Epilogue

Nagulat ako ng pagkarating namin sa village ay hindi kami sa bahay namin dumeretsyo kundi sa bahay nila Kobi.

"Let's go?" Tanong niya matapos iparada ang sasakyan saka ako pinagbuksan ng pinto. Tumungo lang ako at nagpaalalay sa kan'ya lumabas.

Hinawakan niya ang bewang ko at palapit lalo sa kan'ya.

"Bakit tayo nandito?" Kinakabahan kong tanong. Oo nakapasok na ako rito pero kinabahan ako dahil sabi niya ay nandito ang Mommy niya at pati ang Daddy niya ipapakilala niya na ako.

Paano kapag hindi nila ako nagustohan? Paano pag-ayaw nila sa katulad ko? Hoy marga! Tumigil ka sa kakaisip ng kung ano-ano kaloka! Tagal kana kilala ng magulang ni Kobi, baliw ka, Margaret.

Hindi siya sumagot saka kami nagpatuloy sa paglalakad papasok na mas kinakaba naman ang puso ko. Jusko po! Kung ano man pong mangyari! Kayo na bahala! Basta ako po ay nagmamahal lang naman po! Kung ari ho ay mag-yaya agad ng kasal ay ready na ho ako, charot lang.

Pagkapasok namin ay agad kong nakita ang mahabang table na nasa gitna nakinalaglag ng panga ko.

Daming pagkain! Hehehe.

"Good evening, Darling! Happy birthday!" Masiglang bati sakin ni Tita solen ang Mommy ni kobi.

"Good evening po, thank you po." Nahihiya kong bati.

"Oh, Margaret, 'wag kang mahiya sa 'kin kala mo naman hindi kita ka close lagi mo nga hanap ang anak ko." Nakangiti niyang sabi na nagpabawas ng kaba sa dibdib ko pero napaltan naman nanghiya.

"Mom, where's dad?" Biglang sabat ni Kobi kaya bumaling sa kanya si Tita.

"Nasa pool area sila, Drake, kausap ang Daddy ni Margaret." Nakangiti sagot ni Tita at bumaling muli sa 'kin.

"Welcome ka lagi rito iha." Nakangiti niya pa rin sabi bago ako marahan na niyakap.

"Mom, papakilala ko lang siya kay Dad." Paalam ni Kobi napairap nalang ang nanay niya sa kaniya saka ako pinakawalan. Hindi ko alam kung matatawa ako or what dahil sa inaakto ng Mommy niya.

"Gusto ko pa naman makasama ang Daughter-in law ko pero sige pakilala mo siya sa Daddy mo." Sabi ni Tita saka nanguna sa paglalakad.

Daughter-in law? Ako? Kinilig ako roon... Pero kausap daw ni Appa si Tito?! Hala ano'ng nangyari at nandito ang dalawang pamilya namin alam ko nasa italy si Tito at si Papa naman ay nasa manila. Si Tito kasi medyo hindi ko nakakasama dati lagi siyang busy.

"Dad..." Tawag ni Kobi agad naman humarap ang lalaking nakatalikod sa 'min nakausap ni Papa.

"Hi, Margaret. Happy birthday!" Masigla rin bati ni Tito agad naman akong niyakap.

"My girlfriend, Marga." Pakilala ni kobi napangiti naman ako. Sino ba naman hindi kikiligin kung ipapakilala kana?! Ni-legal ako!

"Welcome ka lagi rito." Nakangiti pa rin sabi ni Tito at akmang yayakapin ulit ako ng pigilan na siya ni Kobi.

"Seloso." Natatawang sabi naman ni Tito laking gulat ko ng biglang sumabat sa gilid namin si Tita..

"Mana sa 'yo." Pagtataray ni Tita sa asawa ang cute nila tignan.

"Gutom kana ba?" Tanong sa 'kin ni Kobi habang naglalakad kami papunta sa upuan kung nasaan sila Ate.

"Happy birthday Little sis!" Masiglang bati sa 'kin nila Ate Angela kasama ang boyfriend niya pati si Ate na kasama ang boyfriend niya rin.

Marami pang bumati sa 'kin at nasapak ko si Ate dahil sa ginawa nilang plano sa 'kin at ang lokong Arnold ay tawa lang nang tawa kasama ang girlfriend niyang tawa rin nang tawa.

Simpleng salo-salo lang ang nangyari at masaya na ako roon dahil lahat kami ay sasama binati rin ako ni Mommy elizabeth, ni ate Fritz at Kuya JC pupunta raw sila ng ibang bansa para ipagamot ang sakit ni Ate Fritz at masaya ako roon dahil magpapagamot na siya. Kasama pa niya ang mahal niya sa buhay.

Eleven PM na nang gabi at nandito pa rin ako sa garden nila Kobi nakaupo ako umalis lang siya saglit dahil may kukunin lang siya sila Dwin at Ate ay nasa pool area at ako naman ay niyaya ni Kobi rito sa garden.

Maya-maya lang ay bumalik na si Kobi at may dala siyang isang box pero normal lang ang laki agad na niya binigay sa 'kin iyon.

