Chapter 10
Ilang araw na rin ang lumipas, hindi ko nalang masyado kinakausap sila Mama, hindi ko rin alam kung bakit ayaw ko silang kausapin, siguro dahil na rin sa nalaman ko, kahit sino naman siguro ganito ang mararandaman once malaman nila anak sila sa labas, 'di ba?
Lagi lang ako nakabuntot kay Kobi kahit papaano ay nagiging masaya ako. Nalilimutan ko ang problema ko sa bahay kapag kasama ko siya.
Nandito ako ngayon sa School dala-dala ang chocolate na binili ko, ayaw pa rin niyang pumayag maging ka-partner ko siya, last na talaga 'to kapag ayaw pa rin niya hahanap na ako ng ibang ka-partner. Masyado na siya pa gold.
"Kobi naman, pumayag kana kasi!" Inis kong sigaw kakainis naman ayaw pa rin talaga niya.
"Ayaw ko nga, ang kulit mong mushroom ka." Mushroom na naman! Ang cute ko naman kabute kung gano'n.
Mushroom daw ako kasi maliit daw ako tapos kung saan-saan daw ako bigla-bigla nasulpot.
"Kasi naman Kobi, pumayag kana kasi please..." Nagpa-pacute na ako lahat hindi pa rin natalab.
"No." Walang gana niyang sagot kaya ngumuso nalang ako at padabog na umupo.
Nilibot ko lang ang paningin ko sa buong Cafeteria, mabilis ako napangiti nang makita ko si Kuya JC.
"Kuya JC!" Sigaw ko at akmang tatayo na ako ng hatakin ako bigla ni Kobi pabalik sa upuan, ah pakshet tumama 'yung buto ko ang sakit.
"Bakit?" Taka kong tanong, si Kuya JC na nga lang yayain ko dahil ayaw niya.
"Bakit mo tinatawag 'yun?" Tanong niya habang nakakunot ang noo.
"Siya nalang yayain ko maging partner ko sa FWP kung ayaw mo." Mataray kong sagot saka akmang tatayo na ulit nang magsalita siya.
"Fine!"
"Anong fine? As in fine ayos ka lang or as in fine payag kana?" Tanong ko, aba naniniguro muna aba!
"Fine, pumapayag na ako basta 'wag ka lalapit sa lalaking 'yun." Aniya, bakit ba ayaw niya ako palapitin kay Kuya JC? Wala naman akong gusto kay Kuya JC 'no! Future brother-in law ko iyan eh! Hello siya kaya gusto ko 'no!
"Sige..." Malaking ngiti kong sabi saka ulit naupo sa tabi niya. Bukas na kasi 'yung party at halos lahat naka-ayos na kaya nakatambay lang kami rito sa Cafeteria.
Nasaan ang kaibigan ko? Ayon kasama si Arnold close na close na sila daig pa nila mag-jowa kami kaya kailan magiging gano'n. When Lord?! When?!
"Kobi..." Pagtawag ko sa kan'ya pero hindi niya ako nilingon dahil busy pa rin siya sa kaka-cellphone.
Itong lalaking 'to hindi ko alam kung pinanganak sadya para maging tanga sa pag-ibig, pogi nga snobber naman, pogi nga tanga naman, kahit mahal ko 'to hindi naman masamang magsabi ng totoo.
Ako nalang mahalin mo para sabay tayo maging tanga, joke lang.
"Kobi." Pagtawag ko ulit pero, wala pa rin, bingi na 'ata. Ipagdadasal talaga kita sana gumaling na ang tainga mo para marinig mo tibok ng puso ko. Ayiee, omygad ka, Margaret!
"Kobi!" Sigaw ko na tawag, maski iyong ibang nasa Cafeteria ay naagaw ko ang atensyon nila, wala na akong pakialam kung isipin nilang baliw ako.
"What?" Iritado niyang tanong.
"What ka nang what gusto mo ng sapak?!" Inis kong tanong, masapak nga baka magising sa katotohanan.
"Ano bang tinitignan mo?" Tanong ko saka lumapit sa kan'ya. Bigla ako nawala sa mood dahil sa nakita ko. Si Fritz na naman, taena naman, Fritz na naman. Kailan ka ba mag-move on ha?! Mag-move on kana please may naghihintay sa 'yo putakte na iyan.
Agad naman niyang tinago ang cellphone niya sa bulsa nang makita niyang tinitignan ko ang cellphone niya, anong akala niya sa 'kin walang alam sa past niya?
"Bakit may picture ka ni Fritz?" Tanong ko syempre kunwari wala akong alam para hindi halata na super stalker na ako sa buhay niya.
"Wala lang, napintod ko lang." Simple niyang sagot saka tumingin sa malayo sumimangot nalang ako saka tumayo sa inuupuan ko.
"Ah... Alis muna ako." Paalam ko hindi ko na siya tinintay sumagot, alam mo 'yung feeling na ikaw 'yung nand'yan? Tapos 'yung gusto niyang kasama ang iniisip niya, nakakasira ng mood.
