Chapter 4
Nakakaawa medyo si Dwin, medyo lang, kasi naman hindi na siya pinansin ng Arnold ng buhay niya, dati ngumingiti pa si Arnold sa harap namin pero, ngayon nakabalik na si Kobi deadma na ang lahat lalo na si Dwin, sa 'kin naman walang issue iyon, kasi sanay na akong deadmahin lalo na kay Kobi.
"Ano na? Tama na 'yan." Kanina ko pa kasi inaasar itong babaitang 'to, kanina pa rin kasi nakabasungot kala mo binagsakan ng langit at lupa.
"Bakit siya gano'n? Maski ang titigan ay hindi na niya magawa sa 'kin eh, kung dati puntahan pa ako sa bahay sumama lang ako sa kan'ya." Parang batang ungot niya, tumawa nalang ako.
"Hayaan mo na, Dwin. Masanay kana kasi na snobber sad'ya ang dalawang lalaking 'yon." Sabi ko. Nandito kami ngayon sa library dahil wala siya sa mood kumain, dapat nga susundan ko si Kobi 1 kahit saan pero hindi ko maiwan itong kaibigan ko na nag-dra-drama pa sa buhay.
Kaibigan muna bago landi.
"Grabe siya 'wag lang siya makalapit-lapit sa 'kin." Inis niyang bulong.
"Gaga, marupok ka."
"Mana lang sa 'yo." Bawi niya, umirap naman ako.
"Oo nga pala, sasali ka pa ba sa volleyball?" Pag-iiba niya ng topic.
"Oo, hindi ko rin maiwan ang pag-vo-volleyball syempre minahal ko rin 'yon."
"Good, atleast hindi si Eds ang magiging captain ball akala niya talaga siya ang papalit kay Ate Van." Mataray niyang sabi sabay irap sa hangin, napailing nalang ako. Kaya gan'yan siya kay Eds, dahil may gusto rin 'yun kay Arnold at mas makapal ang mukha ng babaeng 'yun kaysa kay Dwin, 'yon talaga kinakainisan ni Dwin natalo raw siya sa pagiging makapal ng mukha, kung si Dwin na sunod lang nang sunod at naghahanap lang ng attention ni Arnold.
"Tara puntahan natin 'yung dalawa." Yaya ko sa kan'ya kaya agad naman siyang tumungo, 'wag daw makalapit-lapit huh?
"Dwin, alam mo may ikwinento sa 'kin si Ate Angela naging si Fritz at Kobi." Hehehe hindi talaga matali bibig ko, Marga kahit minsan lang please.
"Selos ka?" Tanong niya nagkibit-balikat lang ako.
"Bakit naman ako magseselos?"
"Dahil naging sila, tapos kayo hindi." Seryoso niyang sagot.
Bibig nito minsan walang preno. "Hindi magandang dahilan 'yan para mag-selos ako, mahal ni Kobi si Fritz kaya naging sila." Ngumiti akong mapakla pero, totoo naman, hindi naman magiging sila kundi siya mahal ni Kobi 'no.
"Alam mo ba kung bakit sila naghiwalay?"
Daldal pa more, marga!
"Ginamit lang ni Fritz si Kobi." Bulong kong sagot, dahil baka may makarinig sa sinabi ko.
Naglinga-linga naman ako to make sure na walang nakakarinig sa 'min.
"Talaga?" Gulat niyang tanong, sunod-sunod naman akong tumungo.
"Oo, alam mo si Fritz, kundi niya gusto 'wag niya gamitin."
Kabaliw siya, if may gusto ka makuha gumawa ka ng sarili mong paraan 'wag ka mang-gamit ng iba.
"Well, mahal niya 'yung tao kaya gagawin niya lahat mapalapit lang siya rito kagaya natin, ginagawa natin lahat mapalapit lang tayo kala Arnold dahil nga Mahal natin sila gagawin natin lahat para maging atin sila." Paliwanag na sabi ni Dwin.
Napailing ako sa paliwanag niya.
"Mali," pagtutol ko.
"Mali siya sa part na gagamit siya ng tao para mapalapit sa taong mahal niha, malimg gumamit ng tao para makuha ang gusto natin, dahil masasaktan natin sila." Mahinahon kong paliwanag.
"Ano pa lang gagawin mo para mapansin ka ulit ng arnold ng buhay mo?" Pag-iiba ko ng topic, baka mamaya iba pa madaldal ko sa baliw na 'to.