"Ano 'to?" Kinikilig kong tanong hindi ko mapigilan kiligin eh anong magagawa niyo.

"Open it.".Nakangiti niyang tanong agad ko naman. 'Yun binuksan at agad naman akong ng mangha sa nakita ko.

Isang golden necklace at ang ganda ng pendant mukhang mamahalin! Agad naman lumipat ang tingin ko sa silver na sing-sing hindi ko alam pero naiyak ako bigla. Hindi isa ang sing-sing dalawa siya.

"Kobi..." Naiyak kong sabi agad ko naman nakita ang pag-alala sa mukha niya ng makita niya akong umiiyak.

"Hindi mo ba nagustohan?" Nag-aalala niyang tanong agad naman akong umiling saka ulit binalik ang tingin sa sing-sing at kwintas.

"Bakit dalawa ang sing-sing?" Taka kong tanong saka bumaling sa kan'ya. Ngumiti lang sa 'kin saka kinuha ang isang sing-sing at sinuot sa daliri niya at daliri ko naman ang isa.

"Promise ring..." Mahina niyang bulong habang hawak ang kamay kong may suot na sing-sing.

"Promise ring?" Naguguluhan kong tanong sa kanya habang hindi ko rin maalis ang tingin sa sing-sing.

"Hindi pa kita pwede yayain ng kasal ngayon pero, para siguro kong sa akin kana ay binigyan kita ng sing-sing." Nakangiti niya sabi saka kinuha ang kwintas sa kahon.

"Turn around." Sabi niya agad naman akong tumalikod. Hinawakan niya ang buhok ko at tinabi sa isang gilid.

"Ang ganda..." Naiiyak ko pa rin sabi habang hindi na aalis ang tingin sa pendant ng kwintas.

"You like it?" Masigla niyang tanong agad naman akong tumungo.

"I love you." Bulong niya saka ako niyakap mula sa likod. Ngumiti naman ako.

"I love you too." Nakangiti kong sabi.

"A promise ring signifies a promise to take the relationship seriously. It also symbolizes hope for the relationship's." Bigla niya wika hindi ko man naintindihan ang iba sinabi niya ay alam kong tungkol 'yun sa sing-sing nabigay niya.

"Hindi ko akalin na hinahabol lang kita noon tapos ngayon boyfriend nakita at mahal mo pa ako..." Nakangiti kong kwento sa kaniya saka sinandal ang ulo sa kaniyang kanan na dibdib. "Alam mo noon ay sabi ko sa sarili ko na hahabulin talaga kita. Sabi ko panga noon I will chasing my snobber crush as a joke..." Natatawa kong kwento dahil para akong tanga noon paulit-ulit ko sinasabi sa sarili ko na ang snob niya.

"Snobber Crush?" Pagtatanong niya agad naman akong tumungo.

"Oo, ang snobber mo kaya." Singhal ko sa kan'ya kaya humigpit bigla ang yakap niya sa 'kin.

"Tapos, hindi ko pa nga alam kung paano kita hahabulin kasi nasa iba ang atensyon mo..." Pagpapatuloy kong kwento.  "Tapos sabi mo pa sa 'kin ay hindi mo 'ko gugustohin kailanman." Dagdag ko pa tanda ko yung nung grade seven kami binigyan ko siya no'n ng isang kahon na chocolate kaso pinamigay niya lang at galit siya sa 'kin no'n kasi nakakahiya raw ako. Hindi kaya, tamo jowa ko na siya ngayon ha!

"Akala ko rin, akala ko rin hindi ako magkakagusto sa katulad mo." Natatawa niyang sabi.  "Pero eto ako ngayon at mahal na mahal ka." Dagdag niya na kinagulat ko. Akala ko wala na siyang idagdag.

"Hindi mo ba pinagsisihan na minahal mo 'ko?" Tanong ko sa kaniya habang naka tingala sa kan'ya agad naman siya umiling at ginawaran ako ng mabilis na halik sa noo.

"Lab mo 'ko?" Parang bata kong tanong. Agad naman siyang tumungo saka ngumiti sa 'kin.

"Kiss mo nga ako..." Natatawa kong biro pero hindi ko akalain na totoohanin niya na hahalikan niya ako sa posisiyon namin na 'yun.

"Nagbibiro lang naman ako." Nahihiya kong sabi sa kaniya matapos humiwalay sa halik niya.

"'Wag ang gan'yon biro, dahil totoohanin ko talaga ang gano'n." Mayabang niyang sabi kaya na pairap ako.

"I love you." Nakangiti kong sabi.

"I love you too." Mas malaking ngiti niyang sabi saka niya muli hinalikan ang labi ko.

I am happy because you are the one I love, and you opened your heart because of me. I love you so much and I have no one else to love. I can't imagine the man I was chasing and dreaming of, was my boyfriend now, and he loves me so much now.

The End

***

Social Media Account:

Facebook: Ilaria Del Fierro WP (Bcs)
Twitter: @B_C_S_WP
Instagram: @b_c_s_wp

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top