Kabanata 2




Alas-otso na siya naka-out dahil nag-overtime siya. 9am to 6pm kasi ang duty niya at dalawang oras siyang overtime. Marami rin kasi siyang ginawang paper works at in-organize na files. Okay na rin dahil sanay naman siya sa paguran at higit sa lahat may overtime pay naman. Tapos na rin siya kumain dahil sa free dinner sa office.


Kaya swerte na rin siya rito dahil kompleto ang government and health benefits, plus ang lunch and dinner na pagkain.


Nagpaalam siya kay Alvhea nang makalabas sila ng building. ito ang katrabaho niyang kasama niya mag overtime ngayong araw.

She pursed her lips while feeling the raindrops at his palm. Malakas kasi ang ulan ngayong araw. Pag-alis niya kaninang umaga ay sakto lang naman pero ngayon ay malakas na, sinabayan pa ng hangin.

Naghintay siya ng tricycle pero wala pa ring dumadaan. Hindi naman kasi nadadaan ang mga jeep sa street na 'yon.

Kaya naman lakarin gaya ng ginagawa niya pero gusto niya sana mag tricycle dahil hindi biro ang ulan.

Tinitigan niya nag payong niya at ginalaw galaw. Nakikiramdam siya kung kakayanin ba no'n ang lakas ng ulan at hangin.

Nilapag niya saglit ang nakabukas niyang payong at binuksan ang bag niya. Kinuha niya ang panyo at binalot niya sa cellphone dahil baka mabasa ang bag niya at madamay pati ang cellphone niya. Binalot na rin niya sa plastic iyon at sinama roon ang wallet niya. May plastic siya dahil kinuha niya iyon sa office.

Wala naman ng importanteng laman ang bag niya kaya okay na iyon kung sakaling mabasa.

Kukunin niya na sana ang payong niya nang biglang may dumaan na napakalakas na hangin dahilan para mapapikit siya. Ramdam niya rin ang ulan sa buong mukha niya na tumabing.

"Ano ba 'yan!" bulalas niya. Pagdilat niya ay halos manghina siya nang makitang nilipad na ang payong niya at mukhan nasira na.


Kinalma niya ang sarili at pilit na maging positibo lang.

"Okay lang 'yan Desiree, atleast hindi ka tinamaan ng kidlat."

Naghintay pa siya ng ilang minuto hanggang sa kalahating oras na ay wala pa ring tricycle. Mukhang wala ng pumapasada dahil sa lakas ng ulan.

Sabi sa balita ay mahina lang naman daw ang bagyo pero parang hindi naman sa nararanasan niya ngayon.

Hindi niya kasi mapapakisuyuan si Ricamae na sunduin siya at magdala ng panibagong payong dahil wala ito sa apartment, nasa pinsan niya ito sa quezon city.

Eh ang layo layo naman ng quezon city sa bulacan.

Mukhang wala talaga siyang magagawa kun'di magpaulan.

"Wala pa namang sampung minuto ang paglalakad hanggang bahay. Kaya mo na 'to Desiree kahit umuulan." Para siyang baliw na kinakausap ang sarili niya pero iyon lang ang paraan para lakasan niya ang loob niya.

Marami na rin kasing nag sara na store sa paligid. Mayroong gym na bukas sa tapat ng office nila pero sigurado siyang walang tinda na payong doon.

Napatingin siya sa ilaw ng gym dahil malaki iyon.

A.A FITNESS CLUB

Iyon ang nakasulat doon at halata niyang pang may kaya ang datingan.

Inalis niya na ang tingin doon at naglakad na. Sobrang ginaw na ginaw siya pero wala siyang magagawa. Yakap-yakap niya ang bag habang naglalakad sa medyo kadiliman na daan.

Nalayo na kasi siya sa gym na malakas ang ilaw sa labas. Ganito talaga pag probinsiya, sanay na siya.

Hindi naman na probinsiyang probinsiya ang bulacan dahil dumarami na rin ang mga establishment pero hindi pa rin maiiwasan na maaga magsara ang iba.

Pinunasan niya ang mukha niya dahil basang basa na. Pasalubong kasi ang ulan at hangin sa kaniya kaya iba ang tama sa mukha niya.

