Kabanata 5

"Ready ka na ba sa interview mo?" Lorraine asked.

Si Lorraine ay isa sa mga ka-workmate ko sa dati kong trabaho. Mabuti at nagpapansinan pa rin kami ngayon. May job hiring kasi at interview agad. Isang linggo na ang lumipas mula nang makita ko si Ethan. Naging busy kasi siya at sinabi ko rin na huwag niya muna akong gambalain dahil mag-a-a-apply ako ng trabaho. At ngayon ang interview ko. 

Pareho pa rin naman ang trabaho ko. Maging isang office staff ng isang kompanya. No one knows that I'm rich dahil hindi naman talaga ako mayaman. Magulang ko lang. I am trying to live my own life. 

"Oo," I replied.

Nagmamadali kong sinuot ang takong ko. Katawagan ko kasi siya ngayon at mukhang pinaalala niya sa akin ang dapat dalhin dahil makalimutin ako.

"Sige, wait lang ako rito. Medyo marami nang pila pero keri iyan!" aniya bago ibinaba ang tawag.

I sighed and looked at myself in the mirror. "Ang ganda ko talaga!" I grinned.

Inayos ko ang damit ko na corporate attire at saka naglagay ng light lipstick. One of my insecurities is my lips. Iyong lips ko ay katulad ng kay Anne Curtis. Kay Anne Curtis kasi, bagay sa kanya, sa akin mukhang hindi. Balak ko ngang magpa-opera nito kaso ayaw ni Mommy. 

 Ipinilig ko na lang ang ulo ko at napanguso nang biglang mag-beep ang phone ko. Kumunot ang noo ko at saka inabot ang phone na nasa gilid lang ng envelope ko na may lamang documents.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti nang makita ko ang pangalan ni Ethan sa screen. Day by day, hindi ko na talaga maitanggi sa sarili ko. Masyado nang halata para itago pa. Gusto ko na siyang sagutin pero may hesitation pa rin sa part ko.

Sinilip ko ang kanyang text.

Ethan:

Kumain ka na? Gusto mo ihatid kita patungo sa interview mo?

Unang napansin ko sa kanya ay ang pagiging supportive niya. I smiled while reading his message. Umupo ako sa upuan at nagtipa ng reply.

Ako:

Oo, kumain na ako. Hindi mo na ako kailangan ihatid. Mag-focus ka muna sa work mo.

After I sent the message, I put my phone on my pocket and stood up. I looked at my wristwatch and I slightly panicked when I saw the time. Agad kong kinuha ang envelope ko at saka lumabas ng apartment. Naabutan ko si Tita Lera na nagwawalis sa tapat ng gate at nang napansin ako ay huminto siya sa pagwawalis at manghang-mangha akong binalingan.

"Ang ganda mo, hija!" she complimented me as she looked at me from head to toe. "Saan ka tutungo at bihis na bihis ka?"

I smiled at her. "Interview ko kasi ngayon."

"Mabuti naman at naisipan mo nang magtrabaho ulit. Sobrang bagot na bagot ka na siguro."

Umiling ako at saka binuksan ang maliit na gate. "Hindi po. Wala na kasi akong pera kaya kailangan ko ng trabaho."

"Sus, hindi ka naman nauubusan ng pera, eh!" she joked.

I laughed and waved my right hand to her before I walked away.

Sakay lamang ng bus ay nakarating ako sa kabilang bayan. Hindi naman kasi talaga gaano kalayo ang Empire Company dahil malapit lang din ito sa dati kong pinagtatrabahuan.

"Uy!"

I stopped from walking when I heard Lorraine's voice. Napangiti ako nang nakita ko si Lorraine na kumakaway habang ang isang kamay niya ay may dalang folder. Lumapit ako sa kanya at saka nagbeso-beso.

"Omg, gumanda ka lalo!" she said as she surveyed my whole body.

Tinampal ko naman nang mahina ang kanyang braso sabay tingin sa entrance kung saan maraming mga applicant na kagaya ko ang pumasok sa loob.

"Bolera!" I laughed.

"Hala, hindi, ah!" She pouted. "Nakita ko mga post mo sa Instagram, girl! Grabe, kung saan-saan ka yata napadpad at chill na chill ka sa buhay mo. Sana makapag-travel din ako like you."

