Kabanata 6
Pagdating ko sa bahay, I stared at the bracelet he gave me. Ngiting-ngiti ako habang tinitingnan iyon. My interview didn't go well pero nagawa niya pa ring pagaanin ang loob ko sa simpleng regalo na ito.
Naririnig ko ang sariling pagtibok ng puso ko ngayon. Hindi ko lubos maisip na isang araw, i-acknowledge ko ang nararamdaman niya sa akin. Na ma-appreciate ko ang efforts niya.
"Darling, you know you can work in our company, right? Bakit mo pinapahirapan ang sarili mo? Mas magiging desente ang buhay mo if you help our company," ani Mommy sa kabilang linya.
She called me matapos kong kumain ng dinner. Sinabi ko rin sa kanya ang tungkol sa nangyari kanina so she was a bit concern about it.
Yes, may company ang pamilya namin and my mom convinced me to work there. Isa kasi si Mom sa mga owners aside from her brother na kasalukuyang namamahala sa negosyo nila.
"Mom, I am totally fine. And I want to start from the bottom." I chuckled. "Para lang iyang aakyat ng hagdan. If you want to reach the top, start from the bottom. Iyon ang paniniwala ko, Mom."
Napabuntonghininga si Mommy sa sinabi ko. "Alright. I cannot really convince my independent daughter, huh. But if you change your mind, call me. You are always free to come back."
That was the last thing she said before she ended the call. Nailapag ko na lamang ang phone ko sa side table at humiga sa kama. Kailangan ko nang magpahinga dahil baka papasok na naman sa isipan ko si Ethan at hindi na naman ako makakatulog nito.
***
The next day, Ethan visited me. Kumunot tuloy ang noo ko habang nakatingin sa kanya.
"Wala ka bang work?" tanong ko habang pinagkrus ko ang aking braso. "Why are you here?"
“Wala man lang ba akong yakap diyan?” he teased. “I am here because I want to see you.”
I rolled my eyes. “Oo na.”
Ngumiti siya nang pinapasok ko siya sa loob. Ako lang ang mag-isa kasi hindi pa rin bumabalik si Diana. Ewan ko rin sa babaeng iyon, lakwatsera iyon, eh.
“Ano ang gusto mo?” tanong ko nang umupo siya sa sofa.
“Ikaw.”
Napasinghap ako. “H-Huh?”
“Ikaw ang gusto ko,” he said in a serious tone. Tinapik pa niya ang katabi niyang upuan. “Sit here. I don’t want anything except you.”
I frowned. “Seryoso ako, Ethan. Ang aga-aga mo. It’s still 6 am in the morning!”
He laughed. “But I want you. Iyon lang. Can you at least grant my wish? Gusto ko lang naman makausap nang masinsinan ang nililigawan ko.”
Tiningnan ko siya nang matagal bago ako bumuntonghininga at saka hinakbang ang paa ko patungo sa kanya.
“You didn’t even remind me that you will come here! Wala pa akong ligo!” I pouted and sat beside him.
He grinned. “I told you, I want to see your morning face!”
Binalingan ko siya. “What’s with my morning face? Gusto mong makita ang muta ko?"
He leaned closer to me. “Ang ganda mo. Wala pa yang ligo, ah?”
I blushed and slightly pushed him away from me. “Bolero mo talaga!”
He pouted. “I’m not.”
“Wala ka bang trabaho?” tanong ko at saka inilagay ang kamay ko sa hita ko. "May time ka kasing bumisita dito nang ganito kaaga!"
“Of course. I am here because I want to ask you out.”
Umangat ang kilay ko sa sinabi niya. "You want to ask me out?"
"Yes. You love travelling, right?" Hinawakan niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng hita ko. Naibaba ko saglit ang tingin ko roon. "I want to travel with you, Sarah Jade. So, will you go out with me?"
Tumigil sa pag-ikot ang aking mundo nang itanong niya iyon sa akin at umusbong na naman ang pagkabog ng puso ko na pilit kong tinatanggi noon pa man. Mapungay ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin, naghihintay sa isasagot ko.
I gulped. "Ethan..."
Nakita ko na medyo nataranta siya. "I-If not, I won't force you." Namula ang kanyang pisngi. "P-Pero nagbabaka sakali ako na papayag ka."
