Kabanata 2
I forgot when was the last time I received a flower. I forget when was the last time I smiled like this. Oo, ngumingiti naman ako ngunit hindi ganito na pati ang puso ko ay ramdam ko na ngumingiti rin. Nakalimutan ko na kung kailan ako huling nakaramdam ng ganito. Ang makatanggap ng ganitong regalo mula sa kanya ay mas lalo lamang nagpapahirap sa akin.
Hindi ko maipaliwanag itong nararamdaman ko. Hanggang ngayon, nalilito pa rin ako kung bibigyan ko ba muli siya ng chance o hindi na. Wala naman kasi akong ibang ginwa kundi ang tanggihan siya, ang iwasan siya. Hindi ko man lang na-appreciate ang mga effort niya sa akin noon dahil takot ako.
I am independent woman. I want to travel and I want to get away from my cruel past. Ayaw kong matulad ako kay Mommy. Ayaw kong magmahal ng labis tapos iiwan din para sa ibang babae. Gusto kong lumayo sa lugar na ito pero may pumipigil pa rin sa akin. Hindi ko maiwan-iwan kahit napakasakit na, binalik-balikan ko pa rin. My brain said to leave this place, but my heart refused. Siguro kasi may mga magagandang memorya pa rin naman ako kahit papaano na tumatak na sa lugar na ito.
"Ate."
Natigilan ako sa pagtitig sa mga bulaklak na inilagay ko sa flower vase at binalingan si Diana na hawakang cellphone niya. Nakita ko ang kanyang pag-alinlangan kaya hinarap ko siya.
"Bakit?" nagtataka kong tanong.
Umupo ako sa sofa na bago ko pa lang binili at saka sumandal dito.
Kinamot ni Diana ang kanyang ulo at saka ilang na lumapit sa akin. "Uhm, t-tumawag ang Daddy mo..."
Naging malikot ang mata ni Diana nang sabihin niya iyon sa akin. Alam kasi ni Diana kung gaano ko kaayaw kay Daddy. I just don't like cheaters. Simula nang iniwan ni Daddy si Mommy para sa iba, nawala na rin ang paghanga ko sa kanya.
Ang sabi ng ilan, kapag ang Daddy raw ay nagtaksil, sa babaeng anak daw mapupunta ang karma. Siguro totoo ito. Years ago, my last boyfriend cheated on me. Sabik kasi sa sex ang pota kaya nagawa niya akong lokohin.
Para akong pinaslang ng kutsilyo sa puso nang nahuli ko siyang nakipaglampungan sa iba. Minahal ko ngunit pinagpalit ako sa iba dahil hindi ako sapat o may kulang talaga sa akin.
Naniniwala kasi ako sa kasal muna bago ang lahat. Pero ang mga tao ngayon, mukhang hindi na naniniwala sa gano'n kaya kung saan-saan na lang tumitikim. Buti hindi nabilaukan.
Hindi ako inosenteng babae. Nanonood ako ng porn. May alam ako na mga sex position, pero hindi ko pa kailanman naranasan makipagtalik sa isang lalaki. Ni hindi ko sinubukang hawakan ang sarili ko dahil nandidiri ako. Kita man ang balat ko minsan kapag lumalabas ako, pero may respeto naman ako sa sarili ko. I valued marriage before anything else.
"Bakit?" malamig kong tanong.
Ayaw ko talaga na makausap pa si Daddy dahil baka sisigawan ko lang siya at ipaalala sa kanya ang sakit na ibinigay niya sa aming dalawa ni Mommy.
"S-Sabi niya, gusto ka raw niyang makita..."
Ano? Ang kapal naman ng mukha niya para mag-request na makipagkita sa akin? Wala na ba siyang hiya sa katawan niya? Kung gusto niya akong makita, better introduce me to his beloved mistress! Gusto kong tingnan kung gaano kakapal ang mukha ng kabit niya para pumatol sa matanda at may asawa na.
Tumayo ako at nilagpasan si Diana.
"Sabihin mo sa kanya na huwag na siyang tumawag ulit. Sabihin mo na wala siyang anak," malamig kong sabi at naglakad patungo sa aking kuwarto. Padabog kong sinarado ang pinto at saka sumandal doon. Bumuntonghininga ako.
Mayaman ang mommy ko habang si Daddy ay hindi. Mahal na mahal ni Mommy si Daddy na kahit sariling magulang ay sinuway, mapili lang si Dad. Pero ano ang ginawa ni Dad? Iniwan niya at sinaktan si Mommy para sa ibang babae.
That's why I am independent. Lumayas ako sa amin. Sinabi ko kay Mom na gusto ko sa malayong lugar. Taga Alegria, Cebu si Mommy at doon talaga ako nakatira. But I prefer here in Badian since dito rin nakatira ang kaibigan ko, si Hazel.
Tumulo ang luha sa aking mata at kinuyom ang aking kamao. Walang alam si Hazel tungkol sa problema ko. Wala rin akong balak sabihin sa kanya. Ang tanging alam niya lang ay hiwalay ang Mom at Dad ko.
