Kabanata 29
"You should tell me first, mamita... I didn't even know that you're the 'lola' she always tell."
"I'm sorry, okay! Kaya nga gusto ko kayo makausap. Hindi ko naman alam na bigla kang magpo-propose sa kaniya! It should be a grand proposal, Arkin!"
"I should find a santol now before she woke up—"
"Santol? is she craving? Mag-uutos na lang tayo para huwag ka ng umalis."
"It should be small santol. Ayaw niya ng malaki."
"Okay, okay. Wait here, I'll tell manong to buy a lot of small santol."
Unti-unti niyang dinilat ang mata nang marinig na may nag-uusap. Gumalaw pa siya at umunat, naramdaman naman niyang may humaplos ng marahan sa tiyan niya.
"Baby..." Bumungad ang mukha ni Arkin pagkadilat ng niya. Nasa tabi niya ito at nag-aabang na magising siya. Agad siyang napabangon nang maalala ang nangyari.
"N-nasan si l-lola?" tanong niya sa binata.
"Don't force yourself to get up! Mahihilo ka niyan," saway nito sa kaniya. Nilibot niya ang paningin niya at nakita niya ang matanda na papunta sa kanila.
"You awake, Desiree? Nagpabili na ako ng maliliit na santol kay manong." Napatakip siya sa bibig niya gamit ang palad nang mas makita ito sa malapitan.
"L-lola? ikaw si mamita?!" pagkukumpirma niya. Hindi pa rin siya talaga makapaniwala dahil ang pagkakakilala niya kay lola ay mahirap lang talaga dahil sa itsura nito noong niligtas siya.
"Ako nga, Desiree," nakangiting sambit nito at tumabi sa kaniya. Hinawakan pa nito ang kamay niya kaya alam niyang totoo ito at hindi isang panaginip.
"P-paanong... paano..." Napahawak siya sa noo at pilit kinakalma ang sarili. "B-bakit gano'n ang itsura mo dati, lola? Parang ibang iba sa tunay na ikaw?" Napaka-elegante kasi nito tingnan at higit sa lahat sobrang linis. Noong araw na niligtas siya nito ay medyo madungis ito tingnan at magulo pa ang buhok kaya labis ang pag-aalala niya rin dito at kinuha ang number ng matanda para lagi niyang makumusta.
"Madam is a vlogger—"
"Ay palaka!" Napahawak siya sa dibdib niya at napalingon nang may magsalita sa likuran niya banda. Iyon ang babaeng assistant ng mamita ni Arkin na tinawanan niya ng sobra noong unang kita nila.
"Mukha ba akong palaka madam?" seryosong tanong nito sa matanda.
"Tumigil ka muna! Ako na ang mag-e-explain," ani ng matanda kaya napatingin siya rito.
"Ang hobby ko kasi ay mag-vlog at gumawa ng social experiment," kumamot ito sa ulo at nakita niyang napasulyap ito kay Arkin.
Tiningnan niya si Arkin at doon niya na kumpirma na wala itong kaalam alam talaga sa mga sinasabi ng mamita nito.
"Social experiment? Those camera's are for you, not for the company?" gulat na bulalas ng binata. Gusto niyang tumawa sa nangyayaring ito pero hindi siya makatawa.
"S-so, kaya po kayo tumatanggi lagi sa inaabot kong tulong... dahil hindi mo naman po kailangan talaga ng panggamot at pagkain niyo..." Hindi na iyon tanong dahil nakumpirma na niya talaga.
Napahawak siya sa ulo niya at natulala sa kawalan.
"Kaya ka bigla nawawala ng walang pasabi? Mamita naman! Kung ano-ano na naman ang ginagawa mo eh."
"I just want to do social experiment. For example, anong gagawin ng mga tao pag may nakita silang isang matanda na gusgusin at naglalakad sa gitna ng ulan!" natutuwang pagke-kwento nito na ikinasakit ng ulo niya.
"Tama! Mayroon nga kaming bagong vlog, nagkunwari si madam na butas 'yong bag niya na maraming cash tapos lumipad sa daan! May mga matatanda na kinuha iyon tapos hindi sinabi kay madam pero may isang bata na napakabait at binalik ang pera kay madam! Nakakawa nga 'yong bata dahil ang layo ng nilalakad papuntang school para lang makapag-aral at makapagtipid ng pera! Ini-sponsor na ni madam at kasama na sa mga scholars niya!" mahabang litanya ng assistant nito.
Gets na gets niya na kung bakit magkasundo ang dalawa. Hindi pa rin talaga siya makapaniwala sa lahat ng nangyayari.
"So bali h-hindi po totoo na ayaw niyo po ako para sa apo niyo?" marahan na tanong niya.
Nag-cross arms ito at tinaasan siya ng kilay. "Oo naman, ang ayaw ko lang sa'yo ay masiyado mong minamaliit ang sarili mo! You need to be confident on what you have! Matagal na kitang kilala at kahit hindi mo ako kaano-ano ay pilit mo pa rin akong tinutulungan. Gusto ko lang talaga ng thrill," paliwanag pa nito.
