Chapter 22
Lumipas ang ilang linggo at natapos na ang paglipat ko sa Condo ko at natapos na rin ang School fair pero hindi ako naging masaya masyado, dahil hindi ko alam pero lagi nalang nawawala si Kobi sa tabi ko bigla nalang siyang magpapaalam na aalis.
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya pero bigla nalang siyang aalis at halos isang araw bago bumalik sa 'kin. Parang hindi niya ako girlfriend parang kaibigan niya lang ako naiiwan niya basta. Kakasawa.
Katulad nung huling araw sa School fair mag-perform ako dapat at siya dapat ang kasama ko nang bigla siya mawala nang parang bula gano'n din si Kuya JC nawala rin na parang bula kaya ang ending si Lance ang nakasama ko mag-perform.
Ano ba kasi ginagawa niya at lagi siyang nagpapaalam na-aalis? Nandito ako sa Condo ko at nakatambay next week na kasi ang Birthday ko. Bilis October na agad tapos 3rd quarter na grabe na.
Sana alam ni Kobi 'yun kahit kaming dalawa nalang mag-celebrate, basta siya kasama. 18th birthday iyon debut ko, gusto nila Mama magarbo eh ayoko naman.
"Nasaan kaya ang bebe ko?" Tanong ko sa sarili ko nagpaalam kasi siya kanina aalis para hindi niya ako girlfriend lagi niya nalang ako iniwan nakakainis naman.
Tinawagan ko nalang si Kuya JC baka kasama niya si Kobi or alam niya kung nasaan ito.
"Hello Marga." Sagot ni Kuya napangiti ako.
"Kuya, alam mo ba nasaan si kobi?" Tanong ko narinig ko pa siyang bumuntonghininga bago mag-salita.
"Nakala Fritz siya." Tangi sagot niya pero nagpawala ng ngiti sa labi ko.
"Ha?" Naguguluhan kong tanong.
So all this time nakala Fritz lang si kobi? Vakit hindi niya sinabi sa 'kin? At talagang pinagmukha niya akong tanga rito.
"Oo, sabi niya sa 'kin alam mo nando'n siya." Dagdag ni Kuya, kaya mas natigilan ako.
Alam ko na nando'n siya? Hanep sinungaling din ang isang 'yun ah!
"Oo, alam ko nga hehehe, sige Kuya ibaba ko na." Sambit ko saka binaba ang tawag.
Ha? Nando'n lang siya bakit hindi siya totoong magpaalam sa akin papayagan ko naman siya kahit masakit kasi alam kong mahalaga pa sa kan'ya ang ex niya kahit sabihin kong ex niya lang 'yun.
Minahal niya pa rin 'yun pati buhay niya 'yun, na sa kan'ya ang desisyon pero, bakit hindi siya nagsabi sa 'kin ng totoo?
Lumipas ang isang linggo at pinapakita ko lang sa kan'ya wala akong alam.
Kapatid ko pa rin si Fritz kaya hinahayaan ko kahit minsan nasasaktan na ako.
Pero may napagtanto ako.
'Yung feeling na matagal na akong nagpapakatanga sa kan'ya. Dahil gusto ko siya, dahil mahal ko siya kaya willing ako maging tanga kahit anong mangyari, willing din ako masaktan basta mahalin niya ako, nangyari na nga minahal niya ako, pero iba ang nararamdaman ko.
Akala ko kapag minahal niya na ako magiging masaya na ako.
"Akala ko manhid na ako sa pagiging tanga, akala ko manhid na ako kasi kaya ko nang masaktan ng paulit-ulit. Pero mas masakit pala na may kami na pero nagmumukha pa rin akong tanga." Bulong kong sabi sa sarili ko. Saka ko naramdaman ang luha galing sa mata ko.
Mahal ko siya kaya tinitiis ko.
Alam mo 'yung feeling na.
Ako ang girlfriend pero iba ang kasama at ikaw ang iniiwan. Ako ang girlfriend pero iba 'yung inaalagaan. Ako ang girlfriend pero iba ang pinapahalagahan. Ako ang girlfriend, pero randam mo iba talaga ang
mahal niya kahit sinabi niya na ikaw ang mahal niya..
Girlfriend niya na ako pero mukhang naghahabol pa rin ako sa kan'ya ng attention niya at nang oras niya.
'Yan kasi ang nararamdaman ko, hindi ko maiwasan maramdaman 'yan minsan panga naiisip ko na baka nakulitan lang siya kaya niya ako jinowa.
Hindi ko talaga alam!
Tanga na kung tanga pero hahayaan ko siya sa gusto niya basta 'wag lang siya mawala sa 'kin! Gano'n ako magmahal willing magpakatanga.
Natigil ako sa pag-iisip nang may mag-doorbell kaya dali-dali kong pinahid ang mga luhang tumulo sa 'kin mata saka nagmadaling pumunta sa pinto.
Akala ko siya na pero iba pala.
"Uy Kuya JC ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong ko dahil imbes ang inaasahan kong tao ang dumating iba.
"Pinapadala ni Kobi kumain kana raw baka hindi raw siya makauwi nang maaga." Aniya sabay abot sa 'kin ng paper bag na hindi ko alam saan niya binili.
Yayain ko pa sana pumasok si Kuya pero kailangan pa raw niya umalis, kaya tumungo nalang ako.
Saktong pagkapatong ko nang mga paper bag sa lamesa siya ring pagtunog ng cellphone ko.
Sasagutin ko ba?
"Hello?" Pilit ang sigla sa aking boses.
"Did you eat na?" Tanong niya agad imbes hello 'yun agad sagot niya.
"Ah... Oo."
"Ikaw?" Tanong ko.
"Oo rin." Malamig niyang sagot mayamaya ay may narinig akong sigaw mula sa background niya.
"Baby bye na muna. Ikaw lang ang gusto ko masama habang buhay kahit ano'ng mangyari." Sabi niya
"Sige, I love you." Sabi ko kaso binaba niya agad ang tawag.
Humiga nalang ako sa kama saka tumingala sa kisame.
Gusto ko maging akin siya pero hindi 'yung napipilitan lang siya, gusto ko maging akin siya ng kusa hindi napipilitan lang... Ang sakit din pala magmahal, akala ko kapag naging kami magiging masaya na kami...
Akala ko lang talaga 'yun babago lang kami pero ramdam ko na agad na hindi ako mahalaga sa kan'ya. Oh sadyang makitid lang ang utak ko at kung ano-ano ang iniisip at ako lang din sasaktan sa iniisip ko...
Kinuha ko ang cellphone ko at text siya
Ako:
Kobi
Bebe ko:
Why? May problema ba ang baby ko?
Ako:
Mahal mo ba talaga ako?
Kobi:
Yes, I love you very much, I love you 5000 Why?
Hindi nalang ako nag-reply at pabatong nilagay ang cellphone sa kama.
Maniniwala ba ako? Porket sinabi mo, kasi hindi ko siya ramdam, hindi ko siya ramdam.
Kung mahal mo 'ko iparamdam mo.
Please dahil napapagod din ako. Pero kung ipaparamdam mo sa 'kin na mahal mo'ko kahit mapagod pa ako ng paulit-ulit! Kahit mag-habol pa ako sa 'yo nang paulit-ulit.
Dahil oras na malamam kong napipilitan ka lang at naawa ka lang sa 'kin papakawalan na kita, dahil ayokong makulong ka sa 'kin. Dahil alam kong hindi ka naman magiging masaya sa piling ko kung napipilitan kalang na mahalin ako. Dahil ang pagmamahal hindi kinakaawaan, hindi sinasakal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top