Chapter 20
Hanggang sa klase ay wala pa rin akong imik, kahit kinakausap ako ni Kobi ay hindi ako umiimik.
May sakit siya? At malubha na, bakit hindi siya mag-pagamot para gumaling siya?
Kailan pa naging doctor si Kobi?
"Baby, are you okay?" Tanong ulit sa 'kin ni Kobi, doon lang ako napabalik sa wesyo.
"Oo naman." Agad kong sagot at malaking ngumiti.
"Sure?" Paniniguro niya, tumungo naman agad ako.
Dahil umalis ang teacher namin at may binigay lang gawain sa 'min ay dahan-dahan akong sumandal kay Kobi at hiniga ang ulo ko sa balikat niya saka pinikit ang mga mata. Gagong buhay ito. Iniisip ko pa research namin sa English. Ewan ko, mas nahihirapan pa yata ako maghanap ng RRL kaysa gumawa ng buong chapter 1 eh. Ewan ko rin, iyong research buong year namin gagawin, maaga raw tinuturo sa amin para alam agad namin. Kaiyak siya.
Akala ko rati literal na search-search lang ang Research. Buti nalang si Kobi, Kurl, at Abby ang ka-group ko.
"Pagod ka ba?" Tanong niya saka inayos ang pagkakahiga ng ulo ko sa balikad niya. Hindi ako sumagot at nanatili lang sa posisyon na 'yun.
Gusto ko muna magpahinga sa ngayon sa totoo lang, ayoko muna isipin ang mga nalalaman ko... Ayaw kong isipin ang bagay na 'yun. Personal life and School problem kapag pinagsabay nakaka-stress. May upcoming District meet pa.
Hindi pa ako nakakatagal ng ilang minuto ay inalis ko na agad ang ulo ko sa balikat niya saka deretsyong tumingin kay Dwin na malaki ang ngiti sa labi.
"Hoy." Bulong kong pagtawag agad naman humarap ang luka, daig pa niya ako kung makangiti.
"Ano'ng nangyari sa 'yo? Bakit ang laki ng ngiti mo?" Tanong ko malay ko ba may kinulam na ang babaeng 'to charot.
"Wala lang naman..." Sagit niya saka yumuko sa lamesa katulad nang pagkakayuko ko saka deretsyong tumingin sa 'kin.
Para kaming lukang mga nakangiting nagtitigan.
Nasa tabi niya si Arnold na busy sa pagsasagot, masyado kasi competitive ang isang 'to, ayaw patalo sa pinaka matalino sa room namin. Like second quarter pa lang naman, tapos iyong topic about sa mga Circle and othe terms. Nagtatalo sila kung 15 ba raw or 25 degree iyong sagot. Si Matt naman katalunan niya, isa sa matalino sa math s amin. Ako kasi more in Mapeh and Filipino ako. Si Dwin naman more in AP and English. Si Arnold kasi Math talaga siya habang si Kobi English and Math. Pinaka ayaw yata namin subject pare-parehas ay TLE.
"Bakit nga malaki ang ngiti mo?" Pangungulit ko mas ngumiti lang naman ang luka, para siyang tanga sa totoo lang.
"Well... Nag-kiss lang naman kami." Bulong niyang sabi na kinalaki ng mata ko.
"Talaga?"
"Kayo na ba?" Tanong ko tumungo-tungo lang ang luka saka ngumiti nang malaking-malaki.
"Kami rin." Mahina kong bulong at mukhang hindi niya na-gets ang sinabi ko. Dahil nangunot pa ang noo niya.
"Ibig kong sabihin kami na ni Kobi." Pag-uulit ko ng sinabi ko, umawang naman ang labi niya kaya napatawa ako bigla pero, mahina lang dahil baka marinig kami ng mga lalaking nasa tabi namin.
"Seryoso?" Paniniguro niya.
Bakit? Gano'n ba kahirap paniwalan na may pag-asa at pwedeng maging kami ng lalaking 'yun.
"Oo teh, ako lang 'to." Pagyayabang ko sabay irap sa kan'ya.
"Paano nangyari?" Excited niyang tanong, kaya nakagat ko ang labi ko dahil hindi ko alam kung ikwento ko na naghalikan muna kami bago siya umamin.
"Basta." Sagot ko nalang bago tumalikod sa kan'ya kaya nakaharap na ako ngayon kay kobi na busy sa pagsusulat ng notes sa math, hindi siya tulad ni Arnold na ipaglalaban iyong sagot na lumabas sa computation niya, kanina pa kasi may sagot si Kobi, ang sabi niya ay 26 degree daw, hindi nalang ako sumagot dahil iba-iba sila ng sagot.