Kinagat ko ang ibabang labi ko at nag-iwas ng tingin sa kanya. "Pag-iisipan ko."
“Alright!" Umayos siya ng upo. "By the way, kumain ka na ba?”
"Hindi pa."
Napatingin ako sa kanya nang bigla siyang tumayo.
"Then, I'll cook for the both of us."
Nataranta at napatayo ako nang magtungo siya sa kusina. Mabilis ko siyang sinundan para pigilan siya sa gagawin niya.
"Ethan, you don't need to—"
Tumigil ako nang binuksan niya ang refrigerator.
"Seriously?" Naibagsak niya ang balikat niya at napabaling sa akin. "Ano ba ang kinakain mo? Walang laman ang refrigerator mo."
Lumapit ako sa kanya at saka tinulak siya. “Huwag mo ngang pakialaman ang refrigerator ko!”
Sinara ko ang pinto ng ref at saka binalingan siya. Parang siya pa ang namomoblema sa refrigerator kong walang laman.
“Sarah Jade, ayoko na walang kinakain ang nililigawan ko. So, we'll buy groceries.”
“Sa palengke na lang,” I suggested. “Mas mura roon at mas malapit.”
Ngumiwi siya. “But mall is better.”
“Edi doon ka!” I rolled my eyes. “Sanay na ako sa palengke. Hindi ka siguro sanay kasi mayaman ka! Kaya hindi talaga tayo bagay, eh!”
Sumimangot siya sa sinabi ko. Joke lang naman iyon, eh.
I sighed. “Sumama ka na nga lang sa akin! Huwag ka nang mag-inarte! Maganda naman ang palengke! You will meet new people.”
***
Nagtungo kami sa palengke. As expected, pinagtitinginan ang kanyang kotse pagdating namin doon. Paano ba naman kasi, Mercedes Benz tapos nasa palengke.
Pasimple kong kinunutan ng noo ang mga babaeng nakatingin kay Ethan na parang isang pagkain. Sa inis ko, kinuha ko ang kamay ni Ethan at hinawakan ito. Gulat na napatingin siya sa akin.
“Ano?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Hinawakan ko lang ang kamay mo kasi baka mawala ka,” palusot ko. “Malaki pa naman ang palengke ng Badian.”
At agad ko siyang hinila patungo sa entrance matapos kong sabihin iyon. Maaga pa kasi kaya wala pang masyadong tao.
“This is my first time,” he told me nang nakapasok.
“Dito ako bumibili ng mga gulay at karne! At saka mas mura naman talaga dito sa palengke!” pagkwento ko habang papatungo kami sa isdaan. “Bibili tayo ngayon ng isda.”
“I like it when you hold my hand,” he said and smiled at me. “It makes me happy, Sarah Jade. Even if iba ang pahiwatig nito, sobrang big deal na ito sa akin.”
Pinagsalikop niya ang kamay namin na ikinasinghap ko.
“Don’t worry. Hindi ako mandidiri. Matitiis ko ang amoy malansa sa isdaan na ito dahil nandito ka. Kung pupunta palagi sa palengke tapos mahahawakan ko ang kamay mo, araw-araw akong willing pumunta."
Hindi ko na lang siya pinansin at saka hinila na siya patungo roon. Hindi rin masyadong marami ang mga tinderang naririto but we’re able to buy a tilapia. Nagtungo rin kami sa gulayan at bumili ako ng maraming gulay.
“What’s this?” kuryosong tanong ni Ethan at inangat ang isang talong.
My forehead creased. “Eggplant!”
He pouted. “It looks like a dick!”
Namilog ang mata ko sa sinabi niya. Ang tindera naman ay litong-lito kaming binalingan. Agad kong kinuha sa kanya ang talong at saka ibinalik sa lalagyan.
“Pasensya ka na sa kasama ko, Ali. Baguhan pa kasi siya rito.” I awkwardly smiled at her before I pulled Ethan away.
Nang nakalabas kami ay tinampal ko ang braso niya.
“Ang bastos ng bunganga mo!”
Nalilito niya akong binalingan. “Huh?”
I rolled my eyes. “Ewan ko sa iyo!” inis kong sambit at saka iniwan na siya.
Hindi ko na talaga siya isasama. Nakakahiya!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top