Chapter 6

"Kobi, teka lang naman." Hinihingal kong awat.

Lang'ya naman buhay 'to. 5'1 na nga ako ang liit pa rin ng hakbang ko, hindi ko tuloy maabutan ang lalaking 'to, gusto ko man bumalik nalang kay Dwin kaso pauwi na sila ni Arnold. No choice tuloy ako kundi habulin si Kobi tutal 'yon naman balak ko talaga gawin.

"What?" Iritado niyang tanong, kanina pa siyang high blood ang snobber-snobber niya talaga, ilibing kita ng buhay eh!

"Eh ang bilis mo kaya maglakad pwede bang dahan-dahan lang."

"Who told you to follow me?"

"Wala." Sagot ko, wala naman nag-sabi eh.

"Then, bakit ka sunod nang sunod pa rin?"

"Dahil nga gusto kita."

"Ang layo ng sagot mo. Whatever." 'Yun lang ang sinabi niya at akmang tatalikod na siya ay agad ko siyang pinigilan.

"Teka lang Kobi, here." Abot ko sa kan'ya ng paper bag na may laman ng binili kong sapatos para sa kan'ya.

"What is this?"

Napasinghap ako sa inis. Isang english mo pa hahalikan na kita.

"Iyo 'yan, binili ko para sa 'yo. Sige na umuwi kana aalis na ako." Nakangiti kong sabi saka kumakaway na naglakad patalikod sa kan'ya.

Nang makarating ako sa bahay ay naririnig ko na naman ang sigawan nila Mama at Papa, gabi-gabi nalang silang nag-aaway, ano ba talagang meron?

Umakyat nalang ako sa kwarto ko saka naligo at nagbihis, pumunta ako sa isang kwarto ko kung saan ako nagdra-drawing at nag-guitar, nag-record din ako ng mga kanta kapag-trip ko lang.

Ngayon ko lang napansin na halos sampo na pala ang na drawing ko na puro mukha lang ni kobi.

Gano'n pala ako kabaliw sa kan'ya?! Bakit hindi ko nahalata? Parang ang creepy, ang daming mukha niya sa kwarto ko.

"Ano kaya ma-drawing ko ngayon?" Tanong ko sa sarili ko, dahil kung magmukmok lang ako sa kwarto ko ay iisipin ko lang kung bakit lagi nag-aaway si Mama at Papa, mas gugustohin ko pa kumanta or magpinta rito kaysa isipin 'yon.

Gano'n kasi talaga ako eh. Ayoko mag-isip lagi ng negative vibes kaya kung maaari ginagawa ko lahat para lumayo ang isip ko sa masamang isipin.

Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang makina ng sasakyan ni Kobi dahil nga baliw ako sa kan'ya ay kilala ko na ang tunog ng sasakyan niya.

Lumabas ako ng balcony para silipin siya nakita ko na dahan-dahan nagbukas ang magarbo nilang gate saka naman pumasok ang magarbong sasakyan ni kobi pero tumigil ito sa tapat ng guard nila at may sinabi, ang pinaka masaklap ay ang makitang ibigay ni Kobi ang sapatos na binili ko para sa kan'ya at saka naman iyon tinapon ng guard nila sa basurahan.

Hindi ba niya na gustohan ang effort ko? Sayang naman 'yong sapatos.

"Tinapon lang niya."

Malungkot kong sambit saka pumasok sa kwarto para kunin ang guitar ko at saka ulit lumabas sa balcony para doon tumugtog.

Umupo ako sa favorite kong spot sa balcony at sinumulan galawin ang guitara.

Sinumulan kona kumanta.

Dahan-dahan kong pinikit ang aking mata para mas madama ko ang aking pagkanta.

Kinanta ko nang may damdamin ang kanta hanggang sa matapos ko ang pag-awit no'n, nang minulat ko ang aking mata ay hindi ko inaasahan ang nakita ko pagkabukas ng mga mata ko, totoo ba ang nakikita ko?

Kitang-kita ng dalawa kong mata na nakatingin ng deretsyo sa 'kin si Kobi na animo'y kanina pa ako pinapanood sa pagkanta ko hindi ako assuming ha.

