Chapter 13
Sabado ngayon syempre tambay-tambay lang sa bahay, hindi ko pa rin malimutan 'yung sinabi ko sa kan'ya kagabi, ang tapang ko sa part na 'yun!
Kanina pa ako iko't nang ikot dito sa bahay, wala sila Mama, Papa, at Ate, si Dwin naman ay gumala kasama ni Arnold.
Gusto ko naman puntahan si Kobi sa kanila pero mukhang wala siya sa kanila, wala kasi ang sasakyan niya sa garahe nila.
"Naboboring na ako rito, gusto ko talaga gumala kaso walang kasama." Inis kong sambit sa sarili saka padabog na naupo sa sofa tanging katulong lang kasama ko rito alangan naman yayain ko si Manang maggagala!
"Si Lance kaya..." Bulong kong sabi, baka busy 'yung tao kaso naboboring na talaga ako.
Dali-dali akong tumayo at tumakbo papunta sa kwarto ko para mag-ibis, basta aalis ako! Kung saan man ako makarating basta gusto ko umalis ngayon!
Simpleng white sleeves dress lang ang sinuot ko.
Dahil gusto ko pumunta ngayon sa mall bibili ako ng bagong damit napansin ko kasing naubos na damit ko nasisira ko kasi, kasalanan ko ba?!
Pagkalabas ko ng bahay ay sakto naman pagbukas ng gate nila Kobi, mabilis ako kumaripas ng takbo papunta sa kanila nang makita kong si Kobi ang laman ng sasakyan. Akala ko pa naman wala siya tapos aalis pala siya ngayon. 'Di ako updated.
"Kobi!" Sigaw ko. "Saan punta mo?" Tanong ko dahil kapag mas maganda ang pupuntahan niya sasama na ako sa kan'ya, okay lang iyon kala Mama alam naman nilang mabait si Kobi.
"How 'bout you, Margaret? Where are you going?" Tanong niya sa 'kin, aba, binuo iyong first name ko, ayoko talaga kapag binabanggit iyon pero siya na iyan eh, alangan ayawan ko pa!
"Sa totoo lang hindi ko rin alam eh..."
Mukhang nagular siya sa sagot ko, nanlaki kasi ang mata niya mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko sa kaniya. "What?!" Tanong niya, tinitigan niya ako na parang sinisiguro kung nagbibiro ba ako.
"Aalis ka pero 'di mo alam saan ka pupunta?" Natatawa niyang tanong, shit ngayon ko lang siya nakita tumawa kahit kaunti, gwapo tumawa sarap gawin asawa.
Charot na medyo hindi, ba't pa gagawin charot kung pwede naman tutuhanin.
"Kaya sama nalang ako sa 'yo!" Masigla kong sabi nakinatigil Niya sa pagtawa...
"Fucking no way!" Sigaw niyang sabi, hindi ko ma-sip pagalit ba 'yun or ewan.
"Bakit?" Taka kong tanong sasama lang naman ako eh tsAka, alam naman nila Mama na gala akong bata kaya hindi na ako hahanapin ng mga 'yun.
"Hindi pwede." Mariin niyang sagot.
Napakamot naman ako sa ulo."Bakit nga?" Nagtatalon kong tanong ayaw kasi sabihin kung bakit bawal!
"Malayo ang pupuntahan ko gabi na ang uwi ko." Sagot niya at akmang sasarhan niya na ang bintana ng sasakyan niya ay agad ako nagsalita.
"Wala akong pakialam basta sama ako." Para kong batang sabi saka nagtatakbo papunta sa shotgun seat.
"Margaret, hindi nga pwede, bawal ang bata roon." Inis niyang sabi bakit nga kasi bawal.
"Why muna?" Nakanguso kong tanong.
"Pupunta akong Laguna, bawal ka roon, bata ka pa, ako hindi na." Sagot niya. Laguna! Gusto ko sa laguna matagal-tagal na din ng bago ako makalayas sa lugar na 'to.
"Wala, sama ako gusto ko din sa laguna." Malaki kong ngiti sabi.
"Hindi nga pwede, party ang pupuntahan ko..." Naiinis na talaga niyang sabi bakit ba ayaw niya ako i-sama? Huhu.
"Sinabi ng sasama ako, anong party?! Seventeen ako turning eightteen, ikaw alam kong eightteen kana at turning nineteen, pero sama pa rin ako." Matapang kong sagot saka nag-seatbelt.
"Fine!" Napipilitan niyang sagot saka pinaandar ang sasakyan kaya agad kong kinuha ang cellphone ko para matawagan Si Ate.
"Hello?"
"Nasaan ka?" Tanong ko.
"Sa tabi-tabi lang, bakit ka napatawag?" Tanong niya, tabi-tabi lang ano siya nuno?!
"Baka gabi ako umuwi umalis ako ng bahay."
"Nasaan kang babae ka?"
"Basta, 'wag niyo na ako hintayin pauwi, may susi ako." Magrereklamo pa sana siya kaso pinatay kona agad ang tawag.
"Anong party ba ang pupuntahan mo?" Tanong ko.
Malay ko ba kung anong klaseng party 'yun mayayaman na party or ewan ayos naman ang suot ko kaya hindi nakakahiya.
"Pool party." Walang gana niyang sagot habang ang mga mata ay nasa daan lang, ako nga titig na titig sa kan'ya ang bango talaga niya!
"Pool party?" Taka kong tanong, alam ko ang ibig sabihin ng pool party pero. Jusko po naka-dress ako hindi two-piece!
