Chapter 7
Dahil sa nakita ko ay dali-dali akong nagtatakbo papunta kay Kobi na ngayon ay nakalabas na, gulat ko naman dahil pagkalabas niya ay saka sunod na lumabas ang sasakyan niya.
Ay gaga! Akala ko pa naman maglalakad siya, 'yon pala pinalabas lang sa iba ang sasakyan niya, tamad naman niya. Muntik pa ako madapa dahil sa pagtakbo!
"Kobi!" Sigaw kong tawag kaya bahagya siyang napaharap sa 'kin, mukhang hindi na siya nagulat na makita niya ako. Sanay na siguro, aba ilang linggo na ulit kami magkasama 'no.
"What?" Iritado niyang tanong. High blood agad siya sa 'kin ganda ko kaya 'no.
"Sabay ako sa 'yo." Pilit kong ngiti sabi, kahit naiinis na talaga ako sa nakikita ko, hawak ni Fritz ang kamay ni Kobi.
"Who are you?" Tanong sa 'kin ni Fritz syempre aarte tayong kunwari 'di natin siya kilala, Margaret, galingan mo umakting.
"Margaret, pero Marga nalang, kilala kita ikaw 'yung nakita ko sa School at sa Mall." Mahinahon kong sabi habang nakaturo pa sa kan'ya.
"You saw her?"
"Yupie!"
"Hi, I'm Fritz." Nakangiti niyang pakilala sa 'kin syempre ngingiti nalang din ako kunwari wala akong alam about sa kan'ya.
Plastic naba ako? sige plastic na putek.
"Nice meeting you."
"What are you doing here?" Tanong ni Kobi kay Fritz pero hindi man niya nililingon.
Oo nga, ano'ng ginagawa ng babaeng 'yan dito? Tapos makahawak pa sa kamay ni Kobi, nakakainis.
Hindi ko pa rin inaalis ang tingin sa kamay ni Fritz na nakahawak kay Kobi, nang mapansin ni Kobi na nakatingin ako roon ay dali-dali niyang inalis ang pagkakahawak ni Fritz sa kamay niya.
Kahit 'wag mo alisin Kobi basta, sa 'kin ang bagsak mo ayos lang.
"I'm just visiting you, I missed you." Malambing na sabi ni Fritz.
Wait? I missed you? One, two, three, pwe! Gusto ko masuka teka— May pa I missed you, I missed you pa siyang nalalaman kakainis!
"Okay." Tanging sagot ni Kobi saka naglakad ulit papuntang sasakyan niya at pumasok.
Pinaandar niya ang sasakyan at tinigil sa harap namin ni Fritz, syempre hindi niya ako isasabay eh baka nga kapag nasagasaan lang ako isakay niya.
"Get in." Sambit niya at akmang sasakay na si Fritz ng pigilan niya ito.
"Not you," pigil niya rito.
Umawang ang bibig ko "You." Sabay turo sa 'kin.
Gosh ako ba talaga isasakay?
"Ako?!" Gulat kong tanong habang nakaturo sa sarili ko.
"Yes, ayaw mo?" Tanong niya, syempre dali-dali akong umiling saka sumakay.
"Bye, Ate Fritz!" Sigaw ko nang magsimula na umamdar ang sasakyan, kala niya makukuha niya ang bebe ko, akin na 'to eh.
"When did you saw her?" Tanong niya lagi nalang english maturuan ko kaya 'to mag-tagalog, sarap batukan eh.
"Last week 'ata, ewan ko basta, una ko siyang nakita nung naglaro kayo ng basketball, pangalawa 'yung nasa Mall may kasama pa nga siyang lalaki naka-itim din." Pagkwento ko ang daldal ko talaga.
"Why you didn't tell me you saw her?" Tanong niya ulit sa 'kin, bakit ko naman sasabihin sa 'yo? Tsaka, hindi ko nga alam na si Fritz the user pala 'yun, malay ko ba ang mala anghel na mukha na 'yun ay meron demonyo tinatago sa loob.
"Bakit ko naman sasabihin sa 'yo, bakit sino ba siya para sa 'yo?" Tanong ko syempre kunwari 'di ko kilala si Fritz.
"Wala."
"Wala ba talaga?" Tanong ko.
"Wala nga." Iritado niyang sagot habang nakatingin pa rin sa daan.
Kung hindi ako nagkakamali hindi naman siguro siya mahuhuli kahit ang edad niya ay nasa 17th or 18th na yata siya malay ko ba, pero, what?! Marga 'di mo alam kung ilan taon na siya?! Kasi wala naman bantay sa dinadaanan namin dahil hindi rin highway.
"Eh, bakit ka niya pinupuntahan? Tapos may pa I missed you, I missed you pa siyang nalalaman." Inis kong sabi, aba akin na 'to agawin niya pa.
"You know what? You acting like a jealous girlfriend."
Talaga para akong girlfriend niya?
