Chapter 12
Dahil hindi ko na kaya ang nakikita ko at gusto ko muna magpahangin sa labas, tumayo na ako at saka naglakad palabas ng Venue, halata naman hindi niya ako napansin na umalis syempre ang mga mata niya na kay frityz.
Fritz na naman.
Lakad lang ako nang lakad hanggang sa makarating ako sa Garden, pumunta ako sa malaking puno na madalas kong tambayan ng mga panahon na umalis si Kobi. I don't know? Sinubukan ko naman siyang kalimutan kasi nga bata pa naman ako noon, pero wala eh gustong-gusto ko pa rin siya.
Bakit ba siya gano'n? Hindi ba niya randam na may tao na nasasaktan din habang pinapanood siya? May pag-asa ba talaga ako sa kan'ya... Pero randam kong meron eh... Oh tange lang talaga ako at umaasa? Assumera? Ganoon?
"Miss, okay ka lang?" Sabi ng boses lalaki mula sa likod ko, bahagya ako nagulat dahil doon saka ko ito mabilis nilingon. Gabi na kaya tapos may magsasalita bigla sa likod mo sino hindi magugulat?!
"Kuya, ano kaba bakit kaba nangugulat?!" Reklamo ko syempre nagdra-drama 'yung tao tapos gugulatin mo, suntukan nalang.
"Sorry," tumawa ito. "Nakita kasi kita naiyak nagulo na nga Make-up mo eh." Aniya sabay bigay sa 'kin ng panyo at doon ko lang na pagtanto basa na nga ang mukha ko!
"Thank you..." Pasasalamat ko kahit nahihiya, kinuha ko agad 'yung panyo at pinunasan ang mukha ko, maganda pa rin naman ako kahit wala ng Make-up kaya ayos lang na matagtag 'to.
"Uhm, bakit ka ba naiyak?" Tanong niya sa 'kin at umupo siya sa tabi ko.
"Kasi... Kuya alam mo 'yun feeling na may gusto ka pero alam mong may gusto siyang iba." Mahina kong kwento, hindi ko alam kung bakit pero comfortable ako sa kan'ya magkwento.
Weird talaga 'no? Kung sino pa 'yong bagong kilala mo roon ka nagkwekwento ng buhay mo.
"'Wag mo na akong tawagin Kuya. Keian nalang." Pakilala niya sabay abot niya ng kamay niya.
"Marga, Kuy— este Keian." Pakilala ko sabay abot ko rin ng kamay.
"Alam mo Marga, hindi lahat nang gusto mo makukuha mo pero, kung may laban ka 'wag kang sumuko tsaka bata ka pa naman pero wala akong karapatan invalid ang nararandaman mo, kasi lahat tayo nakakarandam ng Love." Aniya, habang nakatingin sa kalangitan.
"Alam mo kasi gan'yan din ako noon, kaso nga lang hindi ko siya pinaglaban alam mo 'yung alam kong may laban ako pero 'di pa rin ako gumalaw kaya naunahan ako nang iba kaya masaya na siya sa iba ngayon, lagi rin kasi sabi sa akin noon, bata pa ako ba't ko iisipin ang nga bagay na iyon?" tumawa ito. "Tapos ngayon nasa legal age na ako, nagsisi ako kasi lagi ako naniniwala sa sinasabi nila, ayon masaya na siya sa iba." Malungkot niyang dagdag, sino kaya 'yung babaeng 'yun? Sa gwapo at sa bait ni Keian hindi niya 'to ginusto.
"Ilan taon kana ba, Keian?" Tanong ko, gala ako dito sa school pero never ko siya napansin.
"Nineteen, and nakikita kita lagi rito." Sagot niya n,akikita niya ako lagi eh 'di kita nakikita!
"At kilala ko ang dahilan kung bakit ka umiyak." Dagdag pa niya halata naman siguro dahil lagi akong buntot ni Kobi 'no. Focus si Kobi kaysa sa akin.
Hindi ako umimik hinayaan ko lang siya magsalita dahil alam kong may problema rin siya.
"At alam kong may laban ka kaya 'wag kang sumuko." Wika niya. Anong Ibig sabihin alam niya 'yung tungkol kaila Kobi at Fritz?!
"Ano'ng ibig sabihin mo, Keian?" Tanong ko, 'di ko na-gets masyado. Gusto ko siya kuyahin kasi matanda talaga siya kaso hindi yata siya comfortable.
"Kapatid ko si Fritz." Sagot niya nakinagulat ko, ano? Kapatid niya pero, bakit ang bait niya? Tapos 'yung kapatid niya... Nevermind.
