Chapter 3
Nakalipas na ang dalawang taon at ngayon ko lang ulit makikita si Kobi, halos dalawang taon ko rin hindi siya nakita 'no pero, well crush ko pa rin siya, I mean In love na yata, loyal tayo eh hihihi.
Lumipat siya ng school sa Italy, sinundan niya 'yung Fritz na topic namin ni Dwin two years ago, kaya ako eto, tamang hintay lang sa kan'ya bumalik, kaya nga sobrang saya ko ng malaman ko kay Kuya Jack na umuwi na sa pilipinas si Kobi at dito na siya mag-aaral for last year sa high school.
"Ate, sabay ulit kayo ni Ate Angela papasok?" Excited kong tanong, kung oo sasabay ako syempre, nakauwi na ang lalaking minamahal ko dapat sinasalubong siya ng libong-libong halik, charot lang. Minor moments nga naman, sabi nung minor sa akin.
"Oo, bakit?" Mataray na tanong ng kapatid ko, inirapan ko rin naman siya pero, medyo hindi ko pinahalata baka iwan ako mamaya at hindi isabay, sayang naman kung gano'n.
"Sasabay ako, syempre nakauwi na ang lalaking minamahal ko." Kinikilig kong sabi, inirapan niya lang ako saka binigyan ng nandidiring tingin.
Aba syempre dalawang taon ako naghintay tapos ngayon nakabalik na siya maghihintay ulit ako mapansin niya? No way gagawin ko na lahat mapansin niya lang ako,
I'm gonna chasing my snobber crush! Crush?! Like?! Love?! Bahala sila sa iisipin basta alam ko kung ano nasa puso ko. Charot. Minor moments.
Basta ako sa nagdaan taon imbes mawala pagkagusto ko mas lumala pa yata, partida 'di ko pa nakikita sa personal 'yon ng oras na iyon.
"'Di mo talaga titigilan ang kapatid ni Angela 'no?"
"Ate, dalawang taon kong hinitay 'yung tao, at ngayon na kabalik na siya bakit ko pa siya papakawalan?" Pround kong sagot.
"Ha? Kapatid, baka nakakalimutan mo ikaw lang ang may gusto sa kan'ya at hindi siya, at tsaka baka mapagod ka lang, Kapatid. Hello snobber kaya ang crush mo." Nang-aasar niyang sabi, kaya ngumuso nalang ako saka inis siyang tinignan.
"Tara na, bahala ka ikaw rin naman masasaktan, 'wag kasi ipilit ang sarili kung ayaw naman sa 'yo ng tao, nagiging tanga ka lang,, Kapatid walang tanga sa 'tin." Mayabang na sabi ni Ate.
"Yabang mo, Ate. Baka nakakalimutan mo ikaw ang naging tanga sa pag-ibigat hindi ako." Mataray kong pang-aasar sa kan'ya, sabay lakad palabas ng bahay.
'Di pa rin nagbabago ang itsura ng mansion nila Kobi, maganda pa rin 'yun lagi lang ako nakatingin sa kwarto niya mula sa kwarto ko laging madilim ang kwarto niya dahil wala naman tao roon.
Section A pa rin naman ako kaso nilagyan na ngayon ng A1, I mean nung nakaraan taon pa pala.
"Ate, tara na bilis!" Sigaw ko, dahil naiinip na ako, gusto ko na talaga makita si Kobi miss ko na siya, ako kaya miss niya? Luh asa ka, Marga.
"Teka nga!" Sigaw ni Ate, sakit sa tainga, partida nasa loob pa 'yan ng bahay hindi ko alam bakit natiis 'yan ni Kuya Jack.
"Bilisan mo, baka umalis na sila, Ate Angela!" Sigaw ko habang nagtatalon.
Close kami ni Ate Angela, sa kan'ya ako humihingi madalas ng update at isa pa boto siya sa'kin para kay Kobi, kaya nga lahat ng update ay alam ko pati 'yung dahilan kung bakit umuwi si Kobi, ginamit lang kasi siya ni Fritz para tuluyan mapalapit si Fritz kay JC, gulo ng kwento nila. Bala sila.
