Chapter 28

Tulala ako ngayon, hindi ko maintidihan sabog na 'ata ako.

Birthday ko ngayon pero, ang tahimik ng buong bahay. Wala si Mama, wala si Papa gano'n din si Ate wala rin, hindi tumatawag si Kobi or sila Dwin.

Tinakasan ba nila ako?

Halos tatlong oras na akong nakaupo sa kama ko at hindi pa rin gumagalaw simula nang magising ako, bwisit naman kasi birthday ko ngayon pero wala man lang paramdam si Kobi.

Akala ko ba hahabulin niya ako?! Bakit hindi siya nagpaparamdam sa 'kin?

Sumbong ko siya kay Mama eh, char.

Sa sobrang bored ko ay nagpagulong-gulong nalang ako sa kama nang bigla ako makarinig ng yapak.

"Marga!" Sigaw mula sa labas ng kwarto akmang tatayo ako nang malakas na bumukas ang pinto.

Ano'ng ginagawa ng mga ito rito?

"Ano'ng ginagawa niyo rito?" Taka na tanong ko at tumayo sa kama. Lahat sila narito si Dwin, Arnold, Ate Angela, Ate Mae, at si Kuya Jack.

"Marga, bilisan mo mag-ayos!" Sigaw ni Ate sa akin kaya napataklob ako ng tainga. Kala niya talaga napaka ganda ng boses niya, sigaw pa lang niya nasakit na tainga ko!

"Bakit ba?!" Inis kong sigaw, birthday ko kaya tapos susugod sila rito at maninigaw pa.  Nasaan na ba kasi ang lalaking 'yun at hindi pa rin nagpaparamdam kakabwisit.

"Marga... 'Wag ka magugulat pero kailangan namin ang tulong mo." Mahinahon na sabi ni Ate Angela kaya nangunot ang noo ko.

Ano naman pinagsasabi ng mga ito?

"Teh! Maligo ka muna!" Sigaw rin ni Dwin hindi pa ako nakakaimik namg mabilis niya akong tinulak papasok ng Bathroom muntik pa ako matumba.

"Bakit ba?!" Sigaw ko pa rin.

"Basta bilisan mo." Si Ate sabay bato ng dress na pink sa 'kin, kaya wala nalang akong nagawa kundi sundin ang gusto nila. Mabilis akong naligo saka nag-ayos, nang makapag-ayos ako ay saka ko sila masamang tinignan.

"Ano na? Tapos na ako." Tanong ko tumayo sila at talagang sabay-sabay pa. Ano 'to roleplay?

"Marga 'wag kang magugulat ha!" Sigaw ni Dwin. Paano ba naman ako hindi magugulat kung sisigaw sila lagi!

"Ano nga?!" Sigaw ko rin aba sigawan nalang tayo para pareparehas tayong bingi.

"Marga aalis si Kobi!" Sabay-sabay nilang sigaw na sabi, natigilan naman ako.

Huh? Ano raw?

"Ano?!" Sigaw ko. Punyetang lalaking 'yan hindi nakapagtiis at may kasalanan pa sa 'kin tapos iiwan pa ako.

"Aalis na raw siya!" Sigaw na sabi ni Dwin kaya tinignan ko siya kung nagsasabi ba siya ng totoo. Madali kasi hulaan kasi si Dwin kung nagsisinungaling siya pero wala akong mabasang pagsisinungaling sa mukha kaya medyo kinabahan na ako.

Hindi rin malabo na hindi gawin iyon ni Kobi, madali naman sa kaniya ang umalis eh, madali lang para sa kaniya iwan ako. Pero ba't naiiyak ako?

"Saan naman niyo nakuha 'yan?" Tanong ko naiinis na ako kung nagbibiro lang sila ang sarap nila ipatapon sa mars.

"Sa kan'ya, aalis na raw siya dahil hindi mo na raw siya mahal at hindi kana raw babalik sa kan'ya." Mahinahon na sabi ni Arnold na mas kinakunot nang noo ko at kinakulo ng dugo ko.

