Chapter 24

Late na nang magising ako, dahil puyat din ako kagabi. Hindi ko akalain na masasabi ko sa kan'ya 'yun. Hindi ko akalain maglalakas ako nang loob para sabihin sa kan'ya ang mga salitang 'yun.

Tanga mo Marga! Ikaw nagsabi niyan pagsisihan mo 'yan.

Nagsisi agad ako sa mga sinabi ko, gusto ko siyang habulin kagabi at bawiin ang mga sinabi ko, ngunit nawalan ako nang lakas ng loob pagod na ako ng oras na 'yun, hindi naman siguro masamang mapagod 'di ba? Pero mas natatakot ako na baka hindi niya ako habulin at hayaan niya nalang ako mawala sa kan'ya.

Mabagal akong kumilos para mag-ayos ng sarili. May pasok pa ako, kahit late na ay papasok ako wala naman kaming ibang gagawin ngayon kundi ang mag-practice lang.

Matapos ko maligo ay agad akong nagsuot ng uniform.

Nang bigla may mag-doorbell kaya mabagal akong naglakad papunta sa pinto para buksan iyon.

"Good morning Ma'am." Bati sa 'kin ng isang lalaki bago inabot sa 'kin ang bulalak, teddy bear, at mga paper bag?

Huh?

"Uhm... Kuya kanino galing ang mga 'to?" Tanong ko dahil ayoko isipin na sa kan'ya 'to galing.

"Kay Mr. Ferrer po, pakiperma nalang po rito." Sabi ni Kuya saka abot sa 'kin ng papel agad ko naman penermahan iyon.

Okay pwede ko na isipin.

May teddy bear at bulaklak pa siyang iniwan kagabi rito. Tapos meron ulit ano'ng gagawin ko sa bulaklak. Balak niya ba gumawa ng Garden sa Condo ko?

Nilapag ko nalang sa kama ko ang dalawang malaking teddy bear at iniwan ko nalang 'yung dalawang bulaklak sa sala.

Bumalik ako sa dinning para tignan ang mga paper bag doon.

Una ko tinignan ang dalawang malaking paper bag.

"Grocery?" Seryoso kong bulong aba malupit din ang isang 'yun may libreng grocery pa ako.

Sunod ko naman tinignan ang dalawang maliit na paper bag at nasisiguro kong pagkain 'yun, dahil ramdam kona gutom na ako.

May nakita ako card kaya binasa ko iyon.

Eat your food. Baby, I'm sorry promise babawi ako sa 'yo I love you. Ipapaliwanag ko ang lahat.  —Baby

Hindi ako marupok! Bwisit may pa baby-baby pa siyang nalalaman.  Alam naman niyang marupok ako! Pero not now baby! Not now.

Mabilis lang akong kumain saka nagsipilyo at nagmamadaling lumabas ng Condo.

Pagkalabas ko ng building ay laking gulat kong makita ko ang isang itim na sasakyan as in ang ganda!

"Ma'am Marga, pinapasundo po kayo ni sir Kobi." Sabi ni manong kaya tumungo nalang ako at sumakay na sa sasakyan.

Talagang gumagawa siya ng paraan para magka-ayos kami sayang makikipag balikan na dapat ako pero mukha seryoso siya sa paghahabol.

Tahimik lang ako sa byahe hanggang makarating sa school.

"Marga hindi nga? Ikaw pa talaga nakipaghiwalay." Pangungulit sa 'kin ni Dwin nang dumating ako sa room.

At himala nandito si Kobi at nasa tabi, magkatabi kasi kami, shete ba't 'di ko naisip 'yon, kaso hindi ko siya tinitignan, dahil baka isang ngiti at isang sorry niya lang sa 'kin bumigay na agad ako.

"Oo nga, ang kulit mo." Inis kong sagot.

"Kanina pa siya nakatingin sa 'yo." Bulong niya sa 'kin, kaya tumingin ako sa kabila nakatingin nga sa 'kin.

Ngumiti siya agad sa'kin inirapan ko lang siya bago bumalik sa pagsusulat.

Bwisit! Hirap talaga pagmarupok ka! Ramdam ko ang paglapit niya kaya umipod ako nang kaunti palapit kay Dwin makikipagbalikan naman ako sa kan'ya hindi ko lang alam kung kailan.

Baka mamaya, bukas, next week?

"Baby..." Bulong niyang tawag sa tainga ko kaya hinarap ko siya at masamang tinignan.

"Bakit?" Walang gana kong tanong saka ulit nag-sulat. Nabibingi ako ngayon sa salitang 'Baby.'

"Sorry na please." Bulong niya ulit.

"Bahala ka sa buhay mo." Singhal ko saka tinigil ang pagsusulat!

Narinig ko naman siyang bumuntong hininga at nanahimik nalang.

