Chapter 23

Sobrang Excited ko ngayon dahil niyaya ako ni Kobi mag-date, kyah! Kinikilig ako makakalabas na rin kami ngayon.

Sa wakas.

"Hello?" Sagot ko sa tawag ka-aga-aga tawag nang tawag!

"Baby..." Pagtawag niya kaya roon ako natauhan kung sino ang tumatawag.

"Kobi, ikaw pala." Gulat kong sabi malay ko bang siya pala ang natawag.

"May gagawin ka ba ngayon?" Tanong niya linggo naman ngayon kaya wala naman siguro akong gagawin.

"Wala naman, bakit?" Tanong ko.

"Date tayo, gusto mo?"

Date! Gusto ko ng date!

"Talaga?"

"Yes."

"Sige-sige, anong oras?" Tanong ko agad. Habang naglalakad papunta sa kusina.

"Seven PM, magkita nalang tayo sa favorite restaurant mo, bye, I miss you. I love you 5000!"

Five PM pa lang nang hapon pero hindi pa rin siya nag-text pero, okay lang dahil sabi niya ay Seven PM naman kami magkikita sa restaurant na favorite ko.

Naligo na ako at halos kalahating oras din ako naligo. Nagsuot lang ako ng simpleng pink na dress saka pink din na doll shoes and pink na sling bag. All pink.

Nilugay ko nalang ang buhok ko dahil mas bumagay sa 'kin ang gan'yong ayos, kaysa sa lahat nakaipit.

Six PM nang matapos ko maayos ang sarili ko ay agad akong lumabas ng Condo at nagmadaling lumabas ng building dahil ayaw ko malate sa first date namin.

Pasado Seven PM na ng makadating ako sa resto pero pagdating ko roon ay wala akong nakitang Kobi.

"Hi. Good evening Ma'am welcome to Denzy's Italian Restaurant."

"Ma'am did you have a reservation?" Tanong niya sa 'kin sabi ni Kobi ay sabihin ko lang ang pangalan ko at alam na nila 'yun.

"Yes."

"What's your name, Ma'am?"

"Margaret Del Veron." Dagdag ko.

"Give a second Ma'am," paalam niya, agad din naman siyang bumalik.

"You have a Reservation, Ma'am. Seven PM with Mr. Ferrer. This way Ma'am.

Agad naman niya tinuro sa'kin kung saan ang isang bilog na lamesa at dalawang upuan.

"Ma'am, here's the menu." Abot niya sa akin ngumiti ako. "My name is Ash and I'll the waitress for you, Ma'am just call me if you're ready to take your order, Ma'am."

Pagkatapos niya umalis ay agad kong itinext si Kobi.

Ako:

Nandito na ako saan kana?

Tinago ko na ulit ang cellphone ko saka naghintay, umorder lang ako ng juice para may mainom ako habang naghihintay.

Pabalik-balik lang ang mata ko sa pinto at nagbabaka sakaling dumating na siya.

Bakit ba wala pa siya? Siya ang nag-yaya siya pa itong malalate.

Lumipas ang kalahating oras ng mapapasyahan kong tawagan siya.

Nakailang ring na pero wala pa rin sumasagot kaya text ko nalang siya.

Ako:

Kobi... Saan kana ba? Kanina pa ako dito.

Ako:

Dadating ka paba?

Ako:

Hoy sumagot ka maghihitay pa rin ako.

Bumuntong hininga nalang ako saka yumuko sa lamesa at deretsyong tumingin sa pinto.

Nang makarinig ako ng ingay banda sa kaliwa ko ay bumaling ako roon.

Nakita kong umiiyak 'yung babae dahil sa saya, nakaluhod ang lalaki sa harap niya at may hawak na pulang kahon na may laman na sing-sing kaya na pangiti ako.

"Will you marry me?" Malaking ngiti tanong nung lalaking nakaluhod agad naman tumungo 'yung babae kaya nagpalakpakan ang lahat nakisali na rin ako.

Ang saya nila tignan, halatang mahal na mahal nila ang isa't isa.

Umupo nalang ulit ako saka tumingin ulit sa pinto.

Napansin ko rin na paulit-ulit na akong tinitignan ng tao dahil halos isa't kalahating oras na ako nandito.

"Ma'am, may I know if you're ready to take your order?" Tanong ulit sa 'kin nung waitress umiling lang ako saka ngumiti.

Nasaan naba ang lalaking 'yun? Mag-nine PM na pero wala pa rin siya.

Lumipas pa ang ilang oras hanggang umabot na sa puntong madaling araw na at magsasara na ang Restaurant kaya wala akong nagawa kundi ang umuwi nalang.

Nasasaktan ako dahil umasa akong makakapagdate kami ngayon. Siya ang nag-yaya! Siya rin palang manghohopia!

Masakit ang puso ko at galit ako sa kan'ya! Galit na galit! Lagi nalang niya ako sinasaktan tama na!

Sobrang sakit na!

Nagmukha akong tanga kanina roon habang naghihintay, tama na. Kung hindi naman kaya 'wag siya magyaya, okay lang naman sa 'kin eh kaso pinaasa niya ako 'yon, 'yung masakit doon eh.

Pagkarating ko sa condo ay pabagsak kong sinara ang pinto pero hindi ko inaasahan na pagkapasok sa loob ay may makikita akong Isang bouquet ng rosas at isang malaking teddy bear at si Kobi na nakaupo sa sofa.

