Kabanata 3

Tiningnan ko ang kanyang reaksyon habang nakatingin siya sa mga kahoy sa bakuran. Nakaawang ang kanyang labi habang nakatingin doon. Kita ko sa kanyang mga mata ang pagprotesta pero wala na siyang magagawa dahil hindi naman siya ang sasagot kundi ako. 

I crossed my arms and arched my brow. "As I said, paghirapan mo."

He looked at me in disbelief. Napalunok siya at tinuro ang mga kahoy. "You mean--"

"Oo, tama ang nasa isip mo! Ipagsisibak mo kami ng kahoy!" I said in a cheerful tone of voice. Kinuha ko ang nakahandang ax at inilahad sa kanya. 

Bumalik ang tingin niya sa mga kahoy bago sa akin. What do you expect from a rich guy? Siyempre, hindi siya magsisibak ng kahoy dahil may gagawa no'n para sa kanila. Baka hindi nila kailangan ng kahoy dahil kuryente ang gamit nila. 

Akala ko nga ay tatanggi siya at magba-backout sa gusto ko pero napaawang na lamang ang labi ko nang tinanggap niya ang ax mula sa akin. I was slightly shocked. Tiningnan ko ang kanyang mukha. Mukha naman siyang hindi napipilitan. Just his usual face. 

"Sige, if you want me to court you traditionally..." He paused a bit and looked at me with a serious face. "Then I will."

Namilog ang mata ko at agad tumalikod sa kanya nang bigla siyang maghubad ng pang-ibabaw na damit nang hindi nagpaalam sa akin. 

"B-Bakit ka naghuhubad?" I yelled as I covered my face using my palm.

"Mainit, eh, hindi ako puwede magdamit kapag nagsisibak, Sarah Jade."

My lips parted and slowly looked at him. Hindi ko mapigilan ang mapagmasdan ang kanyang katawan habang nakatalikod siya sa akin. Hindi ko akalain na may ganito pala siya na pangangatawan. Hindi halata sa pananamit niya.

"Ate, baka maglaway ka sa sobrang hot!"

Naibalik ako sa katotohanan nang bigla kong narinig ang mapang-asar na boses ni Diana. May dala na siyang bag. Mukhang uuwi yata siya sa kanila.

"Che!" I glared at her. "Baka gusto mo siyang tulungan!" 

Hindi nakaligtas sa mata ko ang pagngisi niya kaya inis ko siyang inirapan at saka naikrus ang mga braso.

"Ay! Puwede naman!" she grinned. "Pero kailangan ko nang umalis. Kuya, Ethan! Aja! Fighting!" At umalis na siya.

Mabuti naman.

Nang ibinalik ko ang atensyon ko kay Ethan ay napabusangot ako nang nakita kong nakatunganga lang siya sa harap ng maraming kahoy na pinakuha ko kay Josh. Binigyan ko pa iyon ng pera para lang ikuha ako ng ganiyan karaming kahoy.

"Oh, bakit ka nakatunganga riyan? Hindi mo kaya, ano?" hamong tanong ko.

Sa tindig niya pa lang, sigurado ako na hindi pa ito nakahawak ng ax. Siguro kahit putik, hindi pa siya nakahawak. How sad.

Binalingan niya ako sabay ayos sa kanyang T-shirt na nasa kaliwang balikat na niya at inilapag ang ax sa kakahuyan.

He sighed. "You know, if you like me to do this one, I will. But in this modern world, ang pagsisibak ng kahoy ay hindi patunay na seryoso ang isang tao. Maybe someone was just pretending to be industrious just to have you."

I nodded and walked towards him. I raised my brows and glared at him.

"So, you are pretending?"

He chuckled. "I am not pretending. Kung gusto mong gawin ko ang gawaing bahay, kaya kong gawin."

Napailing ako sa sinabi niya. "Sabihin mo na lang kasi na ayaw mo talagang magsibak ng kahoy. Maiitindihan ko naman iyon since you are born rich kaya siguro nakahiga ka sa salapi since birth."

"I am rich," wika niya. "I can do anything through money. I am not for this, baby, because I am born rich." And his gummy smile showed up. 

Nadismaya ako sa narinig. "Tingin mo ay nabibili at nagagawa lahat sa pera?" 

Bumuntonghininga siya at lumapit sa akin. Napaatras ako dahil nasinagan ako sa araw at sa abs niyang kumikinang. Nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin, hinawakan niya ang braso ko. 

"Let's not argue about it, Sarah Jade."

And I gasped and accidentally slammed my palm against his naked chest when he snaked his arms around my waist and pulled me closer to him. Ang kanyang mga mata ay manghang-manghang nakatingin sa akin. 

"A-Ano ang ginagawa mo?" 

Nanginig ang aking boses. Itutulak ko na sana siya palayo sa akin pero mas hinigpitan niya naman ang pagkahapit sa akin. Hindi tuloy ako makawala. 

Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko nang kinuha niya ang kamay kong nasa dibdib niya at inilipat kung saan nakapuwesto ang puso niya for me to feel his heartbeat. Pumungay ang kanyang mata habang ginagawa niya iyon.

"Ethan..."

