Chapter 14

TW: SA (SXUAL ASSAULT)


Mama! Sunduin niyo na ako rito!

'Di ko naman alam na ganIto party pala pupuntahan ni Kobi eh kala chill na swimming lang na may inom, e 'di sana hindi na ako sumama, tapos iniwan ako ng tukmol dito sa mga kaibigan niyang babae, wala akong magawa kundi inumin ang binibigay nila na alak ang panget ng lasa! 'Wag daw ako KJ, ganutan ko sila eh.

"Marga, one more shot!" Sigaw ni Ana sabay abot sa 'kin ng shot glass syempre wala akong magawa kundi inumin 'yun.

Nakailan na akong shot.

Sabi ni Kobi babalikan niya ako rito.

"Ayoko na." Mahina kong sambit dahil nahihilo na talaga ako.

"Marga ang hina mo naman." Rinig kong sambit ni Ibarra, 'yung guy na kasama ni Tyron kanina.

"Nasaan na ba si Kobi?" Tanong ko kay Ibarra dahil nahihilo na talaga ako feeling ko babaksak ako nang wala sa oras.

"Inaantok kana ba?" Tanong niya sa 'kin, at randam ko ang kamay niya na nakahawak sa bewang ko kaya agad--agad kong inalis 'yun.

"Dalhin mo nalang ako kay Kobi please..." Pagmamakaawa ko, hindi kona talaga kaya hilong-hilo na ako putek, anong klaseng alak pinainom sa 'kin ng mga 'yun at nahilo ako nang ganito.

"Sige alalayan na kita." Sambit niya saka ako hinawakan ng mahigpit sa bewang wala naman akong nagawa dahil kapag inalis ko ang kamay niya ay tutumba ako.

Inalalayan niya ako maglakad paakyat sa hagdan hindi ko alam bakit kami paakyat baka nando'n si kobi hilong-hilo na ako.

Maya-maya napansin kong nasa isang kwarto kami ano'ng ginagawa namin dito?

"Ahm, bakit nandito tayo?" Tanong ko dahil wala naman si Kobi sa loob ng kwarto kinakabahan ako hindi ako nakakaramdam ng maganda.

"Upo ka lang diyan papunta na dito si Kobi." Sambit niya saka ako inalalayan umupo sa kama.

Sumandal lang ako sa kama saka pinikit ang dalawa kong mata na kanina pa gusto pumikit.

Nasaan naba kasi si kobi? Sabi niya babalikan niya ako rito bwiset naman!

Mga ilan minuto ang lumipas ay parang may nararandaman ako sa hita ko na may humahawak.

Napadilat ako ng mata dahil randam ko ang mga kamay na humahaplos sa mga hita ko.

"Ano ba?!" Sigaw ko saka tumayo kahit nahihilo na ako hindi maganda ang kutob ko sa lalaking 'to. Hinahanap ng mata ko si Ibarra pero, si Tyron na ang nasa loob ng kwarto.

"Aray!" Daing ko dahil malakas na suntok sa sikmura ang nakuha ko.

Naramdaman ko lang na nakahiga na ako sa kama ayaw ko pa mamatay.

"Tulong!" Sigaw ko habang umiiyak.

"Bitiwan mo 'kong hayop ka!" Umiiyak ko na sigaw dahil hinawakan niya ang mag-kabilang braso ko.

Hayop na lalaking 'to napaka hayop mo!

Kobi please kahit ngayon lang hanapin mo 'ko!

***

Kobi's Pov

Kanina pa ako paikot-ikot dito sa resort, dahil wala na si Marga sa pinag-iwanan ko kanina hindi maganda ang kutob ko lalo na sa kaibigan kong si Tyron alam kong manyak ang lalaking 'yun humanda talaga siya sa 'kin kapag may ginawa siyang masama kay Marga. Kaya hindi ko maiwan si Marga eh kaso bigla ako hinila ng mga gagong iyon I already told to Ana na bantayan si Marga because I trusted her but she didn't even know kung nasaan si Marga ngayon, bullshit!