"Kapatid ko lang siya sa Ina pero hindi sa Ama." Kwento niya kaya tumungo-tungo ako, na-gets ko na mag-kapatid sila sa Ina, ibig sabihin hindi sila parehas ng Ama. Oh inulit ko lang sinabi niya?
"Pero, paano mo nalaman na may laban ako sa kapatid mo? Bakit parang mas gusto mo ako ang mapunta kay Lobi?" Taka kong tanong, aba kapatid niya 'yung tao pero ibang tao ang gusto niya maging masaya.
'Di niya ba alam na pwede niya masaktan ang kapatid niya dahil siya pa mismo parang ayaw niya kay Kobi, pero, bakit?
"Dahil... Ano..." Bumuntong hininga siya. "Hindi deserve ni Kobi ang katulad ng kapatid ko." Dagdag niya, saka dahan-dahan humarap sa 'kin at hinawakan ang makabilang balikat ko.
"Alam kong alam mo ang ginawa ng kapatid ko kay Kobi, sa lalaking mahal mo, at mabait na tao si Kobi hindi siya nararapat na masaktan ulit pa, kaya gawin mo lahat para hindi siya mapunta kay Fritz dahil gusto ko rin maging masaya ka marami akong kasalanan sa 'yo."
Na-gets ko 'yung una niyang sinabi pero— hindi ko na-gets 'yung marami siyang kasalanan sa 'kin?! Ano raw?! Kakakilala ko pa lang sa kaniya ano bang meron sa lalaking ito?!
"Keian, ano bang ibig mong sabihin?" Taka kong tanong dahil hindi ko talaga siya naiintindihan.
"'Wag mo muna isipin 'yung sinabi ko, tara samahan kita balik na tayo sa loob baka hinahanap kana ng kapartner mo." Yaya niya saka ako inalalayan tumayo.
Naglakad na kami pabalik sa loob pero hindi pa kami nakakapasok ng tuluyan ng Venue ay nakita ko na agad si Kobi na masamang nakatingin sa 'kin.
Hala?! Anong ginawa ko bakit galit na naman siya?!
"Saan ka galing? Kanina pa kiya hinahanap." Malamig ang boses niyang tanong.
"Diyan lang sa tabi-tabi." Mahina kong sagot saka tinagtag ang pagkakahawak ko kay keian.
"Keian, pwede na ako rito, salamat." Nakangiti kong sabi pero masama ang tingin niya kay Kobi, ano bang nangyayari?
"Sige Marga, mag-ingat ka." Sabi niya saka tumalikod paalis, hinabol ko lang siya nang tingin bago humarap kay Kobi.
"Gusto kona umuwi, kung ayaw mo pa umuwi papahati—"
"Okay." Putol niya sa sinabi ko saka ako inalalayan pa punta Parking Lot. Nang makasakay kami sa sasakyan ay agad niya 'yun pinaandar.
"Do you still love her?" Tanong ko at mukhang nagulat siya sa tanong ko ayaw ko na magmukhang tanga 'no! Kaya gusto kona malaman ang totoo!
"Who are you referring to?" Tanong niya bakit ba ayaw niya nalang magsabi ng totoo?!
"Kobi, alam kong alam mo ang tinutukoy ko." Inis kong sambit hindi ko na mapigilan ano bang magagawa ko.
"Bakit ba gusto mo malaman?" Tanong niya, syempre para alam ko ang gagawin ko.
"Do you still love her?" Tanong ko ulit, sagutin mo na kasi!
"Kung sasabihin kong, yes. What can you do?" Tanong niya, ibig sabihin mahal niya pa nga ha ano'ng akala niya sa 'kin tanga at hindi ko halata.
"So... Mahal mo pa nga?" Tanong ko ulit. Gusto ko sabihin niya ng deretsyon!
"I don't know." Sagot niya kaya bahagya kinurot ang puso ko. Tinigil niya ang sasakyan sa harap ng bahay namin bumuntong hininga muna ako bago ulit nagsalita.
"Tinanong mo kung ano
ang gagawin ko kapag sinabi mong yes pero, I don't know ang sinagot mo. Abnormal kaba?!" Inis kong ambit saka huminga ulit nang malalim. Nang-iinis 'ata siya eh.
"You still love her right now but, I can assure you that you will love me next time and maybe you will love me even more than you think." Mayabang kong sabi bago lumabas ng kotse niya ha!
English 'yun ah galing ko roon.
Mahalin mo siya ngayon dahil masisiguro ko mas mamahalin mo 'ko kaysa sa pagmamahal mo sa kan'ya, dahil iba ako sa kan'ya ibang-iba... Hindi mo pagsisihan na mamahalin mo 'ko kapag dumating ang araw na 'yun.
Tanga nalang ang aayaw sa katulad ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top