"Malakas ba ang pag-kanta ko kaya na rinig niya?" Tanong ko sa sarili ko, gosh, baka na pangitan siya sa boses ko.

Alam kong maganda ang boses ni Kobi dahil kapag kumakanta siya ay naririnig ko, syempre kahit mahina ang boses niya may mic siyang gamit kaya naririnig ko.

Kita ko dahan-dahan tumayo si Kobi saka pumasok sa kaniyang kwarto at sinara ang pinto.

"Good night!" Sigaw ko ewan ko lang kung narinig niya.

Pumasok na ako sa kwarto saka ginawa ang night routine ko.

***

Lunes na ngayon at sure akong magsisimula na ang pagpa-practice namin para sa dadating na District meet pero, dahil maaga pa masyado ngayon bago ang tinakdang buwan, mauuna muna ang School Fair kaysa sa District meet 'yun ang pinaka gusto ko sa school namin.

Meron mga booth, club, contest, at performance maraming pagkain.

Nung nakaraan taon ay Wedding Booth, Photo Booth, Prison Booth, Date Booth at Confession Booth ang meron dapat nga kasali 'yung Kissing booth ako nag-suggest no'n ganda kaya no'n napanood ko lang maganda raw kapag may Kissing booth kapag school fair kaso inayawan ng SSG namin si nicole dahil daw mga highschool students pa lang daw baka College lang daw pwede ang booth na 'yon. Kahit daw university kami hindi niya pinayagan since baka may mag-away pa raw.

Ang club naman nung nakaraan taon ay Math club at Cooking club, may Singing contest din, syempre hindi ako nanalo ng time na 'yun, dahil hindi ako sumali ikaw ba naman ipakulong sa Prison booth may nagpakulong sa 'kin at sakasamang palad dahil ayaw ni Eds na ako ang lumaban sa section namin ay pinakulong niya ako ng dalawang oras din nagbayad ng malaki para ikulong lang ako.

Wala naman akong pakialam na hindi ako kumanta pero ang kinaiinis ko kasi ng time na 'yun ikulong ba naman ako kasama ng maniac sa school namin na si de— Ewan! Kundi lang anak ng principal 'yon sinapak ko na.

Lumabas na ako ng kwarto ko at pagkalabas na paglabas ko pa lang ay nakita kona agad ang Ate kong luka na nag-aayos aba na-una pa sa 'kin ang babaita may susundo ba sa kan'ya?

"Ate, ang aga mo yata ng sobra." Pang-aasar ko ng tuluyan na akong makababa.

"Pakialam mo, kapatid." Mataray niyang sabi sabay irap. Ay taray, inaano kita.

"Kayo ulit mag-aayos ng school fair, 'di ba?" Nakangiti kong tanong, dahil gusto ko tumulong sa mga booth.

"Kami nga, bakit?" Tanong niya syempre alam niya na may kailangan ako sa kan'ya.

"Kailan ang school fair august or september?" Excited kong tanong.

"'Di ko pa alam, at tigilan mo 'ko, Margaret alam ko naman ang balak mo." Aniya saka lumabas ng bahay napakamot nalang ako sa ulo, kainis naman si Ate.

Lumabas na rin ako ng bahay at ang daya ng kapatid ko wala na agad, kita kong lumiko na agad ang sasakyan ng kasabay niya pumasok.

Nang makalabas na ako ng gate ay napatingin ako sa gate nila Kobi pero may napansin ako may nagtatago sa sulok na babae naka mask lang at jacket siya.

Siya 'yung babaeng nakita ko sa School at sa Mall ano'ng ginagawa niya rito?

At bakit niya sinisilip si Kobi?

Nang makita kong lumabas na si Kobi ng gate nila at mukhang maglalakad lang papuntang school dahil nga malapit lang ang school namin sa village namin.

Nang makalabas na siya ay agad siyang sinalubong nung babae at dahan-dahan tinagtag nung babae ang mask niya at doon ko lang nakilala kung sino siya...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top