Maya-maya nakita ko ulit sila Ana

"Ana, did you see Marga?" Tanong ko ulit dahil sa kan'ya ko iniwan si marga kanina baka maalala niya baka nakita niya na dumaan man.

"Kasama ni Ibarra umakyat sa kwarto sa taas sumunod nga sa kanila si Ty." Sagot niya at muling uminom, what the fuck?!

Dali-dali akong tumakbo pataas at agad binuksan ang mga kwarto roon, hayop na lalaki 'yun!

"What the hell are you doing?!" Galit kong sigaw at agad siyang pinagsusuntok ng malakas hayop na lalaki na "to!

"Kobi! Tama na." Rinig kong sigaw ni Marga pero, 'di ako tumigil binaboy niya si Marga hayop siya!

"Kobi... please tama na.." Humahagulgol na pagmamakaawa ni Marga kaya tumugil na ako sa pag-suntok.

"Uwi na tayo please..." Umiiyak niya pa rin sabi.

"Tara na, 'wag kana magpapakita sa 'kin kahit kailanma!." Galit kong sabi kay Tyron bago inalalayan lumabas ng kwarto si Marga.

"I'm sorry." Paghingi ko ng tawad, kundi ko siya iniwan kanina hindi mangyayari sa kanya 'yun hindi siya mababastos, mabuti hindi natuloy ang masamang balak ng hayop na 'yun.

"W-Wala kang kasalanan, ako ang may ggusto sumama." Utal-utal niyang sagot at halatang takot na takot siya.

"Shh... I'm so sorry." Mahinahon kong sabi saka siya niyakap, dahil hindi na siya makapaglakad nang maayos ay binuhat ko siya na parang bata. Nakahiga lang ang ulo niya sa balikat ko at doon umiiyak.

Pagkarating namin sa sasakyan ay agad kong siyang sinakay, dahil tulala na siya sa mga oras na ito hindi na siya na imik iyak lang siya nang iyak.

Damn! I don't want to see a woman crying! Kaya nung araw nakita ko siyang umiiyak sa balcony niya ay agad ko siyang chinat, dahil ayaw na ayaw kong nakakita ng umiiyak na babae lalo na siya hindi ko alam pero... Ayokong makitang umiiyak si Marga dahil nasasaktan din ako hindi ko alam bakit!

"Go on, sleep I will not leave your side." Sambit ko saka siya hinalikan sa noo. Tumungo tungo lang siya saka pinikit ang mga mata niya kukunin kona sana ang kamay ko na kanina pa niya hawak ng bawiin ulit niya.

"Pwede... bang hawakan ko nalang 'to?" Nahihirapan pa rin niyang tanong, tumungo nalang ako kaya pumikit na ulit siya.

Nagmaneho ako ng isa lang kamay dahil ang higpit ng hawak niya sa kamay ko takot na takot siya na baka iwan ko ulit siya ramdam ko ang takot niya. Okay rin naman sa akin I don't know but I'm comfortable while she holding my hand.

Sorry talaga marga hindi na ma-uulit 'yun. Hindi na kita iiwan ulit...

"Bakit..." Rinig kong sambit niya kaya napatingin ako bahagya sa kan'ya, umiiyak pa rin siya kahit tulog at umiimik pa.

"Ang gusto ko lang naman mahalin mo 'ko, bakit kailangan mo pa ako saktan ng ganito..." Rinig ko pang sabi niya sino ba napapanaginipan ng babaeng 'to?

"Mahalin mo lang naman din ako, 'yun lang ang hiling ko, pero bakit hindi mo magawa? Bakit siya pa rin? Bakit siya pa rin? Kobi..." Sabi pa niya kaya napaharap ako bigla sa kan'ya ng bigla ko marinig ang pangalan ko.

I am the one in her dream that even in her dream, I do not want to love her...

I do not want to force myself to like you or to love you because I want my feelings to voluntarily, kaya sorry pero alam kong mamahalin din kita pero hindi muna siguro sa ngayon. Ayoko magmahal habang nasa healing stage.

I hope you don't get tired of loving me...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top