Chapter 9

Hindi ko alam ha, hindi ko talaga alam ang problema ng lalaking 'yon, hinila ba naman ako palabas ng Locker Room tapos iniwan niya lang ako sa Hallway, bwisit siya ha! Kung hindi lang talaga kita gusto at mahal baka nasuntok na kita!

Matamlay akong naglalakad papunta sa classroom may klase pa ako kaya hindi ko masusundan si Kobi ngayon, tsaka bahala siya iniwan niya lang ako basta rito bwisit!

Pero, iniisip ko talaga 'yung sinabi niya le— Ano nga ulit 'yon?! Ay bwisit 'di ko maalala!

Kinuha ko nalang ang cellphone ko saka mabilis na tinawagan si Dwin.

"Dwin, nasaan ka?" Tanong ko agad pagkasagot pa lang ng tawag.

"Hoy buti tumawag ka! Si Eds."

"Ano?"

"Basta pumunta ka rito sa Gym, si eds naghahamon ng laro!"


***


Pagkarating na pagkarating ko rito sa Gym kita ko na agad ang kumpulan ng mga tao. Ano ba talagang gusto mangyari ng babaeng 'to? Kung kailan wala ako sa mood, saka nagyaya ng laro.

"Ano bang meron?" Inis kong tanong pagkapasok ko ng Gym.

"There you are." Maarte na boses agad ni Eds ang sumalubong sa 'kin, inirapan ko lang siya at wala talaga ako sa mood.

"Bakit kaba nagyaya ng laro?" Tanong ko dahil kung wala naman kwenta 'to ay aalis na ako dahil iisip pa ako nang paraan paano ko yayain si kobi sa FWP isa pa 'yon sa pinoproblema ko bago niya ako iwan kanina sa Hallway. Tsaka ipapasa ko pa reaction paper na pinagagawa sa English, iyon nalang kulang ko then, done na ako sa school works for this week. Madalas kasi advance kami gawa pinanlalaban kami ng School.

"I have a challenge for you."

"Anong challenge?" Walang gana kong tanong saka nag-cross arm.

"Let's play, if you win then I will accept na ikaw na ang Captain Ball ng Team natin." Yaya ng luka at ngayon ko lang napansin na sobrang dami talaga ng tao sa Gym, anong trip nila? Manood sa laro namin ng babaeng may sapi na 'to?

"Game, magpapalit lang ako." Sambit ko saka pinuntahan ang lukang Dwin na nakatayo roon sa sulok at nakikipaglandian, pinapunta ako rito tapos lalandi lang pala siya, hanep.

"Hoy Luka, samahan mo 'ko." Hindi pa siya nakakaimik ay agad kona siya hinila pa takbo sa exit ng Gym.

Dali-dali kaming pumasok sa Locker Room para magpalit, meron kaming damit na sad'yang pang-practice ng Volleyball kaso ayoko talaga ng shorts na 'yun, sobrang ikli eh ano'ng magagawa ko ngayon wala akong ibang shorts kundi 'yon, hindi ko trip maglaro ng nakapalda.

"Sure ka r'yan, Marga sa shorts mo? Alam nating hindi ka sanay 'pagsinusuot 'yan." Paninigurado ni Dwin habang nagbibihis kami. Nugagawen.

"Oo, ayos na, ano pa bang magagawa ko." 'Yun nalang ang sinagot ko saka pinusod ang buhok ko.

"Para kang tange, ayosin mo nga paglalakad mo." Singhal niya sa akin habang naglalakad kami pabalik, kasalanan ko ba eh feeling ko lalabas ang kung ano sa shorts ko.

"Tara na nga bilis." Yaya ko saka na tumakbo papuntang court pero pagbalik ko roon ay si Kobi agad ang nakita ko, manonood siya? Ano'ng trip niya at manonood siya? Well mas maganda 'yan para ganahan ako maglaro.

"Marga, sure ka bang gusto mo ituloy ang laro? bBka 'di ka makapaglaro nang maayos." Nag-aalalang tanong ni Lance, si Lance ay ang Captain Ball ng Volleyball Boys, close kami dahil parehas kami ng hilig, katulad ng pagkanta, sports, and etc.

"Oo. 'Wag ka mag-alala." Pagpapagaan ko nang loob niya saka tinapik ang balikat niya.

"Ano na?" Tanong ko sa Eds na engot.

"Let's start." aniya saka pakembot-kembot naglakad papuntang kabilang side ng court.

