Chapter 1
Nandito kami ngayon sa bagong naming bahay, bagong lipat kami rito sa isang magandang village.
Kapansin pansin ang magagandang bahay rito pero, ang isa lang talaga ang nakakuha sa 'kin pansin ay ang bahay sa harap mismo ng bahay namin. Hindi siya bahay kundi, isa siyang mansyon.
"Wow." 'Yan nalang ang na sabi ko habang ginagala ang paningin sa buong harapan ng mansyon.
Sobrang ganda at ang laki ng bahay, makikita mo sa kanilang garahe ang limang uri ng mga sasakyan may BMW, Jeep, ferrari, honda, at Ford.
Saka bilang side naman ay meron silang isang malaking court ng basketball. May mga puno rin sa paligid at magagandang halaman.
Pumasok nalang ako sa loob matapos ko tignan ang buong bahay ng aming kapitbahay.
Ang bahay namin ay dalawang palapag, may apat na kwarto sa taas may isang kwarto sa baba, may malaking kusina, malaking sala, at dinning area may swimming pool din kami pero, hindi sobrang laki.
Matagal na nagsimula si papa sa business niya pero, ngayon pa lang lalo lumalago kaya mas nakikilala na sa ngayon.
***
Maaga ako nagising dahil mag-e-enroll pa ako sa bagong school ko.
Ang Ferrer International School ay isang sikat na paaralan sa bagong lugar na nilipatan namin syempre, mahal talaga siya, ayaw ko naman sana roon, ayaw lang pumayag ni Mama. Naligo na ako saka inihanda ang mga kailangan kong requirements at saka nako bumaba at nakita ko roon si Mama at Ate pero, wala na si Papa, siguro maaga na naman siyang umalis.
"Good morning, Ma." Bati ko bago naupo sa upuan sa tabi niya.
"Morning, anak sabay na raw kayo ng Ate mo mag-enrol." Sabi ni Mama kaya tumungo nalang ako at nagsimula kumain.
Pagkatapos kumain ay naligo muna si Ate Mae kaya pumunta na muna ako sa garden para tignan-tignan ang halaman doon, habang hinahawakan ang mga bulaklak sa garden ay bilang may tumalsik na bola.
"Saan naman galing 'to?" Tanong ko, dahil imposibleng may bola kami pero, baliw tumalsik nga eh.
"Bata." Tawag sa 'kin kaya tumarap ako, roon ko nakita ang lalaki. Siguro ka-edad ni Ate pero, hindi ko sure. Gwapo siya, matangkad, at maputi siya pero hindi kasing puti ng papel.
"Sa 'yo ba 'to?" Turo ko sa bolang hawak ko.
"Oo, pwede paabot? Sorry napalakas ang hagis ko." Nakangiti niyang sabi, kaya nginitian ko rin siya naglakad ako palabas para ibigay sa kan'ya ang bola.
"Oh." Sabay abot sa bola.
"Salamat, kayo pala 'yung bagong lipat dito." Sabi niya sa 'kin habang tumongo-tungo
"Oo, hi ako nga pala si Margaret. Marga nalang for short." Pakilala ko sabay abot ng kamay ko.
"Jack." Sabi niya saka nakipagkamay sa 'kin.
"Jack!" Rinig kong sigaw ng kung sino.
"Kobi, sorry natagalan ako." Paghingi ng paumanhin ni Jack doon sa isang lalaki na mas pogi, mas matangkad, at maputi.
My gosh ang pogi!
"Hi!" Kinikilig kong bati sa kan'ya pero, 'di niya ako pinansin, snobber.
"Tara na." Yaya niya kay Jack kaya napakamot nalang si Jack sa ulo niya.
"Sige na, Marga kita nalang tayo, lagi naman ako nand'yan." Turo niya roon sa mansyon.
"Sa inyo 'yan?" Tanong ko.
"Hindi, kala Kobi 'yan. Pumupunta lang sad'ya ako riyan para makipaglaro ng basketball sa kan'ya." Paliwanag ni Jack bago nagpaalam na aalis na, kaya tumungo nalang ako.
Kobi pala ang pangalan ni Pogi, crush ko na siya.
Auto crush sa mga snobber na gwapo, challenging.
Pagkatapos noon ay saktong lumabas na si Ate, saka kami nagpahatid kay Manong sa school, malaki maganda ang school na 'to at mukhang mayayaman talaga ang nakakapasok dito si Ate na ang nag-enrol sa 'kin, dahil wala naman akong alam tungkol sa mga bagay na 'yun.
Ganda lang yata ambag ko, charot.
Pagkatapos namin ay bumili na rin kami ng uniform namin, bawal daw rito sa first day ang hindi naka-uniform dapat naka-uniform na agad sa unang araw pa lang.
Pagkatapos namin ay dumeretsyo na kami sa mall para bumili nang mga kailangan at mga bagong damit binigyan kasi kami ni Papa ng pera mag-shopping daw kami.
Tumigil kami sa isang fast food saka roon kumain dahil lunch na.
"Ate, alam mo ba kilala ko na 'yung may-ari ng bahay sa tapat." Pagdaldal ko.