Ayoko sa mga kabit sa totoo lang. Pero hindi ko kayang magalit sa kaibigan ko noon. Hindi ko man lang siya masigawan nang nalaman ko. Nakinig lang ako sa paliwanag niya at ang iyak niya. Pero si Dad, hindi ko siya lubos na maintindihan.
Inayos ko ang aking sarili at pinalis ang luha sa aking mata. Nagtungo ako sa kama ko at umupo roon. Saglit akong natulala pero natauhan nang biglang tumunog ang phone ko. Nang sinilip ko ito, mensahe ni Mommy ang bumungad sa akin. Agad kong kinuha ang selpon ko at tahimik na binasa ang mensahe ni Mommy.
Mom:
Darling, ayos ka lang ba riyan sa apartment mo? May pera ka pa ba? If wala na, magpapadala ako for you. Miss na kita, darling!
Mapait ako na napangiti. Sobrang sama ko na siguro dahil iniwan ko si Mommy na mag-isa. I love my Mom so much at hindi ko hahayaan na masaktan siya ulit. I will definitely find my Dad's bitch and I will make her pay for ruining our family.
Nagtipa ako ng reply.
Ako:
Opo, Mommy! Don't worry about me. I still have money in my account. I will visit you soon, alright? Take good care of yourself and don't forget to drink your medicine. I love you, Mom.
Kinailangan ko pang i-remind si Mommy about sa gamot niya dahil makalimutin siya. Siguro dahil na rin sa stress. Hindi pa naman matanda ang mukha ni Mommy. I bet na mas maganda pa si Mommy kaysa sa pokpok na kabit ni Daddy.
Nag-beep muli ang phone ko at akala ko ay si Mommy. Pero natigilan ako nang nakita na pangalan ni Ethan ang nakita ko sa screen. Napakagat ako sa ibabang labi ko at saka binasa ang kanyang text.
Ethan:
Nagustuhan mo ba?
Umiba ang pakiramdaman ko sa hindi malamang dahilan. Boss ko si Ethan noon at wala kami masyadong interaksyon. Akala ko rin ay may gusto siya kay Hazel dahil sa kinikilos niya noon.
Nakakunot ang aking noo habang nagtitipa ng reply. Pinipigilan ko kasi ang aking sarili na ngumiti. Kung talagang hanggang ngayon ay pursigido siya sa akin, kailangan niyang maghirap. Ayoko sa lalaki na easy lang ang tingin sa akin. Kaya kapag manliligaw siya ulit sa akin, maghirap siya.
Ako:
Oo, nagustuhan ko.
Ethan:
Really?
Napairap ako sa reply niya.
Ako:
Oo nga, kulit!
Ethan:
Thank God, nagustuhan mo, Starla.
Umusbong ang inis sa sistema ko nang nabasa ko ang mensahe niya. Nawala sa isip ko na galit ako kay Daddy at nailipat ko sa kanya. How could he?
Inis akong nagtipa at padabog na pinindot ang send.
Ako:
Starla?
Ethan:
Yes. Napanood mo na ba ang TV Series na Starla? You are Starla.
Humiga ako sa kama at saka agad nag-reply sa kanya.
Ako:
Gagi, bakit?
Ilang segundo lang at nag-reply siya agad. Wala ba siyang trabaho? Ngumiwi ako at saka binasa ang kanyang reply.
Ethan:
Gusto ko kasing hilingin sa mga bituin na mapasa-akin ka.
Namula ang buong mukha ko nang nabasa ko ang kanyang reply. Nagpagulong-gulong ako sa kama at inis na tiningnan muli ang kanyang reply. Hindi ako naka-reply agad kaya tinadtad niya ako ng mensahe.
Ethan:
Oh, where's my baby's reply?
Ethan:
Nahimatay ka na ba sa kilig diyan?
Ethan:
Yah, reply as soon as possible. #sadboy
Ethan:
Baby...
Huminga ako nang malalim bago ako nag-reply. Kung gusto niya talaga ako, kailangan niyang maghirap. Naalala ko na naman ang sinabi ni Tita Lera sa akin na kapag mahal na mahal ka ng lalaki, gagawin niya ang lahat, mapasagot ka lang niya. Espesyal daw sa kanila ang mapasagot ang babae kaya kung talagang seryoso siya sa akin, hindi siya titigil.
Ako:
Gusto mo talaga na mapasagot ako?
Ilang segundo lang at nag-reply siya agad.
Ethan:
Of course! I will do anything to have you. Hindi naman ako maghahabol sa iyo ng taon kung hindi. My heart belongs to you.
Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang sarili sa pagngiti.
Ako:
Then, come here tomorrow.
Pagkatapos kong ma-send ang reply, tamad na itinapon ko ang phone ko sa kama at niyakap na lang ang unan na nasa tabi ko at pumikit.
Sarah Jade, kailangan mo itong panindigan. Once you let him in your life, there's no turning back. Let's see kung saan ang kaya niya.
•••
Sa sumunod na araw, nagising ako dahil sa isang katok sa pinto ng kuwarto ko. Pilit akong bumangon at tiningnan ang sarili sa salamin kung may muta ba ako.
