Kabanata 8
Pumasok siya sa exclusive room kung saan naka-stay ang mga sasayaw mamayang gabi.
Oo, tinanggap niya ito. Araw-araw nagmakaawa si Warren sa kaniya at araw-araw rin nitong sine-send sa kaniya ang picture ng anak na nasa hospital.
Paano niya matitiis makita ang batang walang kamalay malay. Tinawagan siya kanina ni Warren at sinabi nitong naka-schedule na ang pagpapa-opera sa anak.
Hindi niya na ito sinagot dahil ayaw niya na kausapin ang lalaki.
Sisiguraduhin niyang last na itong gagawin niya. Napilitan lang naman siya noon gawin ang pagsayaw na 'to dahil malaki ang kita.
Wala naman siyang problema sa pagsasayaw kung sasayaw lang talaga pero nang makilala niya sa pangalawang pag-perform niya si Jago Ignacio ay umayaw na siya.
Pinipilit kasi siya nito sa isang klaseng trabaho na ayaw niya. Jago offered an extra service job. Hindi siya bayarang babae at kahit anong mangyari ay hindi niya isusuko ang virginity niya para sa malaking halaga.
Kahit papaano ay maayos na ang buhay niya. Kontento na siya sa simpleng trabaho basta may matirhan at makain lang sa araw-araw.
Hindi na nga siya nag hangad ng iba pa.
Maaga sila dahil dito na rin nag practice ang iba. Siya lang ang naiiba dahil sasayaw siya mag-isa.
Labag man sa loob niya ay nag ensayo muli siya ng sasayawin para kay Jago.
It is a sexy chair dance. Ang pinagkaiba niya lang sa mga sasayaw na ibang babae ay performance talaga na sayaw ang gagawin niya hindi basta giling at kung ano lang.
Marahil ay iyon ang nagustuhan sa kaniya ni Jago. Sa pagkakaalam niya ay 15 years ang tanda nito sa kaniya.
Pumasok ang babaeng nag a-assist sa kanila. Inabutan siya nito ng paperbag at sa nakita niya pa lang na brand ay kinabahan na siya.
Tinanggap niya iyon at agad na tiningnan. It's a red lingerie from victoria secret. Nagpapasalamat siya dahil kahit papaano ay may shorts na kasama. Maiksi ang shorts pero atleast hindi lang siya naka lace panty sa harap ng maraming tao.
"Ikaw ang pinaka hinihintay ni sir Jago kaya galingan mo ha?" Tanging tango na lang ang naitugon niya dahil wala naman na siyang magagawa.
Lumipas ang oras at hindi siya nakakain ng hapunan masiyado. Kaunti lang ang kinain niya dahil wala naman siyang gana kumain.
Excited ang mga babaeng kasama niya roon dahil sa tip na makukuha.
Nakabihis na siya ng red lingerie na pinatungan niya ng maiksing cotton shorts ang ibabang bahagi.
Sinuot niya rin ang boots na hanggang tuhod. Hindi naman kataasan ang takong kaya makakasayaw siya ng maayos.
Humigpit ang hawak niya sa balabal na nakatakip sa katawan niya nang makitang pumasok si Jago sa exclusive room.
"Hi, darling. I'm excited to see you," nakangising sambit nito at akmang hahawakan siya nang umatras siya kaagad.
"I already gave your ex-boyfriend a 5 million pesos. You should make my night memorable. I spend that big for you," ani nito at inabot ang mukha niya para mahawakan siya.
"You're more prettier and sexier than before. Want some extra job?" Inalis niya ang kamay nito at tiningnan ito ng masama.
"Sasayaw lang ako dahil iyon lang ang napag-usapan natin," mariin na ani niya.
"Let's see... let's see your dance performance if it's really worth it for 5 million. If I am not satisfied, you'll do what I want or you'll give back my money." Umawang ang labi niya dahil sa sinabi nito. Halos manggigil siya sa inis.
"Wala kang isang salita!"
"I guess. Just make me happy tonight then we're done for good." Hinawakan siya nito sa bewang at hinapit. Iniwas niya ang tingin dito nang akmang hahalikan siya.
Tawa lang ang tanging narinig niya bago siya bitawan nito.
Halos mahigit niya ang hininga dahil sa kaba at galit. Ang kapal ng mukha nito, hindi talaga siya nagtitiwala rito. Kahit noong inalok siyang mangutang dito ay hindi siya nangutang dahil maraming balita sa matandang ito.
