Kabanata 4
Nagtungo kami sa isang mamahaling restaurant dito sa Badian. Hindi ko akalain na pumayag ako. Ang last lunch date ko ay kasama ang ex-boyfriend ko na ngayon ay nasa piling na ng iba. Hindi ko alam. Wala na akong balita tungkol sa gagong iyon at wala na rin akong panahon para makibalita.
"What do you want?" masayang tanong ni Ethan habang inilahad sa akin ang menu.
Hindi ko mapigilan ang sarili na ngumiti. Ramdam na ramdam ko ang saya niya nang pumayag ako. Gano'n ba talaga kababaw ang kaligayahan niya? I wonder.
"Nakangiti ka,"bigla niyang sambit na nagpatigil sa akin."Sana nagdala ako ng camera para makunan kita ng picture na nakangiti."
Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Nang makabawi, inirapan ko na lamang siya para maitago itong nararamdaman ko. Tinanggap ko na lang ang menu at naghanap na ng gusto. Napanguso ako nang makita na lahat ng mga pagkain dito ay mamahalin.
"So..."Tumikhim siya at umayos ng upo. "May plano ka bang magtrabaho muli?"
Nasa menu ang tingin ko habang tinatanong niya ako. Lahat na nasa menu ay masasarap at hindi ako makapili. Malakas maka-romantic ang lugar sa tanghalian. The ambiance and the sweet background music made the restaurant even more unique. Maganda ang view ng restaurant dahil malapit lang ito sa dagat at dahil may glass wall, sobrang linaw talaga.
"Maybe," tipid kong sagot kay Ethan sa kanyang tanong at bumuntonghininga. Binuklat ko ang ibang pahina at nang nakita ko ang gusto kong tikman na pagkain at nag-angat ako ng tingin kay Ethan at napanguso. "Maybe magtatrabaho ako pero hindi na ako magtatrabaho sa kompanya niyo."
Pinakita ko sa kanya ang gusto kong kainin. Tinuro ko ito.
"Gusto ko iyan. Hindi ko pa natikman," pag-amin ko habang ang daliri ko ay nakaturo sa isang larawan.
"Taco?" kunot-noo niyang tanong sabay tingin sa akin.
Tumango ako.
"Ayaw mo kumain ng rice?" Kinuha niya ang menu mula sa akin at saka inilapag ito sa table.
Ipinilig ko ang ulo ko. "Diet ako, eh."
Tumango siya at agad nag-angat ng kamay para makalapit ang waitress. Tingin ko ay madalas na siyang nandito dahil kilala na siya ng lumapit na waitress.
"I would like to order one taco dish and my favorite. Alam mo na iyon," aniya sa namumula na ngayon na waitress.
Palihim akong napairap. Sigurado ako na may gusto ito sa kanya.
"Right away, sir!" excited na pagkasabi ng waitress at agad kumilos.
Palihim muli akong umirap at saka itinuon na lang ang atensyon sa mga tao na nasa paligid. Ang iba ay masayang kumakain, magbabarkada, may pamilya at iba ay magkasintahan.
Tumikhim si Ethan kaya napatingin ako sa kanya. "So, why Taco? Hindi ka pa nakakain no'n?"
"Oo, hindi kasi ako masyadong kumakain, pero nagwawaldas ako ng pera sa mga travels ko and so on."
Nailagay niya ang kanyang kamay sa lamesa at kuryoso akong tiningnan."Nagtataka ako. How the hell did you travel? I mean, sakto lang naman ang sweldo mo for your own food and some stuff, pero nakita ko mga pictures mo sa insta at sobrang daming bansa na ang napuntahan mo."
"Stalker ka na ngayon?"
Kinuha niya ang phone niya sa bulsa niya at may hinanap. Pinakita niya ito sa akin pagkatapos. Namilog ang mata ko sa nakita.
"You blocked my account on instagram kaya gumawa ako ng bago," pag-amin niya. "Para sa iyo."
Naramdaman ko ang pagpula ng aking pisngi sa sinabi niya.
"Wow! Two times I made you blush. Sarah Jade. You're so cute."
Mas lalong nag-init ang pisngi ko. "B-Bolero ka!"
"I'm not. Don't worry, this hottie Ethan only followed you on Instagram. Wala nang iba kaya follow back please..."
"Talaga?"
Tumango siya at kinagat niya ang kanyang ibabang labi. Naibaba ko tuloy ang tingin ko roon at naalala ko na naman ang paghalik niya sa akin. Napakurapkurap ako at iniwas ang tingin ko roon.
Nang dumating na ang waitress, kitang-kita ko ang pag-ingat na paglapag niya sa pagkain sa lamesa ni Ethan. Kita ko pa na nginitian niya si Ethan pero nang sa akin na siya ay para siyang walang gana. Ay, may favoritism?
Kakain na sana ako ngunit hindi ko naisubo nang napansin ko na nakatayo pa rin ang waitress sa gilid ng table namin. Nagtaka ako kung bakit kaya tiningnan ko si Ethan at ang waitress.
