PROLOGUE
"Ang init init naman sobra!" Naiiritang tumingin si Desiree sa kaniyang mga labahan. Napabuga siya ng hangin at tumango tango sa sarili.
"Dahil day off ko ngayon at mainit ang panahon? Kailangan ko talagang maglaba." Tinatamad talaga siya ngayong araw, gusto niya lang sana manood ng kdrama magdamag pero dahil kailangan niya ng maglaba ay mamaya na lang siya manonood.
May washing machine naman siya sa apartment pero talagang nakaramdam lang siya ng katamaran kaya nag dalawang isip siya.
"Tsk. Bawal ka tamarin dahil hindi ka naman isang disney princess," ani niya sa sarili.
"Desiree! Inom tayo mamaya? Birthday daw ni aling Mima at magpapainom diyaan sa baba!" sigaw ni Ricamae, ang kaniyang matalik na kaibigan sa kabilang apartment.
"Sigaw na naman kayo ng sigaw diyan!" Napasimangot siya nang marinig ang pakikisabat ni mang Kanor sa baba.
Nasa 2nd floor kasi ang apartment niya. Isang building kasi ang tinitirhan niya. Tatlong palapag na apat ang apartment sa kada palapag.
Rinig na rinig niya ang nasa labas dahil naka bukas ang balcony niya. Lahat kasi ng apartment may balcony.
Oh diba sosyal? Pero maliit lang naman ang apartment. May isang kwarto na rin naman kasiya na sa dalawa hanggang apat na tao kung may kasama ka.
"Gaga! May pasok ako bukas bawal ako malasing!" sigaw niya pabalik. Hindi na siya nahihiya kakasigaw dahil tanghaling tapat naman na at walang bata sa apartment building.
Isa pa't ka close niya na talaga ang lahat ng tao doon pati na rin ang may-ari ng apartment, si aling Mimasaur. Mima lang talaga ang pangalan nito pero pinagsama nila ang Mima at dinosaur dahil parang dinosaur kung makasingil ng pang upa.
"Kaunti lang! Pag nararamdaman mo ng malapit ka ng malasing eh di tama na at matulog ka na."
Hindi na siya sumagot dahil sumasakit na ang lalamunan niya kakasigaw. Alam naman niyang bubulabugin siya mamaya nito pag hindi siya lumabas.
Nang masalang niya na ang mga damit niya ay nilabhan niya ng mano mano ang bra at panty niya. Mabilis lang naman siya natapos at sinampay niya na.
Humiga muna siya sa kaniyang sofa at kinuha ang cellphone para manood. Isang oras pa naman ang hihintayin niya sa nilalabhan dahil 'yong washing machine niya ay deretso dryer na.
Labis nga ang tuwa niya nang ibenta sa kaniya ni Aling Mimasaur ang washing machine na 'yan dahil may bago ito na binili ng mayaman nitong anak. Sa tatlong libong piso ay mayroon na siyang washing machine na automatic.
Nagsalubong ang kilay niya nang marinig ang boses ni Aling Mima.
"Ay nako nandito ka na pala!" halos patili na sigaw nito. Kilala niya ang tono ng boses nito pag masaya. Siyempre dahil isa siyang dakilang chismosa at gusto niya malaman kung anong meron sa baba ay bumangon siya at lumabas ng balcony.
Nakita niya ang papasok na truck sa gate nila. Bago ka kasi makatungtong sa building ay papasok ka muna ng malaking gate. Hindi naman sobrang lawak ng labas nila, siguro ay kasiya na ang pitong kotse at medyo maluwag luwag pa sa dadaanan.
Ang kaso naman kasi, dalawa lang ang may kotse sa mga kapitbahay niya—si Aling Mima at si Justine na isang kolehiyo na nangungupahan din doon, kaya maluwag na maluwag sila sa baba. Pwede pa nga maglaro ng patintero at agawan base.
"Bagong lipat!"
"Ay gaga ka!" Sinamaan niya ng tingin si Ricamae dahil ginulat siya nito.
"Ay puta! Nakabingwit si Aling Mima ng gwapong uupa!" Dahil nakatingin siya rito ay kita niyang kuminang ang mata nito habang nakatingin sa baba. Nag isang linya ang labi niya ng pinagsiklop pa nito ang kamay at parang nananaginip.
