Chapter 21
Hindi pa rin ako umiimik at na natiling nakatingin sa kan'ya. Habang siya ay nakangisi pa rin at deretsyo nakatingin sa 'kin 'yung dalawa naman parang gago at hindi pa rin maka-move on panay pa rin ng tawa.
Medyo inosente na bobo lang ako. Tanggap ko.
"Marga, okay ka lang?" Natatawang tanong sa 'kin ni Dwin kaya masama ko siyang tinignan.
"Marga, 'wag kana magbusungot d'yan, 'di ba tutulong kapa sa pag-aayos ng mga booth." Biglang singit ni Arnold inirapan ko lang siya saka sumandal sa upuan.
Ayaw nila ako payagan tumulong huhuhu.
"Eat your food na." Utos ni kobi sa 'kin pero hindi ako umimik at saka nag-iwas nang tingin nakakahiya talaga!
"Hey, are you mad at me?" Nag-alala niyang tanong saka nilapit lalo ang sarili sa 'kin kaya naramdaman kong nagdikit ang aming mga balat.
"Hindi ako galit." Sagot ko saka tumingi sa kisami.
"Then, bakit ayaw mo kumain?" Nag-alala pa rin niyang tanong dahil halata sa boses niya kaya lumingon ako sa kan'ya saka ngumiti. "Hindi lang ako gutom." Tanging sagot ko, hindi naman talaga ako nakaramdam ng gutom eh.
"Are you sick?" Mas halata sa boses niya ang pag-alala agad niyang hinawakan ang noo ko.
"Wala akong sakit." Sagot ko saka kinuha ang kamay niya at pinagsakot ang mga kamay namin gusto ko rito ka lang sa tabi ko.
'Wag kana umalis sa tabi ko.
Nanatiling magkahawak ang kamay namin ng ilang minuto pero, bigla tumunog ang cellphone niya kaya panandalian niya kinuha ang kamay niya na hawak ko saka sinagot ang tawag.
Nakita ko pa siyang sumulyap sa 'kin pero ginantihan ko lang siya ng ngiti.
"Hmm... Marga, Baby kailangan ko umalis." Pagpapaalam niya kaya bahagya nalungkot ang kalooban ko pero pilit pa rin akong ngumiti saka nagsalita.
"Okay lang, pati tatambay na muna kami ni Dwin sa Music room." Sagot ko saka pilit na ngumiti. Humalik muna siya sa pisngi ko at dali-daling umalis.
Nakita ko naman na nakatingin sa 'kin ng deretsyo si Arnold at si Dwin kaya nagsalita ako.
"Alam kong aalis kayong dalawa, okay lang." Sambit ko saka ngumiti aangal pa sana si Dwin pero inunahan ko na siya.
"Okay lang ako, punta lang ako sa Music room." Dagdag ko pa bago tumayo at naglakad na palayo. Habang naglalakad ako ay kita ko lahat sila ay busy sa ginagawang mga Booths.
Pagkarating ko sa Music room ay may narinig na agad akong tumutugtog.
"Oy, Kuya JC!" Pasigaw kong pagbati at tatakbong lumabit sa kan'ya. Nakaupo siya sa upuan at sa harap niya ay isang piano na maganda.
"Marunong ka pala niyan." May ngiti kong sabi habang hindi inaalis ang mga mata sa piano. Kakabilib!
"Oo, mahilig ako sa musika simula bata pa ako." Sagot niya saka senenyas na umupo ako sa tabi niya kaya dali-dali naman akong umupo.
"Tumugtog ka!" Excited kong sabi gusto ko siya marinig kumanta at kung paano siya mag piano.
Tumungo lang siya saka dahan-dahan pinindot ang piano.
105 is the number that comes to my head🎶
When I think of all the years I wanna be with you🎶
Wake up every morning with you in my bed
That's precisely what I plan to🎶
And you know one of these days when I get my money right🎶
Buy you everything and show you all the finer things in life🎶
Will forever be enough, so there ain't no need to rush🎶
But one day, I won't be able to ask you loud enough🎶
I'll say will you marry me🎶
I swear that I will mean it🎶
I'll say will you marry me🎶
Pagkanta niya habang patuloy siya sa pagpa-piano hanggang matapos ang kanta ay nakatingin lang ako sa kan'ya.
"Uhm, Kuya JC may babae ka bang nagugustohan?" Tanong ko kaya bahagya siyang sumulyap sa 'kin saka mapaklang ngumiti.
"Meron... Gustong-gusto ko siyang pakasalan kapag dumating ang tamang oras, kaso ayaw niya eh... Dahil iiwan niya rin daw ako, masasayang lang daw ang pagmamahal ko." Pagkwekwento niya kaya bahagya ako nalungkot sa kwento niya sino naman kaya 'yung babaeng 'yun?