***

"Nice game." Nakangiting salubong ni Lance sabay apir sa 'kin, well sino paba nanalo eh 'di ako manood ba naman sa 'yo si Crush 'di ka gaganahan.

Patakbo na akong lumapit kala Kobi na kasama si Arnold na tumatawa, ano'ng tinatawa ng loko?

"Nice game, Marga." Natatawang bati ni Arnold sabay apir sa'kin.

"Change your clothes." Natigilan ako nang bigla-bigla nalang umimik si Kobi na nasa kabilang side ni Arnold.

Kunot noo ko siyang tinitigan, inaangal nito? "Change your clothes now." Utos niya ulit saka may kinuha sa bag niya.

"Anong gagawin ko rito?" Taka kong tanong, bigyan ba naman ako ng jacket eh ano'ng gagawin ko roon kainit kaya.

Walang imik-imik ay bigla niya nalang kunin sa 'kin ang jacket at itali sa bewang ko. Walang halong biro medyo nagulat ako.

"Now go to your locker room change your clothes." Walang emosyon ang mukha niyang utos saka naglakad paalis sa harap ko. Paulit-ulit akong pumikit saka nilingon si Arnold. 

"Nangyari roon?"

"Ewan ko, selos yata, balak na nga yatang lumipat ng Volleyball." Tumatawa nitong sagot, sa inis ay binaytukan ko nalang siya, seryoso ng tanong ko tapos magbibiro ng ganoon.


***


"Boyfriend muna?" Tanong bigla sa 'kin ni Lance habang naglalakad kami papuntang Locker Room iniwan ko na si Dwin doon sa bebe loves niya.

"Sino?" Taka kong tanong habang hindi pa rin nawawala ang ngiti ko sa labi.

"Si Ferrer." Saad niya sana nga boyfriend ko kaso hindi pa.

"Hindi." Sagot ko pero may ngiti pa rin, syempre kinikilig pa rin ako 'no! Minsan lang mangyari sa buhay ang gano'n.

"Buti naman may laban pa pala ako."

"Ha?" Taka kong tanong 'di ko na gets masyado sinabi niya.

"Wala, MArga tanong ko lang, hindi ka ba naano na mag-first move? Parang kasi nanlii-"

Agad ko siyang pinutol sa pagsasalita. "Porket babae ako? Ganoon ba? Hindi naman masama iyon, bakit ba lagi natin ni-no-normalize na kapag babae ka dapatikaw ang niliigawan hindi ka dapat nag-e-effort ng kung ano sa lalaki. Lance, sa panahon ngayon, babae o lalaki libreng-libre mag-first move hindi ko nga maintindihan ba't issue iyon kapag babae ang naggagawa ng move eh, tsaka hindi lang naman lagi babae ang deserve ng effort 'no, lalaki rin." Paliwanag ko at ngumiti. Ewan ko, ayoko talaga na parang inaalisan ng karapatan ang babae tapos parang pressure naman ang lalaki kasi alam mo iyon, parang sa bansa natin super required na dapat ang lalaki gagastos lalaki ang mag-first move lalaki ang gagawa nang ganito ganiyan eh kaya rin naman ng babae.

"Sorry, sige na magpalit kana ng damit baka magkasakit ka." Sambit niya saka ako iniwan sa harap ng Locker Room namin.

Mabilisan ligo lang ang ginawa ko dahil ang lagkit ko na, pati labasan na naman din kaya hindi na ako nagtagal ng makalabas ako ay kakaunti na ang tao sigurado akong nakaalis na sila Kobi, sila paba mang-iiwan 'yun eh.

Naglalakad na ako papunta sa gate nang may marinig ako nag-aaway sa likod ng building dahil dakilang chismosa ako ay dahan-dahan akong naglakad sa gilid pero hindi ko inaasahan ang nakita ko.

"Kobi, anong ginagawa mo rito?" Bulong kong tanong, dahil nakita ko siyang nagtatago rito sa tabi na animo'y nakikinig din doon sa nag-aaway, 'di sinabi sa 'kin na chismoso rin siya eh 'di sana sabay kami naki-chismis

Pero, hindi siya umimik at bigla lang ako hinila pa alis, ay sayang! 'Di ko nakita kung sino nag-aaway.

"Hoy, saan tayo?" Tanong ko dahil hila lang siya nang hila.

"Uuwi na." Walang gana niyang sagot. Tamo ito! Nanghihila tapos parang napipilitan naman ako isama.

