Chapter 27
Naglalakad na ako papasok sa bahay nila Mommy. Nakakainis lang dahil hindi nila sinabi na buong edsa pala ang lalakadin ko mula gate ng Mansion nila hanggang sa pinto. Wala kasi raw iyong cart na sinasakyan, nag-offer si Manong Guard ipatawag ang Driver para sunduin ako sa entrance eh kaso ayoko maging abala pa.
"Good afternoon, Ma'am." Bati sa'kin ng isang babaeng nagbukas sa 'kin ng pinto, hiningal ako dahil ang layo talaga nang nilakad ko.
"Ma'am, gusto niyo ng tubig?" Tanong sa 'kin ng babae agad naman akong tumungo dahil feeling ko naubos ang tubig ng katawan ko. Dali-dali naman siyang umalis at pumunta kung saan.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay nila habang hinihingal pa rin, bahay paba 'to or palasyo?
Ganito pala kayaman ang kapatid ko! Mayaman ako pero, hello?! Hindi super, ewan ko lang kay Papa saan niya nilalagay ang pera!
Basta ang baon ko sa isang linggo ay binibigyan lang nila ng 3k pang-buong linggo na 'yun kasama mga gastusin sa school kapag may babayaran na something, bukod pa 'yung pera ko sa card na nilalagyan din nila ng pera pambili naman ng mga gusto ko. Nadagdagan pa 'yun dahil nilalagyan din 'yun ng pera ni Mommy kada linggo.
Habang naglilibot ako sa paligid ay bigla ako natigilan ng napansin ang imahe ng lalaki na nakatayo sa likod ng hagdan, naiyak pa yata? Si Kuya JC 'ata 'to? Pero bakit siya nandito?
Tatakbo akong lumapit sa kan'ya. Kaya nagulat siya nang sumulpot ako bigla sa harap niya.
"Kuya JC... Bakit ka naiyak?" Nag-alala kong tanong saka kinuha ang panyo sa bag at agad inabot sa kan'ya, mabilis naman niya kinuha iyon.
"Marga... Ayaw niya magpagamot ayaw niya na ako makita, pinapaalis niya na ako..." Umiiyak niyang sabi. Huh? Pero sino ang tinutukoy niya? Si Fritz? 'Wag mong sabihin ang babaeng kinikwento niya sa 'kin ay si Fritz?!
Gulong-gulo kasi talaga ako sa past nila, hindi ko alam si Kobi ba nauna o si Kuya JC. Tsaka si Kuya JC at fritz ang magkalapit ng age kaysa kay Kobi 'no.
"Kuya, si Ate Fritz ang kinikwento mong babae?" Naguguluhan kong tanong agad naman siya tumungo.
"Please Margaret... Ayoko pa siya mawala papakasalan ko pa siya... Mahal na mahal ko si Fritz... Kahit nang mga panahon mahal din siya ng kapatid ko."
Mahal naman pala tapos hinayaan mapunta sa kapatid.
"Kuya. Gago kaba?" Tanong ko at mukhang nagulat siya sa tanong ko.
"Ano bang pinagsasabi mong bata ka?" Tanong niya dahil mukha hindi niya talaga nakuha ang tanong ko.
"Mahal mo naman pala at noon pa! Bakit mo pinakawalan?" Tanong ko bahagya siyang yumuko.
"Dahil mahal din siya ng kapatid ko. Mahal ko siya pero, mahal ko rin ang kapatid ko gusto kong magkaayos kami ng kapatid ko kaya. Kahit masakit hinayaan ko siya na kuhanin ang atensyon ni Fritz pero, hindi siya nagtagumpay." Sabi ni Kuya kaya tumungo-tungo ako kahit 'yung iba hindi ko na-gets.
"Try kong kausapin si Ate Fritz baka mapabago ko isip niya." Sabi ko saka at nagpaalam.na tataas na kaya tatakbong na akong pumunta sa taas.
"Tao po?" Katok ko sa pinto kung nasaan ang kwarto ni Fritz. Paano ko nalaman? Sa pinto pa lang ang laki ng nakasulat ng pangalan niya!
