Chapter 5

Nandito kami ngayon ni Dwin sa mall. Gusto ko kasing bilhan si Kobi ng rubber shoes dahil trip ko lang. Oo na alam kong gumagastos ako sa lalaki.

Galing naman sa mga nabenta kong painting ang ipambibili ko 'no.

"Anong klaseng sapatos ba ang bibilhin mo?" Tanong sa 'kin ni Dwin, kanina pa kasi kami paikot-ikot dito sa mall na pag-aari ng mga Sandoval isa ito sa mga sikat na mall at halos lahat ng brand ng sapatos, damit, at etc ay nandito na kaya hindi kailangan pumunta pa ng Manila para sa ibang branded na gamit.

"Hindi ko rin alam, never naman ako bumili ng sapatos ng lalaki." Napakamot ako sa ulo ko, wala naman ako naging jowa at maski Kuya ay wala ako kaya wala akong alam sa sapatos ng lalaki. Maharot ako pero never ko ginawa ito.

"Eh siraulo ka pala eh." Inis niya akong tinignan bago umirap. "Ikot tayo nang ikot pero, wala ka pa lang alam sa klase ng sapatos ng mga lalaki." Nairita niyang dagdag saka pinagpatuloy ang tingin sa mga sapatos.

"Che." Umirap din ako saka siya nilingo.

"Doon ka na muna sa ibang store, tawagan nalang kita kapag nakapili na ako." Utos ko agad naman lumitaw ang ngiti sa labi niya at agad na tumigil sa kakahawak ng mga sapatos.

"Doon muna ako sa Chanel bibili akong bagong bag." Paalam niya saka umalis, tumungo nalang ako.

Pumunta ako sa Nike dahil wala akong makitang magandang sapatos sa Adidas.

Habang nag-iikot ako at pumipili, kahit wala naman akong mapili, ay may aksidente akong nabanga nang lingunin ko siya ay agad ako nagtaka dahil naka-mask at shades si Kuya naka-jacket pa mukha, siyang magnanakaw sa suot niya, charot. Marga the judger na naman ako.

"Sorry po..."

"Okay lang, Miss," ngumiti siya sa 'kin. "And kanina pa kita napapansin na naghahanap ka ng sapatos pero, walang kang mapili." Dagdag niyang sabi sa akin. "Ano bang klaseng sapatos ang hinahanap mo?" Tanong niya sa 'kin, ngumiti naman ako ng malaki dahil mukha may tutulong na sa problema ko.

"'Di ko nga rin alam Kuya, may pagbibigyan lang kasi ako, kaso 'di ko naman alam kung ano mga gusto niyang sapatos." Medyo nahihiya kong sabi at napakamot nalang ako sa batok ko.

"Sige tulungan kita. Anong klaseng Sapatos pang porma or panlaro?" Tanong niya kaya napaisip ako.

"Panlaro, Kuya." Sagot ko.

Tinunguan niya lang ako saka may kinuhang sapatos kulay Itim na may halong white. Sobrang ganda at sure akong bagay 'yun kay Kobi dahil maputi siya.

"Ito pwede na?" Tanong niya sa 'kin sabay abot ng sapatos.

"Opo Kuya, pwede na 'to ang galing mo naman pumili, salamat po." Sabi ko at tinunguan niya lang ako at umalis na, 'di man lang nagpakilala si Kuya, sayang.

Binili ko na 'yung sapatos dahil nga siraulo ako ay bumili rin ako ng sa akin at kamukha rin ng sapatos ni Kobi.

Tinawagan ko na agad si Dwin nang makalabas ako ng store, hindi ko alam or aksidente lang ba na mapatingin ako roon sa Gucci store. May lumabas na babae at may kasamang lalaki. Si Kuya 'yung kasama niyang lalaki sure ako roon, dahil sa suot niya at parang kilala ko 'yung babae pero, hindi ko sure kung nakita ko na ba siya pero, may naalala ako sa suot at hubog ng katawan niya.

Siya 'yung...  Siya 'yung babae sa school?! Tama! Siya 'yun! Anong ginagawa nila rito sa mall?, at magkakilala sila ni Kuya black? Halata naman na magkakilala sila. All black ba naman.

"Hello Margaret, nand'yan ka pa ba?" Sabi sa kabilang linya bigla ko nalimutan na kausap ko si Dwin dahil kanina pa nakasunod ang tingin ko sa dalawa.

"O-Oo. Dwin nasaan kana?" Tanong ko nang mabalik ako sa wisyo ko bakit ba ako nacurious sa dalawang 'yon? Eh wala naman silang ambag sa buhay ko 'no!

"Nandito ako sa sports department nakita ko sila kobi at Arnold bilisan mo pumunta kana rito." Sabi niya bago ako babaan ng tawag, hanep na babaeng 'to bigla nalang ako babaan ng tawag pero, si Kobi? Okay gora!

Dali-dali naman akong naglakad sa Sport department. Dahil baka umalis na ang mga 'yon eh 'di malungkot ang araw ko.

"Nasaan?" Hinihingal kong tanong sa kan'ya. Actually nasa labas lang siya ng store at nakatago sa sulok ayaw pumasok bonak yata 'to.

