE, eh." sabi ko sa kaniya.

Napailing si Sandro at napangiti. "Baliw."

Nawala ang nguti ni Sandro at tumingin ulit sa mga sasakyan. "First time ninyo manood, talo pa kami."

"It's a nice experience though. Hindi man malawak ang kaalaman ko sa Hunter Online pero the way I watched the match in LED screen earlier, you gave your best." Paliwanag ko sa kaniya.

"Best na hindi nagawang matalo ang Black Dragon." He sighed.

"Bawi next time." I smiled. "Maintaining your spot as one of the top 10 strongest teams here in Hunter Online. Big achievement pa rin 'yon."

"How do you know that we are also in top 10 spots last season?" Tanong niya.

"Ah..." napakamot ako sa baba ko. "I became curious and did my research."

"Thank you for appreciating my world–online gaming. Ikaw ba? Kailan mo gagawin ang binabalak mong vlog?" Tanong niya sa akin. He still remember that kahit isang buwan na ang nakakalipas noong encounter namin sa Baguio.

"I am planning to do streaming." I said to him.

"Good for you. I am still that stranger that is rooting for you." He chuckled. "Talo na namaaan." Nag-unat si Sandro.

"Alam ko hindi ko mapagagaan ang loob mo kahit anong sabihin ko." sabi ko sa kaniya. Ganoon din kasi ako kapag disappointed or nalulungkot ako. "Samahan na lang kita rito."

"Bumalik ka na doon. Tapusin mo 'yong matches, sayang 'yong ticket na binili mo kung 'di mo mapanonood lahat ng laban." Sandro stated pero hindi ko siya pinansin.

Nakatanaw lang ako sa mga sasakyang dumadaan.

He sighed at ipinatong muli ang braso niya sa railings ng bridge. Naging tahimik ang mga sumunod na minuto.

A comfortable silence. He doesn't know that I am also a stranger that is rooting for him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top