"Kobi." Pagtawag ko pero hindi siya lumingon tanging ungot lang ang sinagot niya.
"Anong kukunin mo sa Senior high?" Pagtatanong ko kaya humarap siya sa'kin saka yumuko din sa lamesa.
"Stem, dahil gusto ko maging Doctor." Tangi niyang sagot sabay pisil sa pisngi ko at bumalik sa pagsusulat.
Mag Doctor siya? Ibig sabihin hindi ko na siya magiging kaklase? Pero bakit Doctor ang gusto niya kung gano'n ayaw niya ng subject na Science at mas gusto niya nga ang English kaysa sa Science.
Hindi nalang ako umimik hanggang sa matapos ang klase, nagpaalam ako na may pupuntahan lang ako at susunod nalang ako sakanila, nung una ayaw pa ni Kobi pero, sinabi kong susunod talaga ako kaya pumayag na din siya.
Ayaw niya ng Science pero gusto niya mag-Doctor eh?
Bakit kaya? May gusto ba siyang tulungan or what?
Hindi ko maiwasan isipin na baka kaya siya mag-Doctor para magamot niya si Fritz, gano'n?
Sa totoo lang wala akong balak sumunod sa kanila dahil gusto raw ako kausapin ni Kuya Keian.
Pumunta na ako ng Garden kung saan kami magkikita ni Kuya Keian nakita ko naman agad siya pagkapunta ko roon.
"Kuya." Pagbati ko at ngumiyi.
"'Musta ka?" Tanong niya ngumiti lang ako saka siya niyaya umupo sa ilalim ng puno.
"Kuya, kilala mo ba si Kobi?" Pagtatanong ko dahil imposible namang hindi niya kilala 'yun kung gano'n.
"Oo naman, pati alam ni Kobi na may sakit si Fritz mabait na bata si Kobi." Pagkwekwento niya saka ako nginitian.
"Sabi sa 'kin ni Kobi noon pangarap daw niya maging Engineer, kaso nung nalaman niyang may sakit si Fritz magpupursigi raw siyang maging Doctor." May ngiti paring kwento ni Kuya.
Ibig sabihin tama nga ang hula ko, gano'n talaga siguro ka halaga si Fritz sa kan'ya, kahit hindi na siya mahal nito at kahit hindi niya na nga ba mahal ito gagawa siya nang paraan para lang gumaling ito.
Hindi ko maiwasan masaktan. Dahil hindi ko masigurong mahal na nga ba talaga ako? Hindi naman porket hinalikan ako at mag-on na kami mahal niya na ako.
Sabihin na nating mahal niya nga ako pero, mas mahal niya pa rin 'yung taong na una sa puso niya. At hindi ko 'ata kayang higitan ang taong 'yun.
'Yun ang masakit dahil kahit ako na 'yung girlfriend niya. Hindi ko pa rin maiwasan mag-isip na napilitan lang siyang mahalin ako.
Pero— Ay hindi marga mahal ka niya sinabi niya 'yun! 'Wag kang tanga isip ng kung ano-ano!
Nag-usap lang kami nang kunti, nang biglang tumawag na si Kobi sa 'kin kaya nagpaalam na ako kay Kuya Keian. At tatakbong pumunta ng cafeteria.
Pagkarating ko roon ay nakakita na agad ako ng pagkain sa lamesa.
"Saan kaba galing babae?" Tanong sa 'kin ni Dwin na nakayakap sa jowa niya para silang tanga ingit ako. Eme, hindi ako fan ng PDA.
"D'yan lang." Sagot ko.
May iniisip ako, ewan ko bigla lang pumasok sa utak ko kanina, habang naglalakad kasi ako papunta sa canteen nakita ko si Ma'am 'yung Teacher kong buntis tapos nacurious ako bigla, paano ba bumuo ng bata? Paano ako nabuo? kung gano'n matanong nga kay Dwin, kasi kundi si Mama ang totoo kong Nanay paano ako nabuo kung gano'n?
Hindi ko naman kasi iniisip 'yon at never ko binigyan pansin 'yon lalo na kapag topic sa science. Like, hindi naman ako mahilig sa ganoon topic madalas nga ay tulog ako.
"Dwin..." Mahina kong bulong. kaya bumaling siya sa 'kin saka ngumuya ng pizza.
"Ano?" Tanong niya habang na kain.
"Paano bumuo ng bata?" Tanong ko kaya bigla siya nabulunan dali-dali naman akong kumuha ng tubig para iabot sa kan'ya, ano bang problema sa tanong ko nagtatanong lang naman ako eh?!
