Chapter 2
Kakaalis ko lang sa bahay at papunta na ako ng school ngayon, iniwan ko na si Ate dahil ang bagal niyang kumilos, gusto ko na makita si Kobi kaya inagahan ko ang pasok, hindi na rin ako nagpahatid kay Manong.
Nasa gate pa lang kita ko na agad si Dwin na kaway sa 'kin, aga naman ni Babae.
"Aga mo ah." Sabi ko, akala ko kasi ako na mas maaga sa kan'ya.
"Sad'ya akong maaga, Girl. Alam mo na aabangan si Crush naghihintay pa rin ng pag-asa." Sabi niya sa 'kin, pag-asa ewan ko lang, ako nga mukhang walang pag-asa pero, 'di susuko.
Happy crush muna tayo!
"Girl, anong hilig ni Kobi?, alam mo ba?" Tanong ko habang naglalakad kami.
"'Di ko alam, Marga. Hindi ko naman ka-close si Kobi, tanong mo kay Jack maraming alam 'yun tungkol kay Kobi, tutal sila madalas magkakasama." Sagot niya, kaya tumungo tungo nalang ako.
Nang makarating kami sa classroom wala pa sila Kobi ibig sabihin mga gantong oras sad'yang wala pa sila.
Hmm... ganitong oras na pala ako lagi papasok.
"Dwin, may alam ka bang gusto ni Kobi?" Tanong ko aba, malay ko may kalaban ako. Charot.
"Uhm... Wala naman pero, sa pagkakaalam ko ha, mga grade five yata 'yun meron siyang gustong babae hanggang grade six lumipat lang ng school." Pagkwekwento niya, sino naman kaya 'yun?
"Sino?" Tanong ko na-curious tuloy ako baka mas maganda sa 'kin.
Talo tayo ng maganda.
"Wala naman 'yun girl, si Fritz lang naman." Sabi niya naman bakit may naman?
"Fritz what?" Tanong ko ma-stalk.
"Fritz Sandoval." Sagot niya, Fritz Sandoval hindi ko kilala 'yun pero parang narinig ko na ang pangalan na 'yun.
"Hmm... Hindi ko siya kilala pero narinig ko na siya." Sabi ko habang nag-iisip.
"Weh?" Gulat niyang tanong. Anong nakakagulat?
"Si Fritz Sandoval ay anak nang may-ari ng pinaka malaking mall sa buong pilipinas, kilala siya sa buong pilipinas at sa ibang bansa dahil sa edad na 13 years old ay model na siya ng mga dress at shoes ng mga sikat na brand." Pagkwekwento niya, gano'n kayaman at kaganda ang babaeng 'yun?
Sino kaya 'yung Fritz na 'yon? Sobrang ganda ba siya? Maganda naman din ako ah? Sexy ba? Sexy naman din ako, matangkad ba? Matangkad din naman— Ano ka Margaret, tanga lang?
"Hoy!" Sigaw sa 'kin ni Dwin kaya bumalik ako sa sarili.
"Bakit ba?" Tanong ko, sakit nung sigaw niya ha.
"Nand'yan na si Kobi sa tabi mo, 'di mo ba napansin." Bulong nitong sabi nakinalaki ng mata ko.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Bulong ko. Kainis.
"Kanina pa kita tinatawag hindi ka natunghay kala ko nga tulog kana." Sagot niya.
"May inisip kasi ako." Bulong kong sagot, wala ako sa mood kiligin ngayon iniisip ko kung gaano kaganda ang Fritz na 'yun.
"Ano bang iniisip mo?" Tanong niya kaya lumapit ako sa kan'ya at binulong.
"Kung gaano kaganda 'yung Fritz, na 'yun saka kung siya pa rin ba ang gusto ni Kobi." Bulong kong sabi sa kan'ya, kaya tumutungo siya saka nag-isip-isip din.
"Gusto mo talaga malaman kung si Fritz pa rin?" Tanong niya sa'kin kaya tumungo tungo ako.
"Mamaya tanong natin kay Jack alam niya 'yun." Bulong niyang sabi ngumiti lang ako.
Maya-maya lang ay dumating na si Ms. Casal nagturo siya tungkol sa mga tula syempre, nakinig ako dahil ayaw kong mapahiya kay Crush 'no.
