Chapter 26
Maaga akong nagising at gano'n nalang ang gulat ko ng pagkamulat pa lang ng mata ko ay nakahanda na ang uniform ko. Sa pagkakatanda ko kasi hindi ko inayos ang uniform ko kagabi.
"Good morning." Bati mula sa pinto kaya napatalon ako sa bigla.
"Nagulat ba kita?" Nakangiti niyang tanong, ay hindi! Pero, paano nakapasok ang taong ito rito? Tao nga ba? Char.
"Bakit ka nandito?" Walang gana kong tanong habang inaayos ang kama.
"Sabay na tayo pumasok." Tangi niyang sagot kaya napairap ako.
"Marga... Alam kong hiwalay na kayo ni Kobi gusto ko lang sana makausap ka..." Mahina niya sambit kaya tumingin ako sa kan'ya at ngumiti.
"Ate ano naman kung break na kami?" Tanong ko babalik naman ako sa kan'ya pero hindi nga lang sa ngayon.
"Tanga ka ba kapatid?!" Sigaw niya kaya natakpan ko ang magkabila kong tainga.
"Bakit ako naging tanga?" Tanong ko, hindi naman ako tanga. Pero kung tanga man ako atleast maganda ako.
"Na sa 'yo na pinakawalan mo pa!" Sigaw niya pa rin sa 'kin bago pinitik ang noo ko, medyo ouch.
"Ate naman..." Malungkot kong ungot ayaw ko naman din pakawalan eh nasaktan lang naman ako. Kasalanan ko bang nasaktan ako?
"Nag-away ba kayo, kaya kayo naghiwalay?" Tanong niya.tinitigan ko lang siya at naupo ulit sa kama.
Kung hindi ko kaya inuna ang galit at pag-iisip nang araw na iyon baka masaya pa rin kami ngayon.
Masaya naman ako dahil sa paghihiwalay namin ay nagkameron na siya namg oras sa 'kin. Pero parang ginamit ko lang dahilan 'yun para magka-oras siya sa 'kin, kung sa gano'n ay pwede ko naman hilingin ang oras na hinahangad ko kaysa, awayin at makipaghiwalay sa kan'ya.
"Marga... Ano ba talaga nangyari? Kahit kaming kapatid at mga kaibigan niyo ni Kobi ay walang alam sa nangyari basta ang alam namin naghiwalay kayo, Angela keep asking her brother what happened pero ayaw sumagot ni Kobi, ayaw niyang pangunahan ang desisyon mo." Mahinahon na sabi ni ate at umupo sa tabi ko.
"Ate kasi ano, inuna ko ang galit ko." Nakayukong sabi ko, totoo naman inuna ko ang galit ko imbes hayaan ipaliwanag sa 'kin ni Kobi ang lahat.
Pero nagsinungaling siya sa 'kin at isa 'yun sa mga dahilan kaya nawawala ang tiwala ng isa sa isang relasyon.
"Ano bang ikinagalit mo?" Mahinahon niya pa rin na tanong kaya nag-angat ako nang tingin saka nagsalita.
"Nagsinungaling kasi si Kobi. Pero alam ko ang dahil kung bakit niya ginawa 'yun pinabayaan ko siya kung gusto niya magsinungaling. Ang kaso na puno ako ng hinanakit..." Naiiyak kong sabi.
Napuno ako nang araw na 'yun dahil hindi ko na kaya magtago ng hinanakit sa puso gustong-gusto ko 'yun ilabas!
"Niyaya ako ni Kobi mag-date kami, syempre natuwa ako kasi hindi na nga niya ako nabibigyan nang time nawala lahat nang iniisip ko no'n kasi niyaya niya ako. Marami akong iniisip nang araw na 'yun nawala lahat nangyayain niya ako." Dagdag ko pang sabi tumungo lang siya para ituloy ko ang pagkwento.
"Kaso naghintay lang ako sa wala, halos limang oras din akong naghintay sa resto pero, walang Kobi na dumating." Malungkot kong patuloy kaya naramdaman ko ang kamay ni Ate sa likod.
"Nagalit ako! Galit na galit ako sa kan'ya nang oras na 'yun! Dahil nagsinungaling na nga siya sa 'kin pinaasa pa ako!" Halos sigaw kong kwento.
"Tapos dadating ako rito sa Condo ko at nand'yan siya sa sofa at nakaupo, handa na magpaliwanag." Naiinis kung dagdag.
"Alam ko na kung bakit ka nakipaghiwalay. Pero sana maayos niyo ang relasyon niyo." Malambing na sabi niya sa 'kin saka ako hinawakan sa magkabilang kamay at iniharap sa kan'ya.
"Marga.. Nagkamali kayo pareho..." Wika niya kaya nangunot bigla ang noo ko.
"Pareho?" Taka kong tanong wala naman akong pagkakamali sa pagkakatanda ko.