"Why?" nagtataka kong tanong sabay baling sa waitress na nagngangalang Jonalyn.
"Huh?"
Mukhang nagulat pa yata siya sa akin kaya inayos niya ang kanyang pagtayo at saka tumikhim.
"Uhm, since bago pa po ang Mexican dish na iyan sa menu namin, we want to know your feedback about the dish, Ma'am," aniya sa pormal na boses.
I nodded and glanced at Ethan who was now looking at me. Kumunot ang noo niya.
"Why?" he asked and looked at the waitress. "May problema ba, Jonalyn?"
Napabuntonghininga na lamang ako at saka tinikman ang pagkain na nasa harapan ko. Nang matikman ko, masarap siya. Bago sa panlasa ko kaya nag-thumbs up ako sa waitress. Nakita ko ang saya sa mata niya nang ginawa ko iyon.
"Talaga, Ma'am?"
She immediately took the paper and pen na dala niya at saka isinulat ang kanyang nalaman.
Nang nailunok ko na ay saka ako nagsalita ulit. "Masarap, ngayon pa lang ako nakakain ng takuri," sambit ko at saka kumuha ulit.
"Po?"
Agad akong natigilan nang narinig ko ang mahinang tawa ni Ethan. Sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa lang si Ethan at napailing sa akin. Tiningnan ko muli ang waitress.
"Ang sabi ko, masarap ang taku...ri..." Bumagal ang pagbigkas ko nang na-realize ko kung bakit tumawa si Ethan. Napapikit ako dahil sa kahihiyan. Nang inimulat ko ang mata ko ay dalawang beses akong kumurap at saka nagpatuloy. "M-Masarap ang Taco! Iyon ang ibig kong sabihin,"
ani ko at nagpatuloy na lang sa pagkain na parang walang nangyari.
Nang umalis na ang waitress ay saka lang nagsalita si Ethan.
"Hindi ko akalain na masaya ka pa lang kasama."
Sarcastic ba iyon?
"Ano'ng fun? Kumakain lang naman tayo." Inangat ko ang tinidor. "Kapag hindi mo kakainin 'yang pagkain mo, akin na lang!"
Beef steak ang in-order niya at hindi man lang niya ito ginalaw. Hindi ba siya nagugutom? Siya pa naman itong nagyaya sa akin ng lunch.
My eyes widened when he pushed the plate to my side. Napatingin tuloy ako roon.
"It's all yours."
"Talaga?"
Tumango siya."Yup, as long as you're happy."
Excited kong kinuha ang serving knife at saka naghiwa. Sinubo ko ito at napapikit na lamang ako sa sobrang sarap. Habang nag-e-enjoy ako sa kinakain ko, hindi ko namalayan na kinuhanan na pala ako ng litrato ni Ethan. Nakangiti na siya ngayon habang nasa phone ang kanyang tingin.
"Ang ganda mo talaga."
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa lalaking ito. Palagi niya na lang pinaparamdam sa akin kung gaano niya ako kagusto.
Nang natapos na kaming kumain, naglakad kami sa may beach malapit lang sa restaurant. Napapikit ako dahil sa presko ng hangin. One thing that I like being here in the province is the fresh air and beautiful scenery. Maganda naman ang city but living in a province is like living your life na walang pinoproblema.
Malayo ang distansya naming dalawa habang naglalakad sa gilid. Walang nagsalita sa aming dalawa at hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
I stopped when he stopped walking. Tiningnan niya ako gamit ang kanyang mapupungay na mata.
"B-Bakit?" I asked.
"C-Can I hold your hand?" tanong niya at ramdam na ramdam ko ang kaba sa kanyang boses.
Hindi pa man ako nakasagot sa tanong niya ay kinuha na niya ang kamay ko.
"It's my first time holding your hand, Sarah Jade." He clasped our hands together. "I wish I could hold this forever."
Nang nagpatuloy kami sa paglalakad ay nagtagal ang tingin ko sa kamay naming magkahawak. He is so gentle and it makes me wonder. Why me? I mean, maraming babae diyan. Maraming mas deserve ang ganito. Maraming mas magaganda na babae riyan. Mabait at talagang hindi ma-attitude.
"E-Ethan," I called him.
My heart is beating so fast at sa sobrang lakas ay parang lumalabas na ang puso ko sa katawan ko. Nailagay ko tuloy ang palad ko sa tapat ng puso ko at napansin iyon ni Ethan.
"Why?" Tumigil kami sa paglalakad at nag-alala akong tiningnan. "Ayos ka lang? May masakit ba sa iyo?"
Umiling ako at saka tiningnan siya. Nang magtama ang paningin naming dalawa, I slowly leaned closer to him at tumingkayad upang mahalikan ko siya sa pisngi. Naramdaman ko ang paninigas niya nang ginawa ko iyon.
"Thank you...for not giving up on me."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top