Galit ako sa kan'ya nasaktan ako ng sobra!

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Walang gana kong tanong saka binaba ang gamit sa lamesa at hindi siya tinitignan.

"I'm sorry, may pinun-" hindi ko na siya pinatapos dahil agad na akong nagsalita.

"May pinuntahan ka na naman?! Lagi ka nalang gan'yan! Sino ba 'yang pinupuntahan mo at hindi mo mahindihan ha?!" Galit kong siyaw sa kan'ya at hindi na napigilan umiiyak, kita ko ang gulat sa kan'yang mata dahil sa pag-sigaw ko wala akong pakialam.

"Si Daddy ang pinuntahan ko."

Napangisi ako sa sinabi niya saka masama siyang tinitigan.

"Tatay mo ang pinupuntahan mo ha?! Kahit alam kong ang kapatid kong si Fritz ang pinupuntahan mo! Kaya ba hindi ka makahindi dahil mahal mo pa siya?!" Galit kong sigaw ako rin ang nasaktan sa sinsabi ko.

"Ano bang sinasabi mo?" Kalmado ang boses niya, para siyang pagod.

"Alam kong si Fritz ang pinupuntahan mo!" Sigaw ko saka mariin na pumikit.

"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin na siya ang pinupuntahan mo?" Mahinahon kong sabi habang tumutulo ang luha, marahan akong huminga para pakalmahin ang sarili ko.

"Maintindihan ko naman..." Mahina ko pang-sambit saka siya tinitigan ng deretsyo.  "Kaso ano'ng ginawa mo? Mas pinili mo mag-sinungaling sa 'kin."

"Malaki ang tiwala ko sa 'yo. Kaya hindi mo kailangan magsinungaling sa 'kin para lang puntahan ang babaeng pinagseselosan ko."

Nasaktan ako nang labis gusto ko muna magpahinga!  Wala rin naman kwenta ang relasyong ito!

"Mahal mo ba talaga ako?" Tanong ko at akmang iimik ulit siya ng unahan ko siya.

"Oh sad'yang naawa ka lang sa 'kin at pilit mo lang ako mahalin?" Nasasaktan ako sa mga sinasabi ko pero putangina lubos-lubosin na natin nasasaktan na din naman lubosin na natin.

"Mahal kita at kusa kitang minahal."

"Ha! Mahal mo 'ko pero nagawa mong magsinungaling sa 'kin... Mahal mo 'ko pero siya 'yung kasama mo! Mahal mo 'ko pero tangina nagmumukha pa rin akong naghahabol sa 'yo!" Galit kong sigaw saka humagulgol nang iyak.

"Ang gusto ko lang naman ay ikaw. Ang attensyon mo..." Tuloy lang ang pag-iyak ko habang marahan na umiiling.

"Ang oras mo, ang pagmamahal mo pero, bakit hindi mo maibigay sa 'kin kung gano'n, girlfriend mo na ako sa oras na 'to."
"Girlfriend mo na ako pero, ako pa rin 'yung nang lilimos ng oras at attensyon mo!" Para akong bulkan na sumabog sa galit at hinanakit ko!

Nanatili lang kaming nakatingin sa isa't isa at hinayaan ko lang ang sarili kong makita niya akong umiiyak!

Lumipas ang ilang minuto saka ulit ako umimik.

"Siguro mas magandang taposin na natin 'to..." Umiiyak kong sabi.

"What do you mean?" Naguguluhan niyang tanong

Oo nga pala englishero!

"No, Baby!"

"I'm breaking up with you, lalayuan na kita para sa ikakasaya mo para hindi ka na magkaroon ng problema." Sabi ko saka yumuko at nagpatuloy sa pag-iiyak.

"Gano'n nalang sa 'yo kadali taposin 'yun... Nahulog na ako sa 'yo, pero iiwan mo pa rin ako." Naiiyak niyang sabi at ramdam kong pinipigilan niya lang 'yun.

"Bakit ikaw? Bilang lalaki, madali lang ba sa 'yo magsinungaling sa girlfriend mo ha?" Hindi siya umimik.

"Tingin mo madali lang 'yun sa 'kin!" Pilit kong sigaw kahit nahihirapan na akong sumigaw.

"Hindi naging madali ang desisyon ko... Gusto kita, mahal kita! Pero ayokong matali ka dahil sa kagustohan ko lang... " Halos pumiyok kong sabing hindi siya tinitigan sa mata.

"Baby, please don't break up with me..." Pagmamakaawa niya sa'kin pero agad ko siyang tinulak palabas.

"Kung gusto mo 'kong bumalik ako sa 'yo... Habulin mo 'ko, ako naman ang habulin mo hindi 'yung ako lagi ang hahabol sa 'yo.Gusto mo ako bumalik, sige habulin mo ako."

"Chase me if you really love me... Chase me until I come back to you..." Wika ko saka siya pinagsarhan ng pinto.

Ako naman ang habulin mo, kung mahal mo talaga ako gagawa ka nang paraan bumalik lang ako sa 'yo gagawa ka ng paraan para hindi ako mawala sa'yo nang tuluyan. Sawa na akong habulin ka, sa pagkakataon na 'to ikaw naman ang maghabol sa ating dalawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top