Napalingon siya nang may sasakyan na dadaan. Gumilid siya ng husto para hindi matalsikan ng tubig sa daan.

Nakalagpas naman ito sa kaniya kaya medyo madilim na naman ang paligid.

Napahigpit ang hawak niya sa bag niya nang mapansing umatras ang sasakyan ng dahan dahan. Binilisan niya ang lakad niya, iyong halos patakbo na.

Nang malagpasan niya ang sasakyan ay bigla naman itong umabante. Tatakbo na sana siy nang bumukas ang bintana ng kotse kaya napatingin siya roon.

"Why are you walking in a middle of the rain? Are you insane?"

Halos maiyak siya nang makitang Arkin iyon.

"Tangina mo naman! Akala ko masamang loob ka na sumusunod sa akin!" hiyaw niya rito at napahawak pa sa noo. "Pero buti na lang talaga ikaw, atleast hindi kidnappers," dugtong niya pa.

Tumango siya rito at kumaway. "Sige na, ingat sa pagmamaneho!" sambit niya rito at pinagpatuloy ang paglalakad.

Literal na kinabahan talaga siya. Mag isa lang kasi siya sa daan dahil gabi na at maulan pa.

Kumunot ang noo niya nang masilaw ulit dahil lumapit na naman ang sasakyan ni Arkin sa kaniya. Nakababa pa rin ang bintana nito kaya kita niya.

"Get in." Agad siyang umiling sa sinabi nito.

"Okay lang! Ayaw kong masira ang loob ng kotse mo dahil nabasa ko. Wala akong pera!" tawa niya rito. Nag thumbs up pa siya at binilisan na lang ang lakad pero hindi siya nito tinantanan.

"Get in or I'll carry you here?"

Pinunasan niya ang mukha niya at tinuloy na lang ang paglalakad dahil mas lumakas ang ulan at hindi niya na maintindihan ang sinasabi ng binata.

"Mukhang minumura na ako ah," natatawang bulong niya sa sarili.

Halos mapatili siya nang bigla siyang umangat. Laking gulat niya nang bitbitin siya ni Arkin papuntang kotse at isinakay roon.

"Anong ginagawa mo? Basa ka na rin tuloy!"

"I said get in! You are really like to pissed me off aren't you?" Napalunok siya dahil galit na galit na ito sa kaniya.

"Get that towel and wipe your hair and body," sambit nito bago isara ang pinto at umikot sa kabila. Nakita niy naman ang towel na nakasampay sa upuan ng driver seat.

Mukhang bago pa iyon at nakita niya ang tatak ng A.A Fitness Club.

Hula niya isa itong gym trainor. Napatingin siya sa katawan nitong mas lalong nakita nag muscles dahil nabasa ang parteng 'yon.

"Stop staring at me." Kinuha nito ang kabilang dulo ng towel at pinunasan ang mukha. Napansin niya ring naka off na ang aircon ng sasakyan kaya kahit papaano hindi siya nilalamig ng sobra.


Pinaandar nito agad ang sasakyan habang siya naman ay nagpupunas pa rin ng basang katawan.


"Baka pagbayarin mo ako ha? basa na na 'yong upuan oh," kabadong sambit niya at pilit pinupunasan ang ibabang bahagi niya.


"Wala akong pera ha—"


"Can you please stop talking?" Lukot na lukot na ang mukha nito kaya tinikom niya na lang ang bibig niya. Ilang minuto lang ay nakarating na sila.


"Ako na ang bababa para magbukas ng gate, tutal basa na rin naman ako." Hindi na niya ito hinantay magsalita at bumaba na sa kotse. Iniwan niya muna ang bag niya ron para hindi na tuluyang mabasa pa.


Pumasok siya sa maliit na gate at binuksan naman ang malaking gate para makapasok ang kotse.


"Oh, anong nangyari sa'yo at basang basa ka ng ulan? May payong kang dala kanina ah?" sigaw ni Mang Kanor nang makita siya.


"Nilipad tapos nasira eh," tawa niya rito. Pumasok naman kaagad ang kotse ni Arkin nang mabuksan niya. Nang makapasok ng tuluyan ay sinarado niya rin ang malaking gate. Walang pagbabago sa ulan dahil malakas pa rin ang buhos.


