Chapter 11

Mamaya na ang FWP kaya nandito ako ngayon sa bahay nila Kobi, gusto kasi ni Ate at si Ate Angela na rin ang mag-aayos sa 'kin. Gusto sana nila Mama ay kumuha pa ng make-up artist pero nag-volunteer na rin naman si Ate Angela kaya hindi na ako pumayag sa gusto nila Mama.

Kanina pa ako nakaupo rito sa Living Room nila l, nood nang nood ng C-drama, alam mo 'yung feeling na wala kana talagang magawa sa buhay mo.

Ayaw ko naman pasukin si Kobi sa kwarto niya para bulabugin, badtrip na iyon sa akin ng ilang araw kaya ayoko na pikunin baka umatras bigla.

"Ate Angela, bakit wala rito si Kuya JC?" Tanong ko nakakapagtaka kasi bakit wala siya rito? Eh bahay niya naman din ito. Wala na nga 'yung mga magulang nila Kobi dahil laging nasa ibang bansa tapos pati Kuya nila wala rito.

"Hmm... Nasa condo niya na 'yun nakatira ayaw kasi ni Kobi nandito 'yun." Mahinhin niyang sagot. Kumunot naman ang noo ko.

Bakit naman ayaw ng lalaking 'yon na rito ang kuya niya?, ang salbahe niya talaga kahit sa Kuya niya, snobber siya.

"Bakit naman Ate, dahil ba 'yun kay Fritz?" Tanong ko syempre malay ko ba baka iyon nga ang dahilan.

"Oo 'ata 'di ko rin sure, alam kong alam mo na nagalit si Kobi kay Kuya, ay nako Margaret ayoko magkwento ngayon, magpunta ka nalang sa taas para maayusan kana." Utos niya napakamot nalang ako sa ulo ko saka tamad na naglakad papunta sa hagdaan at umakyat na.

Habang naglalakad ako ay napatingin ako sa pinto ng kwarto ni Kobi nakaawang kasi, hindi naman siguro masama kung silipin ko lang? Silip lang.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pinto, nang silipin ko ang kwarto walang tao, nasaan 'yun? Umalis? Pumasok nalang ako sa kwarto mukhang wala naman tao.

Inis akong napakamot sa ulo ko. Marga naman! Silip lang 'di ba?! Bakit ka pumasok?!

Wala, nagawa ko na eh.

Inilibot ko 'yung paningin ko sa kwarto niya, sobrang laki, mas malaki pa sa kwarto ko.

Mayaman eh kapansin-pansin ang magagandang gamit sa kwarto may dalawang pinto sa dulong parte ng kwarto sigurado ako 'yung isa ay bathroom at 'yung isa naman ay walk-in closet niya.

Pulos kulay blue lahat, wallpaper, pinto, kama, mga table, at pati guitar niya blue nasaan naman ang bebe ko at wala rito?

Naglakad-lakad ako papunta sa mga picture. Mabilis ako tumigil nang makita ko ang familiar na mukha.

"Si Fritz..." Sabi ko saka pekeng napangiti at nanatiling nakatingin sa picture, kinuha ko 'yun para matitigan lalo. Silang tatlo 'yon, si Kuya JC, Kobi, at Fritz. Mukha silang masasaya lahat sa letrato.

"Ay kabayo!" Sigaw ko at napatalon pa ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.

"What are you doing here?" Blangko ang mukha niyang tanong sa 'kin. Bigla tuloy ako kinabahan.

Ay oo nga pala na sa kwarto niya ako, ay engot, Margaret!

"Uhm... Hinanap kasi kita eh wala ka kaya pumasok ako." Sagot ko sabay kamot sa ulo ko napansin niya 'atang hawak ko ang picture frame kaya agad agad niyang kinuha 'yun sa kamay ko.

"Leave." Mahinahon niyang sabi ngunit halatang galit siya nagalit ba siya dahil pumasok ako rito?

"Kobi, sabihin mo nga sa 'kin ex mo ba si Fritz?" Tanong ko kahit alam ko na naman ang sagot. Gusto ko sa kan'ya mismo mangaling ang sagot.

"Bakit kaba na ngengealam ha?! Mind your own business!" Napatalon ako dahil sa tono ng boses niya, hindi na 'yun mahinahon 'di katulad kanina medyo nakaramdam ako ng takot lalo na sa sama nang tingin niya sa 'kin.

"B-Bakit kaba nagagalit?" Utal kong tanong, jusko kinakabahan ako ng sobra ngayon ko lang siya nakita magalit ng sobra at hindi mukhang maganda kapag nagalit siya ng sobra! Help!

"Get out!" Sigaw niya kaya mabilis akong napayuko 'di ko alam bakit pero feeling ko may tutulong luha sa mata ko ayaw kong makita siyang magalit.

"Sorry..." Sabi ko saka nagtatakbo palabas ng kwarto niya.

"Marga!" Rinig ko pang sigaw niya pero hindi na ako lumingon.

Marga nakakahiya ka alam mo 'yun?! Tapos ikaw ang iiyak diyan eh ikaw naman 'yung pumasok sa kwarto niya para kang tanga.

