Kabanata 24
Pinagmasdan niya ang binata na kumikilos sa bahay. Para bang walang nangyari sa kanila kahapon at normal lang itong kumikilos na parang hindi sila nagtalo.
Kinalikot niya ang cellphone niya dahil binuksan niya na iyon. Tinext niya si lola para kumustahin at sinabi niyang may kasama siya ngayon sa bahay dahil nahanap siya ni Arkin. Alam naman na ni lola ang kwento nila, kaya nga hinayaan siya mag-stay ng ganito katagal.
"Who owned this house?" tanong nito sa nang makalapit sa kaniya sa sofa.
"Hindi ko alam... caretaker lang dito si lola," ani niya. "Iyong nagligtas sa akin noon."
He nodded and sat beside her. "What do you want to eat? I can order anything," he leaned on her.
Hahawakan sana nito ang kamay niya nang tumayo siya bigla. "Mamimili na lang ako sa palengke, masiyadong magastos kung o-order," sambit niya rito. Naiilang pa rin siya sa binata dahil hindi pa rin siya makapaniwalang umamin ito sa kaniya.
"Okay, sasamahan kita." Tumayo rin ito at hindi pinansin ang paglayo niya rito. "I'll just get my wallet and phone."
Hindi niya pa rin ito natatanong tungkol sa recordings na narinig niya dahil natatakot siyang magtanong. Paano na lang kung dalawa silang mahal ni Arkin? Hindi naman niya kilala ang babae.
Napatitig siya sa binatang papalapit sa kaniya. Dala na nito ang wallet, phone at susi ng kotse. Mukha naman itong hindi two-timer pero hindi niya lang talaga mapigilan mag-isip.
Kung totoo man o hindi, wala pa ring mangyayari, gano'n pa rin ang nararamdaman niya. Mahal niya pa rin ito pero hindi siya confident sa sarili.
Masiyado bang mababa ang tingin niya sa sarili? Hindi niya iyon maiiwasan lalo na sa maraming nangyari sa buhay niya.
"Ayokong mag kotse. Masiyadong kapansin-pansin 'yang kotse mo, baka hindi ako makatawad sa palengke," sambit niya rito at tinalikuran ito.
"Okay. I'll do anything you say."
Napabuga siya ng hangin. Arkin was so extra clingy and obedient to her. Mas lalong natutunaw ang puso niya rito.
Lord, deserve ko ba 'tong tao na 'to?'
Lumabas sila ng bahay at sumakay sa tricycle. Nararamdaman niya na nahihirapan ang binata dahil malaking tao ito. Sumulyap siya rito at kita niyang pawis na pawis na ito. Simpleng shirt at cotton shorts lang naman ang suot nito pero malakas pa rin ang dating.
Nakarating sila ng palengke at parang mayroong artista dahil ang mga kababaihan ay halatang-halata sa pag-chi-chismisan habang nakatingin kay Arkin.
Napairap siya sa kawalan habang naglalakad. Nasa likod niya lang ang binata at hindi niya ito pinapansin masiyado. Dumeretso siya sa bilihan ng isda, medyo madulas ang sahig kaya dahan-dahan ang lakad niya.
Naramdaman niya naman ang paglapat ng kamay ni Arkin sa bewang niya.
"Dahan-dahan lang, baka madulas ka na naman," mahinang sambit nito sa kaniya.
'Ay mag-asawa na ata!'
'Mukhang hindi 'te! Tingnan mo naman itsura ng babae, parang wala lang!'
'Oo nga, hindi sweet eh. Grabe parang artista si kuya!'
'Pero parang pamilyar 'yong babae?'
'Oo nga! 'yong sa youtube! Diba may tatlong vlogger na nagsasabing may hinahanap silang babae? tapos flinash 'yong picture sa vlog!'
Napatingin siya sa tatlong babaeng malapit lang sa kanila banda, rinig na rinig niya kasi ang mga pinag-uusapan ng mga ito.
"Hija, bangus, galunggong, salmon, may tuna rin kami! Fresh na fresh 'yan," ani ng isang manang.
Tiningnan naman niya ang bangus, maganda nga at mukhang fresh. Natakam tuloy siya at na-imagine niya na ipi-prito iyon.
"Magkano isang buo niyan manang?"
"280 pero para sa'yo at sa pogi mong kasama, 250 na lang!"
"Manang naman! Hindi ba 200 lang 'yan?" napakamot siya ng ulo. "Ang mahal naman!'
"Ay nako, mura na 'yan! Oh, sige 240!"
"210 pesos!"
"220 pesos!'
"Okay, bibilhin ko na 'yan," nakangiting ani niya. "Tiyaka para hindi ka naman malungkot, sa'yo na rin ako bibili ng isang kilo na liempo!" Nakita niya kasi itong parang luging-lugi ang mukha. Nagning-ning naman ang mata nito at agad na nag kilo ng liempo. Nakita niyang dinagdagan pa nito ang baboy kaya hindi na rin siya tumawad pa.
Napalingon siya nang hindi niya naramdaman si Arkin sa likod niya. Wala na pala ito sa likod niya at nasa kabilang gawi na, tumitingin ng mga prutas sa gilid. Pinapalibutan na siya ng limang babae kaya halos umusok ang ilong niya.
"Putragis!"
Nagbayad siya kaagad at kinuha ang sukli niya. Dali-dali niyang pinuntahan si Arkin pero bago pa siya makalapit ng tuluyan ay muntikan na naman siyang madulas mabuti na lang may umalalay sa kaniya.