"Gusto mo naman?" Kinikilig kong tanong.
"No." Sagot niya, aray naman ha. Kalma may nasasaktan.
"I want to be your girlfriend." Mahinahon kong sabi.
Kapalan na 'to ng mukha wala akong pakialam baka maunahan pa ako nung babaeng 'yon.
"I don't want." Walang gana niyang sagot na parang sanay na siya na sinasabihan ng gano'n.
"Ano'ng gagawin ko para magustohan mo 'ko?" Pilit kong tanong.
"Nothing." Sagot niya makipagsuntukan nalang kaya ako sa kan'ya.
"May past ba kayo ni fritz?"
"Nothing."
Sinungaling ka Kobi, alam kong may past kayo kaya dapat 'di mo na siya balikan dahil ako ang nasa present at magiging future mo.
'Di nalang ako umimik at kinuha ang cellphone ko at naglaro nalang ng matripan kong laruin pero inisip ko, sino kaya 'yung lalaking kasama ni Fritz, pogi si Kuya mabait pa, sino kaya siya?
Nang makarating kami ng school ay hindi niya na talaga ako hinitay bumaba ang sweet niya talaga at iniwan ako rito pinagtitinginan na nga ako dahil bumaba ako sa sasakyan niya, ingit 'ata 'di nila matatalo ang ganda ko, duh.
Naglakad na ako papunta sa room ng makasalubong ko si Eds.
"What?" Inis kong tanong.
"You took my role as Captain ball and now, you will also take my Boyfriend?!" Mataray niyang sigaw, ano raw?! Boyfriend?! Gusto ba niya ng sapak?!
"Sa pagkakaalam ko Eds ay hindi naman talaga sa 'yo ang role ng pagiging Captain ball dahil kusang binigay sa 'kin 'yun at hindi inagaw, tsaka anong sabi mo, boyfriend? At kailan mo pa naging boyfriend si Kobi? Eh akin na 'yon." Mataray akong tunawa at nilagpasan nalang siya, kita ko naman ang tingin ng ibang estudyante pero, I don't care.
Anong akala niya sa 'kin mang-aagaw? Baka siya ang mang-aagaw, kala naman niya makukuha niya si Kobi, hindi pa nga nagiging akin tapos makukuha niya na aba, gusto 'ata niya ng gulo, kunin niya na lahat sa 'kin 'wag lang si Kobi. Charot.
Dahil si Kobi ay akin na kahit may mahal pa itong iba sa ngayon, kahit may gusto pa 'tong iba sa ngayon dahil sisiguroduhin kong mapupunta siya sa 'kin at mamahalin niya rin ako, higit pa sa pagmamahal niya kay Fritz.
Pagkarating ko nang room ay nakita kong masayang nag-uusap si Dwin at Arnold sana all, masayang nag-uusap kasama si Crush eh, 'yung akin mukhang bangkay kapag kausap.
"Hoy, kayong dalawa tigilan niyo ang paglalandian sa harap ko." Inis kong sabi dahil naiingit ako putakte.
"'Di naman kami naglalandian." Pagtangi pa ni Dwin eh halata naman gustong-gusto niya ang ginagawa nila.
"Kaya nga." Pagsang-ayon naman ni Arnold sa kan'ya.
Wow as in wow ha, iniwan ko lang sila magkasama sa mall ganito na agad sila ka-close? Kami nga ni Kobi halos dalawang araw rin magkasama para akong humahabol pa rin sa bangkay.
"Nasaan si Kobi?" Tanong sa 'kin ni arnold wala ako sa mood hanapin ngayon si Kobi gawa sinira ni Fritz at Eds ang araw ko.
"Bakit sa 'kin mo hinahanap?" Nakataas kong kilay ang tanong.
"Marga, alam kong buntot ka ni Kobi kaya imposibleng hindi mo alam kung nasaan siya." Natatawang sambit ni Arnold bwisit na lalaking 'to.
Grabe sa buntot ha, hindi ba pwedeng forever niya...
"'Di ko alam, iniwan nga ako eh." Pagmamaktol ko, aba ikaw ba naman iwan. Masaya na sana araw kong hindi ko lang nakasalubong ang Eds na 'yun.
"Next week daw ang Ferrer welcome party." Wika ni Dwin nakina ngiti ko, hihihi party na naman mayaya nga si Kobi bilang partner.
Ang Ferrer welcome party ay ginaganap tuwing huling linggo ng july para kapag welcome ng mga bago sa school.
"Sino ka-partner mo?" Tanong ko kay Dwin.
"Ako." Sagot naman ng magaling na Arnold sana all ka-partner si Crush.
"Putek kayong dalawa, sana all." Inis kong sabi kanina pa ako iningit sa dalawang ito.
Tumawa naman silang dalawa ng malakas.
"Yayain mo si Kobi." Suggestion ni Arnold.
"Yeah at gagawin ko 'yan, ako pa." Ako pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top