"Ate, gumising ka na! Nandito na ang manliligaw mo!" singhal ni Diana sa labas habang patuloy pa rin sa pagkatok.
Napairap na lamang ako at lumabi. Tamad akong nagtungo sa may pinto at binuksan ito. Bumungad sa akin si Diana na akmang kakatok na naman.
"Oh?" tamad kong sabi.
Namilog ang mata niya sa gulat nang nakita ako. Kumunot ang noo ko nang bigla siyang pumasok sa kwarto habang tulak-tulak ako. Kinunutan ko siya ng noo.
"Problema mo?"
Inis niya akong tiningnan. "Maligo ka! May muta ka pa at laway! Baka ma-turn off sa iyo ang manliligaw mo!"
Tinulak-tulak niya ako patungo sa banyo ng kwarto ko.
"Paki ko ba kung ma-turn off siya?" Umirap ako. "Mas mabuti nga iyon nang tigilan na niya ako."
Nilagpasan ko siya at saka lumabas ng kwarto. Pero nakain ko ang sariling salita ko nang nakita ko si Tita Lera kasama si Ethan na bihis na bihis.
"Good Morning," matamis niyang bati.
Napalunok ako at napatingin sa sarili. I was so confident back then na ipakita sa kanya kung gaano ako kadugyot ngunit gusto ko na lang umatras nang pinasadahan niya ako ng tingin.
"Jusko, hija! Maligo ka muna!" narinig kong sambit ni Tita Lera.
Napangiwi pa ako at mas lalo lamang nainis nang narinig ko ang mahinang tawa ni Diana. Nilingon ko si Diana at sinamaan siya ng tingin. Nang ibinalik ko ang tingin kina Ethan ay nakita ko si Ethan na nakangisi. Mukhang naaliw pa yata siya sa nakita.
Taas-noo akong tumalikod at bunalik sa kuwarto. Nang nakapasok ay napasabunot na lamang ako sa inis at saka mabilis na pumasok sa banyo.
•••
Mahina akong umupo sa sofa malayo sa kanya nang matapos akong maligo at magbihis. Mabuti at narito si Tita Lera para kausapin siya. Nang ibinaling ni Ethan ang kanyang tingin sa akin ay tinaasan ko siya ng kilay.
"What?" mataray ko na tanong.
Umiling lang siya sa akin at saka inilapag sa center table ang isang basket ng prutas. Naituon ko ang atensyon ko roon at saglit na natigilan. Bakit siya nagdadala nito? Napaangat ako ng tingin nang biglang tumayo si Tita Lera.
"Dahil narito na si Sarah, iiwan na kita sa kanya. Kailangan ko pang tapusin ang gawain ko sa bahay," ani ni Tita sabay baling sa akin. "Huwag ka nang magpaligoy-ligoy pa, Sarah. Ang kaibigan mo, may asawa't anak na. Ikaw, dapat mo na rin isipin ang ganiyan dahil nasa tamang edad ka na."
Napalunok ako. Nakangiting-aso naman si Ethan kaya mas lalong sumama ang loob ko.
"Ano?" inis ko na tanong at saka tumayo.
Muntik ko nang makalimutan kung ano ang purpose niya sa pagpunta niya rito. At ang taray, ah. Ang dugyot ko tapos ang manliligaw ko, bihis na bihis at bangong-bago.
"Wala lang, sobrang ganda mo pala sa umaga," sambit niya at lumaki ang ngiti sa akin.
Napangiwi ako at humalukipkip. "Ang galing mo talaga mambola boss, 'no?"
Tinaasan niya ako ng kilay at tumayo siya. "I am not your boss anymore."
Pinakita ko sa kanya ang palad ko. "Sweldo ko muna. Tinaguan mo ako ng sweldo. Mabuti at hindi kita ni-report bilang abusadong boss ng taon."
Ngumisi siya nang nakakaloko at saka naglakad palapit sa akin. Umatras ang mukha ko dahil sa kanyang ginawa lalo na ngayon na sobrang lapit na niya sa akin.
Ngayon ko lang naaninag ang kanyang mata na medyo may pagkasingkit. Kulay tsokolate ang kanyang mata kaya mas lalo siyang naging guwapo sa paningin ko.
Niliitan niya ako ng mata. "Kaya nga at saka ko lang ibibigay ang sahod mo kapag akin ka na. Kailangan mo pa akong sagutin."
Tinulak ko siya palayo sa akin at saka inayos ang sarili. Narinig ko ang kanyang mahinang tawa na ikinanindig ng balahibo ko.
"K-Kalimutan mo na pala iyon." Tumikhim ako.
"Bakit ko naman iyon kakalimutan?" He chuckled. "Iyon na nga lang ang kapit ko sa iyo, para hindi mo ako makakalimutan." He smirked.
Napansin ko na may dimple ang mokong kaya nag-iwas muli ako ng tingin at saka napakurap-kurap.
"P-Punta na tayo sa labas," nauutal ko na sambit. "May ipagagawa ako sa iyo."
At nauna na akong lumabas sa apartment.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top