"Sino naman?" Tanong niya sa 'kin.
"Ate, pogi tapos matangkad mukhang ka-edad ko lang pero, ang tangkad niya talaga. Crush ko na siya, Ate." Kinikilig kong sabi kaya kinutongan niya ako.
"Tumigil ka, Marga kabata pa eh." Singhal niya sa 'kin, kaya ngumuso ako, epal 'to.
"Ate naman crush lang naman eh pero, Ate snobber siya." Para akong batang kwento nang kwento hanggang sa makauwi kami ay kinuha ko na ang aking mga bagong arts materials saka nagpinta, pinipinta ko si kobi hanggang sa makakaya ko.
Hindi ko pa kasi masyado memoroblado ang mukha niya.
Mahilig ako kumanta at mag-pinta. Kaya puro instrument sa music at arts materials halos ang laman ng kwarto ko.
Lumipas ang ilang linggo ay pasukan na hindi ko nakikita madalas si Kobi pero, may pagkakataon nakikita ko siya dahil magkatapat lang 'yung kwarto namin kahit malayo-layo nang kaunti nakikita ko siya sa balcony nila.
Nag-gi-gitara siya, at doon ko nakita mahilig siyang kumanta at sa mga instrument ng musika.
Naligo na ako saka sinuot ang uniform namin. Palda na hindi lalagpas sa tuhod longsleeves, necktie na black, at coat.
Nang marating namin ang school at dali-dali kong hinanap ang classroom ko.
Malaki ang school bukod sa highschool ay may elementary, highschool, senior high at college rin.
Ewan ko sa sarili ko ang tanga rin, kaya nga international eh.
Nang marating ko ang room ko ay pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko yata, dahil bago lang ako ay roon ako naupo sa dulo.
Nakatingin lang ako sa bintana ng makarinig ako ng mga sigaw.
"Ano 'yun? Bakit ang ingay?" Tanong ko sa sarili ko.
Nakita kong pumasok ng classroom ang dalawang lalaki. Hindi ko makita kung sino dahil ang daming nakaharang kaya sinundan ko nalang sila nang tingin hanggang sa maupo siya sa unahan.
Si Kobi... kaklase ko siya...
Sa isip-isip ko ay gusto ko na umirit dahil kaklase ko siya.
Maya-maya ay dumating na si Ma'am, ang adviser namin, kaya bumalik na sa upuan ang mga babaeng irit nang irit kanina pa. Ako nga nairit sa isip ko hihihi.
"Good morning, everyone." Bati ni Ma'am sa'min.
"Good morning Ms. Dee." Bati ng mga kaklase ko aba, 'di ko pa naman kilala si Ma'am.
Nag-attendance lang si Ma'am saka niya sinumulan ang tamang upuan namin by first letter daw ng surname.
"Alfonso." Tawag ni Ma'am kaya lumapit 'yung isang lalaki saka naupo sa unahan.
Tinawag lang ni Ma'am 'yun sunod na apelido kaya sunod-sunod sila haggang dumating sa apelido ko.
"Del Veron." Tawag niya saka tinuro ang upuan kaya umupo ako katabi ko sa kaliwang side ko ay isang babae maganda at pala ngiti.
"Hi!" Bati niya sa 'kin.
"Hello." Bati ko rin.
"Swerte mo, girl!" Nakangiti niya sabi.
Bakit naman ako swerte? May sapak ba siya manghuhula ba siya?
"Ha? Bakit?"
"Dapat si Elgardo ang katabi mo pero, dahil lumipat na ito ng classroom at nalipat Sa B-1 ay si Ferrer ang katabi mo. Sana all nalang, girl." Kinikilig na sabi nito sabay alog sa 'kin.
Feeling close si Ate Girl.
Sino ba 'yung Ferrer na 'yun? May-ari ng school? Magaling kong si Kobi 'yun... Baka nagtatalon na ako sa tuwa.
"Ferrer..." Pagtawag ni Ma'am kaya naramdaman kong may umupo sa tabi ko.
lumingon ako roon "Kobi."
Pero, tinignan niya lang saka tumingin nang deretsyo sa white board.
Snobber talaga... Untog ko kaya 'to.
Humarap ako roon sa babaeng kanina nagsabi sa akin na tulala kay crush ngayon.
"'Te, 'wag mo titigan." Biro ko.
"Bakit 'te, iyo ba siya?" tumawa siya. "Uy ako nga pala si Dwintiny Carlos, Dwin nalang." Pagkikilala niya sa 'kin.
"Margaret Del Veron. Marga nalang." Pagkilala ko rin at nakipagkamay.
"Crush mo siya 'no?" Tanong sa 'kin ni Dwin. Galing naman nito makahula.
Sobrang halata ba?
"Oo, kaya 'wag mo tignan." Biro ko ulit, at mahinang tumawa, kalokohan ng bata.
"Che, taray mo 'te, 'wag ka mag-alala hindi siya ang gusto ko si Arnold 'yung kasama niya kanina." Pagkwento niya sa 'kin, Arnold pala pangalan no'n.
"Very good, magkakasundo talaga tayong dalawa."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top