"Tama miss! Gusto rin ni madam ma-try um-acting na masungit na lola. Gusto niya nga subukan ang 'ito ang isang milyon layuan mo ang apo ko' tapos bubuhusan mo ng tubig sa mukha, 'di ba madam?" excited na ani pa ng assistant.
Nagkatinginan sila ni Arkin at kita niyang sumasakit na ang ulo nito sa mamita at sa assistant nito.
"Nakahanap ako ng maliit na santol madam." Napatayo siya nang makitang may pumasok na lalaki at may hawak na dalawang plastic na puno ng maliliit na santol. Biglang nanubig ang bagang niya.
Nawala bigla ang hiya niya at siya mismo ang sumalubong kay kuya at kinuha ang bitbit nito.
"Asin, Arkin," sambit niya kaagad sa binata.
Arkin smiled to her. Dumeretso ito sa may kusina at kumuha ng pambalat, plato at asin. Bumalik siya sa sala at doon pinatong ang mga santol dahil may glass table naman doon.
"Lola, kakain muna ako ha?" ani niya rito.
"Huwag mo nga siya tawagin na—"
"Hayaan mo na! Siya lang ang pinapayagan kong tumawag sa akin ng lola!" sita nito sa assistant. Sa palagay niya nga pwede na maging duo si lola at assistant nito at pwedeng isalang sa comedy show. Sobrang patawa kasi at ang kukulit.
Napagsiklop niya ang palad niya habang nakatingin kay Arkin na binabalatan ang santol pero hindi ito marunong kaya mas lalo lang napapatagal.
"Akin na nga!" iritang sambit niya at kinuha iyon. Siya mismo ang nagbalat at nang matapos ang isa ay agad niyang nilantakan. Napangiti siya nang makitang nagbalat si lola habang kumakain siya. Marunong ito magbalat kaya tinuruan si Arkin.
"Ano pa ang gusto mong kainin? sabihin mo lang at para maipabili natin."
"Banana lola? tapos may ketchup ba kayo? gusto ko isawsaw don!" sambit niya habang nilalantakan ang santol. Bigla niya lang kasi naisip 'yon at parang masarap din.
"No! sasakit ang tiyan mo," saway sa kaniya ni Arkin.
Tinaasan niya ito ng kilay at niluwa ang buto ng santol bago magsalita. "May banana ketchup nga tapos kakain lang ako ng banana at isasawsaw sa ketchup, masama na?"
Hindi ito nakaimik sa kaniya. Nag-focus lang siya sa pagkain habang ang taga balat niya ay si lola at Arkin. Tumigil din siya nang maka-anim na santol na. Uminom siya ng maraming tubig at napatango pa dahil na-satisfied siya ngayon.
Nagpakita siya ng dalawang thumbs up habang tumatango. "Cravings satisfied," ngumiti siya ng malawak.
Sumandal siya sa sofa nang biglang makaramdam ng antok. Napahikab pa siya ng sunod-sunod at naluha pa ang mata niya.
"Kailan ang kasal niyo?" tanong nito sa kanilang dalawa ni Arkin. Hindi naman siya nakasagot dahil hindi pa nila napagpa-planuhan ni Arkin kung kailan ba ang kasal. Marami pa rin kasi ang aasikasuhin.
"Hindi pa po namin napag-uusapan lola," siya na ang sumagot.
"We can do it next month, para naman hindi pa halata 'yang tiyan mo," suggestion nito. Napaisip naman siya, para sa kaniya kasi ay wala namang problema kung mamadaliin pero alam niyang malaki ang gagastusin dahil sigurado siyang kukuha ito ng kikilos.
"Kahit civil wedding na lang po, para hindi magastos—"
"No. I'm the one who will pay everything baby... This is once in a lifetime so we should do it with a grand wedding." Hindi siya nakaimik dahil sa sinabi ni Arkin. May point naman ito pero alam niya kasi na aabot ng milyon pag mga grand wedding. Aware na aware naman siya na barya lang ito para sa pamilya ng binata pero hindi pa rin niya maiwasan na manghinayang sa gagastusin.
"Ako ang gagastos! Ako ang mag-aayos, ako ang magpa-plano ng halos lahat!" Tumayo si lola kaya napatingin silang dalawa ni Arkin sa matanda. Tinali nito ang magulong buhok at mas naging mukhang mamita na ito.
"I will call designers and a wedding planner so we can start choosing a theme or whatsoever!" Sinenyasan nito ang assistant na kanina pa nasa tabi lang. Tumango ito at kinuha ang cellphone sa bulsa bago sila tinalikuran at may tinawagan sa cellphone.
Napabuntong hininga na lang siya dahil sure siya na walang makakapigil sa matanda. Mukhang excited pa nga ito kaysa sa kanila ng binata na kalmado lang dahil ikakasal naman sila kahit anong mangyari.
"Do you want to sleep in my room?" Arkin asked while brushing her hair using his hand.
Tumango siya ng marahan at niyakap ito, siniksik niya ang mukha sa leeg ng binata. Gusto niya bigla magpa-baby rito. Walang sabi-sabi na binuhat siya ng binata kaya tuluyan niya ng pinikit ang mata niya.
Nagiging antukin na talaga siya...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top