Napaupo siya sa upuan nang tinawag ang mga babae para lumabas na sa club. Mag-uumpisa na ang party pero mayamaya pa siya lalabas.
Pumasok ang babaeng nag-aassist sa kanila at nilapitan siya. Inabutan siya ng isang cocktail drink.
"Inumin mo muna 'yan pang palakas ng loob. Pag sumayaw ka 'wag mo na lang pansinin ang mga nanonood sa'yo para hindi ka kabahan. Goodluck," tinapik siya nito sa balikat bago umalis.
Napatingin siya sa inumin na 'yon dahil mukhang masarap. May idea naman siya sa mga timpladong alak at alam niyang ladies drink lang iyon at hindi matapang.
Naubos niya ang inumin dahil sa paghihintay. Sa totoo lang ay gusto niya na agad sumayaw para makauwi na siya. Iyon lang naman ang pinunta niya rito. Wala siyang balak makisaya sa kaarawan ng matanda dahil hindi siya masaya.
Siguro nga masama siya dahil gusto niya ng mawala ito sa mundo.
Ilang minuto lang ay tinawag na siya. Sinuot niya ang lace mask niya para matakpan ang bahagi ng mata niya.
Patay ang ilaw at iginaya lang siya ng babae sa gitna ng stage. Umupo siya sa upuan gaya ng na-practice niyang sayaw.
Nang mag-umpisa ang tugtog ay siya ring pagbukas ng spotlight sa gawi niya.
The music was slow and sensual. Gaya ng sinabi ng babae ay hindi niya pinansin ang mga matang nakatitig sa katawan niya.
Hindi niya rin pinansin ang mga hiyawan at ingay sa buong club. Halos gusto niyang maiyak dahil sa pagtatapon ng guest ng pera sa stage.
Hindi siya bayarang babae pero pakiramdam niya ay gano'n siya ngayon.
She bite her lips when she felt something strange. Her body sway and sexily move her hips while holding the chair.
Bumigat ang paghinga niya at pinasadahan ang katawan gamit ang kamay.
She ended the dance with a pose. Biglang bumukas ang lahat ng ilaw dahilan para makita niya ang lahat.
Puro lalaki pala ang nasa loob. Nagbabato ang iba ng pera sa kaniya pero hindi niya iyon kinuha.
Napapikit siya nang maramdaman na naman ang kakaibang bagay sa katawan niya.
Parang biglang uminit ang pakiramdam niya. Hindi niya maintindihan at parang may gusto siyang gawin.
Hindi niya man lang napansin si Jago at nasa tabi niya pala. Hinapit siya nito at iginaya pababa. Hindi siya makaalis sa sobrang higpit ng kapit nito sa bewang niya.
"Do you feel hot, darling?" bulong nito sa tainga niya. "You'll be in pain if you don't do something about that."
Naitulak niya ang matanda at malaki ang ngisi sa kaniya nito.
"A-anong ginawa mo?" Parang nahilo siya sa dami nang boses sa paligid niya. Maraning kumakausap sa kaniya, maraming nagtatanong ng pangalan niya pero nakatuon lang siya sa matanda dahil sa sinabi nito.
"You finished your drinks aren't you?"
"Anong nilagay mo sa inumin ko?!" she fumed. Malakas ang tugtog ng music kaya hindi siya maririnig ng iba pa. Tanging 'yong mga tao lang sa paligid niya.
Napatayo siya nang may humawak na isang lalaki sa balikat niya.
Mabilis siyang hinatak ni Jago kaya napaupo siya sa kandungan nito.
"A sex drug, darling. You'll be in pain if you don't release," he chuckled. Mas bumigat ang paghinga niya dahil lumala ang init sa katawan. Hinaplos nito ang hita niya at kahit hindi niya gusto iyon parang gusto naman ng pakiramdam niya.
Inipon niya ang lakas niya at iwinaksi ito. Kailangan niya makaalis doon.
Pinagtutulak niya ang nasa daan niya at nagpapasalamat siya nang hindi siya hinarangan.
Mabilis siyang pumasok sa exclusive room at sinuot doon ang roba. Wala na siyang lakas para magpalit pa ng damit at mag-ayos. Binitbig niya ang bag niya. Nanginginig ang kamay niya habang tinitipa ang cellphone.
Tinawagan niya si Warren pero hindi ito sumasagot. Naglakad siya papuntang exit pero hinarangan siya ng dalawang bantay.
"Tapos na ang trabaho ko." Pinatatag niya ang boses niya dahil ayaw niya magpakita sa dalawang lalaki na nanghihina siya.
