Kabanata 20


Ilang oras din ang binyahe niya para makarating sa cavite kung nasaan ang bahay ni lola. Dati kasi sa bulacan ito noong niligtas siya nito pero lumipat na ito ng cavite kaya puro sa tawag niya na lang ito nakakausap. 


Hindi na siya sigurado sa itsura nito ngayon pero ang boses nito ay hinding hindi niya makakalimutan. 


Bago siya umalis sa bulacan ay sinabi niya kay Ricamae ang nangyari para alam nito. Ito na rin ang sinabihan niya magsabi kay Aling Mima na babalik siya sa apartment pero hindi niya alam kung kailan pa. Ayaw niya rin kasi bitawan ang lugar na 'yon at isa pa may trabaho rin siya.


Mabuti na lang talaga mabait ang boss niya sa kaniya. Pinayagan siya nito mag work from home dala ang laptop ng kompanya. Pumasok siya sa isang eskinita at nakakita roon ng malaking gate. Hindi niya sigurado kung tama ba ang bahay na nasa tapat niya. 


Binuksan niya ang gate at nakapasok naman siya. Doon niya nakita ang may kalakihan na bahay pero bungalow type dahil single story lang ang bahay. 


"Lola?" tawag niya rito. "Lola! nandito na po ako?" Napakamot siya sa ulo dahil medyo kinakabahan siya. Pumasok siya ng gate tapos baka hindi pala ito ang bahay ni lola.



Pero imposibleng bahay 'to ni lola dahil alam niyang mas mahirap pa sa kaniya si lola.


"Oh nandito ka na pala!" Nanlaki ang mata niya nang makita itong may hawak na paso. Mukhang galing ito sa likod ng bahay at nag-aayos ng tanim. Tumakbo siya papalapit dito at inagaw ang bitbit.


"Lola naman! Bakit ka nagbubuhat ng ganito? baka mapano 'yang balakang mo," saway niya rito. Tinuro nito kung saan ilalagay iyon at nilagay naman kaagad.


"Magaan lang naman."


"Hindi ito magaan para sa'yo lola!"


"Kanina umiiyak ka lang, ngayon nagagalit ka na!" marahan siyang hinampas nito sa braso kaya napanguso siya. 


"Binaba niya ang bag sa isang kahoy na upuan. Pinagmasdan niya si lola, gulo-gulo pa rin ang buhok pero kahit papaano ay maayos naman ang itsura nito. 


"Lola umiinom ka ba? inuman tayo mamaya?" tanong niya habang tumatawa. Hindi naman ito ngumiti sa kaniya at seryoso lang siyang tiningnan.


"Huwag kang tatawa kung hindi naman totoong masaya ka. Niloloko mo lang ang sarili mo." Nawala ang ngiti sa labi niya dahil sa sinabi nito. 


Napabuntong hininga siya nang maramdaman na maiiyak na naman siya. Sinusubukan niyang pigilan pero niyakap siya ng matanda.


"Sige, iiyak mo. Huwag na huwag mong pigilan 'yan dahil mas masakit lalo," ani nito habang tinatapik ang likod niya.


Bumuhos ang luha niya at halos kalahating oras ata siya umiyak hanggang sa mapagod siya. Hindi na sila nakapasok sa loob ng bahay dahil sa kaniya.


Akala niya ay mapipigilan niya kaya sinusubukan niyang tumawa at ngumiti pero hindi pala talaga kaya.


"Mahirap i-explain lola... walang kami pero parang kami dahil sa ginagawa namin. Nahulog ako sa kaniya kahit tinatak ko sa utak ko na imposibleng maging kami ni Arkin, lalo na noong nalaman ko kung gaano siya kataas. Walang wala ako sa mayroon na buhay siya lola. Hindi kami bagay at alam ko naman 'yon. Naiintindihan ko kung bakit ayaw sa akin ng lola ni Arkin, siyempre gusto niya 'yong best para sa apo niya."


Pinunasan niya ang mata niya at kinuha ang inabot sa kaniyang tubig ni lola. 



"Ano ng balak mo? hanggang kailan ka titira rito?" tanong nito sa kaniya.



"Hindi ko alam lola... basta gusto ko munang lumayo sa kaniya. Hindi ko rin naman kayang bitawan ang apartment dahil marami na rin napamahal sa akin na mga kabitbahay ko. Isa pa't naroroon ang trabaho ko. Pasensiya na lola, umiyak ako kaagad." 


