Kabanata 3
Napangisi siya nang makitang nag-reply si Justine sa chat niya. Iyong nakatira rin sa taas na apartment. Ka-close nila iyon at pag may handaan kila Aling Mima at hindi ito busy ay nakaka-bonding nila ito.
Iyon kasi ang crush ni Ricamae. Napopogian man ang kaibigan niya sa ibang lalaki pero si Justine ang original crush nito.
From Justine
- Tatanongin ko lang ba siya kung paano manligaw ng babae kasi may nililigawan na ako, gano'n ba?
- Ano bang meron? Aasarin mo?
To Justine
- Oo! Alam mo naman na crush ka no'n 'di ba!
- Sige na, please! Ngayon lang 'to.
From Justine
- Okay. Sige, Icha-chat ko na.
To Justine
- Thank you! Ililibre kita ng streetfoods sa linggo!
Open naman si Ricamae sa lahat at ito pa nga ang nagsasabi na crush niya si Justine. Harap-harapan niyang sinabi iyon at kasama pa sila. Si Ricamae ay working student, ka-edad lang din nito si Justine. Mas matanda lang siya ng isang taon at buwan sa mga ito.
Napatingin siya sa balcony niya. Nakasampay roon ang towel na pinahiram sa kaniya ni Arkin. Tuyo na 'yon at hindi niya alam kung paano iaabot sa binata. Siyempre may kahihiyan pa rin naman siya. Hindi niya lang talaga napigilan kagabi na yumakap dito at magpabuhat na.
Sobrang natakot kaya siya dahil wala siyang makita tapos may sumisitsit pa. Sinearch niya sa facebook ang pangalan ni Arkin pero sobrang daming lumabas. Hindi niya kasi alam ang surname nito kaya nahihirapan tuloy siya. Gusto niya kasi sana i-chat kung nasa apartment ba ito.
Madalas kasi itong wala sa apartment, o sadiyang hindi niya lang talaga nakakasalubong. Tuluyan na siyang nag-ayos ng sarili dahil may pasok pa siya. Mabuti na lang ay may ibang bag pa siya dahil basang basa ang bag niya kagabi.
Dumaan muna siya sa bilihan ng payong para siguradong may payong siya kung sakali mang umulan ulit. Nang makarating sa office ay patingin-tingin siya sa katapat na gym, hindi niya sigurado kung nando'n ba ang binata.
Hula lang naman niya na gym trainor ito, o kaya naman talaga doon lang nag gy-gym. Napabuga siya ng hangin dahil puro si Arkin na lang ang nasa isipan niya. Tinuon niya ang atensyon sa trabaho at sa kailangan gawin.
Mabilis lang ang oras dahil marami rin siyang ginawa pero maaga pa rin siya natapos. Nakaayos na ang gamit niya at handa ng umuwi pero maghihintay pa siya ng 30 minutes para maka-out. Tumayo siya at sumilip sa bintana, tinitigan niya ang gym pero dahil tinted ang window ng building ay hindi niya masilip kung sino ang mga nasa loob.
"Alam mo kanina ka pa diyan tumitingin. Gusto mo ba mag-enroll?" tanong sa kaniya ni Alvhea.
"Ay nako, wala akong pera para sa ganiyan. Halata namang mamahalin!" ani niya.
"Pero mahilig ka rin mag-exercise 'di ba? sa bahay mo?"
"Minsan lang." Nag-e-exercise naman siya pero minsan lang. Nanonood siya sa youtube para iyon ang sundan niya. Kaya siguro kahit papaano ay maganda ang katawan niya.
"Sayo na lang 'to," sambit nito at inabot ang sobre. Binuksan naman niya agad iyon at nakita niya ang card na may nakasulat na 'Free trial for 3 months'.
"Saan galing 'to? hindi mo na gagamitin?" sunod-sunod na tanong niya.
"Nakalimutan mo ata? Si Froilan, 'di ba trainor diyaan sa A.A Fitness Club!"
"Huh? Kailan pa?"
"Hala siya! 'Di ba na kwento ko sayo last week na bago siya diyaan sa gym na 'yan? Tapos may ticket siyang free trial for 3 months, binigay niya sa akin kasi katapat lang naman ng office." Umawang naman ang labi niya at napatango. Si Froilan ang pinsan nitong mas matanda sa kaniya ng dalawang taon. Hindi naman niya ka-close ito. Dalawang beses niya pa nga lang nakita at nakasalubong niya lang ang lalaki.
"Sa'yo na 'yan kasi hindi naman ako mahilig mag-exercise. At least ikaw kahit papaano ay magagamit, kahit minsan lang!"
"Sigurado ka ha? tatanggapin ko 'to. Mukhang mahal diyaan eh."
"Mahal talaga! 10 thousand a month diyan kasi maganda ang facilities. Kaya 'yang binigay ko sa'yo ay worth 30 thousand!"
"Ay bawal i-cash?"
"Loka!" Tumawa ito pati na rin siya. Sobrang nakakapanghinayang nga kung hindi lang magagamit. Kung tama naman ang nasa isip niya, kung sakali mang trainor si Arkin dito ay magkakaroon siya ng chance na maka-close ito.
Ewan niya ba pero naiintriga siya sa binata. Simple naman ito manamit pero may kung ano sa sarili niya na gusto niya itong makilala ng husto.
Sa palagay niya kasi ay hindi naman ito masungit talaga.
Dumating ang oras na out na nila. Napagpasiyahan niya na dumeretso sa gym at mag register na.
Pagpasok niya ay naramdaman niya ang lamig mula sa pinakaloob. Hindi niya mapigilan mamangha dahil sobrang organize at linis ng paligid. May mga malalaking monitor din at kita niya na may parang dining area pa sa loob.