Pinunasan ko muna ang kaunting luha tumulo sa mata ko bago ako pumasok sa kwarto kung saan naman dapat talaga ako pupunta likot-likot kasi ng paa ko saan-saan nagpupunta.

"Marga, saan kaba nang galing?" Tanong sa 'kin ni Ate Angela pagkapasok ko, kita ko naman na nakaayos na si Ate ng buhok at naka make-up na rin.

"Ahm... may pinuntahan lang po ako." Pagsisinungaling ko alangan naman sabihin ko na, pumasok ho ako sa kwarto ni Kobi at pinagalitan niya ako, gano'n?

"Sige na maupo kana riyan para maayusan na kita, upo na." Utos niya kaya tumungo nalang ako saka naupo sa harap ng malaking salamin.

Kinulot lang ni Ate Angela 'yung dulo ng buhok ko at nilagyan ng light Make-up hindi raw kasi bagay sa 'kin kapag makapal masyado 'yung make-up, umuwi na kami ng bahay ni Ate dahil nando'n 'yung gown na susuotin namin.

Color pink ang gown ko, simple lang siya ayaw ko rin ng sobrang garbo 'di ko naman birthday.

Pasado Six PM na nang gabi ng sunduin ako ni Kobi sa bahay at sabay naman si Ate Angela at Ate, tahimik lang ako sa byahe syempre alangan naman dumaldal agad ako hindi ko pa nakakalimutan 'yung kanina!

"Hey Margaret, I'm sorry." Sabi ni Kobi ng makapag-park na kami rito sa Parking Area ng school.

"Ayos lang." Syempre ikaw iyon eh. Simple kong sagot saka ngumiti sa kan'ya para hindi halatang nasaktan ako sa pagsigaw niya sa 'kin kanina.

"Let's go." Yaya niya saka lumabas at umikot papunta sa pinto ko at tinulungan ako bumaba.

Hindi naman sinasadya na saktong pagbaba ko ay saktong pagbaba rin ni Fritz sa kabilang sasakyan habang inaalalayan siya ni Kuya JC. Ang ganda niya sa suot niya simple but, elegant.

Inalalayan ako ni Kobi maglakad papunta sa Party hall, hindi man lang tinapunan nang tingin sila Fritz na nakatingin sa kanya syempre nginitian ko si Kuya JC at nginitian niya rin ako. Minsan hinihiling ko nalang sana si Kuya JC nalang ang gusto kom

"Kobi, bakit ba ayaw mo pansinin si Kuya JC?" Tanong ko, sige Margaret, magtanong ka pa baka iwan ka na niyan!

"Because he stole what should I have right now."

"Stole? As in kinuha?" Tanong ko ano ibig sabihin niya kinuha ni Kuya JC si Fritz sa kanya? Eh ang tanda ko si Fritz ang may gusto kay Kuya JC.

"Long story." Walang gana niyang sagot, gano'n ba 'yun kahaba at hindi niya kaya paiklin?!

"Make it shorter then." Utos ko dahil gusto ko talaga sa kaniya manggaling, feeling ko kasi kapag sa kan'ya namg galing mas maayos.

"Next time." Sagot niya saka ako inalalayan umupo, saka ko lang din napansin nauna pa pala sa 'min sila Arnold.

***

Wala akong ginawa kundi kumain lang nang kumain tinatamad naman din ako sumayaw tapos nag-perform na rin 'yung Dance group, ito naman mga kasama namin sumasayaw na, kami lang ni Kobi ang nakaupo rito at siya nakatingin sa ibang direction.

Alam mo 'yung feeling na ikaw ang kasama pero iba 'yung gusto niyang makasama.

Alam mo 'yung feeling na ikaw na 'yung nandiyan pero iba pa rin ang hanap niya.

Alam mo 'yung feeling na kahit gawin mo na lahat malipat lang sa 'yo ang atensyon niya pero, wala kang magagawa dahil nasa iba ang mga mata niyang magaganda nakatingin.

Ako 'yung nandito sa tabi mo pero siya pa rin ang gusto mo. Ako 'yung nandito at handang mahalin ka ng totoo pero mas gusto mo mahalin 'yung taong niloko kana nga ginamit ka pa.

Hindi mo ba talaga kaya kalimutan siya, Kobi?

Kahit ngayong gabi lang? Putakte ako 'yung kapartner mo ako eh... Ako at hindi siya pero siya 'yung tinititigan mo, siya 'yung pinagbibigyan mo ng pansin imbes ako.

Nasasaktan din ako kahit ngayon gabi lang please maging akin ka naman kahit ngayon lang...

Gustong-gusto sabihin ng bibig ko lahat ng 'yan pero 'di ko magawa dahil may naalala ako na ako pala ang may gusto nito lahat ng ito at napipilitan lang siya pero.

Willing pa rin akong maghintay hanggang matanggap mo na hindi siya ang para sa'yo dahil nandito na ako. Sa tabi mo ang tamang tao para sa'yo. Masyado ka lang bulag.

Hirap kasi kapag wala kang karapatan. Hindi mo alam kung saan kaba nararapat lumugar.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top