"Nasaan na si Kobi?!" Irita kong tanong saka marahan na kinagat ang labi ko. Iiyak na talaga ako huhuhu iiwan niya ba talaga ako, iiwan niya ulit ako. Makikipagbalikan na naman ako sa kan'ya ngayon eh bakit niya ako iiwan?!

"Nasa condo siya Marga nag-aayos ng gamit niya." Sagot ni Ate Angela. Wala na akong hinintay na sumagot sakanila agad-agad kong kinuha ang bag ko saka tatakbo lumabas.

Hindi ba siya makapaghintay? Na makipagbalikan ako? Bwisit naman oh! Kung kailan birthday ko iiwan niya pa ako kakainis ng sobra!

"Manong sa may condo ko po!" Sigaw kong utos kay manong agad naman niya minaneho ang sasakyan.

Dali-dali ko kinuha ang bag ko para tawagan si Kobi.

"Sagutin mo..." Nanginginig kong sabi saka nagpapadyak ng paa. Nakailan tawag na ako pero, hindi pa rin niya sinasagot nasaan na ba tong lalaking 'to?!

"Manong pakibilisan po please!" Halos maiiyak ko ng utos, iiwan niya naba talaga ako? Mukhang naisahan ako ng lalaking 'yun ako ang nagpapahabol pero ako na naman ang humahabol sa kaniya.

Pagkahinto pa lang ng sasakyan sa harap ng building ay agad ko ng binuksan at nagtatakbo papuntang elevator.

Halos masira ko na ang pindutan dahil ang tagal magbukas. 'Wag ka na umalis kobi!  Makikipagbalikan na ulit ako sa 'yo 'wag mo lang ako iwan ulit.

Pagkabukas ng elevator ay tatakbo na ako sa unit ni Kobi at halos sirain kona ang doorbell bago pa ako pagbuksan.

Pagkabukas ng pinto ay agad akong tumalon kay Kobi para yakapin siya saka ako umiyak na talaga, shet hindi ko na keribells hindi umiyak.

"'Wag mo 'ko iiwan..." Humahagulgol kong pakiusap habang ang mga ulo ko ay nasa balikat niya ang mga kamay niya ay dahan-dahan hinawakan ang mga binti kong nakabuhol sa bewang niya bilang supporta.

"Huh?"

Sinaraduhan niya ang pinto saka siya nagsimula maglakad papasok.

"Baby... Why are you crying?" Tanong niya pero hindi ako umimik at nanatili akong nakayakap sa kan'ya. Sinubukan niya akong ibaba sa sofa pero hindi ako nagpababa at nanatili lang nakapulupot sa kan'ya.

"Hey... Baby. What's wrong?" Nag-aalala niyang tanong saka siya umupo sa sofa habang nakayakap pa rin ako sa kan'ya. What's wrong?, what's wrong ka pang nalalaman iiwan mo ako gagong 'to!

"'W-Wag mo 'ko i-iwan... Makikipagbalikan na ako sa 'yo 'wag mo lang ako iwan..." Humihibik kong sabi saka lalong siniksik ang ulo sa leeg niya

"What?" Tangi niyang sagot pero hindi ko pinansin' yun at mas lalo ko siyang niyakap. "Anong iiwan? Ako iiwan ka? No way."

"Eh..."

"Baby... Are you ready to have a relationship with me again?" Tanong niya tumungo lang ako saka marahan na pinupunasan ang luha sa mga mata ko gamit ang likod ng palad ko.

"Are you sure?" Paniniguro niya sunon-sunod naman akong tumungo.

"I miss you so much," malambing niyang sabi saka ako mahigpit na niyakap.

"Namiss din kita."

"But, Margaret. Why are you crying?" Tanong niya roon lang ako humiwalay sa pagkakayakap sa kan'ya at masama siyang tinignan.  Siya naman ay pinupunasan naman ang basa kong mukha.