Siya naman ay binalik ang tingin sa baba at doon siya natulala. Hindi nga nagbibiro ang kaibigan niya at nakabingwit nga si Aling Mimasaur ng gwapong nilalang.
Hindi niya napansin ang kasunod ng truck na kotse. Dahil hindi naman sila sobrang taas at 2nd floor lang sila kitang kita ng malinaw niyang mata ang gwapong nilalang na lumabas ng kotse.
Nakasuot ito ng muscle tee sando at cotton short. Kitang kita niya kung paano ma-flex ang muscles nito nang buhatin nito ang malaking box.
Nanlaki ang mata niya nang tumingala ito, agad siyang napatakbo nang magsalubong ang mata nila.
"Gago! bakit ako tumatakbo?" bulalas niya sa sarili nang makapasok sa loob. Tumikhim siya at dahan dahan na lumabas muli sa balcony at kunwaring inaayos niya ang mga sinampay niyang bra at panty.
Sumulyap siya sa baba at nakita niyang wala na roon ang lalaki. Napabuga siya ng hangin dahil sa kagagahan na ginawa.
"Dito naman ang balcony, may kaliitan pala sa'yo dahil ang tangkad mo," rinig niyang ani ni Aling Mima habang pabebeng tumatawa.
Nilingon niya ang kaliwang apartment at laking gulat niya nang nandoon na ang lalaki at si Aling Mima.
Sakto naman na lumingon ang lalaki sa kaniya at halos bumagsak ang panga niya nang makita sa malapitan ang mukha nito.
Lord? nasa langit na ba ako? Bakit may anghel sa harapan ko?
"Isara ang bunganga baka pasukan ng langaw." Naisara niya ang bibig niya na hindi niya napansin na nakanganga na pala. Nginisihan siya ni Aling Mimasaur at tiningnan na parang inaasar siya.
Tumikhim siya bago magsalita, "May bago pala akong kapitbahay."
"Oo kaya itikom niyo na ang bunganga niyo ni Rica!" tumawa-tawa ito at pangiti-ngiting tumingin sa binata.
"I can now handle on my own, thank you."
Napa 'o' shape ang labi niya nang marinig ang baritono nitong boses.
Englishero na tapos ang sexy pa ng boses!
Tumalikod siya rito at napatingin sa kanang bahagi kung nasaan ang kaibigan niyang nakadungaw pa rin pala sa kanila.
Taas baba ang kilay nitong nakatingin sa kaniya. Umiling na lang siya sa kaibigan at tuluyan nang pumasok sa loob. Saglit na lang siyang naghintay at natapos na ang nilalabhan niya.
Sinampay niya iyon sa balcony at dahil maaraw ay alam niyang matutuyo rin iyon kaagad.
Nag-unat siya ng katawan nang matapos sa sinampay. Hindi niya na naririnig ang bagong kapitbahay niya dahil nakasarado na ang balcony nito.
Hindi naman kasi masiyadong rinig sa labas at sa kabilang mga apartment kung magpapatugtog ka ng malakas at sarado ang balcony. Maganda ang soundproofing ng kada apartment, sadiyang maingay lang sila ni Rica at nila Mang Kanor pag bukas ang mga balcony nila.
Naka-apat ata siyang episode ng kdrama bago napag desisyunan na bumangon at maligo. Wala siyang magagawa kun'di maki-join sa birthday party sa baba.
Siyempre ang goal niya ay makikain at maka-takeout. Madalas lang silang magbangayan ni Aling Mima pero totoong mabait 'yan sa kanila.
Naalala niya nga noong nag-uumpisa pa lang siya sa trabaho, na late talaga siya ng dalawang buwan sa pag bayad ng renta dahil naubos na ang savings niya sa pag-aaral pero naintindihan nito.
Sinisigurado naman niya kasi na mababayaran niya ito at napaliwanag naman niyang magkakaroon na siya ng trabaho sa office. Admin lang siya sa office, pwede na dahil senior highschool lang naman ang natapos niya.