Kapal din ng face ni fritz, gumamit siya ng ibang damdamin ng tao para mapalapit sa taong gusto niya? Akong nga nasasaktan dahil hindi ako gusto ng taong gusto ko, hindi naman ako gumamit ng tao.
"Hi ate angela, si kobi po?" Tanong ko ng makapasok ako sa loob ng mansion, si Ate naman ay iniwan ko na tutal susunod naman 'yun sa 'kin.
"Nando'n sa loob, nag-aayos."
"Ate puntahan ko muna ha?" Paalam ko saka tatalon na pumasok sa loob ng mansion.
Pagkapasok ko ay nakita ko agad si Kobi nakatayo at inaayos ang kan'yang necktie, napansin ko rin ang baso ng kape sa lamesa, napaka hilig niya talaga sa kape. Hindi naman mahilig mag-puyat. Parang Nine pa lang gabi tulog na.
"Good morning, Kobi!"
"What— and who are you?!"
"Oh, Baby, did you forget about me?" Parang bata kong sabi bakit niya ako kinalimutan? Geh english keri mo 'yan, Marga para sa pag-ibig.
Alam kong Grade ten pa lang ako pero, maharot na, hindi ako bagong silang para hindi malaman ang ginagawa ko.
"Did you already forget about me?" Pagtatama niya, lihim ako napangisi, kaya kita mahal eh. "Who are you little mushroom and please. Stop calling me, Baby." Inis niyang sabi habang nakakunot ang noo, mabilis siyang naglakad palabas, agad naman ako sumunod.
Little mushroom?! Mukha ba akong kabute?!
"Little Brother, bakit high blood ka agad?" Natatawang tanong ni Ate Angela kay Kobi at nilingon ako.
"Ate, sino ba 'yang babaeng 'yan?" Inis na tanong ni Kobi habang nakaturo sa 'kin.
"'Di mo na ba tanda si Marga?" Tanong ni Ate Angela sa kan'ya.
"Marga?"
Tumawa si Ate bumaling sa 'kin ulit, bago binalik ang tingin kay Kobi.
"Yes Kobi, 'wag mong sabihin hindi mo nakilala si Marga dahil matangkad na siya?" Natatawang tanong niya, natawa rin ako.
"Whatever." Walang ganang sabi ni Kobi saka naglakad papunta sa sasakyan.
"Ate Angela, 'di ba ikaw magmamaneho?" Tanong ko dahil kung siya ang magmamaneho sa backsit ako uupo sa tabi ni Kobi.
"Oo, sorry sa attitude ni Kobi ha." Paghingi ng paumanhin ni Ate Angela.
"Ayos lang, Ate. Sanay na ako sa kan'ya, alam mo naman matagal na 'yang snobber sa 'kin." Nakangiti kong sabi saka naglakad papuntang sasakyan at agad na binuksan ang pinto sa backsit.
"You— What are you doing here little mushroom?"
"Alam mo, Kobi, 'wag ka nga sumigaw nabibingi ako tsaka masisira ang maganda mong boses and for your information, hindi little mushroom ang pangalan ko."
"What? Seriously? Tsaka, I don't care kung sino ka man or ano pangalan mo."
"Nyenye."
"What are you doing here?" Tanong niya, bakit ba siya english nang english? Nasakit tainga ko.
"Kobi, 'wag ka nga high blood tsaka, 'wag ka english nang english nasakit tainga ko alam mo 'yun?" Seryoso kong tanong.
"I don't care." Walang gana niya sagot. Ouch wala siyang care basta ako may care sa kan'ya.
"Namiss talaga kita, Kobi. Ako 'di mo namiss?"
"'Di nga kita kilala at never kita mamimis sino ka para mamiss ko." Apaka!