"Hon, ano'ng nangyari sa 'yo?" Nag-aalalang tanong ni Arnold sa kan'ya napakamot nalang ako sa ulo nagtatanong lang naman ako paano gumawa ng bata eh.
Ano ang mali doon?
"'Yang kasi si Marga. Hindi talaga nakikinig nung Grade 9 sa science, gaga maski nung Grade 5 tinuro na 'yun." Sabi niya habang nakaturo ang daliri sa 'kin, lagi nalang ako na, wala naman mali sa tanong ko eh.
"Ano bang ginawa mo Marga?" Parang galit na tanong sa 'kin ni arnold hindi ko alam kung galit or what?!
"Eh... Tinanong ko lang naman siya kung paano gumawa ng bata." Pagsagot ko ng totoo sabay kamot sa ulo lahat naman sila ay tulala lang nakatingin sa 'kin, ano bang mali sa sinabi ko?!
"Seryoso kaba sa tanong mo, Marga?" Tanong ni Arnold sa 'kin saka malakas na tumawa na sinabayan naman ni Dwin na mukhang sumakit na ang tiyan kakatawa.
Ano ba kasing nakakatawa?!
Sasabihin lang naman nila sa 'kin kung paano gumawa ng bata, tawa sila nang tawa.
"Stop! She's too innocent for that thing!" Sigaw ni Kobi kaya dali-daling tinikom ng dalawa ang bibig nila.
"Curiosity is eating you, Marga. Why are you asking?" Tanong sa 'kin ni kobi saka ako tinaasan ng isang kilay.
"Uhm... Kasi gusto ko malaman." Sagot ko sabay nguso dahil naririnig kong tumatawa 'yung dalawa halatang pinipigilan lang nila.
"Baby, stop asking such a questions like that." Tangi niyang sagot saka uminom ng tubig.
"Bakit ba bawal malaman kung paano gumawa ng bata, gusto ko nga malaman." Para kong batang sabi saka pinadyakpadyak ang mga paa.
"Okay, I'll tell you, stop acting like a kid." Inis na sabi sa 'kin ni kobi kaya ngumuso nalang akong tumingin sa kan'ya.
"Paano?" Tanong ko saka sumenyas na lumapit ako. Kaya dahan-dahan akong lumapit sa kan'ya saka siya may binulong sa 'kin.
"Make love or making love." Tangi niyang sagot kaya nangunot ang noo ko make love? Eh ano 'yun?
"Ano 'yun?" Bulong ko rin tanong.
"Sex, but different, make love or making love, ay may sex na magaganap with love, like privacy ng couple."
Seryoso?! Sex kaya nakakagawa ng bata! Putek 'yan Marga hindi ka nakikinig sa klase kaya hindi mo nalalaman ang paggawa ng bata ay sex!
Seryoso sex talaga? 'Di nga? Hala sabi kasi ni Mama nung elementary bigla lang iyon nausbong.
"I'm asking you again, why do you want to know how to make a baby?" Tanong niya sa 'kin habang deretsyo ang mga matang nakatingin sa mata ko
"Ano kasi..." Sabi ko sabay kamot sa ulo sasabihin koba? Nakakahiya talaga.
"Kasi?" Pagtatanong niya.
"Kasi... Gusto ko malamam kung paano gumawa ng bata. Dahil gusto ko gumawa tayo.... Pero! Hindi ngayon ha! Sa future! Bata pa tayo!" Nahihiya at tarantata kong sabi hindi naman siya nakaimik at nanatili siyang nakatitig sa 'kin kaya nailang ako bahagya.
Dahan-dahan siyang lumapit sa tainga ko at ramdam ko ang labi niya sa bandang baba ng tainga ko.
"Baby, stop asking such a question because, we can't have a baby yet... But you know maybe next time, we can have a baby na, if you want... But in the right time. Sa ngayon ikaw muna baby ko. Okay?" Nakangisi niyang sabi.
Omygad kinikilig ako na parang ewan pero, kinilibutan ako sa sinabi niya, baby? Seryoso ba siya? If I want, if I want a baby? Iba ang epekto mo sa 'kin lalaki ka!
'Di pa ako ready magka-baby malay ko bang sex pala ang dahilan kaya nakakagawa ng baby mabuti nalang hindi halik. Dahil baka buntis na ako ngayon dahil sa tagal ng halikan namin kagabi. Ang sakit pa rin ng labi ko 'no. Pero, mas maganda pa rin talaga may Sex education sa pilipinas para hindi karamihan sa teenager nakatulad ko kinakain ng curiousity nila, magaling sana katulad ko na curious lang pero may iba kasing teenager na sa sobrang curious nila trina-try nila. Which is hindi tama lalo na sobrang bata pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top