Nakakita kasi siya ng kitchen na may microwave, blender, coffee machine, chiller at may vending machine pa.
Napatingin siya sa nakatalikod na lalaki. Naka-topless ito at may towel na nakalagay sa leeg. Nasa reception kasi ito kaya kinalabit niya.
"Hello po!" bati niya rito. Natigilan naman siya nang makita kung sino ang kinalabit niya.
"What are you doing here?" Hindi niya pinansin ang tanong ng binata dahil nakatuon siya sa abs nitong pawisan.
"Eyes up." Napaigtad naman siya nang pinatunog nito ang daliri.
"A-ano kasi... magre-register ako? Ito oh!" Binigay niya kaagad ang sobre na may laman na card. "Tama ako 'no? Dito ka nagwo-work?" pagkakausap niya rito.
May dumating naman na staff at inabot ng binata dito ang card niya.
"Hi ma'am. Ire-register niyo na po ang free trial for 3 months card niyo?" pagkukumpirma ng babaeng staff.
"Yes po... pero ate, okay ka lang ba? Pinasa niya sa'yo 'yong work niya? 'Di ba staff din siya dito?"
"Si sir po? A-ah... I mean si Coach Arkin po? Fitness trainor po siya at siya po ang pinaka mataas samin dito. Work ko po ito," tumawa ito pero mukhang pilit.
Tumango na lang siya at hindi na nagtanong pa. Nag-register siya gamit ang computer doon. Pagkatapos ay binigyan siya ng key card para sa locker niya.
Nilibot siya sa buong gym at namangha talaga siya dahil kompleto ang gamit. Gusto niya 'yong benefits dahil may free protein shake at salad kada punta mo sa gym. Iyong locker naman ng girls napakalaki at hiwalay ang shower room sa comfort room.
Tuwang tuwa siya dahil mararanasan niya ang mag gym dito.
"Bali po ma'am may free 1 month trainor ka po. Ia-assign na lang po kita kung sino iyong free na trainor—"
"Si Arkin po sana," nakangiting sabat niya kaagad dito.
"Ay ma'am... hindi po kasi siya tumatanggap ng ite-train—"
"Ako ang bahala ate. Mag kapitbahay kami niyan. Ako na lang kakausap ha?" Napakamot ito sa ulo at mukhang namomroblema pa.
Nag thumbs up pa siya rito para sabihing okay lang.
Nahihiya man siya harapin ang binata pero ito lang ang paraan para maging close niya ito kahit papaano.
Nagpaalam siya sa staff para hanapin si Arkin sa loob ng gym. Nakita niya naman kaagad ito, nagbubuhat ng weights.
"Arkin!" tawag niya rito. Binaba naman nito ang binubuhat bago siya lingunin.
"What?" iritable nitong tanong.
"Ito naman, iritable kaagad? Pwede bang ngumiti ka kahit 5 seconds lang? Ikaw sana kasi ang trainor ko tutal ay may free 1 month daw ako magkaroon ng trainor," deretsong sambit niya. Ayaw niya na magpaligoy-ligoy pa.
"No. Find another trainor." Tinalikuran siya nito at binalik ang mga weights na ginamit. Sinundan niya ito at hindi tinigilan.
"Gusto mo isumbong kita sa boss mo? Hindi dapat ganiyan ang trato sa customer!" ani niya.
"Magsumbong ka, hindi kita pipigilan."
"Ah gano'n?" Nilabas niya ang cellphone at pinicture-an ang binata. Mukhang nagulat naman ito sa ginawa niya.
"Delete that!"
"Ayoko nga! Ipopost kita sa social media at sasabihin ko na huwag sa'yo magpa-train dahil ang pangit ng customer service mo!" dinilaan niya ito bago talikuran.
Natigilan naman siya ng hawakan nito ang braso niya. Agad niyang nilayo ang cellphone niya.
"You can't post my picture!" Napatigil siya sa paggalaw at nginisihan ito.
"May tinataguan ka 'no? Kinabahan ka oh!" pang-aasar niya rito. Sinabi niya lang iyon dahil nakita niyang natigilan ito nang sinabi niyang ipo-post niya ang picture nito.
"Shut up. Why do you want me as your trainor? There's another trainor here. Hindi lang ako!"
"Eh gusto nga kita!" Natulala ito sa kaniya at pati na rin siya nang ma-realize ang sinabi niya. "I mean gusto kitang maging trainor para naman maging close ko ang kapitbahay ko 'di ba? Ang hirap kaya ng hindi mo close ang kapitbahay mo," bawi niya.
Tumikhim siya rito at pinagkrus ang kamay.
"Lumipat ako sa apartment para hindi makipag-close sa kapitbahay ko."
"Eh lumipat ka sa apartment na ang kapitbahay mo ay friendly na tao. Wala kang magagawa roon!" Desidido na talaga siyang kapalan ang mukha niya.
"Damn it. Fine! Just delete my picture." Sumilay ang matagumpay na ngiti niya sa labi.
"Okay. Deleted na! Pahingi number mo or social media mo na lang?" ani niya rito.
"I don't do social media." Kahit nakasimangot ito ay kinuha pa rin ng binata ang cellphone niya at tinype ang number nito.
"Huwag ka mag-alala hindi naman kita tatawagan ng tatawagan. Ii-inform lang kita pag mag wo-workout ako rito, okay? Thank you!"
Winagayway niya ang cellphone niya at nagpaalam dito. Masaya siyang lumabas sa A.A Fitness Club.
Success! Ito na ang umpisa para maging close niya ang masungit niyang kapitbahay.
Ayaw niya kasing may kaaway o magkaroon ng kapitbahay na hindi niya kasundo. Kaya siya na lang ang gagawa ng paraan para maging kaibigan ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top