Kabanata 1

Kabanata 1

Promise

"Hunk!" mabilis akong bumaba nang hagdan. Sa pagmamadali ko ay muntik pa akong madapa.

Naabutan ko siyang nakaupo sa couch at nanunuod ng TV, habang hawak ang remote sa kamay. Nakasuot siya ng hoodie habang ang isang kamay ay nasa bulsa niyon. Nag-angat siya ng tingin sa akin na nakakunot ang noo.

"Careful, bah." seryosong sabi niya at halos salubungin niya pa ako.

"Bah!" sigaw ko ulit.

Tumaas ang isang kilay niya sa pagtataka ngunit sumilay rin ang ngisi sa labi niya nang makitang hindi natatanggal ang ngiti sa akin. Hinihingal pa ako habang hawak ang kamay niya. Umusog siya ng kaonti para makaupo ako sa tabi niya.

Hawak ko nang mahigpit sa isang kamay ang pregnancy test. Nagpabili ako noon kay Whale nang pumunta sila ni Germ kahapon, pero ngayon ko lang ginamit. Maulan ang panahon at parehas naming day off sa trabaho kaya narito lang kami sa bahay mag-hapon.

"Positive..." ani ko sa kanya at tinaas ang hawak ko.

Pinanuod ko kung paano lumipat ang tingin niya sa mata ko papunta sa hawak ko. Binasa niya ang labi niya gamit ang dila at saka sumilay ang malaway niyang ngiti. Magsasalita palang sana ako ulit nang bigla niya akong hinigit at niyakap.

"I'm so happy, bah." he whispered.

Ramdam ko ang malalalim niyang hininga. Humigpit lalo ang yakap niya at tinayo niya ako mula sa pagkakaupo. Bigla niya akong binuhat at inikot-ikot. Humigpit na rin ang hawak ko sa leeg niya habang tumutulo ang luha sa mga mata ko.

"Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon, Eager." binitawan niya ako. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at siniil ng isang mababaw na halik.

"Finally, bah." naiiyak na sabi ko.

Ilang beses na akong nag-akalang buntis at ilang beses na rin akong nabigo, pero heto ngayon, narito na siya.

Sa ilang linggo kong pagbubuntis ay walang ginawa si Hunk kung hindi ang alagaan ako. Tuwing uuwi siya galing sa trabaho ay may dala kaagad siyang kung anu-anong pagkain at prutas kahit na wala naman akong kini-crave na pagkain.

"Sabi ni mama, mas makakabuti raw sa iyo kung prutas at mga gulay ang kakainin mo." aniya habang nilalapag sa lamesa ng kusina namin ang dala niyang prutas at mga gulay.

Nakatayo lang ako sa may counter habang nakasandal ang siko ko sa high chair at pinapanuod siya. Inaayos niya iyon sa lamesa para kapag nagluto si manang mamaya ay maayos na.

Ngumuso ako. "Ayoko ng gulay,"

Nilingon niya ako. "Hindi puwede. Kahit kaonti, kailangan mong kumain para healthy kayo ni baby."

Tinalikuran ko siya kaya mabilis siyang umikot para maabutan niya ang siko ko. Marahan niya akong hinigit. Nakahawak ang dalawa niyang kamay sa baiwang ko.

"Kumakain naman ako ng prutas, isn't that enough?" parang batang tanong ko sa kanya.

He chuckled. "No, baby." umiling siya. "Pinakbet ang ipapaluto ko kay manang, masarap iyon."

"Gusto ko ikaw ang magluto."

"Bah, hindi ako marunong magluto ng pinakbet."

Kung hindi siya ang magluluto niyon, e 'di huwag nalang. Nakita ko naman sa google na puwede na ring prutas lang ang kainin. Ang iba nga riyan ay iba pa ang cravings.

Hinila pa niya ako palapit sa kanya kaya sumubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Amoy na amoy ko ang sobrang pamilyar niyang pabango sa ilong ko. Sa ilang taon naming nagsasama, hindi na siya nagpalit ng pabango kaya tuwing inaamoy ko siya ay naalala ko ang Hunk dati. Ang Hunk na bakla, Hunk na seloso, at ang Hunk na mahal ko.