Nang matapos niya akong punasan ay malakas ko siyang sinuntok sa matigas niyang dibdib! Ang tigas grabe!

"Ouch! Margaret... Ano ba?!" Singhal niya pero masama ko lang siyang tinignan.

"Ouch ka riyan! May pagtanong-tanong ka pa riyan, bakit ako naiiyak?! Ikaw nga dapat tinatanong ko riyan!" Singhal ko nangunot lang ang noo niya saka umimik.

"Ha? Bakit mo naman ako tatanungin hindi naman ako naiyak." Naguguluhan niya sabi halos masampal kona ang sarili ko sa sagot niya.

"Aalis ka kasi!"

'"Oo, aalis nga dapat ako ngayon." Sagot niya kaya malakas ko siyang sinuntok sa dibdib niya na kina daing niya agad.

"Ang liit-liit mo ang sakit mo manuntok." Sabi niya habang hawak ang dibdib na sinuntok ko.

"Aalis ako... Dahil pupuntahan kita sa inyo." Mahinahon niyang sabi. Nag-iwas ako nang tingin saka malakas na minumura sa isip ko sila Dwin. Para ngayon lang nag-sink in sa akin.

Naisahan ako ng mga 'yun ah! Tanena rito napatunayan na marupok ako!

Nakagat ko na lng ang labi ko at akmang aalis ako sa ibabaw niyang ng pigilan niya ako.

"Where are you going? "Tanong niya saka ako tinaasan ng kilay.

"Aalis na..." Nahihiya kong sabi nakakahiya talaga akala ko talaga aalis siya!

Hinawakan niya ang aking baba saka hinarap sa kan'ya at deretsyo akong tinignan sa mata...

"Cute." Nakangiti niya sabi kaya ngumuso ako pero hindi ko inaasahan na bibigyan niya nang mabilis na halik ang labi ko.

"Hoy!" Sigaw ko saka pigil sa kan'ya sa paghalik.

"Why?" Tanong niya mukhang nadismaya ang loko sa paghalik!

"Ayoko muna ng halik..." Nahihiya kong sabi narinig ko lang ang malakas niyang ngisi.

"Ang takaw mo sa halik alam mo 'yun." Inis kong singhal sa kan'ya tinaasan niya lang ako ng kilay, aba!

"Because your lips are sweet like a candy, very soft and I want to bite it so much." Sexy niyang sabi grabe 'yung boses niya!

"Ayoko ko nga ako lang dapat nangangat ng labi!" Sigaw ko kaya naitikom ko agad ang bibig ko ng mapagtanto ko ang nasabi.

"Oh really?" Nang-aasar niyang sabi sabay ngisi.

"Baby... But I want to bite it too. " Para niyang batang ungit saka nginuso ang labi. "Ayoko nga masakit!" Sigaw ko. Tumawa lang siya saka nagsalita.

"Hindi ako nareklamo nanv kagatin mo ang labi ko." Nang-aasar niya pa ring sabi kaya napairap ako.

"Hoy hindi ko kinagat ang labi mo." Depensa ko saka nag-iwas na g tingin.

"Really?"

"Tumahimik ka nalang diyan!" Sigaw kong sabi habang hindi siya tinitignan sa mata.

"Patahimikin mo ako kung gano'n." Malandi pa rin niyang sabi ang landi ng isang 'to grabe!

"Penge tape." Sambit ko saka naglahad ng kamay sa kanya malakas lang siyang tumawa saka ako binuhat papunta sa tabi niya.

"No need, Baby." Sabi niya saka ako mabilis na hinalikan sa labi.

Itutulak ko pa dapat siya pero mabilis niyang nahawaka ng parehas kong kamay gamit ang isa niya kamay.

Paano niya nagagawa ang ganto! Ang galing niya humalik siguro maraming nakahalikan ang lalaking ito.

Nakapikit ako ng humiwalay ang labi niya sa aakin dahan-dahan akong nagmulat at saka siya deretsyo tinignan.

"Happy birthday...." Malambing niyang sabi napangiti naman ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top