Bumuntonghininga ako at saka sabay kaming naglakad patungo sa loob. Ch-in-eck lamang nila ang mga bag na dala namin bago kami tuluyang pinapasok sa loob.

"Magagawa mo rin iyon," I said and smiled at her. "Sariling ipon ko lang kasi iyon."

Simula kasi noong nag-college ako, nag-iipon na ako ng money for my own expenses. My Dad never liked the idea of me being independent, pero wala na akong pakialam sa opinion niya. His opinion was now invalid since the day he turned his back against us and chose his beloved mistress.

"Awe! Nakaka-inspire ka naman!"

I gave her a small smile at saka pumila na rin. I am not really nervous with this one. I am confident at kapag hindi man ako makuha, wala akong pakialam. I just give this a try and if they don't want me, edi don't.

"Santiago, Lorraine!" tawag ng isang babae habang ang kanyang mukha ay nakasilip sa may pinto.

Lorraine stood up after she heard her name. She looked at me nervously.

"Wish me luck!"

I smiled and gave her a thumbs-up. "Good Luck!"

Tinanaw ko lang siyang pumasok sa loob at napabuntonghininga.  Hinilot ko na lang ang binti ko dahil sa pangangalay. Siguro dahil kanina pa kami nakatayo. Habang hinihilot ko ang binti ko ay tumunog naman ang phone ko. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at saka napaayos ng tayo nang nakita ko ang pangalan ni Ethan sa screen ko.

Agad ko naman itong sinagot at saka inilagay sa tapat ng kanang tainga ang phone ko.

"Hello," sagot ko sabay kagat sa aking ibabang labi.

"Where are you?" he asked.

I pursed my lips. "Nasa Empire Company ako."

Hindi ko kayang pahabain itong pag-uusap namin dahil may chismosa sa likod ko. Mukhang nakikinig sa usapan namin. I rolled my eyes and slightly moved away from her.

"Good. I am also here..." And I heard his laugh from the other line.

My eyes widened and I immediately looked around.

"Where?" I excitedly asked.

"Turn to your right," he commanded.

Dali-dali ko namang nilingon ang kanan ko at napangiti ako ng malaki nang makita ko siya sa malayo. He was waving his hand while looking at me. Napangiti na lamang ako at mas lalong na-inspire.

"Aja! Your baby is your number one supporter," he joked and laughed again.

Sinamaan ko tuloy siya ng tingin.

Natigilan lang sa pagsasalita si Ethan nang kinalabit siya ng isang lalaki.

"Ibababa ko na ito. Good luck!"

Napangiti na lamang ako nang naibaba ko na ang linya. I can't believe that I will see Ethan. Maybe for business. He told me he was busy with something related to business.

Nang nakalabas na si Lorraine ay ako naman ang sunod na tinawag.

"Guerrero, Sarah Jade!"

I sighed and stood up. Nang nakasalubong ko si Lorraine ay binulungan niya ako ng good luck. I smiled at her before I entered the interview room.

"Miss Guerrero, kindly take a seat," the lady named Rovelyn calmly said as she pointed out the chair beside the desk.

I nodded and immediately sat on the chair. Inilapag ko rin ang mga documents ko sa lamesa at inayos ang sarili sa pag-upo. I looked at her and pouted my lips. She was checking my documents. Bumuga ako ng hangin.

"So, you were a flight attendant?" she asked while looking at the documents.

I nodded. Originally, my occupation was a flight attendant, pero isang taon lang ang tinagal ko dahil nag-resign ako. At ayon, napadpad ako sa GRM company.

"Yes, Ma'am," I politely answered.

She creased her forehead and looked at the paper again. "And you were working at GRM Company with a high salary," she continued.

I nodded again. "Yes, pero isang taon na akong walang work."

Tumango-tango siya at saka inilapag ang dokyumento ko sa gilid. Nag-angat siya ng tingin sa akin at saka pinagtagpo ang kanyang mga kamay. She cleared her throat before she began to speak.

"So, why should we hire you?"

I took a deep breath before I answered. "You should hire me because—"

"I don't want to hear the same old answer, Miss Guerrero," she cut me off. "I need your honest answer. Why should we hire you?"