"Okay ka lang? Bakit ka kasi nagmamadali maglakad?" Napatingin siya sa lalaking may hawak ng kamay niya. Dumapo ang tingin niya sa hubad na pang-itaas nito bago sa mukha ng lalaki.
Mukha itong nagta-trabaho roon.
Infairness at guwapo, pilipinong pilipino ang itsura pati kutis.
"Miss—"
"Ah! May bibilhin pa kasi ako, gusto ko ng mangga eh," dahilan niya. Napalingon siya kay Arkin na naroroon pa rin, mas lumukot ang mukha niya sa inis.
"Nagtitinda kami ng prutas, miss. May mangga iyong hilaw pero pag binalatan mo may pagka-yellow na. Masarap isawsaw sa bagoong na maanghang, may tinda rin kami no'n. Kami ang kilala rito pag sa bagoong at mangga. Nag lilihi ka ba?"
Nanlaki ang mata niya at biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Bigla siyang kinabahan sa hindi malaman na dahilan.
"A-ano ka ba! H-hindi ah! Mukha ba akong buntis sa itsura na 'to?"
Humawak naman ito sa baba at tiningnan siya, nakakunot pa talaga ang noo nito. "Hindi miss dahil payat ka pero blooming ka, iba 'yong pagka-blooming mo eh. Para kang asawa ko no'ng buntis," ani niya.
Umawang ang labi niya nang marinig na may asawa na 'to.
"Mukhang bago ka lang sa lugar na 'to, marami kaming suki. Hindi ka magsisisi." Sasagot na sana siya nang may humablot ng kamay niya na nakahawak pa pala roon sa lalaki.
Salubong ang kilay ni Arkin habang nakatingin sa lalaking kaharap niya.
"Oh, tapos ka na makipag-usap sa mga 'yon?" nguso niya sa mga babae. "Baka hindi pa, doon ka lang. Busy kami rito," ani niya at tinanggal ang pagkaka-kapit ng kamay nito sa kaniya.
Binalingan niya ng tingin ang lalaki at nginitian, "Tara at bibili ako ng mangga, gusto ko ng isang kilo, pati na rin 'yong bagoong na maanghang."
"Sige po miss. Tara po rito." Sinundan niya ito at iniwan si Arkin na nasa likod niya. Halos maglaway siya nang makita ang tumpok na mangga at ang mga garapon ng bagoong.
"Dalawang bagoong na maanghang na ang bibilhin ko," ani niya at napadila pa sa labi niya. Kumuha siya ng isang mangga at inamoy iyon at halos mag deliryo siya sa mabangong amoy.
Kinuha ni Arkin ang mga bitbit niya at hinayaan niya na lang ito. Magbabayad na sana siya nang mag-abot ng isang libo si Arkin sa lalaki.
"Keep the change," masungit na sambit nito at hinawakan ang kamay niya para hatakin siya palayo roon.
"Thank you sir!" rinig niyang sigaw ng lalaki.
"Hoy! Ang laki ng binayad mo. 300 pesos lang ang lahat ng 'to oh!" bulyaw niya rito pero hindi siya nito kinibo.
Nagpara ito ng tricycle at pinauna siya nitong sumakay. Kita niyang pawis na pawis na ito pero nabi-bwisit siya dahil amoy mabango pa rin at mukhang mabango pa rin.
"Bwisit!" bulong niya. Parang pinanggigigilan niya talaga si Arkin ngayon. Naaawa siya na naiinis dito dahil sobrang gwapo sa paningin niya.
Nang makarating sila sa bahay ay pinauna niya ito pumasok. "Mauna ka na, bibili lang ako. Hugasan mo lang ang isda kasi malinis na 'yan. Ayusin mo dahil malilintikan ka sa akin! Huwag kang kumain ng mangga ko dahil akin lang 'yan!" inirapan niya ito at tinalikuran.
"Sasamahan na lang kita—"
"Subukan mong sumunod at sasakalin kita!" Hindi niya ito nilingon at dumeretso siya sa convenience store.
Bumuntong hininga siya nang makapasok sa store at hinanap ang bibilhin niya roon. Kumuha siya ng dalawang pregnancy test kit para sigurado.
Dumagundong lalo ang puso niya nang mabili na 'yon. Nang marinig niya ang sinabi sa kaniya ng lalaki ay bigla niyang na-realize na tatlong linggo na siyang hindi dinadatnan. Never siyang na-delay sa period niya ngayon lang at sobrang tagal na.
Maraming pumasok sa isipan niya pati na rin ang pag-aalala. Hindi malabong buntis siya dahil hindi sila gumagamit ng proteksyon ni Arkin noon. Hindi rin nito ginagawa ang withdrawal.
Napasapo siya sa noo nang maalala niya lahat ng 'yon. Nag-aalala siya dahil kung totoong buntis siya ay gusto niya ng tumakbo papuntang clinic.
Bumagsak siya kahapon at kahit hindi na masiyadong masakit ang balakang niya nag-aalala pa rin siya.
Pagkapasok niya sa bahay ay naririnig niya ang tunog sa cellphone ni Arkin. Mukhang nanonood ito kung paano hugasan ang isda.
"I-prito mo na rin 'yan! Ayusin mo ha," ani niya rito. Mabilis siyang pumunta sa banyo at ginawa ang dapat gawin. Binuksan niya rin ang gripo sa bathtub para hindi magtaka si Arkin kung bakit siya matagal doon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top