"Magkasabay kayo ng katabing apartment mo?" pakikichimiss ni Aling Mimasaur nang tumanaw ito sa pintuan ng bahay.


"Eh, naawa ata sa akin, naglalakad kasi ako sa gitna ng ulan. Sige na at maliligo na ako!" Nagpaalam siya sa mga ito dahil alam niyang maraming itatanong si Aling Mima, isa rin kasi 'yang chismosa at halatang halata.


Lumapit siya sa sasakyan ni Arkin at kinuha ang gamit niya. Gamit ang towel na pinamunas niya sa sarili ay pinunas niya naman iyon sa inupuan niya. Kahit papaano ay natuyo iyon.


"Hindi ba 'to maamoy kulob? Ako na lang ang magpapa car wash nito, tutal ay naawa ka naman sa'kin," sambit niya. Sinundan niya ito pero hindi man lang ito sumasagot. Nang nasa tapat na sila ng apartment ay bigla naman namatay ang ilaw.








"Ahhhhhhhhhhhhh! Tangina naman!" Takot na takot siyang kumapit sa katabi nang makapa niya ito. Wala siyang makita ni katiting man lang.


"Get off! Fuck." Pilit inaalis sa ni Arkin ang kamay niya sa braso nito pero sunod-sunod ang pag-iling niya kahit hindi siya nito nakikita.


"Hindi! 'Wag mo ako iiwan! Ayoko makakita ng multo!" sigaw niya rito.


"Damnit! Don't shout, magkatabi lang tayo oh!"


Hindi siya nag-iinarte at talagang takot siya. Hindi niya kasi makalimutan noong nakaraang araw ng patay ay may naramdaman siyang naglalakad sa hallway at sinabi rin sa kaniya ni Ricamae iyon.


Napaparanoid na tuloy siya pag wala siyang makita. Okay lang sana kung nandiyan sa kabila si Ricamae pero wala naman. Ang tanging matatakbuhan niya lang itong kapit bahay niyang masungit na mabait naman pala.





"Psst... Psst."





"Sasapakin kita! tigilan mo kakasitsit mo." Humigpit ang hawak niya sa binata, halos yumakap na siya rito.


"The fuck? Are you talking to me? Sobrang lapit mo sa akin kaya dapat alam mong hindi ako 'yon," mariin na ani nito. Mas lalong umahon ang takot at kaba niya sa dibdib.


Napatalon siya rito at napayakap na ng makapa ang leeg nito.


"What the fuck are you doing!"


"Psst... Psst..."


"Ayan na naman!" iyak niya rito. Wala itong nagawa kun'di buhatin siya nito dahil nakapalibot na ang dalawa niyang paa sa bewang nito.


Nakapikit lang siya at nakasubsob ang mukha niya sa leeg ng binata. Literal na nanginginig siya sa lamig at sa takot.


"Hey... Get off," he muttered. Inalis nito ang pagkakahawak sa likod niya para alalayan siya. Napadilat siya ng mata nang biglang may tumawa ng malakas.


Napalingon siya at nakita niyang si Ricamae iyon at namumula na sa kakatawa. Napaupo pa ito sa hagdan dahil sa kakatawa. Naibaling niya ang tingin niya kay Arkin na blanko ang mukha habang nakatitig sa kaniya.


Ibinaba niya ang tingin at halos mapatalon siya para makalayo rito. Nag-init ang buong mukha niya nang ma-realize ang posisyon nilang dalawa. Para siyang bata na nagpabuhat ng paharap.


"Manyakis ka pala, Desiree ha!" bulalas ni Ricamae na halos naiyak na sa kakatawa.


Kinalkal niya ang bag niya at kinuha roon ang susi tiyaka mabilis na tumungo sa pintuan niya. Nataranta pa siya at nailaglag ang susi kaya mas lalo siyang tinawanan ni Ricamae.


"Mamaya ka sakin, tignan mo lang. Babawian kitang bruha ka," bulong niya sa sarili nang mapulot ang susi at binuksan ang pintuan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top