"'Yun oh." Sabi niya sabay turo roon sa loob at sinundan ko naman 'yun at doon ko nga nakita si Kobi at si Arnold na namimili ng ball for basketball.

"Bakit nandito ka lang sa labas?" Tanong ko sa babaeng 'to, ang hina naman niya 'di man lapitan sila Kobi.

"Anong gagawin ko r'yan? Hindi naman ako kasing kapal ng mukha mo." Sumbat niya sa 'kin, umirap nalang ako hindi pa ba makapal ang mukha niya halos nine years na siya naghahabol.

"E 'di ako na makapal ang mukha, bilis pasok tayo." Yaya ko saka siya hinila wala naman siyang nagawa kundi ang sumama.

Umikot kami roon sa kabilang list of ball halos katabi lang nila Kobi nakatalikod nga lang.

"Hoy babae kapag tayo nahuli bahala ka." Singhal sa 'kin ni Dwin, pero 'di ko siya pinansin at dahan-dahan lumapit habang ang mga mata ay nasa mga bola.

"Hey." Tinig iyon ni Arnold mula sa likod naman mariin ko kinagat ang pang-ibabang labi bago humarap sa kanila.

"Hi!" Masigla kong bati parang tanga naman itong kaibigan ko at nagtatago sa likod ko, ano 'to tagu-taguan kung kailan na sa harap mo na saka mo tataguan?

"What are you doing here?" Iritang tanong ni Kobi high blood agad ang bebe ko. Sa ganda kong 'to maiirita lang siya duh.

"Nabili." Sagot ko dahil may na isip na akong dahilan para hindi niya ako mahuli sunod nang sunod sa kan'ya.

"Dito talaga? Bakit ka naman bibili ng bola ng basketball?" Seryoso niyang tanong habang kunot noo nakatingin sa 'kin, ang pogi niya talaga kahit seryoso mas pogi kapag seryoso plus masungit hihihi.

"Hindi ako ang bibili ng bola." Pagsisinungaling ko saka hinila si Dwin papunta sa harap ko. Kitang-kita ko naman ang gulat sa mukha niya.

"Itong kaibigan ko ang bibili." Matapang kong sagot, gano'n nalang ang paglaki ng mata ni Dwin saka umiling, sorry friend kailangan muna kita ipain.

"Si Dwin?" Nakataas pang kilay na tanong ni Arnold's na parang hindi siya makapaniwala.

"Akala ko ikaw ang bibili? Bakit bigla kaibigan mo ang bibili?" Seryoso pa rin tanong ni Kobi sa 'kin, ang pogi pa rin kahit ang yabang!

"Oo, ako," Kinagat ko ang labi ko akala ko lusot na hindi pala akala ko lang pala 'yon bwisit.

"Ang bibilhin kong bola ay pang volleyball because I am volleyball player Kobi, itong si Dwin nagpasama rito sa bilihan ng bola for basketball pang regalo niya." Nakangiti kong paliwanag literal na lusot na ako mariin na nakapikit si Dwin habang hawak-hawak ang sentido ng noo niya.

"Dwin, may reregalohan ka?" Takang tanong ni Arnold kay Dwin tamo kundi dahil sa 'kin hindi siya makakausap bebe niya.

"Ah... Oo." Alanganin na sagot ni Dwin syempre walang magawa ang bruha walang laglagan tutal siya ang naghila sa 'kin dito.

"Eh Kobi. Ano'ng bilbilhin mo?" Tanong ko sa bebe ko ako na magbabayad kahit alam kong kaya naman niyang bayaran.

Duh mas mayaman sa 'kin 'yan 'no. "It's not your business." Inis niyang sabi at kita ko naman natumawa bahagya si Arnol.

"Bebe loves ko?" Nang-aasar kong tanong ang cute niya kapag naiirita.

"What the?! Stop calling me like that, geez crazy little mushroom! I have my own name." Nauubusan ang pasensya niyang sabi.

Ewan ko ba? Ako lang ba 'yon nagkakagusto lalo sa masungit na gwapo tapos 'yong hindi ako gusto.

"Pwes ako ang gumawa kaya ako ang masusunod sa 'tin dalawa."

"What th— baliw kaba?" Tanong niya sa 'kin.

"Baliw sa 'yo." Nang-aasar ko pa rin sabi at kitang-kita ko ang pagka-inis niya kaya tumigil na ako sa pagtawa.

"If you don't stop I will..."

"I will kiss you?" Pagpatuloy ko sa sinasabi niya ang cute niya kasi magalit. Malakas na tumawa si Arnold kanina pa kasi nagpipigil ang luko pati si Dwin natatawa na rin bahagya.

"I will report you." May diin na sabi ni Kobi.

"Luh? Nagmamahal lang."

"What the— baliw ka talaga." Inis niyang sabi saka dumampot ng bola at umalis.

"Kobi wait for me!" Sigaw ko saka nagtatakbo, bahala roon sila Dwin mag-date na muna sila ni Arnold.

Marga baliw kana talaga bahala na si Lord sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top