Kabanata 22


Paggising niya ay tanging sulat lang ang iniwan ni lola para magpaalam sa kaniya. May emergency raw kasi sa apo niya at kailangan nitong puntahan. Wala naman siyang magagawa dahil nakaalis na ito. 


Isang linggo na rin siya rito at kating-kati na siya buksan ang cellphone niya pero hindi niya magawa. Nasa loob lang din siya ng bahay at hindi lumalabas dahil si lola ang bumibili ng pagkain nila. 


Kumain muna siya ng almusal bago maglinis ng bahay. Siya ngayon ang umaako ng trabaho ni lola dahil gusto niya itong matulungan. Hindi naman mahirap ang paglilinis dahil wala namang magulo sa bahay at nagkakalat.


Binuksan niya ang laptop at nagpatugtog ng music. Mabuti na lang talaga at may laptop siya na galing sa opisina. Nakakapag-work siya at nakakanood ng movies kung wala na siyang ginagawa. Sa panonood naman ng movies ay nakakanood siya sa malaking smart tv. Tinuruan siya ni lola kung paano manood sa netflix. Na-amaze pa nga siya dahil kabisado na ni lola ang smart tv.


Nag-umpisa siyang mag walis sa loob at pagkatapos ay nag mop siya sa buong bahay. Pinunasan niya rin ang bintana at ang mga pinto para mawala ang alikabok kahit wala naman siyang nakikita. 


Lumabas siya ng bahay at diniligan ang lahat ng halaman. Tatlong oras lang ata siya naglinis at nagdilig, wala na naman siyang magawa.


11 na ng umaga at naisipan niya na lang lumabas at pumunta malapit sa convenience store. Gusto niya kasi kumain ng microwave popcorn at ice cream. Wala naman siyang work ngayon kaya balak niyang mag binge watch ng kdrama. 


Naghahanap talaga siya ng paraan para malibang ang sarili niya. Na-mi-miss niya na si Ricamae, na-mi-miss niya na ito kasigawan pati sila Mang Kanor at Aling Mimasaur... at si Arkin na susungitan siya.



Arkin...


Hindi niya alam kung hinahanap pa ba siya nito. Wala na kasi siyang balita at hindi niya na ine-email muna si Ricamae. Gusto niya na lang muna manahimik para hindi niya isipin ang binata. 


Napabuntong hininga siya ng malakas bago lumabas ng gate. dalawang minuto lang na lakad at nasa convenience store na siya. Malapit lang talaga sa bahay na pinagta-trabahuan ni lola. 


Maganda nga ang place ng bahay dahil hindi sobrang probinsya tingnan. Marami ka ng mabibilhan sa paligid.


Pumasok siya sa convenience store at kumuha ng maliit na tub ng ice cream at microwave popcorn na cheese at butter. Kumuha na rin siya ng softdrinks para pag gusto niya uminom no'n ay mayroon sa refrigerator. 


Naramdaman niyang may nakatitig sa kaniya at nahuli niya ang cashier staff. Bigla naman itong ngumiti sa kaniya kaya ngumiti na lang din siya. Siguro ay tinitingnan ang mukha niya dahil ngayon pa lang siya nito nakita.



"Ito lang po ma'am?" nakangiting ani nito habang titig na titig sa mukha niya. Medyo nahiya tuloy siya dahil magulo ang pagkakatali niya sa buhok.


"Ah, oo..."


"Bago lang kayo rito ma'am? Ngayon ko lang po kayo nakita eh. Kakilala ko na kasi ang mga taga rito dahil suki dito sa convenience store, kami kasi pinakamalapit," sambit nito habang nagpa-punch ng binili niya. Binuksan naman niya ang wallet at naglabas ng pera nang makita kung magkano ang dapat bayaran niya.


"Oo, last week lang ako rito. Hindi lang ako lumalabas talaga kasi 'yong lola ko 'yong palaging bumibili," ani na lang niya. 


"Saan kayo ma'am? Dito ba kayo sa street na 'to?" turo nito sa pinanggalingan niya kanina.


"Oo, diyaan ako. 'Yong may malaking gate na color black," nakangiting sagot niya rito at kinuha ang paper bag na may laman ng binili niya.


Tumango naman ito ng sunod sunod at malawak na nakangiti sa kaniya.



"Ang ganda mo pala sa personal ma'am... kaya pala," halos kuminang ang mata nito.


"H-ha?" Nanlaki ang mata nito at bigla nataranta.


"Ang ibig ko sabihin ma'am, sobrang ganda mo naman po... pati ng mata mo, color brown! Pwede po magp-picture?" Natigilan naman siya at nahihiya itong tiningnan.


"Nako! Hindi naman ako artista," tawa niya rito.


"Mukha ka namang artista ma'am, sobrang ganda mo! Bakit hindi ka mag-model ma'am? matangkad ka naman at payat pa pero sexy," tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.


"Nahihiya na ako ha!" tawa niya rito at tinapik pa. Miss niya na talaga ka-chika-han si Ricamae.


Nilabas nito ang cellphone at ni-ready ang camera kaya wala na siyang nagawa kun'di ayusin ang buhok niya at nag-picture sila.


"Thank you ma'am! Hulog ka ng langit! Ikaw na ang sagot sa problema ko!" tili nito at tinaas pa ang kamay tiyaka tumingin sa taas na parang nagpapasalamat kay lord.


Naguguluhan man siya ay natawa na lang siya at umiling-iling. Nagpaalam na siya rito para bumalik sa bahay.


Ininit niya ang pritong isda na tira kagabi, iyon kasi ang ulam nila ni lola. May tira pa kaya iyon na lang ang tanghalian niya. 