"Mahal na mahal ko siya, pero ayaw niya talaga kahit sinabi kong lalaban kami." Pagpapatuloy niya saka siya pumikit.
"Ayaw niya nang lumaban, dahil alam niya raw, nawala na naman daw siyang pag-asa." Dagdag pa ni Kuya.
"Pero willing pa rin akong pakasalan siya... Kahit gusto niya na lumayo ako sa kan'ya ayaw ko gawin, dahil gusto ko siyang alagaan hanggang sa huli niyang araw sa mundong ito." Nahihirapan niyang kwento at doon ko nakita na pumatak na ang luha galing sa kan'yang mata.
"Kahit sinasabi niyang hindi niya na ako mahal alam kong ako pa rin... Dahil ramdam ko kung gaano niya ako kamahal, simula bata kasama ko na siya, halos ka edad ko lang din siya ka-batch ko siya lahat-lahat kasama ko siya sa lahat." Lumuluha niya pa rin kwento kaya bahagya ko siyang niyakap.
"Kuya 'wag kang sumuko sa kan'ya." Bulong ko habang hinahaplos ang likod niya.
"Alam ko Marga, kahit pagkatulakan niya ako hindi ako aalis sa tabi niya mananatili pa rin ako sa tabi niya... Dahil gano'n ko siya kamahal, kahit hindi na niya ako mahalin, doon lang ako."
Masakit pa lang makitang umiiyak ang mga lalaki. Dahil alam ko ang mga lalaki hindi sila nagpapakitang umiiyak sa tao dahil ayaw nilang kaawan sila, ayaw nilang sabihin na mahina sila, kahit wasak na wasak na sila sa loob. Kailangan pa rin nilang ipakitang ayos sila.
"Kuya sino ba 'yung babaeng yan?" Tanong ko dahil nacurious ako bigla. Tumayo ako sa pagkakaupo.
"Wala, 'wag mo na muna isipin. Ngumiti siya. "Kamusta na pala kayo ng kapatid ko?" Tanong niya. Pag-iiba niya ng usapan, gusto ko pa naman magtanong kaso baka ayaw niya muna pag-usapan.
"Uhm... kami na po." Pag-amin ko ng totoo saka ngumiti.
"Congrats, sana maging masaya kayo." Pilit siyang ngumiti sa 'kin.
Umalis na ako sa Music room saka nagpagala-gala sino kaya 'yung babaeng 'yun? Kawawa naman siya mahal nila ang isa't isa pero hindi sila pwede habang buhay magsama naiintindihan ko siya.
Kaya niya pinapalayo si Kuya JC dahil ayaw niyang masaktan pa si Kuya JC dahil mawawala rin siya...
Pero dapat lumalaban sila.
Kahit ano man pagsubok 'yan mahal nila ang isa't isa dapat hindi sila sumusuko sa laban.
Pero sino kaya 'yung babaeng 'yun... Sana mabuhay pa siya ng mahaba sa mundo para sumaya si Kuya, sila.
Ramdam ko 'yung sakit na mawalan ng minamahal, ramdam ko 'yung sakit na pinagtatabuyan ka nang taong mahal mo na, ipapakita niya sa 'yong malakas siya kahit hindi naman ipapakita niya sa'yo na hindi ka niya na kailangan kahit sobra ka niyang kailangan.
Dahil tanging ikaw nalang ang nagiging lakas niya Pero paano kung sa 'kin mangyari 'yun? At ako ang may sakit na malubha ipagtatabuyan ko ba si Kobi kahit mahal na mahal ko siya?
Kahit anong sakit pa ang maramdaman ko basta 'wag lang siyang masaktan aakuin ko lahat ng sakit para hindi lang siya masaktan.
Mas gusto ko pa na ako nalang masaktan kaysa siya. Dahil ganito ako magmahal, at gano'n ko siya kamahal mas mahal ko pa sa buhay ko. Bata pa ako pero ang layo ng iniisip ko nakakainis.
NOTE:
MARGARET WAS 17 YEARS OLD TURNING 18, KOBI WAS 18 YEARS TURNING 19 WHILE JC WAS 19 YEARS OLD TURNING 20 AND SI FRITZ AY 19 NA SADYA. MAGKABATCH SI JC AT FRITZ, GRADE 12 NA SILA BOTH. NALATE NG PASOK NG GRADE 1 SI JC BUT TAPOS SIYA NG DAYCARE AND KINDERGARTEN THEN HINDI AGAD SIYA PUMASOK NG GRADE 1. MEANWHILE FRITZ WAS LATE TOO PERO DERETSYO GRADE 1 NA RIN SIYA. MALI YATA IYONG AGE NA NAILAGAY KO SA UNANG PART. PERO 1-2 YRS ANG GAP NI MARGA AT KOBI.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top