"Can I speak in Tagalog na lang?"

She sighed before she nodded. "Yes, you may."

Bumuntonghininga ako at saka inilapag ang isang kamay ko sa desk na medyo ikinagulat niya.

"Kasi, nag-hire po kayo..."

Ma'am Rovelyn's eyes widened and her lips parted after she heard my answer. Narinig ko pa ang mahinang halakhak ng babae sa may pintuan.

She blinked her eyes. "What?"

"Kasi kailangan niyo po ng tauhan. Hindi naman po siguro kayo maghahanap kung walang palpak na empleyado sa kompanya ninyo o hindi kaya kulang kayo sa tauhan." I smiled at her. "So, you need a person like me."

Sinamaan ako ng tingin ni Ma'am Rovelyn. "You think we will hire you? Sa sagot mo pa lang, unprofessional ka na."

Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako sa sinabi niya o hindi. Minsan kasi, hindi naman talaga kailangan ang magandang sagot para makuha ka sa trabaho. Sometimes, we need to test their capabilities. What they can do in your company and what skills an applicant can offer. Ang sagot kasi na ganiyan, puwede iyan lalo na sa mga makakapal ang mukha o hindi kaya matalino. I don't mind if hindi nila ako i-hire. Sumubok lang naman ako.

Bumuntonghininga si Ma'am Rovelyn at saka tiningnan ako. "Alright, Miss Guerrero. We will let you know through text, email, or call if you are hired, alright?"

I nodded and stood up. Ngayon pa lang ay maghahanda na ako ng panibagong resume. I don't think this company will hire me anyway.

***

"How's the interview?" Ethan asked.

Nasa loob kami ng kanyang sasakyan.

Napangiwi na lamang ako. "Well, mukhang hindi ako papasa."

He chuckled. "I told you, bumalik ka na lang sa kompanya namin."

Inirapan ko siya at saka binuksan ang bintana. "Ayoko nga! Baka lalandiin mo lang ako roon!"

Natawa siya sa sinabi ko.

"You think so?"

Binalingan ko siya at saka kinurot ang braso niya. "Oo! At baka babagsak ang kompanya ninyo dahil sa kalandian mo!"

He pinched my nose so I gave him a death glare. Tinampal ko ang kanyang kamay at saka umilag.

"Ano ba?!"

Hinila niya ang kaliwang kamay ko patungo sa kanyang hita kaya pati ako ay nadala.

"Hoy!" Nilakihan ko siya ng mata.

He held my left hand tightly. "Stay still, may ilalagay lang ako."

Kinuha niya ang isang paper bag sa dashboard ng kanyang kotse at kinuha niya ang laman na isang box. Inilagay niya ang box sa kanyang hita at saka binuksan ito.

My heart beat fast as I saw what was inside the box. I gulped and looked at him in disbelief. He smiled at me before he took the bracelet from the box.

Yes, it's a bracelet. Not just an ordinary bracelet but a star bracelet. Kumalabog nang mabilis ang puso ko habang unti-unti niyang isinuot sa palapusuhan ko ang bracelet na kumikinang sa ganda.

He looked at me. "I bought this bracelet earlier. I was thinking about you while I bought this cute bracelet." He chuckled and caressed my wrist. "I don't mind if it's expensive as long as you will like it. Do you like it?"

Napalunok ako at ramdam na ramdam ko ang pag-iiba ng nararamdaman ko.

"G-Gusto ko," sagot ko.

"It looks good on you."

I gasped when he took my hand again and clasped our hands together. Mas lalo lamang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kanyang ginawa.

"T-Thank you!" I stuttered.

Seryoso na ang kanyang mukha nang nagkatinginan kami. I felt his grip tightened and I saw how his eyes expression changed. Pumungay ang kanyang mata habang nakatitig sa akin. I thought wala na siyang balak magsalita pero gusto ko na lang mahimatay sa kilig at gulat nang narinig ko ang kanyang sinabi.

"I love you, Sarah Jade," wika niya at hinalikan ang likod ng aking kamay.

At doon pa lang, alam ko na sa sarili ko na mas lumalalim itong nararamdaman ko sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top