"Mas mabuti nga, kaysa naman ngiti ka ng ngiti at tawa ng tawa pero hindi ka naman masaya. Hindi mo kailangan itago ang nararamdaman mo sa akin. Ikaw talagang bata ka!" Kinuha nito ang bag niya pero pinigilan niya.


"Tara na at pumasok na sa loob dahil malamok na rito," ani nito. 


"Sige lola, ako na magbubuhat nito. Kanino pala itong bahay? sakto lang ang laki ng bahay pero malawak ang lupa," tanong niya. Pumasok sila sa loob at namangha siya dahil napakasimple lang ng loob at hindi sobrang daming abubot.


"Ang ganda ng ayos dito lola ha! Minimalist style at mukhang komportable tumambay." 


"Sa amo ko ito. Caretaker lang ako ng bahay. Hindi na siya nakakauwi rito kaya ako na nakatira. Kailangan din naman kasi may nakatira rito para hindi maluma," pagk-kwento nito sa kaniya.


Umupo siya sa sofa at parang hinahatak siya roon ng antok. Malambot at mukhang mamahalin ang sofa. Natutuwa siya sa disenyo dahil white at beige ang kulay sa loob tapos may mga halaman pa na magaganda. 



"Ang ganda pala ng tinitirhan mo lola," sambit niya rito.


"Oo, kaya nga hindi ko tinatanggap pag balak mong magpadala dahil maayos naman ang lagay ko. Ikaw lang ang nag-aalala lagi riyan." 


"Siyempre! Ikaw nag savior ko eh," nakangiting sambit niya.


Tumayo siya sa sofa at binitbit muli ang gamit niya ng sinenyasan siya nitong sumunod sa kaniya. Pumasok sila sa isang kwarto at sa tingin niya ay guestroom iyon dahil kama at built-in cabinet lang ang naroroon.


"Dito ka matutulog. Ilagay mo na ang mga damit mo riyan sa cabinet para hindi ka mahirapan."


"Thank you lola. Sige na ako na ang mag-aayos nito, magpahinga ka na." Niyakap niya ito ng mahigpit. Marami na talaga siyang utang na loob dito.


"May sinigang na hipon doon, kung gusto mo kumain ay magsabi ka lang o dumeretso ka na sa may kusina." 


Tumango siya rito at iginaya na palabas ng kwarto dahil halata niyang balak pa siya nito tulungan sa gamit niya. Gusto niya na itong pagpahingain dahil baka pagod na ito. 


Pumasok siya muli sa kwarto at inayos na kaagad ang gamit niya. Nakapatay ang cellphone niya at hindi niya binubuksan dahil sigurado siyang tatawagan siya ng binata. 


Nang matapos niya maayos ang gamit niya ay binuksan niya ang laptop na dala. Lumabas siya para tingnan ang password ng wifi dahil may nakita siyang wifi kanina sa sala. Nang makuha ang password ay sinilip niya sa kabilang kwarto ang lola at nakita niyang nagpapahinga na ito kaya hindi niya na inistorbo.


Tinry niya i-connect ang laptop na dala at may internet naman. Mabuti na lang dahil makakatipid siya sa data at load. 


Nag-email siya kay Ricamae para sabihin na sa maayos siyang lugar. Hindi niya sinabi rito dahil alam niyang madaldal din ito at baka pag tinanong ni Arkin ay masabi pa kung nasaan siya.


Nakatanggap naman siya ng panibagong email kay Ricamae.


From [email protected]

- Kakarating lang ni Arkin sa apartment at ako kaagad ang binulabog dahil hindi ka niya ma-contact at wala ka raw sa apartment. Alam niya rin na nabawasan mga damit mo at wala 'yong bag mong malaki! Para kayong mag-asawa na magdi-divorce, nakakaloka kayo!



To [email protected]

- Sabihin mo na lang wala kang alam. Balitaan mo na lang ako pag hindi na siya nangungulit diyaan o umalis na siya sa apartment, okay? 



In-ex niya ang tab ng email niya at napahiga sa kama. Wala siyang gana kumain ng hapunan, gusto niya na lang matulog para ipahinga ang mata niyang namamaga. 



Sa araw na 'yon kahit masakit ang puso niya ay pinahinga niya lang. Mabilis naman siyang nakatulog dahil pagod na pagod siya mentally at physically. 





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top