Madami siyang pinagbago, ngunit hindi pa rin nawawala ang pagiging malambot niya minsan. Tanggap ko naman siya. Walang problema sa akin iyon, minsan nga parang mas gusto ko pa iyong dating siya. Iyong maarte.

"I love you so much, bah. Kayong dalawa ni baby..." namamaos ang boses na bulong niya.

Nagising ako nang tumama sa katawan ko ang lamig mula sa aircon. Naramdaman ko ang pamamasa ng pisngi ko. Pagdilat ko ng mata ko ay 'tsaka ko lang naalala na mag-isa nalang ako ngayon sa malaking kuwarto namin ni Hunk. Niyakap ko ang sarili ko.

Bah? Ngayon ka lang ulit nagpakita sa akin. Miss na miss ko na lahat sa iyo.

Hindi ko inaakala na hanggang ngayon ay buhay pa rin ako. Hindi ko inaakala na makakaya ko ang ilang linggo na wala si Hunk sa tabi ko.

Hinila ko ang unan ni Hunk. Simula nang mawala siya ay hindi ko na iyon pinalitan. Ayaw kong mawala ang amoy ni Hunk doon. Iyon nalang ang paraan para mayakap ko siya, maramdaman ko siya.

"Good morning!" naabutan ko si Gym na nasa kusina, nagluluto.

"Anong oras na?" nilingon ko ang wall clock sa gilid. "Wala kang pasok?"

"Mamaya pa." nilapag niya ang pinggan na may lamang bacon and eggs. "Halika, gamutin natin iyang sugat mo."

Napatingin ako sa pulsuan ko. May sugat nga pala ako roon na sariwa pa ngayon, pero wala manlang akong maramdamang sakit bukod sa puso ko.

Hinila ko ang isang upuan at umupo roon. "Mamaya na, kain na muna tayo."

"Actually, may lakad ako ngayon." nakahawak lang siya sa back rest ng upuan na nasa harap ko.

"Aba, mukhang may date ka, ah?" hindi ko siya nilingon. Patuloy lang ako sa pagkuha ng kanin at ulam.

"Umiyak ka na naman ba?" hindi niya pinansin ang sinabi ko.

"Huh?" pinilit kong umiwas pa rin ng tingin sa kanya. "Hindi, 'no. Napasarap lang tulog ko."

Hindi na siya nagsalita. Narinig ko ang malalim niyang hininga. Iniwan niya ako roon kaya ako naman ang napa-buntong hininga. Wala pa rin akong ganang kumain, pero pinipilit ko dahil pakiramdam ko ay kailangan kong mabuhay para sa mga taong umaasa sa akin.

Bumalik muli si Gym sa kusina dala ang mga gamot ko. Nilapag niya iyon sa lamesa at pinanuod nalang niya akong kumain.

"Sinong kasama mo at saan ka pupunta?" tanong ko dahil naiilang na ako sa panunuod niya.

"Diyan lang. Si Sack kasama ko," hindi pa rin nawawala sa akin ang titig niya. "Okay na ba sa iyong bisitahin ka ng mga kaibigan mo?"

Iniisip ko palang ang gulo at lakas ng bunganga nila ay sumasakit na kaagad ang ulo ko. Hindi naman sa ayaw ko silang makita, hindi lang talaga ngayon ang tamang oras. Lahat ng tao, bagay at lugar ay nagpapaalala sa akin kay Hunk. Natatakot akong mag-breakdown sa harapan nila.

Ngumiti lang ako kay Gym at tumango siya, alam na niya ang sagot sa tanong niya.

"Wala ka bang boyfriend ngayon?" tanong ko sa kanya.

Dati kasi noong tumira siya rito sa amin ni Hunk ay dinahilan niyang mas'yadong magulo ang utak niya para sa bagay na iyon. Ngayon kaya?

Umiling siya. "Wala pa ulit akong panahon para roon."

Tumango ako sa kanya, hindi na pinahaba ang usapan. Pagkatapos kong kumain ay marahan niyang hinila ang kamay ko para magamot ang pulsuan ko.

"Masakit ba?" tanong niya at nag-angat ng tingin sa akin habang hinihipan ang sugat ko.