"Hmm... Hindi ko pa alam sa ngayon, ang gusto ko lang ngayon ay makita ko lang siya." Malaking ngiti niyang sagot, sus! Babaw nang kaligayahan, well ako rin naman.
"Tara sa court sure ako naroon ang mga 'yon."
Habang naglalakad kami ay rinig ko ang bulungan ng mga babaeng nadadaanan namin... Pero, isang bulungan ang nakakuha ng attention ko.
"Alam mo ba? Uuwi raw rito 'yung sikat na model kilala mo ba 'yon? Dito na ulit mag-aaral si Fritz."
"Kasama ba niya si JC pag-uwi niya rito?" Tanong naman ng kausap niyang babae.
"Hindi ko sure." Sagot nung babae. Bakit pa siya uuwi kung kailan mukhang nag-mo-move-on na si Kobi hindi ko talaga siya papalapitin kay Kobi ko, I swear lumapit lang siya sisipain ko siya.
Pagkapasok namin sa court ay rinig ko agad ang mga tunog ng mga bola. May trainig agad sila? Alam ko next week pa.
"'Te, may trainig agad sila?" Tanong ko kay Dwin dahil na curious ako pero ang tanga ko sa part na nagtanong ako eh halata naman wala rin siyang alam.
"Aba malay ko, ang aga naman, 'wag mo sabihin mapapaaga rin practice natin." Sabi niya, kaya natigilan. Ko.
Pustahan, tanda ko noon, sobrang pagod na namin, ang study ko pa kailangan kong bantayan hindi pwedeng puro sports lang intindihin ko.
Mag-graduate na ako kaya hindi pwedeng mababa pa rin ang English at Science ko.
"Oo nga, sure akong walang uuwi hanggang hindi natuto ang mga bagong trainer."
"Mukha nga. July pa lang ngayon at October pa ang ang district meet." Nakanguso niyang sabi.
"Dwin, lipat nalang kaya akong cheerdancer." Nagbibiro kong sambit habang nakaturo sa mga babaeng naka leggings at sport bra.
"Luh? Bakit naman?" Taka niyang tanong, 'di niya ba gets ang ibig ko sabihin?
"Eh 'di kapag naging cheerdancer tayo mapapanood natin mag-laro ng basketball ang lalaki." Natatawa kong biro at mukhang nakuha niya ang ibig kong sabihin.
"Oo nga, makikita natin kung gano kaganda ang katawan nil— este! Kung gaano kagaling sila maglaro."
"Sira, nagbibiro lang ako." Sabi ko sabay batok sa kan'ya.
"Ay biro lang? Sayang totoohanin ko sana." Sambit niya sabay halakhak.
"Hirap kasi player din tayo kaya hindi natin sila mapapanood tapos, madalas sabay ang Basketball at Volleyball kapag oras ng laro."
"Sus! Tumigil ka nga r'yan, malay mo hindi nila pag-sabayin ang oras ng laro natin this year." Sabi niya pa.
"'Di ko alam pero, sa ngayon gusto ko manood ng practice nila, bilis." Ani ko sabay hila sa kan'ya dahil nakikita kong parami nang parami na ang tao sa court syempre nando'n ang mga gwapong snobber.
Kita kong naka-jersey uniform lahat sila at nag-uusap. Magkalaban sila Kobi at Arnold dahil maglalaro muna bago magtuloy-tuloy ang practice kaya aring mga babaeng katabi ko tuloy-tuloy ang irit syempre kasama ako roon, bebe ko 'yan 'no.
"Go Kobi!" Sigaw ko ng maka-shoot siya wala pa rin nagbabago kahit sobrang pawis na siya ang gwapo pa rin shit.
"'Te, talo yata ang team Arnold mo." Pang-aasar ko sa kaibigan ko, dahil lamang na ng ten score ang team nila Kobi.
"'Wag kang kampante." Mataray niyang sabi, aba tinatarayan ako kapag bebe niya na ang usapan.
"Ouch!" Rinig kong sigaw ng babae sa likod ko na apakan ko yata.
"Sorry." Paghingi ko ng tawad sa kan'ya nang harapin ko siya para mag-sorry ult pero naka-mask siya, jacke, at shades na black, lahat black.
Si kamatayan ka ba?
"Sorry talaga, Miss." Yumuyuko ko panghingin ng paumahin.
"It's okay, just be careful next time." Malambing ang boses niyang sabi bago ako tinalikuran at tuluyan naglakad palabas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top