Pagkatapos niya kumain ay naghugas agad siya ng pinagkainan at nagpunas ng lamesa. 


Niluto niya na rin sa microwave ang popcorn at inihanda na rin niya ang drinks niya. Inayos niya ang pinapanood niya at pumunta sa sofa para umupo. Bitbit niya ang popcorn at kumain kaagad habang nakatutok ang mata sa tv.


Limang oras siyang nanood doon, parang mamamaga na ang mata niya dahil nakakaiyak din ang pinapanood niya. Napag-desisyonan niyang ii-stop muna ang pinapanood at maliligo muna siya.


Niligpit niya ang balat ng popcorn dahil naubos niya. Hinugasan niya ang baso na ginamit niya bago siya dumeretso sa banyo. 


Halos isang oras siya naligo dahil nag bathtub pa siya. Tuwang-tuwa kasi siya sa ganda ng banyo rito. Minsan lang siya makagamit ng gano'n kaya sinusulit niya na. Nagbanlaw siya ng katawan at nang matapos ay nag punas siya gamit ang tuwalya. 


Wala siyang dalang damit dahil sa kwarto na siya magbibihis. Tinapis niya ang tuwalya at tiyaka lumabas ng banyo pero sa paglabas niya ay tumambad sa kaniya si Arkin na mukhang galing na sa kwarto na tinutulugan niya dahil nakita niyang bukas ang pinto.


Halos lumuwa ang mata niya sa sobrang gulat. Tatakbo sana siya nang sa paghakbang niya ay bigla siyang nadulas dahil sa door mat na nabasa pala.


"Shit!" daing niya at napahawak sa balakang. Nakahiga na siya ngayon sa lapag habang ang tuwalya na nakapalibot kanina sa katawan niya ay nakatanggal na ang ipit kaya expose na expose ang hubad na katawan niya sa binata.



"Ipikit mo mata mo, bwisit ka!" iyak niya rito. Naiiyak siya dahil sa sakit ng balakang niya, pero naiiyak din siya dahil narito ang binata sa harapan niya.


"Damn it. Ilang beses ko na nakita at natikman 'yan tapos nahihiya ka pa?" inis na bulyaw nito sa kaniya. Inayos naman nito ang tuwalya para maibalot ang hubad niyang katawan bago siya kargahin patungong kwarto.


Hiyang-hiya siya sa katangahan niya. Marahan siyang inilapag nito sa kama. Hindi niya ito matingnan sa mukha dahil nahihiya siya pero hinawakan naman nito ang pisngi niya para punasan ang luha niya.


"A-anong ginagawa mo rito... p-paano mo nalaman na nandito ako?" tanong niya habang kinukuha ang kumot niya para roon magtago. 


Hindi ito sumagot, tinalikuran siya nito at dumeretso sa cabinet kung nasaan ang mga damit niya. Binuksan nito ang drawer at kumuha ng panty roon. Kinuhaan din siya nito ng t-shirt bago lumapit muli sa kaniya. 


"Rate the pain. Should we go to the hospital?" tanong nito sa kaniya. "Bakit ba kasi kailangan tumakbo? Ganiyan mo ba ako ka gusto layuan?"  Pinilit niyang makaupo at nakaya naman niya. Hinablot niya ang t-shirt at panty niya rito.


"Layo! Magbibihis ako," pagsusungit niya rito. Hindi niya inaasahan na magkikita sila ngayon at sa ganitong sitwasyon pa. Naiinis na naiiyak siya.


"Ayokong lumayo, Desiree." Seryoso ang boses nito at narinig niya pa ang pagbuntong hininga. Dahil sa baba lang siya nakatingin ay nakita niya ang paghakbang nito papalapit sa kaniya.


Agad niyang naibato ang hawak niya at sumapol naman ang nabato niya sa mukha nito. Natigilani siya nang makitang ang panty niya ang naibato niya. 


"S-sabing layo kasi eh!" 


Kinuha nito ang panty na tumama sa mukha ng binata. Nakatingin ito roon at hindi makapaniwala siyang tiningnan. 


"Did you remember what I said when the first time you entered to my apartment?" magkasalubong ang kilay nito habang nakatitig sa mga mata niya. Napalunok siya ng sunod-sunod dahil humakbang papalapit sa kaniya ang binata. 


"Hindi ba't sinabi ko na pag napunta pa 'yang panty mo sa akin, ako na ang magsusuot sa'yo?" Binuka nito ang panty niya sa harapan niya kaya napaiwas siya ng tingin.


"A-ano bang sinasabi mo... h-hindi ko 'yon alam..." maang-maangan niya kahit natatandaan niya iyon. Sa lahat pa kasi ng mababato niya ay panty pa talaga, pwede naman 'yong t-shirt na hawak niya.


Kainis!


Tinanggal nito ang kumot na nakatabing sa katawan niya. Bigla siyang nataranta at aabutin sana iyon nang tinapon nito ang kumot sa malayo.


"Arkin!" 


"Yes, baby... Scream my name." 


Nakagat niya ang ibabang labi at napayuko dahil nag-init ang pisngi niya. Tinabing niya ng maayos ang tuwalya sa hubad na katawan.


"Let me put this on you, or if you don't want, you can choose. Isusuot ko sa'yo 'to o kakainin muna kita bago ko isuot sa'yo? Choose, baby, choose. Because I'm fucking mad right now. I badly want to make love with you and impregnate you so you can't run away from me anymore." Her body reacted to what Arkin said. His low baritone voice makes her shiver.



Suddenly, her body crave for Arkin's touch...






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top