Umiling ako. "Namanhid na yata ako, Gym."

Hindi siya sumagot. Pagkatapos niyon ay inaayos na niya ang mga gamot nang bigla akong nagtanong.

"Gym, okay ka na ba? Naka-move on ka na sa nangyari kay Hunk?" nanginginig pa ang boses ko nang itanong iyon.

Curious lang ako. Bakit pakiramdam ko, ako nalang ang nagluluksa ngayon? Wala pang isang buwan mula nang nangyari iyon, pero pakiramdam ko balik na sila sa mga sarili nilang buhay at ako itong hindi ko alam kung makakaalis pa ako sa sitwasyong iyon.

"Text mo ako kung may mga kailangan ka, ah." aniya at tumayo. "Sasaglit lang ako, nagpapasama si Sacker sa akin, e."

Hindi na naman niya sinagot ang tanong ko.

Hindi ko na napigilan ang mainit na likidong lumandas sa pisngi ko habang nakatingala ako sa kanya.

"Tell me, Gym. Ako nalang ba ang hindi pa nakaka-move on? Ganoon ba kadali iyon? Wala pang ilang buwan, pero back to normal na kayong lahat. Ako...ako, h-heto...miserable." halos hindi ko na masabi iyon sa sobrang lakas ng hikbi ko.

"Araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi nalang ganito. Puta, araw-araw lagi ko nalang tinatanong bakit buhay pa rin ako?"

Nakita kong umigting ang panga niya at umiwas siya ng tingin. Marahas siyang napalunok. Nakita ko rin ang mariin niyang pagpikit.

"Mali ba ako? Tell me, Gym! Mali ba ito? Mas'yado ba akong...mas'yado ba akong emosyonal kaya nagluluksa pa rin ako hanggang ngayon tapos kayo ay okay na?"

"Fuck..." rinig kong malutong na mura ni Gym.

Tumayo ako at niyugyog ko ang braso niya. "Bakit hindi ko kaya, Gym? Hindi ko kayang maging matatag katulad ninyo? B-bakit masakit pa rin?" sinandal ko ang noo ko sa braso niya at doon bumuhos ng malakas ang iyak ko.

"Eager..." nahihirapang sambit niya at hinawakan ang magkabilang braso ko. Hinarap niya ako.

Nagulat ako nang makita ang basa niyang pisngi. He licked his lower lip habang nakakunot ang noo niya, na para bang nasasaktan siya. Ginulo niya ang buhok niya at sunod sunod ang malulutong niyang mura.

"Hindi kailanman naging madali para sa akin ang lahat, Eager." yumuko siya. "Fuck. Hindi. Si Hunk iyon, eh, Eager. Si Hunk iyon. Hindi magiging madali para sa lahat ito."

Simula nang mawala si Hunk, ngayon ko lang nakitang nag-breakdown si Gym. Tuwing humaharap siya sa akin noon, napapansin kong namamaga at namumula ang mga mata niya pero nakangiti siya sa akin. Ni-minsan ay hindi ko siya nakitang umiyak sa harap ko.

"Tang ina, kailangan naming maging matatag para sa iyo, Eager. Puta, alam mo ba kung gaano ko ka-gustong umiyak katulad mo. Kung gaano ko ka-gustong magwala katulad ng ginagawa mo, pero hindi ko magawa." pumikit siya.

"Kasi alam mo kung bakit? Tang ina, nangako ako, Eager!" madiin ang bawat salita niya ngunit naroon pa rin ang pag-iingat doon. "Nangako ako kay Hunk na kahit anong mangyari, hinding hindi ko pababayaan ang taong mahal niya—ikaw at si Isla!"

Umiyak ako lalo habang pinapakinggan siya.

"Nagagawa ko naman, 'di ba?" tumingala siya na para bang may kausap siya roon. "Nagagawa ko naman, Hunk, 'di ba? Puwede naman akong umiyak sa harap niya kahit ngayon lang, 'di ba?!"

Napaupo ako dahil nanghihina na ang tuhod ko. Wala akong planong ayusin ang sarili ko. Umiyak ako nang umiyak doon hanggang sa mamanhid ako.

Tang inang buhay ito. Wala na bang mas sasaklap pa rito?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top