Pagkatapos ng Filipino ay sunod naman ang ?ath ini-explain sa 'min ni Ms. Kalaw ang mga universal set, saka kami pinasagot sa white board, ang galing ni ktobi wala pang-isang minuto tapos na agad siya. Pagkatapos ng Math ay break time na na unang lumabas si Kobi kasama si Arnold nagtatawanan pang lumabas 'yung dalawa.
"Saan tayo?" Tanong ko kay Dwin.
"Gutom kana ba?" Tanong niya, umiling lang ako.
"Ako rin hindi pa gutom, tara sa likod ng building." Yaya nito hihilahin niya na dapat ako pero, pinigilan ko siya.
"Ano'ng gagawin natin doon?" Tanong ko dahil gusto ko makausap si Jack.
"Nando'n sila Kobi, may secret tambayan sila roon." Sabi niya, nagtaka naman ako.
Secret tambayan?, seriously?
"Meron no'n?" Tanong ko, tumungo lang siya saka ulit ako hinila grabe ang babaeng 'to ah, gano'n siya ka-stalker kay Arnold alam niya lahat.
Nang nasa likod na kami ng building ay dahan-dahan lang kami naglakad at doon namin narinig ang bulungan ng dalawang lalaki.
"Bro. move-on kana 'di na babalik 'yun." Rinig kong sabi ni Arnold dahil kilala ko naman ang boses no'n.
"Babalik siya." Wika naman ni Kobi dahil kilalang kilala ko ang boses niya. Sinong babalik?
"Maghanap ka nalang ng iba, ayaw sa 'yo ni Fritz remember? Dahil iba ang gusto niya." Rinig kong sabi ni Arnold.
What?! Ayaw ni Fritz kay Kobi? Sana all ayaw sa pogi.
"Bakit ba kasi si JC pa ang nagustohan niya bakit hindi nalang ako?!" Rinig kong sigaw ni kobi.
Sino naman 'yung JC?
Tinignan ko lang si Dwin at busy lang kaka-picture kay Arnold.
"Nasaan ba si JC?" Tanong ni Arnold kay Kobi.
"Nasa Italy at sumunod doon si Fritz." Mahinahon na sabi ni Kobi pero, kita ko sa mga mata niya ang galit.
"Aray!" Sigaw ni dwin. Kaya nilungon ko siya.
"Dwin, ano ba?" Bulong ko dahil baka mahuli kami.
"Sorry naman kinagat ako ng langgam." Sabi nito sabay kamot sa paa niya.
"Sino 'yan?" Rinig naming sabi ni Kobi, nakinalaki ng mata namin kaya dali-dali kaming tumakbo ni Dwin palayo.
"Bwisit ka, pahamak ka masyado." Sabi ko rito, siya naman kumakamot lang sa ulo niya.
Nandito kami ngayon sa library dahil ito ang pinakamalapit taguan.
"Sorry naman ang sakit kasi kinagat ako."
Pero, 'di ko pa rin malimutan ang narinig ko, sino ba si JC?, at bakit parang galit na galit si Kobi na si JC ang gusto ni Fritz at hindi siya mahalaga ba sa kan'ya si JC?
"Kilala mo ba 'yung sinasabing JC ni Kobi?" Tanong ko, kita ko kung paano siya napalunok.
"Uhm... Si JC kasi kapatid ni Kobi." Sagot nito kaya tumungo tungo ako eh, bakit napalunok pa ang babaeng 'to kung kapatid lang pala.
"Ilan taon na si kobi?"
"15 years old."
"Ha?" Naguguluhan ko sabi, eh mas matanda siya sa 'min.
"Oo, nag-stop kasi siya before, grade 1 yata ayaw pumasok ayaw mahiwalay sa Mommy niya."
"Ilan taon na 'yung JC?" Tanong ko.
"16 years old."
"'Yung fritz?" Tanong ko ulit.
"14 years old." Hala? Ang bata pa rin.
"Bakit wala si JC dito?" Tanong ko ulit, dahil kanila ang school na 'to, pero, bakit hindi siya rito pumapasok?
"Nasa Italy siya, gaya nang narinig mo."
"At dahil sa narinig ko alam ko na ang sagot sa mga tanong ko kanina." Malungkot kong sabi saka bumuntong hininga.
Alam ko na si Fritz pa rin pero, bakit ako susuko kung gano'n wala namang sila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top