"Kobi, kung nakalimutan mo ako, ako lang naman 'yung cute na sexy na maganda na may crush na hinahabol ka noon hanggang ngayon." Matapang kong sabi.
"Ah si Liit 'yung gasul and now, the little mushroom." Nang-aasar niyang sabi. Napairap naman ako sa hangin.
Next time hindi mo ako matatawag na gasul.
Baby na next time. Baby you're my sun and moon—
"Anong gasul?" Inis kong sabi pero 'di na siya umikmik at sinout na naman ang headphone niya. 'Yan na naman siya pusta ako next week ko na ulit siya makakausap snobber na naman ako nitonng buong linggo.
Habang na sa biyahe kami papuntang school ay tanging sila Ate Mae at Ate Angela lang ang nagdaldalan, sino ba makakausap ko rito eh, kanina pa ako imik nang imik para akong kumakausap nang hangin, ang snobber niya, kahit ngiti wala, untog kita, joke.
Nang makarating kami ng school ay hindi na ako nakasunod kay Kobi dahil ng dami na agad sumalobong sa kan'ya kaya pinutahan ko nalang 'yung room ko at section A1 ako kaklase ko ulit si Dwin at parehas pa rin kami naghahabol kay crush, iba na 'yung kay Dwin kinakausap na siya ni Arnold sana all hindi na snobber ang crush, 'yung akin kaya when?
"Dwin, tabi tayo." Yaya ko.
"Syempre naman kanino ako tatabi kala, Eds?" Tanong niya, kaya natawa ako bahagya.
"Aba malay ko bang tatabi ka kay Arnold mo."
"Hindi 'no, nandiyan na si Kobi kaya kay Kobi 'yun didikit at himala, hindi ka na kadikit kay Mr. Snobber ngayon."
"Wala nando'n pinagkakaguluhan nila ang, future ko kaya pinabayan ko mo na." Mayabang kong sabi. Wow, pag-aari mo?
"Wow, girl? Parang pagmamay-ari mo si Kobi hindi ka nga ngitian." Mayabang niyang sabj, palibasa nginingitian siya ng crush niya.
"Wala kang pakialam, sa 'kin din bagsak niya." Proud kong sabi.
"Ay teh 'di mo sigurado, hindi ka nag-iisa na may gusto kay Kobi 'no."
Kaibigan ko ba talaga 'to?
"Dwin, kaibigan ba talaga kita?" Inis kong tanong.
"Oo naman girl, ayaw ko lang umasa ka." Mayabang niyang sabi. Nahiya naman ako sa 'yo.
"Ay girl kapal mo, sino kaya 'yung naghintay ng nine years para lang mapansin?" Pang-aasar ko kaya ngumuso ang loka.
"Atleast ako pinansin na." Para niyang batang sabi.
"Ako tatlong taon pa lang ako naghahabol kaya malaki pa ang chance ko." Pagmamalaki ko sabay dila.
"Che." Mataray niyang sabi sabay flip ng buhok eh mas mahaba naman buhok ko kapal nito.
"Maniwala ka sa 'kin, 'di ka rin kakausapin ni Arnold trust me." Sambit ko at inirapan niya lang ako.
"Ikaw rin hindi ka rin papansinin ni Kobi." Ganti niya, inis ko naman siyang hinampas, epal.
"Ayos lang sanay na naman ako.
"Oo nga pala, sasali ka ba ulit this year sa volleyball?" Tanong niya, varsity player kami ng school namin.
"Hmm... Pag-iisipan ko Gusto ko mag-focus kay Kobi at sa study ko." Sagot ko gusto ko talaga tumaas grade ko sa English at Science mababa talaga ang grade ko, malay ko ba.
"Sasali pa rin ako, tsaka sabi ni Coach, 'wag ka raw aalis gawa ikaw pa rin naman ang captain ball."
"Luh? Akala ko ba aalisin na niya ako."
"Joke lang daw 'yon." Sabay tawa niya.
Sana all joke lang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top