"Bawal ka lumabas hangga't hindi mo kasama si boss."
Umatras siya kaagad doon at bumalik sa exclusive room. Kung hindi siya makakalabas sa kabilang exit, kailangan niyang makihalubilo sa mga guest at doon lumabas sa main exit ng club.
Napahawak siya sa doorknob dahil sa init na nararamdaman niya. Hindi na 'yon normal at naiiyak na siya.
Parang gusto niyang hawakan ang buong katawan niya.
Naglakas loob siyang lumabas sa club kaya narinig niya muli ang mga ingay. Nilinga linga niya ang paligid para makita ang exit.
Nakatanggal na ang mask niya kaya nakayuko lang siya habang naglalakad nang may mabangga siya sa tabi.
Hindi niya iyon pinansin dahil wala na siyang pakialam.
Biglang may humablot ng kamay niya at laking gulat niya na si Jago iyon.
"Where are you going? The party is not over yet." Winaksi niya ang kamay nito at mabilis na tumakbo.
Tumakbo lang siya para makalayo sa matanda pero muli siyang tumama sa matigas na bagay. Babagsak na sana siya nang may kamay na pumalibot sa bewang niya.
Tinayo siya kaagad ng lalaki, napahawak pa siya sa dibdib nito nang makaramdam na naman ng panghihina.
Humigpit ang kapit niya sa damit ng estranghero.
"Thank god you catch her! She's my special gift for tonight," rinig niyang sambit ni Jago sa likod. Mas kumapit siya sa lalaki para hindi siya nito pakawalan.
"Desiree?" Natigilan siya nang marinig ang boses nito. Napaangat ang tingin niya at laking gulat niya nang si Arkin ito.
Nagtagis ang bagang nito nang makumpirna na siya.
"You're the one who dance earlier," he stated while clenching his jaw.
Marahil hindi siya nito nakilala dahil may takip din ang mukha niya kanina. Ngayon naman ay masiyadong malikot ang mga ilaw kaya hindi rin siya nito napansin kaagad.
"Excuse me? Darling, let's go!" Humawak siya sa kamay ni Arkin nang hawakan siya sa braso ni Jago para paharapin.
Tinitigan niya ang bunata at halos magmakaawa ang mata niya rito.
"Let go of her." Hinatak siya nito at inilagay sa likod.
"Who are you? she's exclusive for me. Kung gusto mo ng babae ay marami akong binayaran doon ka kumuha."
"She's not exclusive for you, Mr. Ignacio. If she don't want, she will not do it."
"She's mine! I already paid her ex-boyfriend for 5 million to get her!" Pilit siyang inaabot ni Ignacio pero mukhang nagalit lalo si Arkin dahil malakas nitong sinipa ang standing table.
Ngayon ay nasa kanila na ang atensiyon ng mga tao.
"What's happening here, tito?" May lumapit na lalaki at halos mahiya siya nang makita si Hugo at Rayver na gulong gulo na nakatingin sa kaniya. Mukhang gulat din ang mga ito.
"He's getting what's mine. Ikaw ba ang nag imbita sa kaniya?" tanong ni Jago sa isang lalaki.
"Uh, yes. I'm sorry bro but that woman is exclusive for him."
"I don't fucking care. I'll pay you back if you are worried with your damn money. So don't fucking get near her again nor touch her because I'll kill you with my own hands." Napatingin siya kay Arkin at madilim na ang aura nito. Kanina pa nakatagis ang bagang nito na mukhag nagpipigil.
"Give me your bank account so I can triple the money you gave to her."
Natawa naman si Jago kay Arkin.
"Triple? Do you have that kind of money?" he mocked. Lumapit ito kay Arkin kaya napayakap siya sa likod ng binata. Nanghihina na rin siya at sobrang init na ng katawan niya. Gusto niya ng maghubad ng damit. Nahihirapan na siya.
"You don't know me aren't you?" matalim na ang boses nito.
"Of coure! I don't know you! Hindi ko nga alam kung bakit nangingialam ka at nakikigulo sa party ko!" Jago shouted because of anger.
"Arkin Alves."
"What?"
"I'm Arkin alves."
"T-tito... S-siya si Arkin Alves... He owns the number one and the biggest oil company in asia and he also the owner of A.A Fitness Club. Kung saan ka naka enroll!"
Napasulyap siya kay Jago nang bigla itong namutla at napaatras.
Hinarap siya ni Arkin at tiningnan. Nagulat siya nang bigla siya nitong kargahin na parang bagong kasal.
"Ravyer, get his bank account because we need to get out of here now."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top