"I just want you to know that I am serious. My actions and my words are sincere. You made me fall hard, Jade. You made me wish to be the moon at night so I could stare at you, looking at the stars. Money can buy happiness, but money can't afford real happiness. At tama ka, paghihirapan ko ito para mahulog ang loob mo sa akin."

Parang kinukuha niya ang lakas ko sa sinabi niya. Parang kinukuha niya ang hininga ko dahil sa tensyon sa pagitan naming dalawa. His voice was soft nang sabihin niya iyon na nagpapahina sa akin. 

How could a guy like him have a soft side? Para siyang manununtok sa pisikal niyang anyo. He was intimidating on the outside pero he was like a baby on the inside. 

Binawi ko ang kamay ko na nanginginig na at saka nag-iwas ng tingin.

He chuckled and pursed his lips. "Wow, I made you blush for the very first time."

Napasinghap ako at galit siyang tiningnan. 

"M-Magsibak ka na nga!" I angrily said and pushed him away from me. Mabuti naman at binitiwan na niya ako dahil baka hindi ko na kakayanin.

Kita sa gilid ng mata ko ang pagngiti at ang pagtango niya.

"Alright! Magsisibak ako ng kahoy. After this, have lunch with me."

Nakatalikod na siya sa akin at papatungo na pabalik sa may kahoy nang sabihin niya iyon. Pinakiramdaman ko ang puso ko at gano'n pa rin ang pagtibok. Mabilis pa rin at halos gusto nang lumabas sa katawan ko. Napalunok tuloy ako. 

"H-Hindi..." nasabi ko na lamang at mahinang umupo sa wooden chair para tingnan ang nagsisibak na si Ethan. 

Mike Ethan Lamosao Marquez is known for his approachable personality. Pero minsan, strikto din siya kaya nga wala kaming masyadong interaksyon noon. Hindi ko siya napansin noon pa man dahil wala naman akong interes sa kanya at saka pokus ako sa trabaho.

At alam ko na playboy siya kaya natatakot ako.

Isang oras nang natapos siyang magsibak. I never thought na marunong pala siya sa ganito. Akala ko nga ay makikita ko talaga ang paghihirap niya pero hindi. Kaya ngayon, nakatingin lamang ako sa kanya habang tahimik siyang kumakain ng snack. Kita ko ang pagod sa kanyang panga. He was sweaty pero guwapo pa rin. 

"Hindi ko akalain na marunong ka pala magsibak ng kahoy, hijo!" ani Tita Lera nang lumapit siya sa amin. 

"I just know. I didn't expect that I could do it." At tiningnan niya ako. "Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig, Sarah Jade." 

***

"As I said earlier, magla-lunch date tayo."

Napahinto ako sa pag-aayos ng vase sa loob ng apartment ko nang magsalita siya. Nang balingan ko siya, nasa magazine ang kanyang tingin na binili ko pa mula sa iba't ibang bansa na napuntahan ko. Akala ko ay nakalimutan na niya ang lunch date na sinasabi niya dahil pagod siya. Bigla tuloy akong nakonsensya. 

"Okay..." tipid kong sambit.

Natigil sa pagtingin sa magazine si Ethan at gulat akong tiningnan. "Really?"

Tumango ako at saka ibinalik ang atensyon sa vase. Akala ko ay wala na siyang ibang katanungan pero nang akmang lulubayan ko na ang vase, agad naman siyang sumulpot para  kumpirmahin ang pagpayag ko.

"Are you sure? P-Payag ka na?"

I sighed. I can't blame him. Palagi ko kasi siyang tinanggihan kaya mukhang naniguro siya ngayon.

Nagbaba ako ng tingin at saka mahinang tumango. Wala na kasi akong masabi. Kanina lang, ang lakas ng loob kong hamunin siya pero ngayon, nawala na.

Narinig ko ang mahina niyang 'Yes''. Tinikom ko na lang ang bibig ko upang pigilan ang sarili na ngumiti. 

"Uuwi muna ako."

Napaangat ako ng tingin sa kanya. "Huh? Bakit?"

Lumaki lalo ang ngiti niya at tiningnan ang sarili. "I need to change. I am sweaty at wala akong extra clothes."

Tatalikod na sana siya nang bigla kong hinawakan ang laylayan ng damit niya. Ngumuso ako saka siya tiningnan.

"Why?"

Agad kong binitiwan ang laylayan ng damit niya at napakamot ako sa aking batok. Hirap na hirap akong sabihin ito pero kailangan dahil ayoko siyang umuwi pa sa kanila.

"M-May damit akong binili..." I gulped. "...para sa iyo."

His lips parted when he heard it.

"Really?" Narinig ko ang saya sa kanyang boses.

I slowly nodded and turned my back against him.

"You don't want me to leave?"

My face heated. Naghanap agad ako ng palusot para hindi niya ako mabisto.

"Ah..." Tinuro ko agad ang orasan nang makita ito. "M-Malapit na kasi ang lunch! Ayon, malapit na nga mag 12!"

Bumilis ang ang paghinga ko matapos sabihin iyon. Nakumbinsi ko naman siya pero masyado nga lang malisyoso. Big deal talaga sa kanya ang lahat.

"Alright. Let me see the shirt, baby." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top