Lakad lang ako nang lakad hayst! Gusto ko ng lolipop at chocolate!
"Lance!" Pagtawag ko nang makita ko siyang naglalakad, syempre papalibre ako sa kan'ya ng lolipop ma-pera-pera ang isang 'to.
"Uy naligaw ka 'ata?" Tanong niya saka tumawa. 'di naman ako naliligaw ah...
"libre mo 'kong lolipop." Parang bata kong sabi gusto ko talaga ng lolipop putek.
"Marga, baka masira ngipin mo."
"Bilis na gusto ko talaga ng lolipop." Pangungulit ko saka siya hinawakan sa braso na animo'y ng lilimos.
"Sige-sige. Samahan mo muna ako kay Nicole. Baka mapatay ako ng President natin." Natatawa niyang sambit natawa rin ako mag-bestfriend kasi silang dalawa. 'Di ko lang sure kung hanggang bestfriend nga lang ba.
"Sige." Nakangiti sambit ko saka na nguna sa paglalakad .
Volleyball captain kasi si Lance ng school tapos President si Nicole ng school, President na siya since grade nine kami. Ako sali lang ako nang sali kung saan-saan pero, Volleyball captain ako sa girls naman.
"Kulet, anong want mo?" Tanong ni Lance kay Nicole nang makapasok kami sa SSGO office para sa mga officer nilingon ako ni Nicole kinindatan ko naman siya binigyan naman niya ako naiinis na tingin natawa nalang ako.
"Ice cream, strawberry tskaa, strawberry juice, str-"
"Hoy Kulet ang dami!" Reklamo ni Lance inirapan naman siya ni Nicole ang cute talaga nilang dalawa!
"Eh 'di wag!"
"Joke lang sige, strawberry ice cream, juice, milkshake, tska milktea. Okay noted." Inakbayan pa niya si Nicole bago ako niyaya na lumabas na.
"Ilang balot ng lolipop?" Tanong niya sa 'kin abusada na kung abusada pero dadamihan kona, para 'di na ulit ako maubusan ng stock.
"Limang balot, pwede?" Tanong ko na kinalaki ng mata niya lima lang naman eh.
"lima agad, grabe ka Margaret, abusado kana." Natatawa niyang sambit syempre ngumiti lang ako nang malaki, kinuha niya muna 'yung pinabibili ni Nicole meron kasi sa harap ng school namin na isang store na lahat doon nandoon na.
Inilagay niya sa basket ang isang kahon ng strawberry juice, tatlong ice cream na nasa cup, saka limang balot nang lolipop.
Iniwan muna niya ako sa counter saka naman siya naglakad papunta sa bilihan ng milktea at milkshake.
Pagbalik niya ay may dala siyang tatlong milktea tsaka dalawang milkshake.
Agad naman 'yun binayaran.
"Oh." Abot niya sa 'kin ng limang balot lolipop saka chocolate milktea nagpasalamat naman agad ako.
"Ako naman libre mo sa susunod."
"Oo na, pero teka sino ka-partner mo bukas?" Tanong ko dahil nacurious lang ako sa gwapo ni Lance walang partner baka masapak ko 'to.
"Hmm... Wala pa akong ma-partner, ikaw meron na?" Malaking ngiti niyang tanong.
"Meron na si Kobi."
"Si Nicole nalang siguro partner ko." Sagot niya tumungo naman ako.
"Oy una na pala ako hanapin ko lang 'yung baliw kong kaibigan." Kumakaway kong sabi saka nagtatakbo papuntang court ng basketball sure akong nandoon 'yung dalawa.
Gawin ba naman nilang landian spot 'yung basketball court sana all may kalandian, ako nalandi sa patay, patay 'yung puso.
"Dwin!"
"Oh, himala umalis ka sa purder ni kobi." Nang-aasar niyang sabi Kailangan ko rin iwan bebe ko kahit naman iwan ko 'yun alam kong akin pa rin 'yun, patayan nalang sa mang-aagaw. Eme.
"Che! Kayo na ba?" Tanong ko dahil super close nila may pa akbay-akbay epek pa.
"Hindi pa." Sagot ni Arnold nakinapula ng pisngi ni Dwin, ay arte ni Ate Girl nag-paligaw pa talaga kung ako 'yan pinakasalan kona charot!
"Hindi pa?" Kunwari wala akong alam, wala talaga akong alam!
"Nililigawan ko na siya." Nakangiti sagot ni Arnold kunwari ulit na gulat ako halata naman kasi!
"Wow, sana all." Maarte kong sambit atleast siya niligawan na ako nganga pa rin.
"Don't worry Margaret, magkakagusto rin sa 'yo si Kobi." Sambit ni arnold.
"Sana nga kung hindi lang epal si..." Naitikom ko ang bibig ko. Napatingin naman sila parehas sa akin, putakte muntik na iyon!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top