Chapter 16
Excited ako ngayon dahil wala kaming gagawin buong linggo kundi ayusin ang mga kailangan sa School fair. Kung sa ibang school foundation day tawag nila sa ganito sa amin School fair.
Syempre dahil dakilang makulit ako, mangengealam ako sa mangyayari sa School fair, tatlong araw aayusin ang mga booths at clubs. Thursday at friday naman ang mismong event.
Pagkauwi ko kahapon ay nag-aaway na naman sila Papa at Mama, tungkol na naman sa 'kin 'yun, malulungkot na sana ako buong magdamag kahapon kung hindi lang tumawag sa 'kin si Kobi at pinapunta ako sa bahay nila himala nga. Doon daw muna ako at wala siyang kasama. Wala naman kaming ginawa kundi manood ng Spiderman! Hindi ako interested sa ganoon pero dahil siya kasama ko nanood nalang din ako.
Dali-dali ako naligo pagkababa ko ay si Mama at Ate lang nakita ko na nakain sa Dinning area.
"Si Papa po?" Tanong ko, dahil lagi nalang siya hindi na sabay sa breakfast namin.
"Umalis na may gagawin pa raw siya." Matamlay na sagot ni Mama pero pilit pa rin siyang ngumiti sa 'kin. Kahit hindi ko siya tunay na Mama nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi niya ako tinuring na iba sa kan'ya.
"Hmm... Pasok na po ako." Paalam ko at hindi na hinintay ang sagot nila dahil gusto ko agad makita si Kobi feeling ko talaga may pag-asa na ako sa kan'ya. Feeling ko lang.
Willing ako magpakatanga basta may pag-asa ako.
Pagkalabas ko ng gate ay nagsimula na akong maglakad dahil wala akong balak sabayan si Kobi gusto ko ako ang mauna sa kan'ya, hihihi wala lang cute kasi.
Pagkarating ko sa harap ng school ay kita kona agad ang mga tao na busy sa pag-aayos para sa magaganap na School fair.
Papunta ako nang locker nang bigla ko makasalubong si Fritz, ano'ng trip ng babae 'to at bigla na lang sumulpot kabute ang peg?
"Bakit?" Tanong ko saka palihim na umirap anong kailangan kaya nito sa 'kin?
"Pwede ba kita makausap?" Mahinahon niyang tanong. Kumunot naman agad ang noo ko, ano meron?
"Ano bang pag-uusapan natin?" Tanong ko saka tumingin nang deretsyo sa kan'ya. Walang sabi-sabi ay hinila niya ako bigla papasok sa Locker room, ano'ng trip nito?
"May hihilingin ako sa 'yo." Mahinahon niyang sabi. Teh! Hindi ako si Santa claus!
"Ano 'yun?" Inosenteng tanong ko bumuntong hininga siya bago ulit nagsalita. "Alam kong wala akong karapatan hilingin ko ito sa 'yo pero, alam kong ito ang tama para makuha ko ulit siya," mahinahon niyang sabi na mas kinakunot ng noo ko, ano bang sinasabi ng babaeng 'to?
"Ha? Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhan kong tanong, deretsyo siyang tumingin sa 'kin saka huminga nang malalim bago nagsalita.
"Marga, pwede bang layuan mo si kobi." Hindi tanong iyon, mas lalong hindi pakiusap iyon, utos iyon pero, bakit? Para saan? Sino ba siya sa tingin niya? Ex-girlfriend lang naman siya. Kapag ex na tapos na.
"Ha? Seryoso kaba?" Inis kong tanong saka kinagat ang labi para pigilan ko ang sarili, baka mapa-imik ako ng 'di oras.
"Oo, seryoso ako kaya ako na ang humihiling sa 'yo layuan mo na siya." Mariin niyang sabi napairap nalang ako.
"Gusto mong layuan ko siya?" Mataray kong tanong. Tumungo lang siya saka deretsyo ulit akong tinitigan.
"Pwes, hinding-hindi ko gagawin ang gusto mo." Mariin kong sabi saka siya pinanglakihan ng mata.
"What?!" Iritado niyang sigaw, 'yan lumabas na ang totoong ugali mo.
"What mo mukha mo, hindi ako lalayo kung may lalayo man ikaw 'yun." Nakaturo kong sabi sa kan'ya. "At hindi ako..." diin kong dagdag. Ngumisi lang siya saka muli nagsalita.