"Oo pareho kayong mali, ikaw inuna mo ang galit mo hindi mo inintindi ang boyfriend mo kung bakit niya ginawa 'yun hindi mo siya hinayaan ipaliwanag sa 'yo nang maayos, ang mali mo pa ay ang magtago ng hinanakit sa kan'ya pwede ka magtanong sa kan'ya dahil may karapatan ka, girlfriend ka Marga, may karapatan ka magtanong sa kan'ya at magsabi nang mga iniisip mo para maaga pa lang naayos niyo na agad ang problema niyo. Hindi inaangkin mo lang ang problema mo, nasa kan'ya nalang kung magsasabi siya ng totoo kapag nagtanong ka." Paliwanag sa 'kin ni Ate.
"Ang mali naman ni Kobi ay ang magsinungaling sa 'yo. Ang akala siguro ni Kobi maiintindihan mo siya kaya siya nagsinungaling akala niya kapag nagsinungaling siya at maipaliwanag niya sa 'yo nang maayos ay maiintindihan mo siya kung bakit siya nagsinungaling, maling-mali iyon Marga, kasi girlfriend ka,hindi na rin kayo pabata ni Kobi para magtago sa isa't isa, siguro masyado pa kayo lito sa relationship hindi kayo sanay kaya kayo nagkakaganito pagsubok pa lang ito sa inyo dahil maaga pa lang naman para kayo magseryoso ng lubos sa relasyon niyo." Dagdag na paliwanag ni Ate nanatili akong nakatingin sa kan'ya saka nakagat ang pang-ibabang labi.
"Hindi mahalaga ang oras Marga. Dahil kung mahal mo talaga siya kailangan mo siyang intindihin kahit magkulang pa siya nang oras sa 'yo pero, deserve mo ng valid reason deserve mo ng explanation." Mapait na ngumiti si Ate saka ako niyakap.
"Marga, pero ito ang tandaan mo, kapag nasasaktan kana at alam mong mali na ang relasyon na 'yun at malapit ng masira kailangan mo nang bumitaw kahit gaano mo pa kamahal 'yung tao. Hindi ka robot Marga para hindi makaramdam ng sakit kaya naiintindihan kita kung bakit bumigay ka agad sa relasyon niyo dahil nasaktan ka lang at hindi masama masaktan. Normal lang 'yan sa isang relasyon. Pero sana maayos niyo ang relasyon niyo, alam kong mahal ka ni Kobi at handang-handa siyang ipagpalit ang lahat para lang sa 'yo, bago pa lang kayo marami pa kayong pagsubok na haharapin." Hindi ako nagsalita.
"Sige na maligo kana may pasok pa tayo hintayin na lang kita sa labas." Aniya saka bumitaw sa pagkakayakap sa 'kin tumungo lang ako kaya naglakad na siya palabas.
Mabilis lang ako naligo at saka kami sabay pumasok ni Ate tahimik ang araw na 'yun kahit papaano ay nagkakaayos kami ni Kobi nagkakasama nang araw na 'yun nalaman ko rin na suspended si Eds dahil sa gulong ginawa niya ay may Warning na siyang nakuha kay Coach.
Makalipas ang ilang araw at bukas na ang birthday ko, sabado ngayon at wala akong magawa sa Condo kaya nandito ako sa bahay dahil dito rin ako magce-celebrate ng birthday ko.
Nakatingin lang ako sa kisame ng bigla tumunog ang cellphone ko.
Bakit naman tatawag sa 'kin si Mommy?
"Hello po, Mommy?" Sagot ko nagkaayos na kami ni Mommy dahil pinaliwanag niya sa 'kin lahat at naintindihan ko naman 'yun. "Marga..." Naiiyak siya bakit siya naiiyak?
"Mom? Bakit kayo naiiyak?" Nag-aalala kong tanong habang naglalakad papuntang closet.
"G-Gusto ka makausap ng kapatid mo..." Naiiyak pa rin niyang sabi, sinong kapatid? Si Fritz?
Gusto ko rin kausapin si Fritz pero hindi dahil sa gusto ko siyang awayin gusto ko makipag-ayos sa kan'ya dahil Ate ko pa rin siya kahit paano 'no halos ka edad niya na si Kuya JC mas matanda siya ng halos dalawang o tatlong taon sa akin.
"Sige po kailan niya po gusto?" Tanong ko habang namimili ako ng damit.
"Ngayon niya ikaw gusto makausap, mahina na ang kapatid mo. Alam kong kaya pa siya isalba kaso, ayaw niya na lumaban baka makumbinsi mo siya." Nahagulgol ng sabi ni Mommy kaya natigilan ako... ako ang magkukumbinsi kay Ate?! Paano ko gagawin iyon kung gano'n hindi naman kami close?
"Sige po, mag-aayos lang po ako pupunta na rin po ako r'yan susubukan ko po na kumbinsihin siya." Sabi ko saka pinatay ang tawag napabuntonghininga ako.
Naawa ako para sa kan'ya ang bata niya pa para maranasan ang bagay na 'yun pero, paano ko siyang makukumbinsi lumaban siya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top