"Marga, maawa ka naman kay Kobi, pagod 'yung tao tapos gaganyanin mo lang." bulong sa 'kin ni Dwin.

"Kasalanan ko ba kung bakit siya napagod?" Wala kong ganang tanong kaya hindi siya nakasagot at kinagat lang niya ang labi.

Bakit parang kasalanan ko ang lahat? Porket mahal ko siya wala na akong karapatan mang-iwan at magpahinga?

"Bakit ba ikaw nakipag-break?" Tanong niya sa 'kin pero hindi ko nalang siya pinansin saka yumuko sa lamesa.

Ilang araw nalang birthday kona kaso nag-break pa kami.

Makipagbalikan na kaya ako huhuhu miss ko na siya.

Nang matapos ang klase ay Iniwan na namin ni Dwin 'yung dalawa dahil deretsyo kami sa practice ng volleyball malay ko naman saan punta nung dalawa.

Kanina ko pa hinahanap si Kuya JC gusto ko siya makausap kung ano pa nalalaman niya kaso hindi ko pa siya nakikita simula kaninang umaga.

"Marga, balikan mo na si Kobi mahal na mahal ka naman nung tao eh." Pangungulit pa rin sa 'kin ni Dwin isa pa, isa pa! Tatapon kona aring babaeng 'to sa kanal!

"Hindi basta-basta 'yun Dwin, may naging problema kami at mahirap ipaliwanag sa 'yo. Pero sa tingin ko kung ikaw ang nasa posisyon ko ngayon, gano'n din ang gagawin mo." Paliwanag ko sa kan'ya kaya natigilan siya hindi ko nalang siya pinansin at iniwan doon at tatakbo na pumunta sa Gym.

"Good aftenoon, Coach." Bati ko kay Coach tinunguan niya lang ako kaya naglakad na ako papunta sa team ko.

"Bakit gan'yan mga mukha niyo?" Tanong ko dahil mga malulungkot ang mukha nila ano na naman nqngyari?

"Si Ate Eds po kasi pinagalitan kami." Nakayukong Sabi ni Andrea sa tingin ko ay Grade 8 or Grade 9 lang siya. Actually normal lang naman pagalitan kung may mali ka talaga nagawa.

"Ha? Bakit kayo pinagalitan?" Inis kong tanong lagi nalang gan'yon ang babaeng 'yun.

"Hindi po namin alam basta nalang po siya nagalit sa 'min." Mahinang sabi ni celine. Mema siya kung ganoon.

"Hayaan niyo na ang babaeng 'yun, wala siyang karapatan pagalitan kayo." Wika ko saka sila nilapitan.

"Aray!" Sigaw ko dahil may tumamang bola sa ulo ko. Tangina, sino nagbato no'n!

"Marga!" Rinig kong sigaw ni Dwin.

Gago hindi 'ata basta bola 'yun. Parang matigas na bagay ang tumama sa ulo ko!

"Ate Marga!" Aligagang sabi ng mga ka-team ko.

Hawak-hawak ko ang ulo ko dahil ang lakas at ang sakit ng pagkatama sa 'kin ng bola or bato? Ewan.

"Eds! Ano bang problema mo?!" Rinig kong sigaw ni Dwin pero hindi ko magawang humarap sa kanila dahil sobrang sakit ng ulo ko, ah! Mariin akong pumukit habang sumisigaw sa sakit.

"Celine! Tawagin mo sila Kobi bilis!" Sigaw ni Dwin bago ko siya naramdaman na nasatabi kona siya.

"Marga! Ano'ng masakit sa 'yo!" Nag-alalang tanong niya. Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko at agad kong nakita si Eds na nakatayo sa harap ko at halata sa itsura niya ang takot.

Humanda ka sa 'kin babae ka!

"Hoy Marga! 'Wag kang pipikit sasapakin kita!" Halata sa boses ni Dwin ang sobrang pag-alala.

"What the?!— Marga" Sigaw ni Kobi. Boses 'yun ni Kobi at halata sa boses niya ang galit.

"Kobi! Si Marga!" Sigaw ni Dwin nakatingin lang ako ng deretsyo kay Kobi na ngayon ay tumatakbo papunta sa lugar namin.

"Omygad!, may dugo!" Sigaw ni Dwin sa totoo lang na bibingi na ako kakasigaw niya per- Ano raw dugo?!

"Marga..." Nag-alalang tawag sa'kin ni kobi tinignan ko lang siya nang deretsyo saka yumakap nang mahigpit dahil nanghihina ako at unti-unting nanlalabo ang mata ko.

"Hey! Alin ang masakit sa 'yo?" Tanong niya saka ko naramdama na buhat niya na ako.

"I'm so so sorry..." Nag-alala niyang sabi gusto ko sana magsalita kaso tuluyan na naging itim ang paningin ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top