Pero sabi nga ni Kobi, bata pa ako.
"Pool party, syempre may swimming pool." Pilisopo niyang sagot, galing sarap halikan baka tumino ka!
"Alam ko, pero sino mga kasama mo?" Tanong ko ulit, aba malay ko ba kung sino mga kasama niya baka nadoon si Fritz.
"Old friends." Tangi niyang sagot kaya tumungo-tungo nalang ako 'yung tiyan ko gutom, hindi pa ako nag-breakfast. Tsaka marami talaga siyang old friend, hindi naman daw talaga dapat Grade 10 si Kobi eh parang na-late yata siya o tumigil. Hindi ko tanda masyado. Tsaka palipat-lipat siya ng bansa 'no!
"Matulog ka nalang, mahaba pa ang byahe." Mahina niyang sambit ayaw ko nga mas gusto kong titigan ka buong byahe kaysa matulog 'no!
"Ayaw ko." Umiiling kong sagot. Hindi na siya umimik at hinayaan nalang ako.
Tahimik lang ako sa buong byahe habang nakikinig ng kanta sa cellphone damot nga ni Kobi hinihiram ko lang cellphone niya 'di ako pahiramin kala mo naman may gagawin akong kalokohan.
"Kobi, matanong nga kita ano'ng dapat ko gawin para gustohin mo rin ako?" Seryoso kong tanong sa kan'ya na kinagitla niya lagi nalang siya nagugulat sa mga tanong kong ganto.
"I don't know, and also you're still a minor, Margaret." Sagot niya, napakunot naman ang noo ko.
"Bakit hindi mo alam? Tsaka, ano?! So kapag nag-birthday ako pwede na?!" Tanong ko ulit. Bakit nga ba hindi alam ng tao kung paano magmahal nang pabalik sa taong hindi nila mahal? Tsaka, baka hinihintay lang talaga niya ako or, assumera ako. Okay lang atleast kinikilig sa sariling imagination!
"Hindi kasi 'yan ginagawa, Marga. nagkukusa 'yan." Simple niyang sagot pero, malalim ang ibig sabihin at hindi ko na gets 'yun putek. I mean medyo na hindi.
"Mas maganda na mahalin nang kusa? Kaysa pilit? Pero bakit ang mga lalaki nanliligaw sa babaeng gusto nila para mapatunayan nila ang sarili nila, tapos kaming mga babae bawal?" Tanong ko ulit, tumungo lang siya.
"Kinasanayan na 'yon, Mushroom. Nasa philippines tayo, remember?" Napairap nalang ako sa sagot niya. Sabagay may point.
"Pero, paano kapag hindi mo 'ko mahalin nang kusa?" Mahinahon kong tanong habang nakatingin pa rin sa kan'ya nang deretsyo. Tumingin siya sa 'kin bago nagsalita.
"Hindi ko rin alam." Sagot niya saka ulit binalik ang tingin sa kalsada.
Gano'n ba ako kahirap mahalin kaya hindi mo alam? Or sad'yang ayaw mo akong mahalin dahil hindi pa handa ang puso mo magpapasok ulit dahil takot ka ulit masaktan, maagawan, or iwan?
Tumahimik nalang ako dahil feeling ko mauubos na ang hangin ko, buti nalang may dala akong lolipop kaya 'di ako naboring masyado naiwan ko pa chocolate ko sayang.
Pasado alas-dose nang hapon nang makarating kami sa isang resort.
Pagmamay-ari raw ito ng kaibigan nila malawak at malaki private resort 'to kaya sila-sila lang ang tao at walang iba.
May tatlong malalaking pool akong nakita, may mga cabin din. Pagkahinto pa lang ng sasakyan ay agad akong bumaba ang ganda ng view parang ang sarap tumira rito.
"Hey!" Sigaw ni Kobi dahil nanguna na ako pumasok kapal ng mukha ko 'no, hindi ako 'yung invited pero ako 'yung nanguna.
Tumigil ako sa paglalakad at pinauna na siya maglakad, dahil may nakikita akong mga lalaking topless, mga babaeng naka swimsuits, ingit ako kaso katawan ko pang-bata!
"'Wag kang lalayo sa 'kin." Bulong niyang sabi tumungo lang ako kita ko nakipag-apir siya roon sa mga lalaking naka topless my virgin eyes!
Gusto ko si kobi lang makikita kong gan'yan!
"Kobi." Bati sa kan'ya nung lalaking moreno na matangkad saka bumaling ng tingin sa akin syempre ngumiti ako.
"Oh, may chix." Bulong nasabi nung isa niyang kasama pero narinig ko 'yun.
"Sino 'yan, Bro?" Tanong nung lalaki moreno kay Kobi, sino ako? Asawa niya Char.
"Friend." Tanging sagot ni Kobi. Ouch kaibigan lang pala.
"Hi Beautiful. I'm Tyron." Pakilala sa 'kin nung moreno na may abs!
"Hi, Marga!" Masigla kong pakilala saka inabot ang kamay ko mukhang ayaw niya bitawan ang kamay ko kaya hinila ko na. Medyo uncomfortable na...
"Pasok na kayo." Senyas niya kaya pumasok na kami pero na-una sila bago pa ako tuluyan makapasok ay may binulong sa 'kin ang bebe ko.
"Do not approach any man here, when I'm with you." Wika niya saka hinapit ang bewang ko nakina gulat ko.
Kung panaginip 'to ayoko ko na magising!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top