Nang matapos siyang maligo ay nagsuot siya ng oversized shirt at shorts dahil sa baba lang naman siya. Pinatuyo niya muna ang buhok sa electric fan bago tuluyang lumabas ng apartment.
Sakto namang kakatukin niya pa lang si Rica nang bumukas na ang pinto nito. Pinasadahan niya ito ng tingin at ayos na ayos ang kaibigan. Naka-spaghetti dress pa na fitted na akala mo siya ang may birthday dahil pula ang kulay.
"Hoy! 'yong labi mo parang sinapak sa sobrang pula!" sita niya rito. "Baka sabunutan ka ni Aling Mimasaur dahil naka-red ka pa," dagdag niya pa.
"At bakit? red ang favorite color ko 'di ba! Alam niyo naman 'yon," pagdadahilan pa nito.
"At tiyaka sis, may pogi tayong kapitbahay. Malay mo mapilit ni Aling Mima pababain 'di ba— omg! Bibigyan ba tayo ni lord ng tig-isang papi?"
Napahinto sila sa paglalakad nang makitang lumabas ang lalaking kapitbahay niya at may kasunod pa itong isang gwapong lalaki.
"Atleast your grandma will not find you here. She will not expected that you will live at this tiny apartment," sambit ng gwapong lalaki na kakakita niya lang.
Muling nagsalubong ang mata nila ng kapitbahay niya pero hindi niya iyon iniwasan. Bigla tuloy siyang na-conscious sa itsura. Hindi siya ayos na ayos gaya ni Rica na naka-lipstick pa. Hindi kasi siya marunong mag-makeup at higit sa lahat wala siyang makeup, tanging liptint lang at pag may pasok lang siya sa office tiyaka niya ginagamit.
"Tara na," bulong niya kay Rica dahil mukhang wala itong balak maglakad.
"Hi! Anong name mo? Birthday ni Aling Mima sa baba, punta kayo!" Napapikit siya ng ilang segundo, ito pa talaga ang nag-imbita.
"Ikaw ba ang may birthday?" sabat niya sa kaibigan.
"No thanks, we're busy," sagot ng kapitbahay niyang wala man lang ka-expression ang mukha. Napanguso siya dahil mukhang hindi na sila makakapag-sigawan ni Rica dahil sa kapitbahay niyang seryoso.
Sinundan niya ng tingin ang lalaki nang dumeretso ito sa hagdan at bumaba.
"Sorry about Arkin, he's not in the mood," ani ng kaibigan ng binata.
"Arkin name niya? ikaw anong name mo?" Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang kaibigan.
"My name is Ravyer and yeah, he's Arkin."
"Arkin? Rayver? Anong surname? I-add ko kayo sa facebook— aray!" Muli niya itong kinurot sa tagiliran pero mas malakas na.
Natawa naman ang lalaking nagngangalang Rayver.
"Just Arkin and Rayver." Ngumiti na lang siya sa lalaki at nagpasensiya rito dahil sa kakulitan ng kaibigan. Sumenyas naman siya na mauna na ito bumaba kaysa sa kanila.
Nang makababa sila ay hinatak niya si Rica papunta kila Aling Mima pero tumigil ito.
"Panty mo 'yon 'di ba?"
"Ha?" Tinuro nito ang kabilang gawi at halos malaglag ang panga niya nang makita ang pula niyang panty na nakapatong sa ulo ng lalaking nagngangalang Arkin, iyong masungit niyang kapitbahay.
Napatingin siya sa taas at natanaw ang sinampay niya sa balcony na hinahangin at malapit nang matanggal sa sipit.
Nakagat niya ang ibabang labi dahil hiyang hiya siya ngayon. Nakatigil din ang binata at kinuha nito ang nalaglag sa uluhan nito.
Agad niyang binitawan si Rica at tumakbo papunta sa binata.
"P-panty ko 'yan! Bastos!" wala sa sariling sigaw niya.
"Bastos? ako?" Hindi niya ito pinansin at inagaw ang panty niya na hawak na nito. Nakita niya pa sa peripheral vision niya ang tawang tawa na mukha ni Rayver at ang kaibigan niyang mamamatay na ata sa kakatawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top