Patulak niya akong sinakay sa passenger seat, aba aray ha! 'yung pwet ko kahit wala naman talaga akong pwet masakit pa rin.

"Sino 'yung nag-aaway?" Tanong ko sa kan'ya pagkasakay niya sa sasakyan agad niya 'yun pinaandar. Hindi niya ako sinagot.

"Kobi, nagugutom ako." Para kong batang ungot, kasi naman Marga! Bakit kasi ang arte mo kanina at hindi ka kumain tsaka bibili pa dapat ako ng pagkain kundi lang ako hinila ng lalaking 'to. Syempre siya na iyon kaya sasama ako.

"Sa bahay niyo na ikaw kumain." Sabi niya napasimangot naman ako gutom na talaga ako. Maya-maya lang ay nakarating na kami sa bahay binaba niya lang ako sa labas ng bahay namin syempre hindi na ako nagreklamo dahil gutom na ako.

Pagkatingin ko sa garahe namin ay nakita ko ang dalawang sasakyan ni Papa.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa bahay ay agad akong tumakbo paakyat sa taas pustahan wala pa si Ate may date na naman 'yun.

"Ano ka ba Troy! Hindi mo ba iinisip kung ano ang mararandaman ng bata?!" Natigilan ako sa pagtakbo paakyat nang marinig kong ang sigaw ni Mama.

"Pero, Rine kailangan niya malaman ang totoo!" Balik na sigaw ni Papa marahan na ang ginawa kong hakbang hanggang sa makarating ako sa gilid ng pinto ng kwarto nila.

"Na ano? Na malaman ng bata na hindi niya akong totoong ina? Na iniwan siya ng ina niya sa 'yo na anak mo lang siya sa ibang babae? Ha?! 'Yan ba ang gusto mo malaman ni Magra, kahit hindi ko totoong anak si Marga ayoko siya masaktan Troy, mag-isip ka naman! Minahal ko 'yong anak mo Troy! Mag-isip ka may damdamin 'yung bata!"

"Oo, dahil kailangan niya malaman ang totoo!" Sigaw pa ni Papa, randam ko na tumutulo na ang luha ko.

Marga hindi ka iyakin alam mo 'yan ayaw mong pinapakita sa taong umiiiyak dahil kilala kang masayang bata, ang batang masaya hindi umiiyak dapat lagi ka lang masaya kalma, Marga...

Tumakbo nalang ako papasok ng kwarto at doon nagkulong nawala bigla ang gutom ko hindi ko alam bakit.

Anak ako ni Papa sa ibang babae, pero minahal at tinanggap ako ni Mama na para niyang isang tunay na anak na mas binigyan niya ako ng pansin kaysa kay Ate na totoo niyang anak

Grabe buhay 'to.

Nang sumapit ang gabi ay hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto nakaupo lang ako rito sa balcony ko at hawak ang aking gitara habang umiiyak na kumakanta.

Binaba ko ang gitara sa sofa at dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa dulo ng balcony.

"Bakit hindi nila sinabi sa 'kin na anak lang ako sa labas," umiiyak ko pa rin sabi hindi ko alam pero sobrang sakit nanlalabo na ang mata ko dahil sa kakaiyak parang ayaw na niyang tumigil kakaluha.

"Kaya pala hindi ako kamukha ni Mama or Papa dahil ang kamukha ko ang totoong Mama ko." Umiiyak ko pa rin sabi saka dahan-dahan pinunasan ang luhang patuloy pa rin ang bagsak. Mapait akong tumawa.

Nakatayo lang ako roon ng ilang oras nakatingin sa buwan na kay ganda saka bumalik sa upuan at kinuha ang cellphone ko dahil narinig kong may nag-chat

Kobi:

Hey, are you okay?

Ako:

Oo naman, bakit naman ako hindi magiging okay 'no :>

Kobi:

Then why are you crying? Ganan kana ba Marga ang pagiging okay ay ang pag-iyak. Weird then.

Ako:

I'm not, 'wag ka nga story maker!

Kobi:

I saw you, did you have a problem?

Ako:

Wala oy! Okay ako!

Kobi:

Okay, kung ayaw mo sabihin anong problem mo, then stop crying and go inside it's getting late na, goodnight.

Ako:

Good night din


Pumasok na ako sa loob hindi na ako magtataka kung nag-chat si Kobi nag-chat lang naman siya kaso pagtrip niya lang pero wala ako sa mood kiligin dahil nasasaktan ako sa oras na 'to. Ganito pala pakirandam maging anak ng kabit.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top