"Marga... ikaw ba iyan?" Aniya pagkabukas niya ng pinto. Bahagya kong tinignan ang kabuoan niya maganda pa rin siya namayat lang siya nang sobra at ang putla niya na parang wala na siyang dugo may buhok pa rin siya pero hindi na 'yun kasing kapal ng buhok niya noon...
"Pwede ba kita makausap?" Tanong ko tumungo lang siya saka binuksan ng malaki ang pinto.
Nauna siyang maglakad saka naupo sa kama niya sinenyas niya ang tabi niya kaya naupo ako roon.
"Ate... Bakit ayaw mo magpagamot?" Tanong ko at mukhang nagulat siya sa pagtawag ko ng Ate sa kan'ya. Mas matanda talaga siya sa akin.
"Para saan pa? Mamatay rin naman." Sagot niya saka iniwas ang tingin sa 'kin.
"'Wag mong sabihin 'yan." Malambing kong sabi saka hinawakan ang ang kamay niya. "Mabuhuhay ka kaya lumaban ka lang Ate... Mabubuhay ka, marami kaming tao na umaasa na lalaban ka lalo na si Kuya JC..." Mahinahon kong sabi bahagya siyang humarap sa 'kin nang marinig niya ang pangalan ni Kuya JC.
"Marga... Paano ako lalaban... Ayokong umasa kayo at lalo na si JC na kakayanin kong lumaban... Paano kung hindi kayanin? Paano kung wala na naman talagang pag-asa?" Malungkot niyang tanong, sunod-sunod na pumatak ang luha na kanina pa namumuo sa mata niya.
"Kaya mo 'yan." Nakangiti kong sabi kaya mapait siyang ngumiti sa 'kin.
Nasampal mo nga ako eh, kaya malakas ka pa.
"I'm sorry because of me you and Kobi broke up. I just did that because I want JC to stay away from me. I just did that to avoid him loving me." Naiiyak niyang paliwanag saka humagulgol nalinawan na ako kung bakit siya inalagan ni Kobi.
"Pero mahal ka ni Kuya JC..." Naiiyak ko ring sabi hindi ko kayang nakikitang nahihirapan ang mga mahal ko sa buhay sa harap ko.
"Ayoko na siyang saktan!" Sigaw niya, medyo nagulat ako sa pagsigaw niya pero hindi ko na pinahalata.
"Do you think, he was not hurt? You think he is not hurt by the eviction you do to him, he loves you so much that even if you push him away from you, he always choose to stay by your side because, he still believes that you still love him." Taray ko roon. english! Pero seryoso, kailangan niya lumaban, para sa sarili niya.
"Kaya lumaban ka Ate mahal na mahal ka ni Luya JC." Nakangiti kong sabi.
"Nasasaktan siya pero nanatili siya sa tabi mo kasi gano'n ka niya ka mahal gano'n ka kahalaga sa kaniya. Kahit ipagtabuyan mo siya hindi siya aalis dahil alam niya kailangan mo siya sa tabi mo." Dagdag ko pa bago tumayo sa pagkakaupo.
"Magpagaling ka, magpagamot ka gagaling ka maniwala ka lang." Paalala ko pa saka tinalikuran siya pero bago ko pa mahawakan ang pinto ay tinawag niya ang pangalan ko.
"Marga... Thank you... Lalaban ako hanggang sa makakaya ko." Sambit niya ngumiti lang ako nang malaki sa kaniya saka lumabas ng kwarto.
Pagkalabas ko ng kwarto laking gulat kong nando'n si Kuya JC nakikinig ba siya?
"Kuya..." Mahina kong tawag bigla niya nalang ako niyakap kaya nagulat ako pero ginantihan ko na lang din siya ng yakap.
"Salamat... Salamat Margaret dahil nakunbinsi mo siya." Halos Masira ang boses niya dahil sa pag-iiyak.
Hindi ako umimik...
Hindi mo kailangan magpasalamat kuya, dahil deserve mong sumaya kasama ang mahal mo, deserve niyo parehas sumaya kasama ang isa't isa at hindi sumuko sa ano mang pag-subok sa inyo ng panginoon. Dahil lahat tayo deserve ng pipili at mag-aalaga sa atin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top