"Ha! Marga I know you know, we have Kobi's past so don't make a fool of yourself because you are just forcing yourself on someo-"
"Anong sa tingin mo makukuha mo ulit siya gano'n ba?" Inis kong tanong saka ulit umimik.
"Hinding-hindi na mangyayari 'yun, kung ako nga tanga kasi nagpapaka tanga ako sa taong gusto ko pwes, mas tanga ka na sa'yo na pinalaya mo pa, tsaka ba't kailangan ko lumayo kung alam mong makukuha mo pala siya? Mahina ka kung ganoon."
"Tapos ngayon ka maghahabol kung kailan kumawala na, ay mas tanga ka talaga. Mas maganda ka sa 'kin, mas matalino ka nga sa 'kin pero, mas tanga ka sa 'kin, hindi man ako kasing ganda mo o kasing talino mo atleast ako ang nandito at handang mahalin ang taong niloko at pinagpalit mo!" Pasigaw kong sabi at isang malupit nasampal lang natanggap ko sa kan'ya.
"Paano mo nasabi na hindi ko naulit siya makukuha mula sa 'yo?, ikaw lang ang nand'yan at lagi niyang kasama siguro ka bang ikaw ang mahal niya?" Seryoso niyang tanong, hindi agad ako nakaimik dahil totoo naman ang sinabi niya.
Hindi naman ako ang mahal ni Kobi dahil siya pa rin. Hindi ko nga alam kung ano ba kami? O may kami ba?
"Ano naman kundi nga ako ang mahal?" Tanong ko kahit masakit at parang sinaksak ang puso ko sa sarili kong tanong. Umirap ako, nauubos na ang pasensya ko sa kaniya. "Ano naman kung gano'n?, atleast nandito ako sa present. Past ka lang present ako. Kaya 'wag mo 'ko maganiyan-ganiyan." Galit kong sabi kapag ako hindi nakapagtimpi rito may sampal din itong makukuha sa 'kin. Kapal ng mukha sinampal ako, kundi aki nagkakamali 1 year lang naman tanda nito sa akin, ka edad yata siya ni Kuya JC kundi ako nagkakamali.
"Stupid!" Sigaw niya nakinainis ko lalo.
"Stupid na kung stupid atleast naging tanga ako sa pagmamahal hindi sa pagiging makasarili para lang makuha ang gusto niya! Nakayanan panggumamit ng tao!" Sigaw ko at isang sampal na naman ang natangap ko isa pa talaga papatulan talaga kita.
"Nakakailan kana hinayupak ka!" Galit kong sigaw, hinayupak na 'to galing-galing manampal. Akmang sasampalin niya ulit ako ng unahan ko na siya at saktong pagbukas naman ng pinto.
"Kobi..." Kinakabahan kong sambit saka binaling ang tingin kay Fritz na nakaupo na ngayon sa sahig hawak ang kan'yang pisngi na sinampal ko!
Grabe galing din pala umarte ng isang 'to. Kala mo victim na victim.
"Marga! Ano bang ginawa mo?!" Sigaw na sabi sa 'kin ni Kobi saka dali-dali lumapit kay Fritz.
"Kobi... Siya ang nanguna." Pagsasabi ko ng totoo pero, mukhang hindi siya naniwala at masama lang ako tinignan saka niya tinulungan tumayo si Fritz.
Akala ko talaga. Wala na... Wala ka ng feeling sa kanya pero, mukhang nagkamali ako dahil siya pa rin at talagang siya pa rin ang pipilin mo. Siya pa rin ang paniniwalan mo sino nga ba ako? Para paniwalan mo isang babaeng naghahabol at umaasa lang naman sa 'yo na mahalin mo din.
Tinignan ko lang sila saka nagmadali lumabas ng Locker room, dahil hindi ko na kaya ang nakikita ko masyado akong nasasaktan sa nakikita ko dahil umasa ako! Umasa akong mamahalin mo na ako ngayon. Umasa akong may gusto kana sa 'kin ngayon.
Inakala ko lahat ng 'yan pero talagang akala lang dahil hinding-hindi mangyayari na mamahalin mo ako. Sino ba naman ako para piliin mo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top